Chapter Ten

PS. This is raw copy. Expect some typos and grammatical errors. I'll edit it later.


Amy's POV

            Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Bullet habang chini-check-up ako ni Dr. Dela Cruz.  Maraming kuwento ang matandang doktor tungkol sa kabataan ng magkapatid.  Pilyo daw si Bullet.  Madalas daw itong mapagalitan ng mga magulang dahil mahilig magbiro sa kanila at sa mga tauhan.  Mahilig mag-prank.  Saglit kong sinulyapan si Bullet na tahimik lang na nakatayo sa labas ng clinic at nagmamasid sa paligid.  Pilyo?  Parang wala naman sa itsura niya.  Iilang beses ko pa lang siyang nakikitang ngumiti ng totoo.  Madalas nakakunot ang noo niya at laging pailalim kung tumingin sa akin.  Alam kong ayaw niya sa presensiya ko.

            "Hintayin lang natin na dumating si Dra. Baltazar.  Nakilala mo na ba siya?" Dama ko ang pagkagiliw sa akin ng doktor.

            Umiling ako.  "Ngayon pa lang po ako nakapunta dito sa bayan ni Hunter." Pinilit kong ngumiti sa kanya.

            "Magugustuhan mo dito, iha.  Tahimik.  Malinis.  Maaliwalas ang paligid. Gustong-gusto ni Hunter dito noong mga bata pa sila pero mas gusto ng papa nila na sa Maynila sila mag-aral kaya doon na sila nagbinata.  'Yang si Bullet?  Nako, madalas kong pasyente 'yan noon dito.  Laging may bukol.  Laging may gasgas.  Minsan, dinala dito at dislocated ang balikat. Umakyat sa puno ayun, nahulog." Naiiling na natatawa ang doktor.

            "Talaga ho?  Parang wala naman sa itsura ni Bullet na pilyo siya.  Laging simangot ang mukha niyan," sabi ko.

            "Hindi siya ganyan dati.  He was the life of the party.  Si Hunter pa nga ang seryoso.  Nagbago lang siya ng may mangyaring aksidente sa kanya.  Mahilig kasing magbiro 'yang si Bullet.  Mahilig manggulat, mahilig mag-prank.  Isang araw, nagsuot siya ng costume na parang halimaw, hindi ko rin maintindihan.  Basta ng dinala siya sa akin dito, punong-puno ng dugo ang costume na suot niya." Tumayo si Dr. Dela Cruz at inayos ang BP apparatus malapit sa akin.  Sinenyasan niyang akong ibigay ang braso ko sa kanya para mailagay niya ang BP cuff.

            "Dugo?  Ano pong nangyari?" Na-curious ako sa kinukuwento niya.

            "Hindi ba naikuwento ni Hunter sa iyo?" Balik-tanong niya sa akin at mabilis akong umiling.

            "Aksidente niyang nabaril si Bullet.  Gabi na kasi noon.  Ang plano ni Bullet ay i-prank ang kapatid niya and he pretended to be a one big animal or monster I don't know.  You know kids and their stupidity.  They were in their teens.  Nag-aaral ng humawak ng baril si Hunter and when he saw a big creature inside his room, he didn't hesitate to shoot.  Only to find out that he shot his brother."  Panay-panay ang pisil ni Dr. Dela Cruz sa bulb rubber ng bp app para makuha ang blood pressure ko.

            Hala.  May ganoong eksena sa kanila?  Nakakagulat talaga 'tong pamilya na 'to.

            "Good thing the bullet lodged on the pendant of Bullet's necklace kaya hindi naging fatal.  The other bullet hit his rib.  Kaya napangalanan ng Bullet 'yang batang 'yan at si Hunter naging Hunter," natawa na si Dr. Dela Cruz.  "Kalolokong mga bata."

            Napatingin ako sa gawin ni Bullet at nagchi-check siya ngayon ng telepono niya.  Itinataas pa niya sa ere iyon at parang naghahanap ng signal.

            "Mahirap po ba ang cellphone signal dito?" Tanong ko.

            "Mahirap ang cellphone signal at internet connection dito.  Kung gusto mong mag-internet, pupunta ka pa sa kabilang baryo.  Sa totoo lang kayang-kaya naman ng pamilya nila Bullet magpatayo ng cell site malapit sa lugar nila pero mas ginusto ni Frances na huwag na.  Maingay na daw sa Maynila.  Magulo at nakakarindi.  Kapag nandito daw sila ng pamilya niya, matiwasay sila.  Malayo sa maingay na siyudad.  Malayo sa mga social media."

            Napatango lang ako at muling tumingin sa gawi ni Bullet.  May kausap na siyang babae ngayon.  Mukhang doktor din dahil naka-doctor's coat ito.  Maganda ang babae.  Matangkad.  Payat at mahaba ang buhok.  Hindi mukhang basta-basta.  Kita ko ang pagbabago ng expression ng mukha ni Bullet.  Halatang nagulat siya ng makita ang babae pero halata din na na-excite siya.  Mabilis akong nagbawi ng tingin ng makita kong tumingin sila sa gawi ko at naglakad papasok para lumapit sa akin.

            "Jean.  Mabuti at dumating ka.  May pasyente ka," sabi ni Dr. Dela Cruz.

            Tipid akong ngumiti sa babae at nakatingin lang siya sa akin.  Hindi siya ngumingiti pero hindi rin naman siya nakasimangot.  Parang ina-assess niya ako. 

            "Aria here is Hunter's widow.  This is Dra. Jean Baltazar.  She is the town's OB-GYNE," pakilala ni Dr. Dela Cruz.

            "Hello," tipid kong bati sa kanya.

            "He got married?" Parang pumiyok pa yata ang boses ni Dra. Baltazar ng sabihin iyon at tumingin sa gawi ni Bullet.  Nagtatanong ang tingin nito.  Parang naninigurado.

            "Yeah.  She is pregnant with his baby." Kumunot ang noo ko sa tono ng salita ni Bullet.  Bakit parang ayaw niyang malaman ng doktor iyon?

            Pilit na ngumiti sa akin si Dra. Baltazar at napansin kong namamasa ang mga mata niya.  Panay din ang ehem niya tapos ay sumenyas ng sandali sa akin at mabilis na lumabas.  Sumunod naman dito si Bullet.

            "May problema po ba?" Baling ko kay Dr. Dela Cruz.

            Malungkot na ngumiti sa akin ang doktor.

            "Wala bang naikuwento sa iyo si Hunter tungkol sa buhay-buhay niya dito?" Balik-tanong niya sa akin.

            Umiling ako at sumilip sa labas.  Nakita kong umiiyak si Dra. Baltazar at kino-comfort siya ni Bullet.  Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.  Talagang nag-aalala ang itsura ni  Bullet habang inaalo ang umiiyak na doktora.  Hindi man lang niya ginawa sa akin iyon kahit nga ang alam niya ay biyuda ako ng kapatid niya.

            "Dating girlfriend ni Hunter si Dra. Baltazar.  Matagal sila.  Since high school.  Alam na alam iyon ng buong bayan dahil kahit paano kilala din naman ang pamilya nila Jean.  Kaya nagulat kami na biglang nawala si Hunter at umalis."

            Hindi ako nakasagot sa sinabi ng matandang doktor tapos ay muli akong tumingin sa gawi nila Bullet at Dra. Baltazar.  This time ay pinapahid ni Bullet ang luha ng babaeng doktor habang panay lang ang tango nito.

            So may iniwang girlfriend si Hunter?  Sino si Aria?  Nakita ko naman na mukhang mahal na mahal ni Hunter ang babaeng kasama niya noon ng maaksidente kami.

            Mukhang mas magulong mundo itong napasukan ko.

---------------à>>>>>>>>>

Bullet's POV

            Hindi nagsasalita si Aria habang bumibiyahe kami pauwi.  Pagkagaling sa town clinic at ma-check siya ay nagyaya na agad siyang umuwi.  Utos ni mama na dalhin ko pa siya sa department store at samahang bumili ng ibang mga personal na gamit dahil iilan lang ang mga gamit niya sa bahay pero ayaw niya.  Gusto daw niyang magpahinga at sumakit daw ang tiyan niya.

            Naapektuhan kaya siya sa nalaman niyang ex-girlfriend ni Hunter si Jean?  Hindi lang naman basta fling iyon. Matagal naging girlfriend ni Hunter si Jean at akala namin ay sila na ang magkakatuluyan hanggang sa umalis na nga ang kapatid ko.  Walang paliwanag si Hunter kung bakit siya umalis at bakit niya iniwan si Jean kaya talagang gulat na gulat ako ng malaman kong bigla na lang siyang ikinasal..  Sabagay ganoon din naman ang ginawa niya sa amin.  Umalis siya ng hindi man lang nagpaalam kahit kay mama.

            "Are you alright?" Sumulyap ako sa kanya kasi nakatitig lang siya sa labas ng bintana ng sasakyan.

            Tumango lang siya na hindi man lang ako tinitingnan.

            "I am sorry I didn't tell you that she was Hunter's ex," hingi ko ng paumanhin.  Alam kong mali na hindi ko man lang nabigyan ng head's up si Aria.  Kahit naman kasi ako ay nagulat na OB-GYNE na sa bayan si Jean.  Ang alam ko ay nag-America ito ng maghiwalay sila ni Hunter.

            "Wala naman sa akin iyon," sagot niya at bahagyang hinilot ang maumbok na tiyan.

            "Professional pa rin naman siya.  She took care of you and your baby," paliwanag ko.  Bilib nga ako sa tibay ni Jean kanina.  Alam kong nasasaktan siya sa nalaman niyang asawa ni Hunter si Aria.  Alam kong nagseselos siya pero ipinakita pa rin niya ang pagiging professional.  Hinarap pa rin niya ang pagiging doktor kahit nga masakit iyon para sa kanya.

            "Bakit umalis si Hunter dito?" This time ay tumingin na siya sa akin.

            Ramdam kong nagsisinungaling sa maraming bagay si Aria pero this time, talagang curious siya kung bakit umalis si Hunter.  There was no fear in her eyes while she is looking at me.  She got pretty eyes.  Well, she got a pretty face.  I've already noticed that when I first saw her.  Tinatabunan ko lang ng inis iyon dahil sa padalos-dalos na desisyon ni Hunter na pakasalan siya.

            "I don't know," iyon na lang ang naisagot ko at itinutok ang mata sa kalsada.

            "You don't know?  Kapatid mo si Hunter so dapat alam mo ang tinatakasan niya bakit siya namundok," sagot niya sa akin.

            "Ikaw?  Ano ang tinatakbuhan mo bakit ka namundok?" Balik-tanong ko sa kanya.

            Nakita ko ang pagkalito sa mukha ni Aria at mabilis na iniiwas ang tingin sa akin.

            "Wala akong tinatakbuhan." Sagot niya at muling tumingin sa labas ng bintana.

            "Then why you and Hunter chose to stay there?  You have your family.  You got married without even telling us?  Napaka-selfish 'nyo," hindi ko na natiis na hindi sabihin iyon.

            "Selfish ba na mas pinili lang namin na unahin ang kaligayahan namin?  Selfish ba na talikuran ang mga taong nanakit sa amin?" Matigas ang pagkakasabi niya noon.

            "Walang nanakit kay Hunter."

            "Pero may nanakit sa akin." Kita ko ang galit at pait sa mukha ni Aria ng sabihin iyon.  Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya at para namang natauhan siya sa nasabi niya kaya bigla din siyang huminahon.

            "Masaya kami ni Hunter ng kami lang.  At mas masaya sana kung buo ang pamilya namin lalo na nga at magkakaroon na kami ng anak.  Kahit kailan hindi na makikita ng anak ko ang tatay niya.  Akin lang ang anak ko at walang ibang puwedeng kumuha sa kanya." Diretsong nakatitig sa mga mata ko si Aria ngayon.

            This time ay hindi na siya naiilang sa akin.  She is determined to keep her baby.

            Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya.  Wala ng naglakas-loob na magsalita sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay.  Mabilis siyang bumaba ng sasakyan ng huminto ako at dumiretso sa kusina.  Ako naman ay dumiretso sa sala.  Naabutan ko si mama na may kausap sa telepono.

            "Do something about it, Jacob.  I don't want it to come out." Seryosong-seryoso ang timbre ng boses ni mama.

            Kausap ni mama si Jacob?

            "'Ma?" Lumapit na ako sa kanya at napatingin siya sa akin at bahagyang nataranta. Mabilis siyang nagpaalam sa kausap niya.

            "Dumating na pala kayo?" Mabilis na lumapit sa akin si mama.

            "You are talking to Jacob Ramirez?  Why?" Tanong ko pa sa kanya.  Bakit kakausapin ni mama si Jacob?  May ipinapa-trabaho ba siya?

            "Ah si ano ang kausap ko. Si-"

            "You realized that she is faking it and you decided to have her investigated?  Thank god, 'ma at naniwala ka sa akin," putol ko sa sinasabi niya.

            Kumunot ang noo sa akin ni mama.  "Investigated?  Sino?  Si Aria?  Of course not.  Bakit ko papa-imbestigahan ang asawa ng kapatid mo?  Ano ba ang mga sinasabi mo?"

            "What?  Then why are you talking to Jacob?" Taka ko.  Tama naman ang narinig kong pangalan na sinabi niya.

            "I was talking to Jaya.  You know?  The gay events planner?  I was thinking of having a baby shower for Aria para naman kahit paano gumaan ang pakiramdam niya.  I don't want her to feel that she is not part of the family." Sagot ni mama sa akin.

            "'Ma, can we slow down?  Hindi pa natin siya ganoong kakilala.  Do you believe that she doesn't have any family?  Napaka-convenient naman noon."

            Sinamaan ako ng tingin ni mama.

            "Are we having this conversation again?  I told you, Aria is my daughter in law and her baby is my grandchild.  Kung hindi mo matanggap iyon, the door is widely open and you can go back to Manila.  Hindi ko na rin hihintayin kung uuwi ka pa dito.  Be like Hunter.  Find your happiness," tinalikuran na ako ni mama at malakas ang boses niyang tinawag si Aria.

            Napabuga lang ako ng hangin.  This is fucking bad.  I need to do something about this.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top