Chapter Thirty-two
Amy's POV
Five days ng hindi umuuwi dito si Bullet.
Five days na rin akong walang matinong tulog magmula ng halikan niya ako.
Mabilis kong pinindot ang alarm ng relo sa kuwarto bago pa tumunog iyon. Hindi pa naman ako nakakatulog ng maayos. Paputol-putol lang kaya ng makita kong malapit ng mag-ala-siyete ay pinatay ko na ang alarm.
Bullet gave me sleepless nights because of what he did.
Wala sa loob na sinalat ko ang mga labi ko. Parang ramdam ko pa ang paghalik niya sa akin. Parang naaamoy ko pa ang amoy ng alak sa hininga niya ng halikan niya ako at nakakapagtaka bakit hindi man lang ako nandiri noon. Naghalo ang alak at gatas sa mga labi namin pero ang weird ng feeling.
Kasi, parang gusto ko ulit na matikman iyon.
Inis kong tinapik ang ulo ko ng maisip ko iyon. That is crazy. Hindi ko gusto iyon.
Ano ba naman, Amelia? Buntis ka na at lahat, kalandian pa ang naisip mo?
Pero bakit niya ako hinalikan?
Ako na rin ang sumagot sa tanong ko sa isip ko. Siguro kasi lasing siya at mataas ang libido niya ng mga oras na iyon kaya kahit sino na lang ang makaharap niya kaya ganoon ang nagawa niya.
Bumangon ako at naupo sa kama. Napasuklay ako sa buhok ko at napailing. Ano ba naman kasi ang ginawa nitong si Bullet? Lalo lang niyang ginawang kumplikado ang sitwasyon ko sa bahay na ito. Ginawa niyang kumplikado ang sitwasyon namin. Nasira pa tuloy ang nagiging maayos na namin na pakikitungo sa isa't-isa.
Inayos ko ang sarili ko ng makarinig ako ng pagkatok sa pinto. Bumukas iyon at si Mrs. Acosta ang pumasok sa loob.
"Gising ka na ba? Hindi naman kita naistorbo?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Kanina pa ho. Nakikiramdam lang ako sa tiyan ko kasi medyo ang likot kasi." Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Maybe baby Hunter is just excited. The town fiesta is fast approaching and I want us to get ready."
"Fiesta?"
"Yes. Town fiesta and every year talagang nagpapahanda ako kasi may mga biglang sumusulpot na mga bisita. The town mayor, members of the council since I am the Hermana of this town. I hope Bullet will come home para may katulong akong humarap sa mga bisita." Sumeryoso ang mukha ng matanda at kumunot ang noo nito. "Did he tell you why he went away? Bigla na lang kasing umalis hindi man lang nagpaalam sa akin. I was calling non-stop the last five days pero hindi sinasagot ang tawag ko. Magti-text lang na busy daw siya sa mga inaayos na shipments." Napahinga pa ng malalim si Mrs. Acosta.
Napalunok ako. Hindi kaya dahil sa nangyari sa amin? Para kasing talagang nabigla lang siya sa nagawa niya at ng parang mahimasmasan siya ay nainis pa siya. Umalis din siya ng gabing iyon.
"Nagkausap ba kayo?" Tanong pa ng matanda sa akin.
Umiling lang ako.
Huminga siya ng malalim. "I think something is bothering him." Saglit na nag-isip ang matanda tapos ay ngumiti. "I think may kinahuhumalingang babae."
Hindi ako nakasagot. May babae? Imposibleng ako iyon. Sino pa ang gagong lalaki ang magkakagusto sa akin? At imposibleng magkagusto pa sa akin si Bullet dahil alam naman niya ang totoong nangyayari sa buhay ko.
"May naikuwento ba ang anak ko tungkol sa babae? Nadulas siya minsan. He said the name Amy."
Para yatang huminto ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya.
"A-amy?" Paniniguro ko.
Tumingin ang matanda sa akin. "Yeah. Amy. I don't know who that is but hindi mahilig sa babae ang anak ko. Well, I know he had his share of women pero walang sineryoso ang batang iyon." Naging stiff ang mukha ng matanda. "Kaya nga sinasabi ko sa kanya na iwasan niya ang Jean na iyon."
"Jean? 'Yung doctor na ex ni Hunter?" Paniniguro ko.
"Yeah. That woman." Napahinga ng malalim ang matanda. "I used to like her. Kasi mabait na bata at matalino. She came from a poor family and nagsikap talaga just to reach her ambition. At bilib ako sa mga ganoong tao. Kahit hindi mayaman, walang problema sa akin basta mahal ng anak ko kaya tinanggap ko siya. Mahal na mahal siya ni Hunter but he cheated on my son."
Napa-awang ang bibig ko sa narinig kong sinabi ni Mrs. Acosta.
"Nobody knows that I know that secret. I thought they are getting married but one day I heard the two of them arguing. Parang kagagaling lang ni Jean sa isang convention sa Hongkong." Napahinga ng malalim si Mrs. Acosta at tumingin sa akin. "Bullet doesn't know about this kasi ayokong sumama ang tingin niya kay Jean dahil she is almost part of our family. Labas-masok siya dito at dahil request din iyon sa akin ni Hunter. Sinundan ni Hunter sa Hongkong si Jean para mag-propose. But when he got to the hotel, he saw Jean kissing another man. A fellow doctor na nakilala niya sa convention. Hunter didn't confront her, but he followed them. Sa hallway daw walang tigil ng halikan hanggang sa makarating sa room. Hunter checked at the reception kung kanino under ang room. Mr. and Mrs. Kenneth and Jean Chua." Ngumiti ng mapakla sa akin si Mrs. Acosta at parang naiiyak pa siya.
"My son was so devastated. He loved Jean all his life, but she broke my son's heart. She hurt my son and then he went away and didn't come back. She is one of the reasons why my son decided to run away." Hinawakan ni Mrs. Acosta ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "But I am so glad that he found you. I know you fixed his broken heart and you gave him a reason to move on."
Parang dinudurog ang puso sa sinasabi sa akin ni Mrs. Acosta. Diyos ko. Paano na lang kapag nalaman niyang nilolok ko din siya? Hindi na talaga niya ako mapapatawad.
Ngumiti siya sa akin at hinawi ang mga buhok sa mukha ko.
"I know, kung nasaan man si Hunter, masaya na siya kasi nakita naman niya na hindi ka namin pinabayaan. And I was also hoping na, Bullet will find a woman like you. 'Yung honest at talagang nagmamahal ng totoo."
Diyos ko. Gusto ko na talagang kainin ng lupa ngayong oras na ito. Grabe ang usig ng kunsensiya ko sa akin.
Pareho kaming napatingin sa pinto ng may kumatok din doon. Si Manang Ester ang sumilip.
"Manang Frances, nandito si Vice Mayor at kakausapin daw kayo."
"Sige. Bababa na ako." Sagot niya at tumingin sa akin. "Fix yourself. Ipapakilala kita sa mga bisita. There will be a program on the eve of the fiesta and they decided to have it here. Alam mo naman ang mga pulitikong ito. Nagpapalakas sa mga taong puwedeng mag-sponsor sa candidacy nila." Tumayo na si Mrs. Acosta at tinungo ang pinto. "Dress well."
Napabuga lang ako ng hangin habang tiningnan ang isinarang pinto. Ano ba talaga itong problema na ito? Parang gusto kong umalis na lang talaga dito.
-----------------
Carlo's POV
"I am sure you're going to like the place. Dr. Baltazar showed it to me and I liked it instantly."
Hindi ko pinansin si Charlotte habang panay ang browse ng mga litrato sa phone niya at pilit na ipinapakita sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng sasakyan at tinitingnan ang mga nadadaanan naming malalawak na palayan.
"You don't want to see it?" Ramdam ko ang disappointment sa boses ni Charlotte.
"Bakit ba hindi ka na lang pumayag na mag-rent tayo ng chopper para hindi tayo nagtagal sa biyahe?" Iritableng tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Kasi mas gusto kong mas matagal kang kasama. This long travel would be our bonding. Jean and mommy will be waiting for us."
Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakatingin sa labas. Narinig kong tumunog ang telepono niya.
"Nandoon na si Jean and mommy. Grabe talaga ang support ni mommy para sa apo niya." Ang mommy ko ang tinutukoy niyang mommy. Talagang nagpilit din ang mommy ko na sumama sa trip na ito. Baka daw kasi maisipan kong bigla na lang umalis at iwanan si Charlotte.
"I don't want this trip." Maikling sagot ko sa kanya.
Napahinga siya ng malalim at umayos ng upo.
"Doctor na ang nagsabi na kailangan ko ito 'di ba? I need this for relaxation. Sobrang toxic sa city at nakakasama iyon sa anak natin."
"Then stay in the house. Mato-toxic ka pa ba kung nakakulong ka lang sa bahay?" Tinapunan ko siya ng nakakainis na tingin. "Pero anong ginagawa mo? Araw-araw kang nasa mall. Araw-araw kang kasama ng mga kaibigan mo. Shopping everywhere. Punong-puno na ng mga gamit ng bata ang bahay. Hindi mo pa nga alam ang gender niyan." Umusog ako palayo kay Charlotte.
"I am just excited for our baby. Saka nakakainip sa bahay. Hindi mo din naman ako kinakausap doon."
"Dahil wala naman tayong dapat pag-usapan." Reklamo ko sa kanya at napailing ako. "Just be thankful na pinagbibigyan ko ang mga gusto mo. This is not for you. This is for the baby."
"Why are you like that? Carlo, please give me a chance to be your wife. I did everything. Kahit itong imposibleng pagbubuntis ko ginawa ko para sa 'yo." Nanginginig na ang boses ni Charlotte. Halatang pinipigil lang ang mapaiyak.
Umiling lang ako.
"God damn you. Patay na si Amy pero siya pa rin ang sumisira sa atin. Grabe naman. Buhay siya, ginulo na tayo. Kahit patay, ginugulo pa rin ako."
"Ikaw ang nanggulo sa amin, Charlotte. I had dreams for the two of us pero ginulo mo kami." Napailing ako. "And can we please stop talking about it? Paulit-ulit na lang tayo."
Hindi na siya kumibo at tumingin na lang din sa labas ng sasakyan.
Wala na kaming usapan hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin. Agad kaming sinalubong ni mommy at ng Dra. Baltazar na ito ng makababa kami ng sasakyan.
"Welcome to our town." Nakangiti niyang sabi ng doctor.
Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. Ganoon din ang ginawa ko kay mommy. Alam naman nilang napipilitan lang ako dito.
In fairness sa lugar, maganda naman talaga. Sariwa ang simoy ng hangin at kung talagang kailangan ng relaxation ni Charlotte dito, talagang mare-relax siya.
"Masaya ang fiesta dito. Later, I will tour you. Later tonight, may event sa house ng town Hermana. City council members and members of town hospital will be there too. You'll be my guests." Sabi ni Jean.
"Ikaw ang town OB dito 'di ba?" Paniniguro ni Charlotte.
Ngumiti si Jean. "Yes. And I was the one who helped for the renovation para maging state of the art mga gamit namin at hindi mahuli sa mga malalaking hospitals sa Manila. Kahit dito ka manganak, walang problema."
Napakagat-labi si Charlotte habang nakangiti.
"Parang gusto kong mag-stay ng matagal. I think I'll like it here."
"Totoo. Magugustuhan mo talaga. People are nice. Family friend 'nyo si Bullet Acosta 'di ba?" Paniniguro pa ni Jean kay Charlotte.
Napasimangot ako. Marinig ko pa lang ang pangalan ng gagong iyon kumukulo na ang dugo ko.
"Yes. Why?" Balik-tanong ni Charlotte.
"Well, Tita Frances, his mom is the town Hermana. We will go their house later."
"Frances? Frances Acosta?" Sabat ni mommy. Naninigurado siya kung tama ang pangalan na narinig niya.
"Yeah. Yes, Tita Sonia. You know her?" Balik-tanong ni Jean.
Napataas ang kilay ni mommy at umismid.
"So, dito pala nagtago ang babaeng iyon. And she is a Hermana?" Napailing pa siya habang hindi maibaba ang kilay.
Kilala ba ni mommy ang pamilya ng Bullet Acosta na iyon? Bakit hindi ko alam? Sabagay, sa daming mga kakilalang negosyante ng pamilya namin, hindi ko na talaga kilala ang iba.
"Why, Tita? Why is it I smell something? Parang may something sa inyo ni Tita Frances?" Natatawang tanong ni Jean.
"Hmm-" umismid ulit si mommy. "She is my rival since college. Inggitera ang babaeng iyon. Lahat ng lang ginagaya sa akin. I hate her then, and I still hate her now."
Napailing ako at lumayo na ako sa kanila. And I hate with them. Kung meron lang talaga akong choice na umalis dito, ginawa ko na.
Naglakad-lakad ako sa paligid. Susubukan ko na lang na mag-enjoy dito kahit napipilitan ako. Tatlong araw lang naman akong magtitiis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top