Chapter Twelve
Bullet's POV
Wala na akong magawa sa kung anong gusto ni mama. She wanted to have a baby shower for Aria and it's totally fine with me. I can't argue about that stranger with her. Lagi na lang akong mali. Lagi na lang ako ang may kasalanan kapag magsisimula ng umiyak ang babaeng iyon dahil nasusukol ko na.
But if there's a consolation of Aria's presence in our lives, ngayon ko lang nakita si mama na sumaya ulit at kahit madalas kaming nagtatalo ni mama tungkol kay Aria, at least nagkakausap kami. Meron kaming communication na dalawa. After Papa died and Hunter left us, hindi na kami halos nagkaroon ng pagkakataon na mag-bond ni mama. She prefers to stay here in the ancestral house and I preferred to stay in Manila to manage our business. Business na dapat ay si Hunter ang nag-aasikaso.
Mabilis akong nag-shower at inayos ang sarili ko. I can't stay here para sa pa-party ni mama. I need to go back to Manila to attend the monthly EXECOM of the company. Kailangan ako doon at kanina pa text ng text sa akin ang sekretarya ko. Ako na lang daw ang hihintay ng piloto ng chopper namin para makabiyahe na ako pabalik ng Manila.
Nagsuot na ako ng business suit para diretso na ako sa office. Pagbaba ko ay naabutan ko si mama na nasa sala at parang masinsinan na kausap si Aria. I can see trouble on Aria's face. She looks worried while explaining to my mother.
"Hindi naman po kasi kailangang ganito. Unang-una, gastos lang po saka hindi pa naman ho ito ma-a-appreciate ng anak ko," paliwanag niya.
Lalo akong lumapit sa kanila pero hindi ako nagpakita.
"Iha, para na rin itong pasinaya sa pagdating mo. Ayokong maging malungkot dahil malapit na ang forty days ni Hunter. Ayokong isipin na forty days na siyang wala at hindi na babalik sa atin. I am just thinking that he is just somewhere in the mountains finding his true happiness. I don't want to think about death anymore because I've felt it already when my husband died and Hunter. 'Yung mga ganitong bagay na lang ang nagpapasaya sa akin," I know my mom is on the verge of crying.
Napakagat-labi si Aria at napayuko.
"Pero baka puwede hong huwag na kayong mag-invite ng maraming tao. Hindi ko naman ho kasi talaga kilala ang mga kaibigan ni Hunter." Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ni Aria.
"Pero kailangan ka nilang makilala. Karapatan mong makilala ang mga kaibigan ng asawa mo. I want you to know him better." Hinawakan pa ni mama ang mukha ni Aria.
Napailing at napabuga ako ng hangin. I know kaya ayaw niya ng maraming tao dahil natatakot siya na may makakilala sa kanya. Doon na ako lumabas at nakita kong lalong naging uneasy si Aria.
"Where are you going?" Takang tanong ni mama sa akin.
"I need to go back to Manila, 'ma. I totally forgot that today is the EXECOM meeting," sabi ko at humalik ako sa pisngi ni mama.
"Hindi ka makakahabol sa baby shower ni Aria?" Paniniguro pa ni mama.
Tinapunan ko ng tingin si Aria at halatang umiiwas siya ng tingin sa akin. Halos mabali ang leeg niya sa pagtingin sa labas.
Umiling lang ako. "I don't know when I can come back. But I'll be back here, 'ma. And when I return, I'll make sure that all of us will be enlightened in our current situation," tumingin ako ng makahulugan kay Aria at nakita kong seryoso siyang nakatingin din sa akin.
Hindi ko alam kung hindi na-gets ni mama ang sinabi ko pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. Mas focused kasi siya sa excitement ng baby shower na ino-organize niya.
"Alright. Have a safe trip." Tinalikuran na niya ako at hinarap na si Aria. "Come on, iha. I want you to look at the color palettes that I chose. Since you are having a boy, I was thinking of color hush blue and turquoise with a touch of white and gray or silver. What do you think about that?" Inaalalayan pa ni mama na makatayo si Aria at naglakad na sila papunta sa garden.
Napailing na lang ako at dire-diretso na akong lumabas ng bahay.
Gagawin ko talaga ang matagal ko ng dapat na ginawa. Aalamin ko talaga kung sino talaga si Aria Acosta.
--------------------à>>>>>>>
Amy's POV
Ngalay na ang pisngi ko sa walang tigil na kakangiti sa mga taong bumabati sa akin. Ang sabi ni Mrs. Acosta, ilan lang naman ang bisita para sa baby shower na inorganize niya kaya nawala ang pag-aalala ko na maraming taong makakakita sa akin. Pero nakalimutan niyang banggitin na ang iilan niyang bisita ay halos lahat ng mga taong nakakakilala sa kanya sa lugar nila. May bisita siyang mga taga-bangko, may bisita na mga members ng rotary, bisita rin niya ang mga doktor mula sa town clinic. Binati nga ako ni Dr. Dela Cruz at naipagpasalamat kong hindi niya kasama si Jean na ex ni Hunter. Hindi ko alam kung paano kasi haharap sa ex ng lalaking kini-claim kong asawa ko. Narinig ko pa nga na invited din ang town mayor, vice-mayor at mga konsehal pero hindi lang makakarating dahil sa may meeting sa municipal hall. Nalulula ako sa dami ng bisita. Nalulula ako sa dami ng handa at hindi ako sanay na ang atensyon ng mga tao ay nakapukol sa akin.
Ayaw ni Mrs. Acosta na pag-usapan ang tungkol sa pagkamatay ni Hunter. Very vocal siya sa mga tao at talagang ini-announce niya iyon sa lahat ng bisita. Mas gusto daw niyang pag-usapan kung paano nabuhay si Hunter. Gusto niyang marinig ang magagandang kuwento ng mga nagawa ng anak niya habang nabubuhay pa ito.
Saka proud na proud siyang ipakilala ako sa mga tao na asawa ni Hunter. Kahit sa tingin ko nga ay parang hindi makapaniwala ang mga tao na ako ang napangasaw ni Hunter ay walang pakiealam si Mrs. Acosta. Proud niyang sinasabi na nagkakilala kami sa bundok ng anak niya. Minahal ko ang anak niya kahit hindi ko alam na mayaman. Ang hirap sumabay. Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko na baka isa sa mga tao dito ay makilala ako.
"Are you feeling better?"
Nilingon ko ang nagsalita sa akin at parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko ng makilala kong si Dr. Jean Baltazar iyon. Ang ex ni Hunter.
Pilit na pilit akong tumango at hinahanap ng paningin ko si Mrs. Acosta. Parang gusto ko ng kakampi ngayong mga oras na ito.
"Are you taking the vitamins that I gave you?" Tanong pa niya habang umiinom sa hawak na baso ng wine.
Muli akong tumango. Naaasiwa ako sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin kasi para talagang kinikilatis niya ako.
"I am so sorry for your loss. I still can't believe that Hunter is gone and he marry you," sabi niya at inubos ang laman na wine ng baso at muling nagpasalin sa dumaang waiter.
Ano ba ang sasabihin ko? Siguro kung totoong biyuda ako ni Hunter ay maaapektuhan ako dito pero hindi naman kasi talaga. Ang totoo, naaawa nga ako sa Jean na ito dahil siya ang iniwan ni Hunter.
"Pinilipit namin na maging okay ng baby ko." Napabuga ako ng hangin. Ito na naman. Walang katapusang pagsisinungaling na naman ito.
Ngumiti siya ng pilit.
"He told me he never wanted kids yet kaya kahit gusto ko ng magpakasal kami noon ay hindi ko siya pinilit until he took off without saying why, without even saying goodbye." Nakita kong namuo ang luha sa mata ni Jean at halatang nasasaktan talaga siya lalo na nga at nakikita niya ako. Mukhang mahal na mahal pa niya si Hunter talaga. "And look at you. You are carrying his baby." Pilit siyang ngumiti sa akin.
"Pasensiya ka na. Wala kasi siyang nabanggit na may iniwan siyang girlfriend. It was love at first sight." Shit. Love at first sight na naman. Hindi na nga naniniwala sa katarantaduhang kasabihan na iyon pero iyon ang sinasabi ko sa mga taong nakakaharap ko sa tuwing nagtatanong sila kung paano kami nagkakilala ni Hunter.
Mabilis niyang pinahid ang mga luhang biglang tumulo sa mata niya.
"I am so sorry. Sorry about this," tumalikod siya sa akin at pinahid ang mga luha tapos ay pilit na nakangiting humarap sa akin. "It was just not easy to let go of our ten year old relationship."
What? Ten years?! Tapos ibang babae ang pinakasalan ni Hunter? Gago pala ang lalaking iyon.
"I was hoping na babalik siya dito at pag-uusapan namin kung ano talaga ang nangyari sa amin. We don't have a proper break up and I was left hanging. Every day I was waiting for him and babalik kami sa dati. But he will never be back. Instead, ikaw ang dinala niya dito at ang anak 'nyo." Nakatingin siya sa mukha ko.
"I am really sorry," iyon na lang ang nasabi ko.
Umiling lang siya.
"I guess all the explanations that I wanted to hear he brought it in his grave. And the answer to my question is right in front of me." Talagang titig na titig siya sa akin kaya naasiwa na ako.
"Anong question?" Taka ko.
"If he still loves me, pero nandito ka na, eh. Ikaw na siguro ang sagot sa tanong ko kung maghihintay pa ako sa kanya. Sana naniwala ako sa sinabi ni Bullet noon na hindi na babalik pa si Hunter. Sana tinanggap ko na lang ang ino-offer na pag-ibig ni Bullet." Ramdam ko ang panghihinayang sa boses niya.
Hindi ako nakakibo. So si Bullet din? Sobrang ganda ba ng babaeng ito para ma-inlove pareho ang magkapatid sa kanya? Hindi naman siya masyadong maganda. Sophisticated, yes. Kaya niyang dalhin ang sarili niya at isa pa, doktor siya. Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Jane. Type din siya ni Bullet? Hindi pala magaganda ang type ng lalaking iyon.
Hindi ko alam kung bakit parang nairita ako at parang ayoko ng kausap ang Jean na ito. Ayoko ng marinig ang mga kuwento niya tungkol kay Hunter o kay Bullet o kung anuman.
"Jean? I didn't know you were coming. Sabi ng sekretarya mo papunta ka ng Manila."
Naipagpasalamat kong dumating na si Mrs. Acosta at may dahilan na ako para umalis dito.
"Hi, Mama Frances." Nakangiting bati ng doktora at humalik sa pisngi ng matanda.
"Papunta talaga ako and I was trying to look for Bullet. Nabanggit kasi niya na pabalik din siya ng Manila kaya sasabay na sana ako pero nagkaroon ng emergency sa clinic kaya nakalimutan ko siyang tawagan. Sabay kasi kaming nag-jogging kanina," sabi pa nito.
Ang babaeng ito ang kasama ni Bullet na mag-jogging? Kaya naman pala maganda ang mood ng lalaking iyon kanina.
Shit. Bakit ba ako nakakaramdam ng inis? Naiinis talaga ako sa kanya. Siguro sa hormones lang ito. Ganito naman daw ang mga buntis. Nag-iiba-iba ng moods.
"So you meet Aria already?" Nakangiting sabi ni Mrs. Acosta at ikinawit pa ang braso sa braso ko. Halatang parang naging uneasy si Jean sa nakita niya.
"Yes Mama and we are good. I was just asking her if she is taking the vitamins that I gave her." Tumingin pa sa akin si Jean at pilit na ngumiti.
"Are you taking your vitamins, Aria?" Totoo ang concern na ipinapakita sa akin ni Mrs. Acosta.
Tumango lang ako.
"P-puwede ho ba akong magpahinga muna? Parang medyo nahihilo lang po ako." Pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, ayoko na lang mag-stay pa dito.
"Sure, iha. Sige, sige. Halika at ihahatid kita sa kuwarto mo," sabi ni Mrs. Acosta at iginigiya na akong maglakad. "Mauna na muna kami, Jean. Feel yourself at home. You used to do that here." Tuloy-tuloy na kaming naglakad ng matanda papunta sa kuwarto ko.
"Kaya ko naman pong umakyat mag-isa. Nakakahiya ho sa mga bisita." Sabi ko kay Mrs. Acosta.
"Pabayaan mo sila. My concern is you and your baby. If you are not comfortable with the people that are talking to you, you tell me. Are you good with Jean?" Seryosong tanong ni Mrs. Acosta.
"Opo." Pagsisinungaling ko kahit parang nakaramdam ako ng bigat ng feeling sa kanya ng sabihin niyang pati si Bullet ay may gusto sa kanya.
Na-hmm lang ang matanda at tinulungan akong maka-upo sa kama ko.
"Magpahinga ka na muna. Lumabas ka na lang kapag okay ka na."
Tiningnan ko na lang ang pintong dinaanan ng matanda at napabuga ng hangin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top