Chapter Three
Amy's POV
Hindi ko na alam kung kailan pa ako huling nagising ng matino. Kasi sa tuwing gigising ako at tatawagin nila akong Mrs. Aria Acosta, talagang nagwawala ako. Bakit ba ayaw nilang maniwala na hindi ako ang sinasabi nilang Mrs. Acosta? Tinalian pa nila ang mga kamay ko kasi para hindi ko daw masaktan ang sarili ko dahil sa pagwawala ko. Ipinaliwanag ko na sa mga doktor at nurses na tumitingin sa akin na sa bus ko lang nakilala ang lalaking sinasabi nilang asawa ko. Naaalala ko lahat hindi ako puwedeng magkamali tulad ng sinasabi nila.
Pinipilit lang nila na under stress lang ako at nakaka-experience pa rin ng trauma kaya sinasabi ko daw ang kung ano-anong imbento. Magpahinga lang daw ako at bigyan ng pagkakataon ang sarili kong maka-recover dahil sa nangyaring trauma sa akin. Bakit ba hindi nila maintindihan na nagsasabi lang ako ng totoo?
Kaya ngayon pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi na rin bumalik ang matandang nagpunta dito. Siguro siya naniwala siyang nagkamali siya sa akin. Itong mga doktor lang na nandito ang makukulit. Ayaw pa nila akong pagamitin ng telepono para matawagan ko si Liv at ng malaman niya ang sitwasyon ko.
Nakakabagot dito sa ospital. Mabuti na nga lang at may tv kaya iyon lang ang pinagkakaabalahan ko. Ilang araw ng laman ng balita ang tungkol sa nangyaring aksidente ng bus na sinasaksakyan ko. Sa tv, sa radyo at sa diyaryo. Nangilabot ako ng una kong makita ang mga litrato sa diyaryo. Ang daming namatay! Ngayon din nag-sink in sa akin ang katotohan na isa ako sa masuwerteng nabuhay ng walang kahit na anong grabeng pinsala sa katawan at maging ang anak ko ay okay pa rin. Nalungkot lang ako para sa mga namatay lalo na 'yung mga halos hindi na makilala at nagkalasog-lasog ang katawan. Nakakatakot ang mga itsura nila. Nakakapangilabot talaga ang nangyari.
"Anak, ang suwerte pa rin natin at nakaligtas tayo sa aksidente na 'yon. Sabi ko naman sa 'yo hindi kita pababayaan. Ganyan kita kamahal kahit tinalikuran tayo ng tatay mo." Sabi ko sa sarili ko habang hinihimas ko ang bahagya kong umumbok na tiyan. Nakakapagtaka talaga kasi nitong mga nakaraang buwan na pilit kong itinatago ang pagbubuntis ko na ito ay parang nakikisama ang anak ko. Talagang naitatago ko siya sa mga sinusuot kong damit gamit ang girdle pero ngayon, umbok na umbok talaga.
Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at paano magpapatuloy ng buhay. Tinalikuran ako ni Carlo at ang magiging anak namin tapos gusto pa niyang kunin dahil hindi magkakaanak ang asawa niya. Hindi ko napigil ang sarili kong mapaiyak. Ganito ba talaga ang buhay naming mahihirap? Tingin ng mga mayayamang tao kayang-kayang bilhin ang pagkatao namin?
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang matandang babae na una kong nabungaran ng magising ako. Tipid siyang ngumiti sa akin habang isinara niya ang pinto. Bihis na bihis din siya. Itim na bestida. Kahit may edad na halata ang pagiging sopistikada.
"Umiiyak ka rin?" Tanong niya ng makalapit sa akin.
Umiling lang ako at pinahid ang mga luha ko. Tamang-tama siguro ito maipapaliwanag ko sa kanya ang mixed up na nangyari.
"I am sorry kung hindi na namin hinintay ang paglabas mo dito sa ospital. I don't want to see my son inside a box. I want to remember him as my carefree boy," nagsimulang umiyak ang matandang babae.
Oo nga. Napagkamalan niya akong asawa 'nung lalaking nakilala ko sa bus. 'Yung mag-asawang backpackers. Hindi ko akalain na namatay sila doon. Sayang. Sobrang inlove na inlove pa naman sila sa isa't-isa.
"Katatapos lang ng libing ni Hunter. My son is gone," tuluyan ng napahagulgol ang matanda tapos ay may kinuha ito sa bag. Nakita kong iyon ang kuwintas na ibinigay ni Aria sa akin. "I want you to have this again. This necklace helped to find you. Alam kong gusto ni Hunter na alagaan namin kayo ng magiging anak niya."
Napangiwi ako sa narinig na sinabi niya.
"Maam, maniwala ho kayo. Ang totoo kasi -" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil parang kilala ko ang ipini-feature na kasal sa tv. Nawala ang atensyon ko sa matanda at itinutok ko ang pansin sa tv. Inilakas ko pa ang volume. Totoo ba ito?
Ipini-feature sa entertainment section ng sikat na pang-gabing balita ang kasal ni Carlo at Charlotte Ling. Engrandeng-engrande na ginanap three nights ago. Kilalang mga tao ang mga bisita. Miyembro ng congress, senate ang ibang mga ninong at ninang. Naroon din ang presidente ng bansa. Ang ganda ng gown ni Charlotte. Halatang mamahalin ang tela at sikat na couturier ang gumawa. Ipinakita rin si Carlo na kuntodo ngiti sa mga bisita nila. Sinasabi ng nagbabalita ang lugar kung saan sila kinasal, ang reception.
Kusang tumulo ang luha ko ng makita silang dalawa ng naghalikan sa harap ng pari. Palakpakan ang mga tao. Lahat masaya para sa pag-iisang dibdib ng mga mayayamang negosyante na 'to.
Ngayon ko naisip na sana nakasama na akong namatay sa aksidente na iyon. Sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Carlo. Pinaasa niya ako. Pinaniwala na mahal niya ako kaya ibinigay ko ang lahat. Naniwala akong kaya niyang talikuran ang marangyang buhay para sa akin pero mali ako. Katangahan ko lahat kung bakit ako narito sa miserableng sitwasyon na ito. Kung bakit hindi na ako makakabalik sa buhay ko.
"Iha? Okay ka lang?"
Napa-ha lang ako sa matandang babae na kaharap ko na nag-aalalang tumingin sa akin.
"You're crying. Naalala 'nyo ba ang kasal ng anak ko?" Naiiyak na din siya.
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa tv at sa matanda. Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita kong kasiyahan sa mukha ni Carlo habang nagsasayaw sila ng asawa niya. Wala sa loob na nahawakan ko ang tiyan ko.
Sige, Carlo. Magsaya ka sa bagong buhay mo. Pero hinding-hindi makukumpleto ang pamilya mo. Kahit kailan hindi mo mararanasan magkaroon ng sarili mong anak. Akin lang ang anak ko.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at humarap sa matanda.
"Pasensya na ho, maam. Sumasakit ho talaga ang dibdib ko kapag nakakakita ako ng ikinakasal. Alam 'nyo naman na kakakasal lang namin ng anak 'nyo." Umiiyak na sabi ko sa matanda.
Paninidigan ko na 'to. Wala na rin naman akong babalikan. Paninindigan ko ng ako si Aria Acosta para sa kinabukasan ng anak ko.
—————>>>>>
Carlo's POV
Pangatlong gabi na namin ni Charlotte na narito sa France para sa honeymoon namin. Pangatlong gabi ko na ring nakababad sa bar lounge ng hotel. Mag-iinom ako hanggang sa malango ako at pagbalik ko sa kuwarto ko ay matutulog na lang.
My life is so fucked up. The woman that I love died because of me. Now, I am married to a bitch para lang maisalba ko ang pamilya namin. Why do I need to take the fall? Kasalanan ko ba kung sa maling tao nakipag-transact ang tatay ko? Stupid decisions that he made and now I am in this hell hole. Hindi man lang ako nakapunta sa burol ni Amy. Hindi ko man lang nasilip kahit sa libing. Hanggang sa huli, hindi pa rin ako pinagbigyan ni mommy na makita siya.
This fucking family tradition. Bakit kailangan na pakielaman ng mga magulang ko ang buhay ko? And I hate myself dahil pumayag akong manipulahin nila. Wala naman akong magagawa kasi reputasyon ng pamilya namin ang nakasalalay. The family's wealth is gone because of my dad's fault. Makukulong siya kung hindi niya magagawan ng paraan and Charlotte's family saved him from a huge humiliation and this is the price we have to pay. I need to marry her.
Sumenyas ako sa waiter ng isa pang bote ng whisky. Konti na lang ang natitira sa boteng naiwan ko kagabi at binalikan ko ngayon. Bitin pa ako. Alcohol is not yet kicking in. Gusto ko 'yung langong-lango ako na wala na akong alam sa paligid ko. Gusto ko mahihiga na lang ako sa kama at pipikit na lang para makasama ko na si Amy.
Ibinaba ng waiter ang bote ng alak sa harap ko.
"Je vous remercie," sabi ko sa waiter at binuksan ko ang bote.
"De rien," nakangiting sabi ng waiter at iniwan na ako.
Tiningnan ko lang ang telepono ko na walang tigil ng kaka-blink. Naka-silent kasi iyon. I saw that my mom is calling me. Natawa lang ako at ni-reject ko ang call niya. I am sure her loving daughter in law is crying again.
Nag-vibrate ang phone ko. I received a text message from her.
Charlotte is crying! It's your honeymoon pero hindi mo siya sinasamahan. You even booked a new hotel room?
Muli akong nagsalin ng alak sa baso at ininom iyon. Dinampot ko ang phone ko at sinagot siya.
She should be thankful that I didn't leave her. Dito pa rin ako nag-stay sa hotel kung nasaan siya
Nag-ring ang phone ko. Tumatawag na naman si mommy. Hindi ko naman sinagot kaya nag-text na naman siya.
Punyeta ka, Carlo. Sagutin mo ang telepono mo! Itigil mo na ang pagngalngal mo dahil namatay ang walang kuwentang babaeng iyon. Kasalanan niya kung bakit nawala ang apo ko.
Natawa ako at pinatay ko na ang telepono ko. Sometimes I can't understand my mom. She hates Amy pero gusto niyang kunin ang anak namin. Unfotunately, I can never have a kid forever. Isa lang ang anak ko at namatay pa kasama ang babaeng mahal ko.
——————>>>>>>
Bullet's POV
After mailibing ang kapatid ko ay kinausap ko na ang mga abogado namin para i-discuss ang tungkol sa naiwang estate ni Hunter. Ayoko na itong pagtagalin pa dahil marami na rin akong na-miss na trabaho. My leave days would be over soon kaya kailangan ko na itong matapos agad. Hindi ko naman maaasahan si mama dahil depressed nga. Inayos ko na lang ang mga pera niyang naiwan sa bangko, mga properties na nabili niya noon kahit napakahirap harapin nito.
Napatingin ako sa telepono ko at nakita kong tumatawag si mama.
"Ma," bati ko sa kanya. "Are you home?"
"Yes, iho."
Kumunot ang noo ko. Strange. Her tone is happy now. Ibang-iba sa iniwan ko kanina sa bahay na halos maglupasay na sa kakaiyak.
"Alright. You sound better," komento ko.
"I am, Bullet. You see, I went to the hospital and talked to Aria. I think she is better now. The doctor's checked her again and she and the baby are okay. The doctor's signed her discharge papers," halatang-halata ang excitement sa boses ni mommy.
"Okay." Alanganganing sabi ko. "Is that a good news?" Hindi na namin na-discuss ng nanay ko ang tungkol sa babaeng sinasabi niyang asawa ni Hunter. Hindi naman kasi talaga ako naniniwala doon. I am a businessman and I believe in facts. Ang babaeng iyon, masyadong shady ang pagkatao. Ni hindi namin alam ang personal background niya.
"Of course it is good news. Well, I am here in Quezon and I brought her here para mas mapabilis ang recovery niya at ng apo ko."
"What?" Napatayo ako sa narinig kong sinabi ni mommy. Nagtatakang tumingin sa akin ang mga abogado namin. Iniwan ko sila at lumabas ako.
"Mom, what the hell did you do?"
"My daughter in law needs a place to stay. I learned from her that she has no family. Hunter was her only family and he is gone. Hindi ko kayang pabayaan ang manugang ko," sagot ni mommy.
"Will you stop saying that she is your daughter in law. We don't even know that yet. Anong wala siyang pamilya? That's impossible. Kahit isang kamag-anak wala siya?"
"Bienvenido Alfonso Acosta. I am still your mom and I can decide what I think is better for our family. And I am telling you, that woman is telling the truth. I can feel it. Namatayan ka ng kapatid, namatayan ako ng anak, at namatayan siya ng asawa. Pare-pareho tayong nawalan at nagdadalamhati ngayon kaya tayo-tayo lang ang puwedeng magtulungan," matigas na ang boses ni mommy.
Hindi na ako nagsalita pa. Kapag ganitong buong pangalan ko na ang binabanggit ni mama siguradong seryoso na ito.
"She is going to stay with us. Hindi ko siya pababayaan at ang apo ko. Kahit saan pa siya nadampot ni Hunter, may karapatan sila ng anak niya sa kung ano ang naiwan ng kapatid mo. Understand? Hindi na natin ito pagtatalunan." Seryosong sabi ni mama.
"Fine." Iyon na lang ang naisagot ko.
"Mas nakabuti nga na nandito kami sa Quezon. Everything is calm. We all need a fresh start after this tragedy. I love you, Bullet. Please take care." Lumambot na ang tono ni mama.
"I love you too, mam. Sige, magpahinga ka muna diyan. I need to take care of Hunter's estates. Saka na kita dadalawin," sabi ko.
"I'll be fine here. Aria and my grandson will be fine here." Sabi niya at pinatayan na ako ng telepono.
Napahinga ako ng malalim at ibinulsa ko ang phone ko. Naiiling ako sa ginawa ni mommy. Kalokohan talaga ito. Muli kong dinukot ang telepono ko at idinayal ang number ni Jacob.
"What's up, douche?" Bati niya sa akin.
"I need you to check on something."
"What?"
"Can you please check this woman. Aria Acosta." Shit. Kahit nga apelyido ng babaeng iyon ay hindi ko alam.
"Acosta? Who is this?" Natatawang tanong ni Jacob.
"Hunter's wife."
Hindi agad nakasagot si Jacob sa sinabi ko tapos ay napahinga siya ng malalim.
"I am sorry for your loss, man. Hunter was a good friend. Kahit weirdo ang kapatid mo na iyon, he was a good man." Seryosong sabi ni Jacob. "But, he got married?"
"Yes. I just want to know everything about her."
"Man, do you think this is a good idea? I mean, she is your brother's wife. Bakit kailangan mo pang ipa-background check?"
Hindi ako agad nakasagot.
"Don't you think it's too soon? Wala pang isang linggong naililibing ang kapatid mo. All of you are still mourning from his demise. Your mom. Buti nga walang nangyaring masama kay Tita Frances knowing that she has heart problems. Just let it pass even for just a couple of weeks or months."
Napailing ako. May punto naman si Jacob dito. Pero kasi nag-aalala talaga ako. Sa dami ng manloloko sa mundo at napakaraming oportunista na kayang-kayang manggamit ng tao, hirap na hirap talaga akong magtiwala.
"Fine. Ikaw na ang bahala kung kelan mo ta-trabahuhin. Let's keep this between us." Sabi ko.
"Sure. Kita tayo soon." Iyon lang at pinatayan na niya ako ng telepono.
Parang sumasakit yata ang ulo ko sa nangyayaring ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top