Chapter Thirty-six
Amy's POV
Matagal akong supervisor sa Japanese restaurant kung saan kami nagkakilala ni Carlo. Sa araw-araw kong pakikisalamuha sa tao, sa dalas kong pakikipag-meet sa mga boss ko ay natuto akong tumikim ng alak pero kahit kailan ay hindi ko ginawang bisyo. Social drinking lang. Ayoko ng amoy ng alak. Ayoko ng feeling ng nakainom. 'Yung pagkatapos mong uminom ng mapait na alak na parang apoy na gumuguhit sa lalamunan ay mararamdaman na ang hilo. Mararamdaman na ang paggaang ng lahat at parang nawawala na sa sarili. Ayokong nararamdaman iyon.
Pero ngayon, gustong-gusto ko ang feeling ng nakainom. Gustong-gusto ko ang pamamanhid ng sarili ko sa tuwing malalango ako sa alak. Kasi nakakalimutan ko ang lahat. Nakakalimutan ko ang sakit ng pagkawala ng anak ko.
Nakaya ko noon na mawala si Carlo. Tinanggap ko na kahit kailan hindi mabubuo ang pamilya na pinangarap naming dalawa para sa anak namin. Pero ngayon, nawala na si Carlo, nawala pa ang anak ko. Iyon ang pinakamasakit kasi kinuha ang nag-iisang magiging kakampi ko.
Wala ng direksyon ang buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahit ilang linggo na akong nakaalis mula sa poder nila Bullet, hindi pa rin naman ako umuuwi sa bahay namin at hindi pa rin ako nagpapakita kay Liv. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang mag-explain.
Umiikot na ang paningin ko dahil dalawang bote na ng 500ml na Red Horse ang nainom ko. Basura ang lasa ng beer na ito ibang klase ang tama. Ayoko ngang maniwala sa commercial tag line nila na lakas ng tama pero hindi wasak. Hindi totoo 'yun. Sa tuwing iinom ako nito lagi na lang akong nawawasak.
"Amy. Ano na naman 'to?"
Hindi ko pinansin si Sheng na lumapit sa akin at dinampot ang basyo ng bote ng beer mula sa tabi ko.
"Lasing ka na naman?" Naiiling na tanong niya. Itinapon niya sa basurahan ang bote.
Umiling lang ako at pinilit kong umayos ng upo para magmukha akong normal. Nakakahiya pa rin kay Sheng dahil bahay niya ito, nakikituloy lang ako at nakikisuyo na tulungan niya.
"Normal ako. Pasensiya ka na kung medyo nakainom lang pero normal ako." Sagot ko sa kanya at isinandal ko ang ulo ko sa dingding.
Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Sheng kaya tiningnan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa tapat ko.
"Ayaw mo pa bang umuwi sa inyo? Hinahanap ka ng kapatid mo." Napapailing si Sheng. "Hindi mo na kailangan na magtago dahil alam na ng lahat na buhay ka. Kahit nga nagulat ako ng bigla kang sumulpot dito. Akala ko talaga multo ka." Natawa pa siya.
Natawa rin ako at napadighay. Napangiwi ako sa sama ng after taste ng alak.
"Gusto mo na ba akong paalisin dito? Pabigat na ba ako?"
Si Sheng na lang ang nag-iisang tao na puwede kong mahingan ng tulong ng umalis ako kina Bullet. Kasamahan ko siya sa dati kong pinapasukan at kaibigan na rin. Close kami at alam kong tutulungan niya ako ngayong humaharap ako sa isang malaking problema.
Dinukot ko mula sa likod ng inuupuan kong sofa ang isa pang bote ng beer na itinatago ko doon.
"Anak ka ng tinapay, Amy. May tago ka pa? Diyos ko, kailan ka pa naging sugapa sa alak? Hindi kita nakilalang ganyan." Mabilis na inagaw ni Sheng ang bote ng beer na hawak ko.
"'Nung nawala ang anak ko." Nabasag ang boses ko ng sabihin iyon. Bumigat na naman ang pakiramdam ko ng maalala ko ang mukha ni baby Hunter. Naalala ko 'nung una at huli ko siyang nakita sa ospital tapos 'nung sumunod abo na siya at nakalagay na sa urn. Nag-uunahang maglandas sa pisngi ko ang mga luha ko kaya mabilis kong pinahid iyon.
"Sorry sa nangyari sa anak mo. Pero hindi mo naman kailangan na ganyanin ang sarili mo dahil sa nangyari."
Napasubsob ako sa mga palad ko at tuluyang napahagulgol. Ito na naman ako. Iiyak na naman ako.
"Ano ba ang kasalanan ko para maranasan ko ang ganito? Nagmahal lang ako 'di ba? Nagmahal ako sa maling tao. Sa isang duwag na takot maghirap at hindi ako kayang ipaglaban. Pero bakit pati ang anak ko?"
Lumapit sa akin si Sheng at naramdaman kong hinagod-hagod ang likod ko.
"Wala tayong magagawa doon, eh. Kaloob iyon ng Diyos so kailangan nating tanggapin. Tandaan mo, Amy walang ibinibigay na pagsubok ang Panginoon na hindi natin makakaya. Madalas kaya tayo sinusubukan para malaman natin kung gaano tayo katatag. Sinaktan ka ni Carlo, nawala ang anak mo, doon ka bumangon. Sa tingin mo ba sa ginagawa mo sa sarili mo, makaka-recover ka? Oo. Ngayong gabi kasi talagang sisipain ka ng mga pulang kabayo na ininom mo. Pero ano bukas? Ano na naman ang gagawin mo? Iinom ka naman?"
Hindi ako nakasagot at suminghot-singhot na lang.
"Gusto ko lang maging manhid kasi ayoko ng maramdaman 'tong sakit na nararamdaman ko. Umiinom ako kasi pakiramdam ko dito ako nagiging normal kasi nawawala 'yung sakit."
"Kailangan mong maging busy. Gusto mo bang bumalik sa trabaho?"
Umiling ako. "Ayoko ng bumalik sa lugar kung saan kami nagkakilala ni Carlo. Ayoko ng balikan ang lahat ng tungkol sa kanya."
"Sige. Tutulungan kitang maghanap ng ibang trabaho. Kailangan mong itigil ito."
Tumango lang ako at muling sumandal sa sofa. Ngayon ay literal na parang umiikot na ang paningin ko. Tumitig ako sa ceiling at parang nagsasayaw ang kisame ng bahay ni Sheng.
"Magpahinga ka na muna. Bukas sasamahan kitang maghanap ng trabaho. And please lang, puntahan mo naman si Liv. Nakakaawa ang kapatid mo. Alam na buhay ka pero hindi pa rin makita."
Umungol lang ako at ipinikit ko ang mata ko. Ito ang gusto ko kapag talagang tumatama na ang alak na naiinom ko. Kapag ipinikit ko na ang mata ko, lahat ng pangarap ko ay nagkakatotoo. Buhay ang anak ko. Nahahawakan ko siya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga, dinig ko ang napakasarap sa tenga na pag-iyak niya. Kahit nakapikit ay naramdaman kong tumutulo ang luha ko. Masaya na ako ng ganito. Kaming dalawa ng anak ko. Kung puwede lang kaming mag-sama na lang. Ngayon ko naiisip na sana nga, namatay na lang din ako.
----------------
Carlo's POV
"It's been two months. Two months nang namatay ang anak mo at nawala na si Amy pero ganyan ka pa rin? Sinisira mo pa rin ang buhay mo?"
Nanatili lang akong nakatutok sa pinapanood kong tv habang si Charlotte ay walang tigil ng kalalakad sa harapan ko. Tinapunan ko siya ng tingin at nakapamewang pa siya at nakaliyad na parang ipinagmamalaki ang tiyan niyang bahagyang may umbok.
"Can you please move? I can't see the tv." Sagot ko sa kanya.
Inis niyang pinatay ang tv at humarap sa akin.
"Namuti na ang mata ko sa kahihintay sa iyo sa OB clinic pero hindi ka dumating. Hindi ka man lang tumawag na hindi mo ako pupuntahan. Nag-aalala ako sa iyo. You were not answering my calls I thought something bad happened to you tapos maabutan kita dito na lasing at nakababad lang sa tv?"
Pinindot ko ang on button ng remote control ng tv para bumukas iyon. Sawang-sawa na ako sa araw-araw na reklamo ni Charlotte. Ano pa ba ang gusto niya? Nandito pa rin ako kahit ayoko talaga sa kanya. Ilang beses akong nakiusap sa magulang na talagang gusto ko ng makipag-annul pero wala akong magawa. Pakisamahan ko na lang daw si Charlotte dahil kailangan namin ang pamilya nila sa negosyo.
"Please move. That's the funny part," at natawa pa ako kahit hindi nakakatawa ang pinapanood ko sa tv.
Malakas na napasigaw si Charlotte at nagdadabog na umalis sa harap ko.
"If something bad happened to my baby, ikaw talaga ang sisihin ko."
"Okay." Napailing ako. Ilang beses ko na bang narinig ito sa kanya. I'll count one to three at sigurado akong mag-iiba rin ang tono niya paglapit sa akin.
One... two...
"I am sorry, Carlo. I was just worried because I thought something bad happened to you."
Naiiyak na ngayon ang itsura ni Charlotte ng lumapit sa akin.
"I am fine. I just want to watch my series." Sagot ko sa kanya.
"Can you please accompany me to my parents house tonight? It's their anniversary and they want us to be there. Dad is expecting you."
"Bakit? Para sermunan na naman niya ako? I told him, I am not going to work unless you change your shipping partner. I can't work with the Acosta's." Napakuyom ang palad ko ng maisip ko lang ang pamilyang iyon.
Napahinga ng malalim si Charlotte.
"Si dad na daw ang bahala doon. You won't be transacting with any person from their company. Hindi lang talaga mabitawan ni daddy ang ACO Logistics kasi sila ang may pinakamagandang deal na ibinigay sa company natin. And the company has been working with them ever since and it is not easy to just end the business with them." Katwiran ni Charlotte.
"Then deal with them. Huwag 'nyo akong asahan na mai-involve sa tarantadong Acosta na iyon."
Sumimangot ang mukha ni Charlotte.
"Is this still about Amy?" Napapailing na tanong niya. "Iniwan ka na. Mula pa noon, iniwan ka na niya. She's alive all along and yet hindi siya nagpakita sa iyo. Mas pinili ang ibang tao kesa sa iyo. Sa hospital, ikaw ang tatay 'di ba? Pero sino ang pinili niyang makasama habang inilalabas ang anak niya? She chose a stranger to be with her during that crucial time. Hindi ka pa rin ba natatauhan?"
Hindi ako sumagot at talagang nagngangalit lang ang bagang ko.
"I am sorry for what happened to your baby. Masakit din sa akin na nawalan ng kapatid ang magiging anak natin pero, kailangan na nating mag-move on. And tanggapin mo na, na ayaw na ni Amy sa iyo."
Sinamaan ko ng tingin si Charlotte.
"I am here, Carlo. I am going to give everything kahit anong gawin mo sa akin. You hate me, okay lang as long as you're with me. Kaya kong ibigay lahat sa iyo kahit imposible." Nangingilid ang luha ni Charlotte.
Ibinalik ko sa tv ang tingin ko.
"We'll leave at eight. Magpapakita lang tayo sa parents mo at aalis din tayo agad. Ayokong magtagal sa inyo." Sabi ko sa kanya.
Napangiti si Charlotte at mabilis na tinungo ang kuwarto niya para mag-ayos.
Nakatitig ako sa tv pero wala doon ang atensiyon ko.
Nasaan na si Amy? Is she still living with the Acosta's? But I doubt it. Alam kong hindi na rin naman siya tatanggapin ng pamilyang iyon dahil sa nangyari.
Naalala ko ang mukha ni Bullet Acosta at lalong parang nagdilim ang paningin ko. Ang tarantadong iyon. Siya ang dahilan kung bakit matagal na hindi ko nakita si Amy. Matagal na pala niyang itinatago si Amy sa amin. Siya ang may kasalanan ng lahat.
Huwag lang kaming magkikita dahil talagang lulumpuhin ko siya. Hindi man bumalik sa akin si Amy, pero talagang gagantihan ko ang Bullet Acosta na iyon.
Malakas kong ipinukol ang hawak kong remote sa tv.
------------------
Bullet's POV
"It's been weeks, man. Eight weeks to be exact. Wala pa rin bang balita?"
Ako na ang personal na bumisita sa condo ni Jacob. Alam kong mainit ang ulo niya sa akin dahil sa naabutan ko kanina.
Inis na ihinagis niya sa akin ang folder na kinuha niya mula sa drawer at inayos niya ang pagkakatapi ng tuwalya sa bewang niya.
"Kahit kailan, hindi ka talaga marunong sa timing." Pikon na sabi niya at naiiling na nagsalin ng kape sa coffee mug. "Bakit hindi mo na lang ako pinuntahan sa office?"
"Office? Lagi ka namang wala doon. Laging sabi ng secretary mo hindi alam kung nasaan ka. Madalas hindi ka naman sumasagot. Nag-iba ka na ba ng linya ng trabaho?"
Napangiwi ako sa nakita kong itsura ni Jacob ng maupo sa tabi ko. Parang nandidiri ako sa itsura niyang nakatapi lang ng tuwalya at alam kong wala siyang kahit na anong saplot sa loob noon. Pero mas nandidiri ako sa naabutan kong eksena niya kanina.
"Where's the woman? Nakapagbihis na ba?" Tanong ko at bahagya akong sumilip sa kuwarto niya kahit na nakasara iyon.
Nagkamot siya ng ulo at dumikit sa akin.
"I've been following that woman for three weeks already. I need to know a vital information from her and I would do anything, I mean anything just to get it. Kaya ang ginawa mo kanina-" napapailing na napangiwi si Jacob. "You just ruined everything."
Natawa ako.
"Tingin ko naman hindi ka iiwan niyan. Sa tirik pa lang ng mata niya kanina habang walang humpay kang bumabayo sa kanya." Natawa ako at ipinilig-pilig ko ang ulo ko para lang wala ang imahe ni Jacob na mukhang porn star kanina.
"Gago," natatawang sagot niya.
"Pero, ano nga? Wala pa ring balita? You still cannot find her?"
"'Yan ang folder. Tingnan mo. Dead end na ako, Bull. Ang galing magtago ng syota mo."
Binuklat ko ang folder at nakita kong walang bagong details tungkol kay Amy. Iyon pa rin ang mga detalye na ibinigay noon sa akin ni Jacob.
"Kahit sa kapatid niya hindi pa rin siya nagpapakita. Kahit sa dati niyang pinagtrabahuhan. She cut herself from everyone."
"How about Carlo? Nakipagbalikan ba siya?"
"Sa tingin mo makikipagbalikan doon si Amy? Sino ba ang hinanap 'nung huli?" Tumingin ng nanunukso sa akin si Jacob. "Si Bullet 'o. Pumapagibig. Yiee."
Natawa ako sa itsura ni Jacob. Gagong 'to ang lakas mang-asar.
"Yeah, she asked for my help but look what she did. Iniwan din ako."
Napabuga ng hangin si Jacob at napapailing na tumingin sa akin.
"Kasi nga, 'di ba? She just lost her baby. Maawa naman kayo doon sa tao. Sobrang hirap na ang dinanas noon. Iniwan ng tatay ng anak niya. Inapi ng nanay ng lalaking mahal niya. Nagsinungaling sa inyo. Nagpanggap na kung sino. Can't you see? She's been through a lot so for me, tama lang ang ginawa niyang lumayo sa inyong lahat. She needs to heal first."
"Pero hindi ba mas maganda kung may katulong siyang iba na tutulong na maka-recover siya? And I am that man." Napahinga ako ng malalim. "Kami ni mama." Napakamot ako ng ulo. "You should see my mother. Hindi ko siya nakita na ganitong kalungkot noong nawala si Hunter. But right now, nagbago siya. She became distant. Aloof. Quiet. Hindi ako sanay na ganoon si mama and I am worried about her health. Kahit lagi niyang iniinom ang mga gamot niya pero kung lagi naman siyang ganoon, it will still affect her. She always tells me that she is missing Amy."
"Napalapit na rin kasi si Tita Frances kay Amy." Napabuga ng hangin si Jacob. "Sige. I'll try to dig more. Hindi puwedeng makaligtas sa akin 'yan. One of these days, mahahanap ko rin si Amy." Tumingin siya ng makahulugan sa akin at nagpipigil ng ngiti. "Pero, hahanapin ko siya para kay Tita Frances hindi para 'yo."
"Okay lang. Just find her."
Natawa si Jacob. "You want to have some fun tonight para mabaling naman sa iba ang atensyon mo?"
"Where? I'm free. Pagod na akong magmukmok sa bahay."
"There is a new bar being opened in QC. Owned by one of my clients. He wanted me to investigate his partner. Mukhang niyayari daw ang asawa niya. And this client is a famous actor." Kumindat pa siya sa akin.
Natawa ako.
"Hanga na talaga ako sa iyo, Ramirez. Ibang klase ka talaga. Pang-showbiz ka na rin ngayon."
Ngumiti lang din si Jacob sa akin.
"See you at 8."
Tumango ako at muling binuklat ang folder na ibinigay tapos ay tiningnan ko ang litrato ni Amy.
Where are you?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top