Chapter Thirty-Five
Amy's POV
Walang patid ang pagtulo ng luha ko. Wala ring patid ang hilab ng tiyan ko. Napakasakit. Pakiramdam ko ay magpa-pass out na ako sa sakit. Ang daming dugo. Nakikita ko na umaagos sa mga binti ko. Nagkakagulo ang tao sa loob ng anong kuwarto ba ito?
"Blood pressure is going up. 150 over 100. No heartbeat for the baby."
Hindi ko alam kung sino ang nagsalita noon pero naintindihan ko ang sinasabi niya.
No heartbeat for the baby.
"Find it again." May pagmamadali sa boses ng isang lalaking naka-scrub suit. Mabilis akong hinubaran ng damit at pinalitan ng hospital gown.
"Misis, you need to calm down. Your blood pressure is going up," sabi sa akin ng doctor. "Get the doppler ultrasound. Check the heartbeat again." Baling niya sa mga kasama niya.
"D-dok, ang anak ko. Ang anak ko," hindi ko na masabi ang gusto kong sabihin kasi iyak lang talaga ako ng iyak.
Wala akong sagot na naririnig mula sa kanila. Panay lang ang check nila sa tiyan ko. Hinahanap ang heartbeat ng baby ko. Pero ang tagal-tagal na. Walang tunog kaming naririnig. Wala din akong maramdamang galaw mula sa tiyan ko.
Ang totoo, wala na akong buhay na maramdaman mula sa sinapupunan ko.
Paikot-ikot pa rin sila sa loob. Ginagawa ang lahat ng magagawa nila para mahanap ang heartbeat ng bata. Pero wala talaga. Wala na talaga.
Kahit nahihilo na ako, nakikita ko pa rin silang nagbubulungan. Tumitingin sila sa akin na parang ayaw nilang marinig ang pinag-uusapan nila. Maya-maya ay nakita kong lumayo ang isang doctor na babae at lumapit sa akin. Tinanggal niya ang mask na suot at humarap sa akin.
"Mrs. Acosta," napahinga siya ng malalim at napapailing habang nakaharap sa akin. "I don't know how am I going to tell this to you. We did everything we could to save the baby but-" hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin kaya lalo akong napaiyak. Alam ko na ang sasabihin niya kaya umiiling ako.
"The baby was deprived of oxygen when the placenta detached from your uterine wall. The baby didn't survive."
Ang lakas ng sigaw ko. Ilang nurse at doctor din ang umalalay sa akin dahil talagang nagwawala ako. Hindi puwede ito. Hindi puwedeng mawala ang anak ko.
"Do you want me to call someone?" Tanong pa ng doctor sa akin.
Hindi ako makasagot. Iyak lang ako ng iyak. Wala na ang anak ko. Wala na ang nag-iisang magiging kakampi ko sa mundo.
"You still need to give birth of the baby. It is your choice if you want do it via ceasarian or normal delivery. But we need to do it immediately so you won't get any infection." Paliwanag pa ng doctor.
Grabe sila. Parang normal na normal lang sa kanila ang mga sinasabi nila sa akin. Parang sanay na sanay na silang sabihin sa pasyente nila na wala na ang anak mo, patay na. Ganoon lang kasimple. Pero hindi ko matanggap 'to. Walang kasalanan ang anak ko para siya ang magsakripisyo para sa mga kasalanan ko.
"Mrs. Acosta, who do you want us to call?" Ulit ng doctor sa akin.
Pinahid ko ang mga luha ko. Kahit naman anong gawin ko, kailangan kong tanggapin ito kahit masakit.
"Si Bullet Acosta. Siya ang gusto kong kasama." Humihikbing sagot ko.
Napakaraming impormasyon ang ini-explain sa akin ng mga doctor na naroon. Mga medical terms na hindi ko naman naiintindihan. Ang hirap i-process lahat kasi parang hindi ko pa makaya na ilalabas ko sa mundo ang isang patay na bata. Ilang buwan kong inalagaan sa sinapupunan ko ang anak ko, lahat tiniis ko para sa kanya pero dahil sa isang pangyayaring walang kuwenta, kailangan niyang mawala.
Nakasuot na ng scrub suit, mask at hairnet si Bullet ng lumapit sa akin. Kita ko pa ang putok sa mukha niya gawa ng pagsusuntukan nila ni Carlo. Tinanggal niya ang mask niya at lumapit sa akin. Bakas ang lungkot sa mukha at hinaplos niya ang ulo ko.
"I am so sorry, Amy."
Umiiling na umiyak ako.
"Kailangan ko daw ilabas ang anak ko. Manganganak pa rin ako pero wala na ang anak ko." Grabe ang hagulgol ko.
Naramdaman kong niyakap ako ni Bullet.
"I won't leave you. I'll be with you every step of the way. But you need to be strong for baby Hunter. He always wanted you to be strong especially now."
Nakita kong may lumapit na doctor sa akin at may gamot na isinaksak sa suwero na nakakabit sa akin. Ang sabi ay pang-induced daw ng labor. Mag-a-undergo pa rin ako ng labor tulad ng sa normal na nanganganak. Mai-experience ko pa rin ang labor pains. Handa ako noon na manganak at maramdaman ang sakit pero hindi ganito. Hindi ganitong klaseng sakit ang ini-expect ko. This pain is not worth it dahil ilalabas kong patay ang anak ko.
Nag-uumpisang humilab ang tiyan ko. Nakakaramdam ako ng contractions. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung ilang oras akong ganito lang ang nararamdaman. Pero hindi nga ako iniwan ni Bullet. Nanatili siyang nasa tabi ko.
Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng urge na mag-push. Isa, dalawang ire. Isa pa ulit hanggang sa maramdamang kong may lumabas na sa akin. Inaasahan ko 'yung parang katulad sa mga napapanood ko sa tv na pagkatapos manganak, may maririnig na iyak ng baby. Pero wala. Napakatahimik ng kapaligiran. Tanging ingay ng mga aparato ang maririnig sa paligid.
"Do you want to hold your baby?" Narinig kong tanong ng doctor.
Umiiyak na tumango ako at pinilit kong bumangon para mahawakan ko ang anak ko.
So tiny. So precious. He is like an angel sleeping. Napakaganda ng mukha. Kung hindi lang dahil sa maputla niyang kulay at walang hiningang lumalabas sa kanya, hindi ako maniniwala na patay ang anak ko.
Mahigpit ko siyang niyakap. Ang anak ko. Kung puwede lang kaming ganito habangbuhay.
Naramdaman kong niyakap din kami ni Bullet.
He is also crying this time.
--------------
Bullet's POV
Amy's baby didn't come from me. Wala akong kahit na katiting na karapatan sa anak niya and yet Amy makes me feel that I am the father of her child.
Ako ang pinabayaan niyang mag-asikaso para sa cremation ng bata habang nagpapagaling pa siya sa ospital. Ako lang ang pinapayagan niyang makapasok sa hospital room niya kahit na nga pabalik-balik doon si Carlo para makausap siya. Nagwawala nga si Carlo ng malaman na namatay ang anak niya. Gusto niyang kunin ang bata at doon daw bibigyan ng magandang burol sa Maynila. Pero matigas si Amy. Hindi niya hinaharap si Carlo at hindi rin siya pumayag sa gusto na kuhanin ang bangkay ng bata.
Nasaktan ako ng mamatay ang kapatid kong si Hunter. Pero mas dobleng sakit ang naramdaman ko ng mawala ang anak ni Amy. Pakiramdam ko, nawalan din ako ng anak. Plano ko na kasi magtatapat ako kay Amy at sasabihin ko sa kanya na mamuhay kami bilang isang pamilya. Tanggap ko ang anak niya at ang nakaraan niya.
But I don't know where we are going to start after this.
"Ayaw pa rin ba niyang tumanggap ng bisita?"
Nilingon ko si mama. Nakita ko siyang papalapit sa akin habang inaayos ko ang ibang pagkain na dadalhin ko sa ospital.
Umiling ako. "Buti nga pinapupunta pa ako."
"Kahit ako ba?" Bahagyang nanginig ang boses ni mama.
Humarap ako kay mama at nakita kong nangilid ang luha niya.
"I am so sorry, 'ma. Siguro pabayaan na muna natin siya."
"But I just wanted to see her. She just lost her baby. Iniisip ba niya na galit ako sa kanya dahil nagsinungaling siya sa akin? I know everything."
"Why didn't you tell me, 'ma?"
"Because I thought I was protecting her. I know what she's been through and I wanted to help her. I lost a son already, Bullet. And when Amy came, I thought there would be a second chance to show my love for Hunter." Tuluyang napaiyak si mama kaya niyakap ko siya.
Napahinga ako ng malalim.
"Minahal ko na si Amy at ang anak niya kaya napakasakit din sa akin ang nangyari. Akala ko pa naman magkakaroon na ng buhay uli ang bahay natin dahil sa pagdating ni baby Hunter."
"Don't worry, 'ma. Magiging maayos lahat. Hintayin na muna nating maka-recover si Amy then we will tell her everything."
"Nagpupunta pa ba doon sila Sonia?"
Umiling ako. "Ayaw ni Amy na may pumunta na kahit na sino sa kanya."
Tumango si mama at huminga ng malalim.
"Iuwi mo na si Amy. Gusto kong dito na siya magpagaling."
"I will, 'ma. I'll bring her home today."
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit na dadalhin ko sa ospital ay dumiretso na ako doon. Napakunot ang noo ko ng pagpasok ko sa kuwarto ni Amy ay malinis na malinis na doon. Nakaayos ang kama. Nakatiklop ang mga kumot at nakasalansan ang mga unan. Agad kong binitiwan ang mga dala ko at pumunta sa nurse station.
"Nurse, nasaan 'yung patient sa 305?"
Kumunot ang noo niya sa akin at bumaling sa kasama niyang nurse tapos ay nagtingin-tingin sa papel na kaharap. Nagliwanag ang mukha ng parang makita ang hinahanap.
"Sir, na-discharge na po 'yung patient kaninang lunch time."
"What? Anong discharge? Wala pa akong nare-receive na discharge note. And I'll be the one who is going to pay for it."
"Ah, 'yung patient na po kasi ang nagpa-discharge. She paid via credit card. May mga gamit pong iniwan sa room."
Napailing ako at mabilis akong bumalik sa kuwarto. Nakita kong may mga gamit ngang naroon. Credit cards, pera, naroon din ang family heirloom necklace na ibinigay sa kanya ni mama. May dalawang sobre ang naroon. Kinuha ko at nakita kong nakasulat ay For Bullet at ang isa ay For Mrs. Acosta.
Napahinga ako ng malalim at binuksan ang sobre. Parang alam ko na ang nakasulat doon.
Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa para humingi ng tawad sa inyo. Sa iyo, kay Mrs. Acosta at lalong lalo na kay Hunter. Ginamit ko kayong lahat para sa pansarili kong kapakanan. Sana mapatawad mo ako. Alam ng Diyos na hindi ko ginustong mangyari ito. Hindi ko kayo ginustong gamitin at saktan. Kinailangan ko lang talaga ng tulong dahil sa pinagdadaanan ko at pasensiya na kung pati kayo ay idinamay ko.
Bullet, salamat, ha? Kasi napakabait mo sa akin. Napakabait mo sa amin ng anak ko. Ikaw ang tumulong sa akin noong mga panahong gusto ko na talagang bumitaw. Napakasakit na mawala si baby Hunter. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula pero sana maintindihan mo rin kung bakit ko ito ginawa. Kung bakit kailangan ko ng umalis sa inyo.
Hindi ko na magawang magpaalam ng personal kasi wala na akong mukhang ihaharap pa. Sobra-sobrang kahihiyan na ang ibinigay ko sa pamilya 'nyo. Hindi ko na deserve ang kahit na katiting na tulong galing sa inyo.
Maraming salamat ulit. I wish you and Mrs. Acosta a great future ahead.
-Amy.
Inis kong nilukot ang sulat na binasa ko. Pakiramdam ko ay sumasakit ang batok ko sa galit. What was she thinking? Kinuha ko ang telepono ko at idinayal ang number ni Jacob.
"I want you to find her. Kahit saan basta kailangang mahanap mo siya." Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Jacob.
"Hey. Slow down, cowboy. Slow down. Who? Who am I going to look?"
"She ran away, man. She ran away. She cannot do this to me." Pakiramdam ko ay maiiyak na ako.
Napahinga ng malalim si Jacob. Parang alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.
"Bull, why don't you let her go this time."
"I can't. She is still vulnerable. She just lost her baby. She needs someone who will take care of her."
"And how can you be so sure that she wants you to take care of her?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Jacob.
"Look, Amy lost everything. Let her find herself first. Let her heal. Alam ko naman ang kinakatakot mo. You're afraid that she will go back to Carlo."
"Man, I just want to find her. She's not yet ready." Sagot ko sa kanya.
"Alright. I'll look for her but promise me, you will not going to bug her. Let the girl heal. She needs time for herself."
Napakunot ang noo ko at parang hindi ko matanggap ang sinasabi sa akin ni Jacob. Hindi ko yata kaya ang sinasabi niya.
"Do we have a deal?" Sabi pa ni Jacob.
Kahit napipilitan ay sumagot ako. "Yeah. I just want to know if she is okay."
"Good. I'll call you if I have something."
Napayuko ako at napahinga ng malalim. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba itong pag-alis ni Amy.
--------------------
Carlo's POV
I hope everything is fine with you when you read this. Don't worry about me. I'll be fine. I just lost a baby, but I'll be fine.
Sa tingin ko, the loss of our baby was an eye opener na kahit kailan hindi magiging tayo. Gawin mo man ang lahat, bumalik man ako sa iyo, wala na ding mangyayari. Everything is complicated. Maraming masasaktan, maraming masasagasaan. Minsan, kailangan nating magsakripisyo para na rin sa maayos na buhay. Tulad ng anak natin. He made the ultimate sacrifice for us.
Mahirap kalaban ang pamilya, Carlo. Sila ang una nating minahal bago natin natagpuan ang mga taong minamahal natin ngayon. Minahal kita ng buo. Ibinigay ko sa iyo ang lahat at hindi ako nagsisisi na ganoon ang ginawa ko. Nagmahal ako, eh. Kung anuman ang nangyari sa atin, tinanggap ko ng buo.
Huwag kang mag-alala. You will always be a memory to me. Huwag mo na akong hanapin. You already made your choice and I know it is not me.
- Amy
Someone delivered this letter in my office. Ilang beses ko na ring nabasa ito pero hindi pa rin ako maniwala na magagawa ito ni Amy. I crumpled the paper in my hands. I've done this so many times, but I end up reading it again and again. I don't want to believe in what I've read. Hindi siya puwedeng mag-give up para sa amin.
Pero sa mga ipinakita niya sa akin, parang gusto ko ng maniwala.
She didn't let me see her when she was delivering our baby. She chose to be with that asshole. She didn't let me see my child even once kahit na 'nung araw ng libing. She didn't let me see her at all.
And I felt something is missing in life.
I don't feel any drive to go out and meet other people.
I just lost a child. I lost the only one that connects me to Amy.
I grabbed the bottle of whisky that is sitting near my table. I was about to drink it up when someone took it away from me.
"Will you stop this?! Ilang araw ka ng ganito!"
Hindi ko pinansin si Charlotte at inagaw ko ang bote na kinuha niya.
"You've been like this for almost how many days. Carlo, I am here. I need you. Our baby needs you." Naiiyak na sabi ni Charlotte.
"What do you want from me? Hindi mo pa ba ako hihiwalayan? I am a fucking mess." Ayoko ng makipagtalo kay Charlotte. I just want her to go away because right now, all I want to see is Amy.
Lumapit siya at hinaplos ang mukha ko.
"Please, Carlo. Ayusin naman natin 'to. Para na lang sa magiging anak mo. I've read her letter and she didn't choose you."
Lalong kumuyom ang kamay ko at lalong nalukot ang papel na hawak ko sa narinig kong sinabi ni Charlotte.
"You lost your child and I know you are mourning. But paano naman ang anak mo sa akin? Our baby needs you too."
Tumingin ako kay Charlotte at umiiyak na siya sa harap ko.
Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ko ang mukha niya.
"You know what I want right now?" Sabi ko sa kanya.
"What? You know I will give anything for you."
Napatawa ako at muling lumagok sa hawak kong alak.
"I want to file an annulment. That's what I want."
Pagkasabi noon ay iniwan ko na siya at nagkulong na ako sa kuwarto ko. Bahala na siya kung anong gawin niya sa buhay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top