Chapter Thirty-nine

Guys, our FB group is HM's Reading Nook. You can join the group by answering the membership questions. Please make sure that you answer all the membership questions because the admins are declining all incomplete membership request.

Story discussions, announcements and games are being held inside the group. Everyone is invited to join just follow the rules.

Enjoy this UD.

-HM

------------------

Carlo's POV

            Alam kong makulit si Charlotte. Kung anong gusto niya ay talagang ipinipilit niya. Sabi nga ni mommy, wala na akong magagawa sa sitwasyon namin. I still can't find Amy and Charlotte is carrying my baby. Sa totoo lang, pagod na akong mag-isip kung bakit nangyari sa akin ang ganito. Hanggang ngayon ay nadi-depressed ako dahil sa pagkawala ng anak namin ni Amy. Iyon na lang ang pag-asa ko para magkabalikan kami pero ngayon mukhang malabo na talaga.

            Sabi ni mommy, pakisamahan ko na lang si Charlotte. And kahit ayoko, iyon na lang ang ginagawa ko. Well, alam naman niyang ayoko sa kanya and okay sa kanya ang ganitong set up. She can do whatever she wants, and I can do what I want. I can go out anytime with my friends. Lagi din namang wala si Charlotte sa bahay. She found a new bff. Sobrang close sila ng OB niya na si Jean Baltazar. Kilala din naman ito ni mommy and bahala sila kung anong ginagawa nila. Sinabi ko na iyon kay Charlotte. Siguraduhin lang niyang hindi maapektuhan ang anak ko. Alam niyang mas importante sa akin ang anak ko kesa sa kanya. I already lost a baby once, and ayoko ng maulit iyon.

            But I know right now, something is off about Charlotte. She is not her usual nagging self. Sanay na akong lagi niyang sinisita ang mga ginagawa ko dito sa bahay na pag-iinom. Lagi niyang sinasabi na tigilan ko na ang pagmumukmok at tigilan ko na ang paghahabol kay Amy. This time, para siyang agitated. Kanina ko pa iyon napapansin mula ng umuwi siya. Nakaupo lang siya sa harap ng tv pero alam kong wala doon ang atensyon niya.

            "Are you okay?" Hindi ko na matiis na hindi magtanong.

            Para pa siyang nagulat ng makita ako at pilit na ngumiti sa akin.

            "Yeah. You're going somewhere?" Balik-tanong niya. Halatang-halatang pinipilit lang niyang maging okay sa harap ko.

            "I'll be seeing Trav and Hans." Sagot ko at inayos ko ang suot kong polo. Ibinalik niya ang atensyon sa tv pero nanatili siyang nag-iisip ng malalim.

            "Are you sure you're okay? I am just checking because I don't want any harm to my baby," gusto kong iparating sa kanya na hindi ako sa kanya nag-aalala kundi sa anak ko.

            Ngumiti siya sa akin. "I am fine, Carlo. Our baby and me are fine. Go see your friends." Pagtataboy pa niya sa akin.

            And this is really something. First time niya itinaboy ako para kitain ang mga friends ko. Madalas, nagagalit siya sa araw-araw kong paglabas.

            "Whatever," sagot ko sa kanya at tinungo ko ang pinto.

            "Carlo."

            Nilingon ko siya at nagtatanong ang tingin niya sa akin.

            "What?"

            "Do you still have any news about Amy?" Seryosong tanong ni Charlotte.

            Ano ba ang nangyayari sa babaeng ito? First time siyang nagtanong sa akin ng tungkol kay Amy

            "Why?" Balik-tanong ko sa kanya.

            "Nothing. I just want to know. Are you still looking for her?" Tanong pa niya.

            "It's none of your business," sagot ko sa kanya at binuksan ko na ang pinto.

            "I am just hoping you already forget her. I want our family to be perfect lalo na ngayon na magkakaanak na tayo. Please, kalimutan na si Amy. She didn't take care of your son like what I am doing right now." Sabi ni Charlotte at tumayo at humarap sa akin. Inayos-ayos pa niya ang kuwelyo ng suot kong polo. "I gave everything, Carlo. And that woman chose to abandon you. I took care of your child, and that woman didn't take care of your baby. She let that baby die. Sana maisip mo ang mga sacrifices ko para sa iyo, para sa pamilya natin. Alam kong hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal na ibinigay mo kay Amy but, please, let's make our family perfect for our child." Parang nangingilid na ang luha ni Charlotte.

            Napahinga ako ng malalim at napailing. Sa totoo lang, minsan nakakaramdam na rin ako ng awa sa babaeng ito pero sa tuwing maalala ko ang ginawa niya at ng pamilya niya sa amin, talagang napupuno ng galit ng dibdib ko.

            "Please think about this, maybe we need to have a fresh start away from everything. Would you consider living abroad? In the US, Canada or Europe. Anywhere. I just want a safe environment for our baby. Hindi ko alam kung anong puwedeng gawin ni Amy sa anak ko. Kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko. Baka kunin niya ang anak natin," tuluyan ng napaiyak si Amy.

            So iyon pala ang iniisip niya.

            "She won't do that. Amy is not crazy to do that. At hindi ko nga alam kung nasaan na siya. She left me remember?"

            "What if she comes back?"

            Hindi ako nakasagot.

            Hinawakan ako sa kamay ni Charlotte. "Please consider what I said. Hindi na lang para sa akin. It's for the sake of our baby."

            Binitiwan ko ang kamay ni Charlotte at napahinga ako ng malalim.

            "I'll think about it." Sabi ko at iniwan ko na siya.

            Laman ng isip ko ang mga sinabi ni Charlotte. Sa totoo lang, parang gusto kong i-consider ang sinabi niya. After what happened to me and Amy, siguro nga this is the time that I need to let go. Pakiramdam ko naman kasi wala na akong aasahan sa kanya kasi parang tinalikuran na rin niya ako. I was furious when she chose that asshole Bullet over me to be with her during that crucial time. That was our child who was in danger and yet, she chose a stranger to be with her? Sandali lang niya nakilala ang gagong iyon pero iyon ang pinili niya? Halos mabaliw na ako kahahanap sa kanya pero mas pinili niya ang gagong iyon.

            Napabuga ako ng hangin ng napailing habang papasok ako sa bar. Naabutan ko agad na naroon si Trav at Hans. Agad silang tumayo at bumati sa akin.

            "Bad mood ka na naman?" Bati ni Hans sa akin.

            "Hindi ka pa nasanay diyan. Lagi namang bad mood 'yan," sabat ni Trav at ibinigay sa akin ang isang bote ng beer.

            Hindi ako sumagot at inubos ko lang iyon ng isang lagukan.

            "At malakasan na naman tayo. Iuuwi ka na naman ba namin na walang malay?" Si Hans ang nagsabi noon at uminom din ng kaharap na beer.

            "Mukhang sanay na naman si Charlotte sa set-up nila." Sabi pa ni Travis.

            "She was asking me if we can live somewhere. For the sake of the baby," napahinga ako ng malalim ng sabihin iyon.

            "And? What's your decision?" Sumenyas si Hans sa isang waiter para umorder ng isang round pa ng beer para sa amin.

            Umiling-iling ako. "I don't know."

            Napahinga ng malalim si Travis at uminom sa hawak na beer.

            "Please, if you're still thinking of getting back with Amy, mukhang malabo na talaga. Did you know that she still not communicating with her sister? Liv did everything to find her, but Amy chose to be left alone. Sa totoo lang, naiinis na rin ako sa kanya. Bakit kailangan niyang idamay ang kapatid niya? Dapat nga si Liv ang una niyang tinakbuhan dahil kapatid niya iyon at anuman ang mangyari sa kanya, tutulungan siya." Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses ni Travis.

            Hindi ako nakasagot. Totoo naman iyon. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang ginawa ni Amy. Gusto ko rin siya makausap ng personal. Gusto kong magpaliwanag sa nangyari at gusto kong marinig ang paliwanag niya kung bakit pinili niya ang Bullet Acosta na iyon.

            Pare-pareho kaming napatingin sa isang grupo na malakas na nagtatawanan. Napakunot ang noo dahil gusto kong makasiguro kung tama ba ang nakikita ko.

            Naikuyom ko ang kamay ko ng ng masiguro kong si Bullet Acosta nga ang nakikita kong may kausap na babae at kasama niya ang kaibigan niyang PI.

            Tumayo ako at ngayon ako maniningil sa kanya.

----------------

Bullet's POV

            "Did she drink her medicine? Vitamins? Did she take a nap today? What did her doctor say?"

            Iyon ang sunod-sunod kong tanong sa private nurse ni mommy habang nag-aayos na ako paalis ng opisina.

            "Sir, normal naman ang lahat ng tests ni Mam. Iniinom niya ang mga medicines na prescribed ng doctor and maayos po siya ngayon. Hindi matigas ang ulo niya," sagot ng nurse sa kanya.

            "That's good to hear. Pakisabi kay mama na gagabihin ako ngayon and I'll be home around midnight. Kailangan ko lang samahan si Jacob. Can you stay with her until I got home?"

            "Sure, Sir. Ako na po ang bahala." Sagot ng nurse.

            "Sige. Thank you."

            Kahit ayokong samahan si Jacob at mag-inom ngayon ay napilitang akong gawin. Paniningil daw niya ito sa ginawa kong panggugulo sa condo niya ng mahuli ko siyang may ka-sex na babae. Apparently, he didn't get any information from the woman, but they finished the sex escapade. Gago rin. Alam ko naman ang style ng babaerong Jacob na iyon.

            Malayo pa lang ako ay kita ko na ang maliliwanag na ilaw mula sa Spade bar kung nasaan si Jacob. Dito niya ako madalas yayain ngayon dahil nandito naman ang trabaho niya. Ipinarada ko ang kotse ko hindi kalayuan doon at ng bumaba ako sa kotse ay rinig ko na ang ingay mula doon.

            Kung maingay sa labas, mas malakas na ingay ang bumungad sa akin pagpasok ko sa bar. Ang daming tao. Sabagay, tuwing pupunta naman kami dito ni Jacob ay lagi itong puno ng tao. Malayo pa lang ay nakita ko ng kumakaway sa akin si Jacob at sa tabi nito ay iba't-ibang mga babae na alam ko naman ay mga models dito.

            "I want you to meet my friend, Bullet Acosta." Nakangiti pang pakilala sa akin ni Jacob sa mga babae niya. Kumaway lang ako sa mga ito at naupo sa harap niya. Ngumiti lang ako ng tipid sa mga babae dahil wala naman ako sa mood na makipaglandian sa kanila. Kung hindi lang talaga dahil sa lalaking ito at kailangan kong bumawi, didiretso na talaga akong umuwi para makapagpahinga.

            "Mamili ka na lang sa mga iyan. Game 'yan lahat," bulong sa akin ni Jacob at kumindat pa sa akin. Napatingin ako sa babaeng tumabi sa akin at ng tingnan ko ay ang tamis-tamis ng ngiti sa akin at inabutan ako ng beer.

            "For you, handsome." Malanding sabi niya.

            Tumingin ako ng makahulugan kay Jacob at tumatango-tango lang siya sa akin tapos ay ibinaling ang atensyon sa mga babaeng katabi niya.

            'Tang ina talaga ang lalaking ito. Buwisit kung minsan, eh. Ayoko ng babae. Alam naman niyang ibang babae ang hinahanap ko.

            Siguro ay napansin niyang wala ako sa mood kaya tumayo siya at umupo sa tabi ko tapos ay inakbayan pa ako.

            "Bull, just enjoy this night. Look around you. Women are everywhere and they are ready to be fucked. Just forget Amy even just for this night." Bulong niya sa akin.

            "Gago. Huwag mo akong itulad sa iyo." Natatawa kong sagot sa kanya at tumungga sa hawak kong beer.

            "Just enjoy. Kaya kita isinama dito para ma-unwind ka. Puro na lang si Amy ang laman ng utak mo. Iniwan ka naman." Napapailing na sabi niya sa akin.

            "You still don't have any news about her?" Seryosong tanong ko.

            Seryoso din na umiling si Jacob tapos ay tinapik ako sa balikat. "I'm sorry. You know how I work. But this time, it's deadend."

            Napabuga ako ng hangin at napakamot ng ulo tapos ay tumingin ako sa babaeng katabi ko na halatang naghihintay na bigyan ko ng atensyon.

            Maybe Jacob was right. I need to loosen sometimes. The past months was really upsetting and maybe I need some diversion.

            "What's your name?" Tanong ko sa babae.

            "Macy." Sagot niya.

            "Nice to meet you, Macy." Sagot ko.

            "Fucking asshole. And this what you do after what you did to Amy?"

            Napaangat ang ulo ko para sinuhin ang nagsalita noon. Nakilala kong si Carlo iyon at dilim na dilim ang mukha niya. Kita kong inaawat siya ng mga kasama niya.

            Napatingin ako kay Jacob. I can feel the fucking trouble that is brewing. I just want this asshole to go away. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya.

            Tumayo si Jacob at lumapit sa grupo ni Carlo. I know kilala ni Jacob si Travis and I want him to fix this. Ipinagpatuloy ko na lang ang pakikipag-usap ko sa babaeng katabi ko.

            Pero nagulat ako ng biglang pumuwesto sa harap ko si Carlo at marahas akong itinayo bitbit sa kuwelyo ko.

            "You think you can dismiss me like that? Putang ina mo. Anong ginawa mo kay Amy? Anong klaseng pang-uuto ang ginawa mo sa kanya at pagkatiwalaan ka niya? You even killed my son," galit na galit na sabi sa akin ni Carlo. Ang higpit-higpit ng hawak niya sa kuwelyo ng longsleeves kong suot at nag-aapoy ang mga mata niya sa galit.

            Malakas ko siyang itinulak para makawala mula sa pagkakahawak niya. Mabilis akong inawat ni Jacob at inawat si Carlo ng mga kasama niya.

            "Ako pa ba? Ako pa ba ang may ginawa kay Amy? Hindi kaya ikaw? What did you do to her? Baka nakalimutan mo na pinaasa mo iyon. Binuntis mo tapos nagpakasal ka sa iba." Naiiling na sabi ko at inayos ko ang suot kong damit. "And I didn't kill your child. If someone has to blame, why don't you ask yourself."

            "Gago!" Malakas na sigaw ni Carlo at mabilis akong sinugod. Hindi ako handa sa ginawa niya kaya bagsak ako sa semento ng suntukin niya ako ng malakas. Nahilo ako doon at literal na para akong nakakita ng mga estrelya. Mabilis siyang pumaibabaw sa akin at ng makita kong susuntukin pa niya ako uli ay mabilis na akong umiwas at gumanti din ako ng suntok sa kanya.

            I don't know what is happening around us. Everything is blurry but I can hear screaming. And all I can see is Carlo trying to punch me and I was punching him back.

            "Stop it! Shit, Bullet! Stop!" Naramdaman kong may mahigpit na nakahawak sa akin para hindi na ako makasuntok uli. Doon ako parang natauhan at nakita kong duguan ang mukha ni Carlo pero halatang galit na galit pa rin siya habang pigil-pigil ng kaibigan niya.

            "I am not yet finish with you. Babasagin ko talaga ang mukha mo," galit na galit na sabi ni Carlo.

            Painis akong kumawala mula sa pagkakawahak ni Jacob at tinawanan ko ng nakakainis si Carlo. "Why don't you just go home and be a husband to your pregnant wife? Stop chasing a woman who chose to do the right thing and didn't choose to be your other woman."

            "Gago! Gago ka!" Pilit na kumakawala si Carlo sa pagkakahawak ng kaibigan niya at napailing na lang ako. Napatingin ako sa paligid at nakita kong lahat ng tao sa bar ay nakatingin na sa amin. May mga kumukuha pa ng video and I am sure trending na ito sa socmed.

            Napailing ako at tumingin ako kay Jacob.

            "Please fix this. Let me know how much," tanging sabi ko at tinalikuran ko na siya. Hindi ko pinansin ang mga tingin ng tao sa akin at dire-diretso lang akong lumabas at sumakay sa kotse ko.

            Napapikit ako sa sakit ng panga ko at tiningnan ko mula sa rear view mirror ang tama ko sa mukha. Shit. I got a big cut on my cheek and on my eyebrows. Blood is dripping from my mouth. I got a blood shot eye too. This is fuck. Siguradong magtatanong ang nanay ko kung saan ako nakipagbasag-ulo.

            Nag-drive na lang ako pauwi at sinisiguro kong tulog na si mama pagdating ko sa bahay dahil pasado alas diyes na iyon. Pauuwiin ko na si Karen at ako na ang bahala kay mama. Sigurado naman akong bukas na ito magigising dahil ang ibang mga gamot niya ay may kasamang pampatulog.

            Tahimik na sa bahay ng dumating ako. Hinubad ko ang suot kong longsleeves habang naglalakad ako papunta sa kusina. Shit. Hindi na ba titigil ang pagtulo ng dugo sa mukha ko? I can still taste blood from my mouth. Sa tuwing maaalala ko ang ginawa ni Carlo, talagang lalo akong nagagalit sa tarantadong iyon.

            Nakarinig ako ng pagkaluskos mula sa kusina. Naroon siguro si Karen. Nakakahiya na makikita ako ng nurse ng nanay ko na ganito ang itsura. Pero bahala na. Papauwiin ko na naman siya.

            Pero agad din akong napahinto ng makilala ko ang taong naabutan kong nakaupo sa harap ng mesa sa kusina namin at may kaharap na isang bote ng alak at isang baso. She is so focused on that bottle of whisky and she poured the liquor to her glass.

            Am I dreaming?

May internal hemorrhage kaya ako dahil sa pagkakasuntok ni Carlo sa akin kaya kung ano-ano ang nakikita ko?

            Is this real?

            Amy is here?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top