Chapter Thirty-three
Kung gusto 'nyo ng masustansyang kuro-kuro mula sa istorya na ito, puwede kayong sumali sa chat grupo ng mga HM's Hacienderas sa FB messenger. Join the FB group HM's Reading nook for updates then from there, you can join our discussion sa chat .
enjoy reading!
-------------------------------
Amy's POV
Sobrang busy ang buong bahay ng mga Acosta. Alam kong mararangya at talagang pinaghahandaan ang mga fiesta sa probinsiya pero ibang level itong pinapagawa ni Mrs. Acosta ngayon. The whole house is decorated with flowers and other accents. High end caterer and kinuha niya para mag-serve ng pagkain sa bahay para sa mga bigating bisita. Alam ko, galing pa ng Maynila ang mga ito. May bukod na handaan pa para sa mga tauhan ng hacienda niya. Nakakalula talaga. To think na para lang ito sa bisperas ng fiesta. Bukod pa ang para sa mismong fiesta.
Walang tigil sa kakamando si Mrs. Acosta sa mga nag-aayos doon. Punong-puno ng mesa at mga upuan ang buong garden. Ang ganda-ganda ng mga flower accents.
"You put the lilies as centerpieces. I like that way," narinig kong sabi niya sa isang baklang nag-aayos doon. Nakilala ko ito. Ito si Jaya na nag-organize din ng baby shower party ko.
"Madam Frances, what about the Ecuadorian roses and the Holland tulips?" Maarteng sagot ni Jaya.
"Oh. I want it to be placed at the presidential tables. The tables for mayor and other members of the council." Itinuro ni Mrs. Acosta ang mga table na dapat paglagyan ng mga bulaklak.
Napahinga ako ng malalim. Nakakainip. Wala naman akong magawa. Wala naman akong maisip na maitulong dito. Napatingin sa gawi ko si Mrs. Acosta.
"Aria. What are you doing there?" Takang tanong niya sa akin.
"Wala kasi akong magawa sa kuwarto. May matutulong po ba ako?"
"Oh no. No. You don't need to do anything here. You just relax. Tell Karding to drive you sa town proper. Buy anything you want. Then, bumalik ka na lang bago mag-gabi para maayusan ka. We will be having lots of visitors tonight." Bahagya pa niyang tinapik ang mukha ko.
"Puwede po ba akong hindi na lang sumama sa handaan mamaya?" Ayoko kasi talagang humarap sa maraming tao.
"Ano ka ba? Hindi puwede iyon. Kailangan makilala ka ng mga tao. I want them to know that you are my daughter in law." Ang ganda ng ngiti ni Mrs. Acosta.
Ewan ko. Pakiramdam ko ay lalo lang akong kinabahan sa sinabing iyon ni Mrs. Acosta.
Nakita kong kinuha niya ang telepono niya at nagsimulang magpipindot doon. Tapos ay napasimangot ng hindi makontak ang kung sino man na tinatawagan.
"Sa totoo lang, kung hindi lang dahil sa event na ito, luluwas talaga tayo ng Maynila para harapin ko yang si Bienvenido. Pinag-iinit ng batang iyan ang ulo ko. Ilang araw ko ng tinatawagan pero hindi sinasagot ang tawag ko." Inis na ibinato sa sofa ni Mrs. Acosta ang telepono niya.
Alam kong si Bullet ang tinutukoy niya.
"Hindi pa rin ho ba niya kayo kinakausap?"
"Hindi. Hindi ko alam kung anong problema? Ano ito? Gumagaya din siya kay Hunter? Kung may problema siya, sabihin niya sa akin. Hindi itong ganito na bigla siyang mawawala at hindi ko alam kung anong problema niya." Kita kong totoong naiinis na si Mrs. Acosta at nakakatakot pala siyang mainis. Lalo na siguro kapag nagalit siya.
"Baka gusto lang pong mag-unwind ni Bullet."
"Unwind? Bakit hindi niya masagot ang tawag ko? Sanay akong nagtatagal siya sa Maynila pero kapag tumawag ako, sinasagot niya. Pero ngayon, bakit hindi niya ako kausapin? Nag-iinit talaga ang ulo ko sa kanya."
Nakagat ko ang labi ko. Parang gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa pag-alis ni Bullet dito. Sigurado kasi akong isang dahilan ang nangyari sa amin na naghalikan kami kaya siya umalis na lang basta. Dahil sa akin, pati silang mag-nanay magkakaroon pa yata ng problema.
"Sige po. Doon na lang po muna ako sa kuwarto." Paalam ko.
"Sige lang, iha. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Basta ayoko lang na magpapagod ka. You don't need to do anything here kasi marami namang staff si Jaya. The stylist will be here this afternoon at sabi ko unahin ka ng ayusan."
Tumango na lang ako sa matanda at dumiretso ako sa kuwarto ko.
Anong gagawin ko dito? Nakaka-inip. Sa totoo lang, hindi ako ma-excite sa event na ito ngayon.
Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang tablet na bigay ni Mrs. Acosta sa akin. Nakatago iyon sa cabinet. Matagal na niya itong binigay kasabay ng telepono pero hindi ko ginagamit. Ayoko kasing makakita ng kahit na ano tungkol sa mga taong tinatakasan ko. Pero ngayon, lalakasan ko na ang loob ko at magtitingin ako tungkol sa mga nangyayari. Gusto ko ring malaman kung kumusta na si Liv.
Binuksan ko ang facebook account ko. Matagal na itong account ko na ito na hindi ko naman madalas buksan. Pag-log in ko pa lang katakot-takot na condolences at rest in peace ang nakikita ko sa timeline ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Lahat ng kakilala ko ang alam ay patay na ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Liv kapag nalaman niyang nandito lang ako, nagtago sa ibang pangalan ng totoong namatay na tao.
Hinanap ko ang facebook account ni Liv. Nakita ko doon ang ibang mga posts niya kasama si Travis. May pictures pa doon noong nakaburol ako hanggang sa inilibing. Naroon ang ilang mga kakilalang nakiramay.
Nalaman ko din na hindi natuloy ang kasal ni Liv and Trav pero natutuwa ako na going strong pa rin sila sa kabila ng nangyari sa kanilang relasyon. Naalala ko na talagang iyak ng iyak si Liv dahil nahuli niyang nakikipaghalikan sa ibang babae si Travis. Galit na galit din ako noon kay Travis dahil niloko niya si Liv pero nalaman ko ang totoo na pakana lahat ng babae iyon. Gagawin ang lahat makuha lang si Travis.
Napangiti ako ng mapakla. Hindi ko maiwasan na hindi mainggit kay Liv kasi ang suwerte niya. Kahit na anong nangyari, itinakwil na si Travis ng pamilya, tinanggalan ng mana, pero bumalik at bumalik pa rin sa kanya. Siya ang pinili. Kayang magsakripisyo ni Travis para sa kanya.
Kabaligtaran ang nangyari sa akin.
Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang luha ko habang facebook account na pala ni Carlo ang tinitingnan ko.
Litrato ng kasal ni Carlo at ni Charlotte ang profile picture niya. Pareho silang nakangiti ng maganda. Bina-browse ko pero naka-private na ang profile at hindi ko na ma-browse. Hindi na pala kami friends. Tiningnan ko din ang profile ni Charlotte. Ang ganda-ganda ng ngiti niya sa profile picture niya. Naka-suot siya ng wedding gown. Literal na blushing bride ang itsura niya. Ang cover photo niya ay picture nila ni Carlo ay naghahalikan. Kuha doon sa eksenang 'you may kiss the bride' part sa kasal nila. Pakiramdam ko ay literal na kinukurot at pinipiraso ang dibdib ko. Ang sakit-sakit nito. Naalala ko ang mga sinasabi sa akin ni Carlo noon.
"I love you and I won't leave you."
"I will marry you. Over and over and over."
"We will build our own family. Just you, me and our baby. I love you so much, Amy."
Naalala ko pa ang mga salita sa akin ni Carlo. Lahat iyon pinaniwalaan ko pero hindi niya nagawa lahat. Humahagulgol ako sa sobrang sakit. Bumabalik ang lahat ng sakit na ibinigay sa akin ni Carlo. Ang panglalait sa akin ng nanay niya at ni Charlotte. Lahat sila sinaktan nila ako samantalang ang naging kasalanan ko lang ay nagmahal ako sa isang lalaking hindi ako kayang ipaglaban.
Panay ang tulo ng luha ko habang bina-browse ko ang facebook account ni Charlotte. Open to public ang account niya. Proud na proud siyang makita ng lahat ang buhay niya. Mula sa engagement nila ni Carlo, hanggang sa pagpapakasal, hanggang sa pag-takeover ni Carlo as CEO ng company nila, tapos nitong huli, baby shower party niya.
Magkakaroon na sila ng baby.
Umiiyak na hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas-himas iyon. Bahagyang gumalaw ang tiyan ko.
"'Nak, tingnan mo, o? Ang saya nila. Magkakaroon ka na pala ng kapatid." Gumagaralgal na sabi ko.
"Pasensiya ka na kung ilalabas kita sa mundo na hindi kumpleto ang pamilya mo. Pero sinisiguro ko na kahit tayong dalawa lang, mahal na mahal kita. Hinding-hindi kita pababayaan. Magsisikap ako para sa kinabukasan mo. Hindi ko ipaparamdam sa iyo ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon." Singhot ako ng singhot. Napapa-hikbi pa ako sa sobrang iyak.
"Kahit tayong dalawa lang. Ikaw na lang ang natitira sa akin. Ikaw na lang ang dahilan ko kaya lumalakas ang loob ko. Kaya huwag mo akong pababayaan, 'nak? Kasi, baka kung ano na ang mangyari sa akin kapag ikaw pa ang nawala."
Bahagya ulit na gumalaw ang tiyan ko. Natawa ako ng bahagyang umalon iyon.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko ng marinig ko ang mga kaluskos palapit sa kuwarto ko at ibinalik ko sa cabinet ang hawak kong tablet. May kumatok at bumukas ang pinto. Sumilip doon si Mrs. Acosta.
"Nagpapahinga ka ba?" Tanong niya.
Umiling ako at pinilit kong maging masigla ang sarili ko.
Tuluyan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. May kasunod siyang babae na may kasamang assistant at may mga bitbit na kung ano-ano.
"This is Celie and her assistant Jona. They are your stylist. Celie brought some clothes that you can choose to wear later. Siya na rin ang bahala sa hair and make up mo. I want you to be perfect later." Nakangiting sabi ni Mrs. Acosta sa akin.
Tumango lang ako. Hindi naman ako puwedeng tumanggi sa kahit na anong gusto niya.
"Iwan ko na kayo, ha?" Bumaling si Mrs. Acosta sa stylist. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Celie. Make her radiant tonight." Bilin pa ng matanda at lumabas na ng tuluyan.
"Shall we start?" Nakangiting sabi sa akin ng stylist.
Pinapili muna ako ng damit ni Celie. Ang dami-dami nilang dalang damit. Celie advised me to wear a red off shoulder fitted maternity dress. Hindi naman daw kasi ako masyadong malusog kaya bagay daw ito sa akin. Pregnant but still sexy pa rin daw ang katawan ko. Kapag nakatalikod nga daw ako ay mapagkakamalan pa rin daw akong dalaga.
Hindi pa ako naayusan pero ng isuot ko ang damit ay parang nag-iba na ang itsura ko. Sa totoo lang, nang humarap ako sa salamin ay hindi ko akalain na ako ito. Ang sexy ko sa damit. Kurbang-kurba ang katawan ko kahit umbok ang tiyan ko. Designed naman daw na sexy maternity dress ang damit na ipinasuot sa akin ni Celie. Sexy pero hindi pangit tingnan. Pinasuot niya sa akin ang isang nude stiletto shoes na almost three inches ang heels.
"Okay pa ba 'to?" Sabi ko. Parang ang taas kasi ng takong ng sapatos.
"Yes. 'Yan talaga ang bagay diyan. Nakikita mo ang pregnant celebrities sa Hollywood 'di ba? Mas matataas pa diyan ang takong nila. Para mas magmukha kang slender kahit nandiyan si baby." Bahagya pang hinawakan ni Celie ang tiyan ko.
Pinabayaan ko na lang sila. Mukhang alam naman nila ang kanilang ginagawa. Sinimulan niyang lagyan ng make-up. Inayos ang buhok ko. Nang matapos, hindi ko halos makilala ang sarili ko sa harap ng salamin.
"Napakaganda at seksing buntis naman nito." Bulalas ni Jona habang inaayos ang wavy kong buhok. Pinabayaan lang nilang nakalugay iyon dahil mas seductive daw tingnan.
Natawa ako at muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ang ganda-ganda ko nga. Sayang. Wala si Bullet para makita niya ang itsura ko. Para hindi na niya sabihan ng butete.
Saglit akong napahinto. Bakit si Bullet ang naisip ko? Bakit siya ang naisip kong makakita ng itsura ko?
Erase. Hindi puwedeng si Bullet. Alam ko, nabigla lang siya ng halikan niya ako. Pero walang ibig sabihin iyon.
Muli ay may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at si Mrs. Acosta uli ang sumilip. Nakaayos na rin siya. Napangiti ako kasi ang ganda-ganda niya. Lutang na lutang ang pagiging socialite kahit simpleng peach long gown lang suot niya pero nagmamalaki ang mga alahas na suot.
"Oh my god, Aria. You are stunning." Nakangiting sabi ni Mrs. Acosta sa akin.
Nangiti lang ako at parang nahihiyang tumingin kina Celie. Kitang-kita ko ang pride sa mukha nila dahil napaganda nila ako.
"Bagay na bagay sa iyo ang damit mo." Sabi pa niya. Lumapit siya sa akin at may isinuot na kuwintas sa leeg ko. White gold necklace iyon na may pendant na malaking sapphire diamond na napapaligiran ng maliliit na diyamante.
"M-mrs. Acosta-" nakita kong tumaas ang kilay niya sa akin. "M-mama," pagtatama ko. Tumango siya tanda ng pagpayag at inayos ang kuwintas na isinusuot sa akin. "Parang masyado na hong sobra kung isusuot ko pa 'yan. Puwede naman ho akong walang kuwintas." Nalulula ako sa laki at kumikinang na bato ng kuwintas na isinuot ko. Maliit lang ito ng konti sa heart of the ocean ng pelikulang Titanic.
"I want you to wear it. Bagay sa iyo 'yan. Don't argue with me. All eyes will be on you tonight." Sabi pa niya at inayos-ayos ang buhok ko.
Hindi ako nakakibo. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin at napabuga ako ng hangin.
"Let's go. People are coming already." Ikinawit pa ni Mrs. Acosta ang braso sa akin.
Sabay kaming bumaba para salubungin ang mga dumarating na bisita. Sa probinsiya ito pero daig pa ng event na ito ang mga nadadaluhan kong bigating event sa Manila. Halatang mga bigating tao ang mga bisita na bumabati kay Mrs. Acosta. Proud na proud naman siyang ipakilala ako sa mga bumabati sa kanya.
"I am so glad that you can come, Dr. Dela Cruz." Bati ni Mrs. Acosta sa isang may-edad na lalaki na bumati sa kanya.
"Oh, Frances. You know the town hospital are always looking for your events. Other doctors will be here in a while. Magkasabay lang kami nila Jean kanina. I think nagpa-park na lang iyon and may mga kasama siyang kaibigan." Sagot ng matanda. Nakilala kong ito ang doctor na nag-assist sa akin dati. "O, ayan na pala sila."
Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Jean na naroon at bumabati sa mga taong nakakasalubong. Hmm. Mukhang hindi rin magpapakabog talaga kasi maganda din ang suot niyang black long gown.
Pero pakiramdam ko ay nawalan ako ng hininga ng makita ko ang mga kasama niya.
Kasunod niya si Charlotte at si Mrs. Santos na ipinapakilala din niya sa mga nakakasulubong niya.
At lalo ng parang nanginig ang buong katawan ko ng makita ko ang lalaking pumapasok sa bahay kasunod nila.
Si Carlo!
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ako makahinga. Hindi ko halos marinig ang buong paligid ko dahil ang tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kailangan kong umalis dito. Hindi kami kailangang magkita.
Pero huli na.
Wala na akong magagawa para tumakbo palayo.
Nakatingin na sa lugar namin ang grupo ni Jean.
Lalo na si Carlo at titig na titig sa akin.
"Hi. Tita Frances." Bati ni Jean ng makalapit sa amin.
Nanlalaki ang mata ni Charlotte na nakatingin sa akin ganoon din si Mrs. Santos. Para silang literal na nakakita ng multo.
Si Carlo ay walang imik na titig na titig sa kabuuan ko. Hindi makapaniwalang ako ang nasa harap niya.
Ngumiti si Mrs. Acosta sa kanila.
"Hi. Welcome to our house. Hi, Sonia. Charlotte. Kayo pala ang bisita ni Jean." Agad na nag-iba ang timpla ng mukha ni Mrs. Acosta ng makita ng nanay ni Carlo.
"What are you doing here? You are dead." Boses ni Charlotte iyon habang ang talim ng tingin sa akin.
Napalunok ako at napaatras. Hindi ako makahinga sa kaba.
Takang napatingin si Jean kay Charlotte at sa akin. Ganoon din si Mrs. Acosta.
"I think your guest forgot her good attitude somewhere, Jean. Tell her na huwag niyang babastusin ang daughter in law ko." Nakataas ang kilay na sabi ni Mrs. Acosta.
"What? Anong daughter in law?" Si Carlo ang sumabat. "Amy?" Baling niya sa akin. "What the hell is this? You are alive and yet you chose to hide from me?"
Lalong kumunot ang noo ni Jean at nagpapalit-palit ng tingin sa aming lahat. Hindi ko na napigil ang hindi mapaiyak at takot na tumingin ako kay Mrs. Acosta.
"M-mam-" hindi ako makasagot kasi talagang nag-iingay si Charlotte. Si Mrs. Santos naman ay inaawat si Carlo na lapitan ako.
"Mama? You are calling her mama?" Sabat ni Charlotte at nanlalaki ang matang tumingin kay Mrs. Acosta. "Don't you know who this woman is?"
"She is Aria Acosta. She is my daughter in law. You better watch your mouth young lady dahil ipapakaladkad kita palabas sa mga security ko." Mataray na sabi ni Mrs. Acosta.
"What? Kung meron man kayong dapat na ipakaladkad palabas, 'yang babaeng iyan. Hindi 'nyo alam niloloko kayo? She is not Aria Acosta. Who the hell is Aria Acosta?" Natatawa pang sabi ni Charlotte.
"Charlotte, what the hell? Stop it. Nakakahiya sa mga bisita," saway ni Jean.
Gustong-gusto ko ng tumakbo palayo doon pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang ibang mga bisita ay nakatingin na sa amin.
Lalong lumapit sa akin si Charlotte. Kitang-kita ko ang galit na nag-aapoy sa mata niya habang nakatingin sa akin.
"This woman is pretending to be someone else. Her name is not Aria Acosta. Her real name is Amelia Solomon and she is just pretending to be the wife of the late Hunter Acosta." Tumingin siya ng masama sa akin. "Ganyan ka kasama. First, ginamit mo si Carlo now, you are using a dead person? Ganyan ka ka-desperada para makatisod ka ng mayaman?"
Umugong ang bulong-bulungan sa paligid.
Umiiyak akong napatingin kay Mrs. Acosta at nakita kong nakatingin lang siya sa akin.
"S-sorry po." Iyon na lang ang nasabi ko. Wala na akong masabi kasi hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan malalaman lahat ni Mrs. Acosta ang lahat.
"Get off, mom! Get off me!" Malakas na boses ni Carlo at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng nanay niya.
Naramdaman kong may mga kamay na humawak sa akin at nakita kong si Carlo iyon pero mabilis itong inawat ni Charlotte at bahagya pa akong itinulak palayo. Na-off balance ako at napaatras. Wala akong makapitan kaya sigurado akong babagsak ako sa matigas na semento. Pero nagulat ako ng biglang may matigas na bagay ang sumalo sa likod ko at naramdaman kong may mga brasong umalalay sa akin.
Umiiyak kong tiningnan kung sino iyon.
"Bullet."
Pakiramdam ko ay may kakampi na ako ng mga oras na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top