Chapter Thirty-four
Bullet's POV
Kaninang-kanina pa walang hinto ang pagtunog ng telepono ko. Mama is calling me non-stop but I am no answering her calls. Ayoko na munang makakausap ng mga tao na nasa Quezon. I don't want to remember her kahit man lang ngayon muna. Ilang gabi na akong hindi pinapatulog ni Amy.
Pero kumusta na kaya siya?
Napasandal ako sa upuan ko. Hapon na. Alam kong bisperas ng fiesta ngayon sa Quezon siguradong maraming bisita sila mama kaya siya panay ang tawag sa akin. Gusto kong umuwi kasi gusto kong makita si Amy pero nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari.
Dinampot ko ang telepono ko at binasa ko ang mga messages ni mama.
Hindi ka ba uuwi? Ilang araw ka ng hindi nagpapakita sa akin.
Nasaan ka ba, Bullet? Nag-aalala na ako sa iyo. You are not answering my calls.
Bienvenido! Answer my calls! Inuubos mo ang pasensiya ko.
Instead na kabahan ako sa mga nabasa kong messages ni mama ay natawa na lang ako. Nai-imagine ko ang itsura niya.
Marahan kong sinabunutan ang kulot kong buhok. Buwisit. Naalala ko na naman ang Carlo na iyon. Kapal ng mukha niyang basta na lang papasok dito sa opisina ko. At sasabihin pa niyang girlfriend niya si Amy. Napakagago lang. Alam niyang may-asawa siya tapos sasabihin pa niyang girlfriend niya. Siraulo.
Dinampot ko ang telepono ko at tinawagan ko ang pilot ng chopper. Uuwi ako sa Quezon.
Sandali lang naman ang biyahe ko kaya alam kong bago pa mag-umpisa ang event ni mama ay aabot pa ako. Malayo pa lang ay kita ko na ang liwanag na nanggagaling sa bahay. Maraming sasakyan ang nakaparada sa paligid. Napabuga ako ng hangin. Shit. Bakit ba kinakabahan ako? Isipin ko lang na makakaharap ko si Amy ay talagang parang nanginginig ang tuhod ko.
Hindi muna ako agad na bumaba ng kotse at muli akong tumingin sa paligid. Mga kilalang tao ang bisita ni mama pero wala akong pakielam. Lumaki ako na labas-masok dito sa bahay ang mga kilalang tao sa town namin.
Ilang beses akong bumuga ng hangin. Handa na ako. Kakausapin ko na si Amy ngayon at aamin na ako sa kanya. Tatanggapin ko kung anuman ang sasabihin niya sa akin. Kahit masakit, kahit alam kong hindi na tama, kung pipiliin niya si Carlo, tatanggapin ko iyon.
Bumaba ako sa kotse at dumiretso ako sa likod. Ayokong sumabay sa dami ng mga taong dumarating sa bahay namin. Binati ko si Manang Ester na parang natatarantang pumasok sa loob ng kusina.
"Manang, kumusta? Marami bang bisita at natataranta ka?"
Pero hindi ngumiti sa akin si Manang. Parang maiiyak lang siya sa sobrang takot.
"May problema po ba?"
"May nagwawalang babae doon. Kasama ni Doktora Jean. Inaaway nila si Aria. Iyak ng iyak si Aria. Sinasabi nila na manloloko daw at hindi talaga asawa ni Hunter." Napapikit pa si Manang Ester sa sobrang pag-aalala. "Baka mapaano. Buntis pa naman."
Pakiramdam ko ay namanhid ang buo kong katawan ng marinig ko ang sinabi ni Manang. Mabilis kong pinuntahan sila mama. Naabutan kong nagwawala si Charlotte kasama si Jean. Naroon din si Mrs. Sonia Santos. At lalo akong parang nanghina ng makita kong naroon si Carlo.
Shit. What are they doing here? Damn it!
"This woman is pretending to be someone else. Her name is not Aria Acosta. Her real name is Amelia Solomon and she is just pretending to be the wife of late Hunter Acosta." Ang lakas ng boses ni Charlotte. Ipinaparinig niya sa lahat ng mga tao ang mga sinasabi niya. Ginagawa niya iyon para mapahiya si Amy. "Ganyan ka kasama. First, ginamit mo si Carlo now, you are using a dead person?" Charlotte said that with full of disgust.
Umugong ang bulong-bulungan sa paligid. Mabilis akong lumapit kina mama. Nakita kong iyak lang ng iyak si Amy habang tumingin siya kay mama.
"S-sorry po." Iyon lang ang nasabi niya. I felt sorry for her. Hindi dapat sa ganitong paraan malaman ni mama ang totoo. I am about to tell my mother everything.
"Get off, mom! Get off!" Napatingin ako kay Carlo at nakita kong nagwawala siya para makalapit kay Amy. Pero pinipigilan din siya ni Charlotte para hindi siya makalapit kay Amy. Nakita kong itinulak pa ni Charlotte si Amy palayo at na-off balance siya. Mabilis akong umalalay kay Amy para hindi siya matumba. Umiiyak na lumingon siya sa akin.
"Bullet."
She said that with a sign of relief.
Nakita kong nakatingin silang lahat sa akin. Si Jean, si Charlotte, si Mrs. Santos pati na si mama. Pati na ang mga bisita. Lalo na si Carlo na ang talim ng tingin sa akin ng makita ako doon.
"No one is going to hurt you." Bulong ko kay Amy at mahigpit ko siyang niyakap. Pinabayaan lang niyang gawin ko iyon sa kanya kasi alam kong awang-awa siya sa sarili niya. Iyak lang siya ng iyak. At talagang mananakit ako ng kahit na sinong hahawak man lang sa kanya.
"What the hell? Bullet! That woman is a fake!" Malakas na sigaw ni Charlotte.
Hindi ko siya pinansin at tumingin ako kay mama. Nakatingin lang siya sa akin.
"I am sorry for keeping a secret to you." Sabi ko kay mama. "But she needs us."
Hindi sumagot si mama at seryoso lang na nakatingin sa akin tapos ay kay Amy.
"Mrs. Acosta. Tita Frances. Hindi mo ba ako naalala? I am Charlotte Ling. Our family is a friend of your family. Why are you treating me like this? Parang hindi mo ako kilala. Are you going to believe that con artist over me?" Sabi ni Charlotte kay mama.
Umismid si mama at humarap sa kanila.
"I don't care if your family is a family friend. You are not my guest here. You are not even invited. Lahat kayo. Guest ka ni Jean na isinama niya dito. Kaya ka nakapasok dahil isinama ka niya. Don't you dare say that to me in my own house. Papaniwalaan ko ang gusto kong paniwalaan," matigas na sagot ni mama.
"Aba, Frances. Hindi ko alam na tanga ka na rin pala ngayon. Hindi ka lang inggitera, tanga ka pa. Papaniwalaan mo ang babaeng iyan? Sinungaling iyan. Naloka ka. Niloko niya ang anak ko, tapos ayan naman. Mga anak mo naman ang lolokohin." Narinig kong sabat ni Sonia Santos.
Ang sama ng tingin ko sa kanya at nakita kong ang sama din ng tingin sa akin ni Carlo.
Tumaas ang kilay ni mama kay Sonia Santos at lumapit pa siya dito. Nagsukatan silang dalawa ng tingin.
"Really? Si Aria ba talaga ang nanloloko?" Nakataas ang kilay na tanong ni mama at tumingin kay Jean at kay Charlotte. "Alam mo kung sino ang mga manloloko sa atin so don't start on me." Tinalikuran sila ni mama. "Umalis na kayo bago ko kayo ipakaladkad sa security."
"I am not going anywhere." Si Carlo ang nagsalita noon at mabilis na lumapit kay Amy. "You are coming with me." Marahas niyang hinila mula sa akin si Amy at halos pakaladkad na hinihila paalis doon.
"Carlo!" Sigaw ni Charlotte at pilit na inaawat ang asawa niya. Iyak naman ng iyak si Amy.
"Damn it! Leave her alone!" Malakas kong sigaw at itinulak ko palayo si Carlo kay Amy. Sadsad siya sa tiled floor. I shielded her from those people who wanted to hurt her.
Halos mag-apoy ang mga mata ni Carlo habang nakatingin sa akin. Tinulungan siya ni Charlotte at ni Mrs. Santos na makatayo. Nang makabawi si Carlo ay mabilis siyang lumapit sa amin at malakas akong sinuntok sa mukha. Agad niyang hinawakan sa kamay si Amy at patakbong inilabas ng bahay.
"Jesus Christ, Carlo! Stop! Stop!" Umiiyak na sigaw ni Charlotte. Nakakahiya na talaga sa mga bisita. Grabe ang pangyayaring ito. Siguradong usap-usapan ang pamilya namin sa buong town. Pero wala akong pakielam. Ang mahalaga ay mailigtas ko si Amy.
Hinabol ko sila at naabutan kong pilit na pinapasakay ni Carlo si Amy sa isang kotse. Naroon din si Charlotte at sila Jean saka si Mrs. Santos. Pinipigilan ni Charlotte si Carlo pero parang baliw na ang lalaking ito. Wala na siyang pakialam sa paligid niya. Ang mahalaga sa kanya ay makuha niya si Amy. Wala na siyang pakiealam kung masaktan si Amy.
Marahas kong hinila si Carlo at sinuntok ng malakas. Putangina. Matagal ko na itong gustong gawin sa kanya. Makaganti man lang ako sa lahat ng pananakit na ginawa niya kay Amy.
"Bullet! Stop it! Si Aria!" Boses ni mama iyon.
Doon ako napahinto sa panggugulpi ko kay Carlo at napatingin ako sa gawi ni Amy. Nakatayo lang siya malapit sa kotse. Parang hindi siya makagalaw at umiiyak na nakatingin sa amin. Pakiramdam ko ay tinakasan ng dugo ang mukha ko ng makita kong may dugong umaagos sa mga binti niya.
"Shit!" Mabilis kong nilapitan si Amy at umiiyak siyang nakatingin sa akin.
"Ang baby ko," umiiyak na sabi niya.
"Nothing is going to happen to your baby." Sagot ko sa kanya. Binuhat ko si Amy at dinala sa kotse ko. Diretso kami sa ospital.
---------------
Carlo's POV
Walang tigil ng kakaiyak si Charlotte habang nakasakay kami sa kotse. Nakasunod kami sa kotseng minamaneho ni Bullet Acosta na papunta ng ospital. Pinahid ko ang dugo na tumutulo mula sa pumutok kong kilay at nalasahan ko pa ang dugo sa putok kong labi. Putanginang lalaki iyon. Ang kapal ng mukha. Matagal na pala niyang alam kung nasaan si Amy. Itinatago niya sa akin. Itinago niya si Amy sa lahat.
"Why are you doing this, Carlo? Why do you keep on chasing that woman?" Umiiyak na sabi ni Charlotte.
"She is carrying my baby. Baka mapaano ang anak ko," sagot ko sa kanya.
"We need to do something about it. Anak mo iyon. Apo ko. May karapatan tayo sa bata." Sabat ni mommy.
Hindi ako sumagot at itinuon ko lang ang pansin sa pagmamaneho ko. Naririnig ko sa background si Jean na may kausap mula sa kabilang linya. Parang mga nurse o member ng hospital theme ang kausap niya. Ipinapahanda niya ang DR at OR at kailangan daw na salubungin agad ang pasyente niya. Ibinigay niya ang pangalan na Aria Acosta.
"Possible abruptio placenta. Make the necessary tests when she gets there. I'll be there in a few minutes." Sabi pa ni Jean sa kausap niya.
Nakita kong pabalagbag na nakaparada sa harap ng ospital ang kotse ni Bullet. Wala ng laman iyon. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi ko na hinintay ang mga kasama ko at nagmamadali akong pumasok sa ospital. Naabutan kong nakikipag-usap si Bullet sa mga staff ng ospital.
"Do everything you need to do. Save her and the baby."
Walang pakialam si Bullet kahit may putok din siya sa noo at may pasa sa pisngi. Halatang-halata ang pag-aalala sa kanya. May lumapit na nurse sa kanya at sinabing idi-diretso sa delivery room si Amy. Mabilis na sumunod si Bullet kaya sinundan ko rin siya.
"You don't have any right to do this. Ako ang tatay ng anak ni Amy. Kaya huwag kang umasta na may karapatan ka." Mariin pero mahinang sabi ko sa kanya ng magkasabay kami paakyat sa OR.
Hindi siya sumagot. Diretso lang siya sa paglakad.
"Alam mong matagal ko ng hinahanap si Amy. Bakit mo siya itinago sa akin? Bakit mo itinago sa pamilya niya?"
Tiningnan lang ako ni Bullet at umiling. Mas nakakapikon na hindi niya sinasagot ang mga tanong ko kaya malakas ko siyang itinulak. Mabilis na may lumapit na nurse sa amin at inawat kami.
"Fuck you." Sagot sa akin ni Bullet.
"Ulol. Fuck you." Ganting sabi ko sa kanya.
Sinamaan lang niya ako ng tingin at huminto sa tapat ng delivery room kung saan dinala si Amy. Maya-maya pa ay nakita kong papunta na roon si Charlotte at si mommy. Kasunod nila si Jean na nakabihis na ng scrub suit at diretsong pumasok sa loob ng delivery room. Tapos ay nakita kong paparating din ang nanay ni Bullet.
"Anong ginagawa mo dito?" Mabilis na sita ni mommy ng makitang papalapit si Mrs. Acosta.
"Kailangan ako ng daughter in law ko at ng apo ko. Hindi ko siya pababayaan." Sagot nito at lumapit kay Bullet. Natawa si mommy sa narinig na sagot niya.
"Nahihibang ka na talaga, Frances. Ano ba ang pinagsasasabi mong daughter in law? Anong apo? Kahit sa panaginip wala kang karapatan sa bata. Ako ang may karapatan. Kami. Dahil si Carlo ang ama niya at ako ang tunay na lola." Galit na sabi ni mommy.
Inirapan lang ni Mrs. Acosta si mommy at umiling-iling.
"Karapatan? You don't have any right to that child the moment you rejected his mom. Do you know that she is having a boy and she decided to name it after my son, Hunter." Sinamaan ako ng tingin ni Mrs. Acosta. "Kaya wala kayong karapatan."
"Tita Frances, can you please open up your mind? That woman is just pretending to be someone else. She is not Hunter's wife." Umiiyak na sabat ni Charlotte.
Napahinga ng malalim si Mrs. Acosta.
"I know." Nakita kong napalunok siya at marahang pumikit-pikit. "I knew it from the start. I know that her true name is Amelia Solomon and she is running away from someone who promised to love her and take care of her, but in the end, decided to abandon here." Matalim na tumingin sa akin si Mrs. Acosta. "You see? I took care of her when all of you decided to ruin her life. Kaya anong karapatan ang pinagsasabi 'nyo? Kahit lumabas na ang katotohanan, she will remain my daughter in law and her child will be my grandson."
"Naloloka ka na talaga, Frances. Baliw ka na talaga. Lahat na lang gusto mong agawin sa akin. Pati apo ko, aagawin mo." Galit na sabi ni mommy.
Lahat kami ay napatingin sa biglang bumukas na pinto ng delivery room. Galit na galit si Jean habang nakikipagtalo sa mga doctor na kausap niya.
"Anong sinasabi 'nyong hindi ako puwedeng pumasok? I am her primary OB. I am taking care of her kahit i-check 'nyo pa ang records niya. I need to be with my patient." Pigil na pigil na sumigaw ni Jean.
"I am so sorry, Dra. Baltazar but the client requested for another doctor. And her immediate family requested it too. Hindi 'nyo daw puwedeng lapitan ang pasyente."
"This is bullshit. Walang pamilya 'yan. Who requested it?" Inis na sabi ni Jean.
"I requested it." Sabat ni Mrs. Acosta.
Saglit na natigilan si Jean ng marinig ang sinabi ni Mrs. Acosta.
"'M-ma, what is this? Alam mong akong ang primary OB ni Aria." Paliwanag ni Jean sa matanda.
Umiling lang si Mrs. Acosta. "Leave her. I want other doctors to take care of her."
Maya-maya lang ilang grupo na naman ng doctor ang lumabas.
"Sino po ang tatay ng baby?"
"Ako."
Napatingin ako sa lugar ni Bullet dahil narinig ko din siyang nagsabi noon. Napakagago talaga. Mabilis akong lumapit sa mga doctor na lumabas. Walang karapatan kahit na katiting ang Bullet Acosta na ito.
"I am the father. Can I see her?" Nag-aalalang tanong ko.
Nagkatinginan ang mga ito at malungkot na tumingin sa akin.
"Sir, we are sorry to inform you that the baby didn't make it."
Hindi agad ako nakasagot.
"W-what do you mean, the baby didn't make it?" Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.
"Sir, baby was deprived of oxygen supply. The placenta detached from the uterine lining and interrupted the oxygen supply of the baby. We did everything we could, but it was too late," malungkot na pahayag ng doctor.
Parang nabibingi ako sa narinig ko. May mga mahinang pag-iyak sa paligid. Nakita kong parang nanghihinang napaupo si Bullet at umiiyak si Mrs. Acosta.
The baby didn't make it.
My baby didn't make it.
"She still need some test and she still need to deliver the baby. We will prepare for the induced delivery."
Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko.
"Kayo po ba si Bullet Acosta?" Tanong pa ng doctor sa akin.
"Ha? Bakit?" Takang tanong ko.
"Si Bullet Acosta po kasi ang hinahanap ng pasyente. Gusto niyang makasama habang inilalabas niya ang baby."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top