Chapter Thirty-eight
Charlotte's POV
"Dapat, talagang mga fitted clothes ang isinusuot mo para nahahalata ang umbok ng tiyan mo."
Tumingin ako kay Jean at inis na tiningnan ang medyo umbok kong tiyan. Sa totoo lang, naiirita na talaga ako sa silicone belly bump na suot-suot ko. Ang hirap. Ang kati. Ang init-init. Nagkakaroon na nga din ako ng rashes sa tummy ko dahil sa dalas kong pagsusuot nito.
"Next month, we need to adjust its size para convincing ang pagbubuntis mo." Paliwanag pa ni Jean habang patuloy siya sa pagkain.
Napa-rolyo ang mata ko at napa-iling. Kung hindi ko lang talaga gustong paniwalain si Carlo, matagal ko ng itinapon ang fake belly bump na ito.
"Are you still drinking your vitamins in-front of him?" Tanong pa niya.
"Kahit naman yata lason ang inumin ko, hindi pa rin mapapansin ni Carlo ang mga sacrifices ko para dito sa fake niyang anak. Minsan, nauubos na rin ang pasensiya ko sa lalaking 'yon. Para siyang robot kausap." Dinampot ko ang kaharap kong coffee mug at uminom doon. Luminga ako sa paligid at tinitingnan ko din kung may kakilala ako dito sa loob ng canteen ng hospital.
Natawa si Jean. "Affected pa rin siya because of Aria?" Napataas ang kilay ni Jean. "Correction, Amy pala. The pretending bitch. Alam mo, sa tuwing naalala ko ang babaeng iyon, nangigigil talaga ako. Ang kapal ng mukha niya at ginamit pa niyang asawa ang namatay kong boyfriend. Hindi na niya iginalang ang patay." This time ay madidiin na ang pagtusok na ginagawa ni Jean sa kaharap niyang pancakes.
"Oh, you should known her better. Talagang user ang babaeng iyon. Alam na alam namin ni mommy ang plano niya. I know why she didn't accept the money. Mommy offered her a million peso, but she refused. Kasi, mas gusto niya ang big amount. Siyempre nga naman, hanggang kailan lang niya gagastusin ang one million? Pero kung si Carlo ang mabibingwit niya, she could get more than a million."
Napabuga ng hangin si Jean.
"Sa una pa lang na nakita ko ang babaeng iyon, mabigat na talaga ang loob ko sa kanya. I can't believe na papatulan ni Hunter ang isang katulad niya. Well, Hunter is dead and sigurado ako para ma-secure niya ang position niya sa mga Acosta, si Bullet naman ang inaaswang niya. Can't you see in the hospital? Talagang si Bullet pa ang pinapasok niya sa delivery room." Naiiling na sabi ni Jean. "Ginamit na niya si Hunter then si Bullet? Over my dead body. I've lost Hunter already and right now, I won't let anyone take Bullet from me." Tumingin ng makahulugan sa akin si Jean.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Si Bullet? Do you like him?"
Inayos ni Jean ang pagkakalapag ng juice niya sa mesa bago sumagot sa akin.
"Cute din naman si Bullet but mas guwapo si Hunter talaga kaya si Hunter ang ginusto ko. Hindi ko lang talaga alam kung anong nangyari bakit bigla na lang siyang umalis. We didn't have any formal break-up. Then after three years of no communication with him, nalaman kong kasama siya sa mga namatay sa aksidente na 'yon and he got a pregnant widow." Ngumiti siya ng mapakla. "Ang hirap tanggapin but I need to act that I accepted everything para mas mapalapit pa rin ako sa mga Acosta at makilala ko ang babaeng ipinalit niya sa akin. Plus, gusto kong si Bullet naman ang makuha ko. Every girl in our town dreamed of marrying one of the Acosta boys and I almost did it with Hunter. Hindi na ako papayag na hindi matuloy ang kay Bullet."
Natawa ako at hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.
"Si Bullet talaga? Well, good catch din naman kasi ang lalaking iyon. Pero mukhang naging close sila ni Amy. Mukhang naunahan ka na rin ulit," lalo kong iniinis si Jean.
"Sa ginawa niya?" Natawa siya. "Every people in our town was talking about the mess she did with the Acosta's. Grabe ang kahihiyan na ibinigay ni Aria aka Amy. You think tatanggapin pa rin siya ni Mama?" I know she is talking about Tita Frances.
"Talagang mama pa rin?" Iniinis ko pa rin si Jean.
"Of course. Magiging manugang din naman niya ako kapag naging asawa ko na si Bullet." Punong-puno ng kumpiyansang sabi niya.
Magsasalita pa sana ako ng mapakunot ang noo ko sa nakikitang kong mga tao na pumapasok sa loob ng canteen.
"Is that-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Jean.
"Jesus Christ. Buhay pa ba ang babaeng iyan?" Alam kong pareho na ang tinitingnan namin ni Jean.
Naroon kasi si Tita Frances at tulak-tulak ni Amy ang wheelchair nito. Kasunod ng mga ito ang isang babaeng nurse at naupo sila sa isang mesa malapit sa pinto.
"This is crazy. Bakit kinakausap pa siya ni Mama? Sobrang panloloko ang ginawa niya," gigil na gigil na sabi ni Jean.
"They really look that they are okay," komento ko din. Ang ganda-ganda ng ngiti ni Tita Frances habang nakatingin kay Amy. Ang aliwalas ng mukha. Parang walang kahihiyang nangyari sa pagitan nila. Tingin ko ay tinatanong ni Amy si Tita Frances kung ano ang gusto nitong bilhin pero inutusan ni Tita ang nurse na ito na ang bumili ng pagkain nila. Pinaiwan si Amy sa harap ng mesa.
"And look at Mama. She really looks sick. 'Yan ang effect ng kahihiyan na ibinigay ng babaeng 'yan. Tapos ngayon kausap pa niya? This is impossible. I am going to talk to them," at tumayo na si Jean. Huli na para mapigil ko siya kaya napilitan akong sundan siya.
-----------------
Amy's POV
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na harapin si Mrs. Acosta. Gusto ko na talagang umiwas sa kanya pero hindi ko na magawang lumayo pa ng yakapin niya ako. Ang higpit-higpit ng yakap niya at ramdam na ramdam ko na na-miss niya ako. Kaya kahit gusto ko ng umalis at iwan siya ay hindi ko magawa. Sumama pa ako sa kanya sa canteen ng ospital.
Walang imik si Mrs. Acosta habang magkaharap kaming dalawa. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin tapos hawak-hawak lang niya ang kamay ko. Ayaw niyang bitiwan. Parang talagang sinisiguro niyang totoo akong nasa harap niya.
"Kumusta ka na?" Tanong niya sa akin.
Pinilit kong tumawa. "Kayo ho ang dapat kong kumustahin. Bakit ganyan na kayo? Pumayat ng sobra. Nawalan kayo ng ayos. Ang buhok 'nyo puno na ng puti," komento ko sa kanya.
Napahinga ng malalim ang matanda at tinapik-tapik ang kamay ko.
"Nakakalimutan ko kasing uminom ng gamot. Minsan nakakalimutan ko rin kumain. Wala na rin akong ganang mag-ayos kasi hindi na naman ako lumalabas ng bahay. 'Yung buhok ko hayaan mo na. Wala na rin kasi 'yung nagkukulay," malungkot na sagot niya sa akin. Alam kong ako ang tinutukoy niyang taga-kulay ng buhok niya.
Napalunok ako kasi pakiramdam ko ay may batong humarang doon. Pinipigil ko ang sariling mapaiyak pero kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa mata ni Mrs. Acosta.
"Bakit ka umalis, Amy? Hindi naman kita pinapaalis. Tanggap ko naman ang lahat," tuluyan na siyang napaiyak kaya napaiyak na din ako.
"Mrs. Acosta, napakalaki ho ng kasalanan ko sa inyo. Ginamit ko ang namatay 'nyong anak para takasan ang isang problema na hindi ko naman matatalikuran. Sobra-sobra ho ang panlolokong ginawa ko sa inyo, kay Bullet. Sana ho mapatawad 'nyo ako." Humihikbing sabi ko.
Sunod-sunod ang iling niya at lalong humigpit ang hawak sa kamay ko.
"Wala kang kasalanan. Alam kong sa umpisa wala kang kahit na anong koneksyon sa anak ko pero tinanggap kita. Inisip kong sa pagkawala ni Hunter ay mapupunan ang lahat ng pagkukulang ko sa kanya kung aampunin kita at ang anak mo. Ako ang gumawa ng lahat para mapanatiling si Aria ka. Patawarin mo rin ako kasi ayokong mawala ka at ang anak mo sa akin."
Ngumiti ako ng mapakla. "Sobra-sobra ang pagtulong 'nyo sa akin. Sa amin ng anak ko. Pero, siguro ho talagang hindi para sa akin si baby Hunter. Napakasakit hong mawalan ng anak." Napahagulgol ako ng sabihin iyon. Ngayon ko nararamdaman ang naramdaman ni Mrs. Acosta sa pagkawala ni Hunter.
"Kaya nga ikaw ang naging sandalan ko noon. Siguro kung hindi ka dumating sa buhay namin, baka sumunod na rin ako sa anak ko. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo, mahirap tanggapin pero kailangan nating kayanin. Kaya kailangan mo ako. Kailangan mo si Bullet para may kapitan ka sa sitwasyon mo ngayon," sumisinghot na sabi ni Mrs. Acosta.
Umiling ako. "Hindi ko na ho kayang humarap kay Bullet. Sobrang nahihiya ako sa ginawa ko."
Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Nahihiya? Pero alam ni Bullet ang totoong pagkatao mo."
"Kahit na po. Hindi na ho tama na magkita pa kami."
"Ha? Pero paano ako? Iiwan mo ba rin ako uli? Amy, tingnan mo naman ang kalagayan ko. Hindi ko laging kasama si Bullet. Sa totoo lang, ang lungkot-lungkot ng buhay ko. Alam mo minsan iniisip ko na sana nga huminto na lang ang pagtibok ng puso ko."
Bakas na bakas ang lungkot sa boses ni Mrs. Acosta at parang pinipiga ang dibdib ko sa nakikita kong itsura niya. Nakilala kong matapang at palaban ang matandang ito pero ngayon, sobrang depressed ang itsura niya.
Dumampot ako ng tissue at pinahid ang luha niya.
"Sige po. Ganito. Kung papayag kayo sa gusto ko, willing ho akong alagaan kayo."
Nakita kong biglang nagkabuhay ang mukha ng matanda.
"Totoo?" Paniniguro niya.
"Opo. Pupuntahan ko kayo sa bahay, aalagaan ko kayo hanggang sa makabawi kayo ulit."
Ang ganda-ganda ng ngiti ni Mrs. Acosta.
"Pero ipangako 'nyo sa akin na hindi 'nyo babanggitin kay Bullet na nagkita tayo."
Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Bakit?"
Umiling ako. "Ayoko na lang hong manggulo sa kahit na kanino. Gusto ko na hong magsimula ng bagong buhay. At gusto kong simulan iyon sa mga bagong tao. Walang Carlo, walang Bullet. Walang Charlotte."
Hindi nakasagot ang matanda sa sinabi ko.
"Sobra-sobra na ho ang tulong na ibinigay ni Bullet sa akin at ayoko na siyang guluhin ngayon. Tama ng kayo na lang," nakangiti pa ako ng nakakaloko sa kanya.
Natawa din siya. "Ikaw talagang bata ka. Kung ano-ano ang pumapasok sa ulo mo. Pero sige. This will be our secret. Madalas naman na hindi umuuwi si Bullet sa bahay."
"And you're still alive? After all of the humiliation that you gave to our family, may kapal ng mukha na humarap kay mama?"
Pareho kaming napatingin sa nagsalita noon sa amin at nakita kong nakatayo doon si Jean na ang sama ng tingin sa akin at sa likuran niya ay si Charlotte.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang maumbok na tiyan ni Charlotte. Hindi ko maiwasan ang maramdaman ng inggit sa kanya kasi buhay ang anak niya sa sinapupunan niya.
"What are you saying, Jean? What family are you talking about?" Inis na sagot ni Mrs. Acosta.
"'Ma? Our family. Technically I still consider you and Bullet as my family. And you're still talking to this pretending bitch? Sobrang panloloko ang ginawa mo sa amin. Pati ang boyfriend ko, ginamit mong asawa mo para lang mapagtakpan ang mga panloloko mo," sabi pa ni Jean.
"Please, ayoko ng eskandalo. Please umalis na kayo," malumanay kong sabi sa kanila. Ayoko na silang harapin.
"Anong eskandalo? Bakit ikinakahiya mo ba ang ginawa mong panloloko? Ang kapal ng mukha mo para lumapit pa kay Mama. Ginamit mo na silang lahat tapos nandito ka pa rin? Why? Hindi mo pa ba nakukuha ang mga gusto mong kunin sa kanila? You should be behind bars because of what you did," galit na galit na sabi ni Jean. Nakita kong kinakalabit ito ni Charlotte at manaka-nakang tumitingin din sa akin.
Napailing na lang ako at parang nahihiya akong tumingin kay Mrs. Acosta.
"Mrs. Acosta, pasensiya na ho. Pero kailangan ko na hong umalis." Paalam ko at sinenyasan ko ang nurse niya na lumapit sa akin.
"What? No! Kung may aalis dito, hindi ikaw iyon. At kung may manloloko dito, lalong hindi ikaw iyon." Sagot ni Mrs. Acosta at masamang tumingin kay Jean.
"I've been keeping this secret for three years, Jean. Three years. You've cheated on my son."
Nanlaki ang mata ko sa narinig na sinabi ni Mrs. Acosta. Is she going to spill the secret now? Nakita kong bahagyang namutla si Jean sa sinabi ng matanda.
"'M-ma, what are you talking about? You know how I love Hunter. I am loving him until now," parang maiiyak na siya.
Napatingin ako sa paligid at naipagpasalamat kong kokonti pa lang ang tao doon at hindi masyadong pansin ang komosyon na nangyayari sa amin. Para lang naman din kasing nag-uusap kami doon.
"Tell me, Jean. Who is Kenneth Chua?"
Lalo ng parang nawalan ng kulay ang mukha nito. Parang hindi makahinga sa sobrang kaba.
"Three years ago, Hunter followed you in Hongkong. Remember a doctor's convention? He followed you there and he was ready to ask you to marry him. But what did he find out? You were kissing another man. And when he checked your room, it was under Mr. Kenneth and Jean Chua. And that Jean Chua was you." Matitigas ang bawat salita ni Mrs. Acosta. Parang bigla siyang lumakas kumpara sa mahinang matanda na naka-wheelchair kanina.
"'M-ma, h-hindi po totoo 'yan." Parang nahihiyang tumingin sa akin si Jean at kay Charlotte.
"Kung may nanakit man, ikaw iyon. Sinaktan mo ang anak ko kaya siya umalis. You are the reason why he chose to leave us and now he is dead." Nanggigigil na sabi ng matanda.
"Mrs. Acosta, tama na po." Awat ko sa kanya. Ngayon kasi ay nakatayo na ang matanda at hindi na nakaupo sa wheelchair niya. Natatakot din ako na baka may masamang mangyari sa kanya sa sobrang galit.
"'Ma, please let me explain," tuluyan ng napaiyak si Jean.
"Kung may konti kang kahihiyan sa katawan mo Jean, you will stop calling me mama. You should have stopped calling me that when you cheated on my son. Ang tagal-tagal kong itinago ito dahil iyon ang gusto ni Hunter. Pero hindi na ngayon. Stay away from my boys," iyon lang at tumalikod na ang matanda.
"Mam, maupo po kayo sa wheelchair." Kinakabahang sabi ng nurse.
"I don't need that garbage. I can walk." Sagot niya at binalingan ako. "Please accompany me?" Pakiusap niya sa akin.
Mabilis kong inalalayan si Mrs. Acosta na makalakad palabas ng canteen. Lumingon ako kay Jean at kay Charlotte at nakita kong parehong ang sama ng tingin sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Mukhang hindi pa tapos ang issue ko sa dalawang babaeng ito.
On-going ang kay Charlotte at nag-uumpisa naman kay Jean.
Pero hindi ko na sila aatrasan. Hindi na ako papayag na tapak-tapakan nila ako. Ginawa na nila noon, pero hindi na nila magagawa ngayon.
Kahit na anong laban, hindi ko na sila aatrasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top