Chapter Sixteen

Carlo's POV

There is something going on. Bakit nawawala ang mga post ko tungkol sa pagkawala ni Amy? I was sure that I posted it all sa lahat ng news sites, sa mga page ng missing persons pero bakit ngayon na hinahanap ko ay hindi ko na makita.

I tried to browse again pero ganoon talaga. Wala talaga. Ang mga links na na-save lahat ay this content not found ang nakikita ko.

Wala sa loob na napakuyom ang mga palad ko. Sigurado na ako kung sino ang may gawa nito.

Marahas kong binuksan ang pinto ng kuwarto at hinanap ko si Charlotte. Where the hell is that bitch? Alam kong siya lang ang puwedeng gumawa nito.

Nakarinig ako ng parang nag-uusap na nanggagaling sa kusina kaya doon ako mabilis na pumunta. I was about to yell at her but I saw my mother sitting in front of the table and sipping her coffee.

"Iho, mukhang tinanghali ka ng gising." Puna ni mommy sa akin tapos ay tumingin sa gawi ni Charlotte na busy sa pagpi-prepare ng pagkain.

"What are you doing here?" Hindi ko inintindi ang tanong niya sa akin.

"Oh, nothing. I am just visiting you and my loving daughter in law," ngumiti pa si mommy kay Charlotte na lalo kong ikinainis.

"Did you do this?" Agad akong lumapit kay Charlotte at ipinakita sa kanya ang facebook page na tinitingnan ko.

"Did what? What is that, Carlo?" Taka niya.

"Stop lying. I know you're the one who took down all those links. Sabi mo tutulungan mo ako?" Pinipigil ko talagang umalsa ang galit ko.

"What is that, Carlo?" Tumayo na rin si mommy at lumapit sa akin.

"M-mom, wala naman po. This is just a simple misunderstanding," alanganing ngumiti si Charlotte kay mommy.

"We are married already and you got what you need so pabayaan 'nyo na ako kung ano man ang gusto kong gawin ngayon," sagot ko kay mommy.

"Carlo, what are you talking about?" Bumaling siya kay Charlotte. "What is this, Charlotte? Are you two having problems?"

Natawa ako ng nakakaloko at napailing.

"Problems, mom? This fucking whole damn marriage is the problem from the start." Inis na sabi ko.

"Carlo!" Saway ni mommy sa akin. Nakita kong parang iiyak na si Charlotte and I can't even stand looking at her face. Walang paalam ko silang iniwan. Wala na akong pakielam kung anuman ang isumbong niya sa mommy ko. Ang importante ngayon ay mahanap ko si Amy at ng makalayo na kami sa impiyernong buhay na ito.

Agad kong idinayal ang number ni Travis.

"What's up?" Agad niyang bati sa akin ng sagutin ang tawag ko.

"Can you set me a meeting with this Jacob?" Iyon ang nabanggit ni Travis ng pangalan ng private investigator na kakilala niya. Ang tagal ko ng nakikipag-set ng meeting sa PI na ito pero lagi na lang itong hindi puwede. Marami daw mga inaasikasong kliyente.

Hindi agad nakasagot si Travis sa narinig na tanong ko.

"Charlotte is sabotaging my plans. I know she is behind the removal of the missing post for Amy." I feel so lost and desperate because all I wanted right now is to find her.

"Bro, can you please slow down? Take it easy," napahinga ng malalim si Travis. "Carlo, dahan-dahanin natin 'to."

"Trav, it's been more than a month. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Kung maayos ba ang kalagayan niya. Kung nakakakain ba siya ng maayos. I am desperate, man." Gusto ko ng umiyak kahit nakakahiya kay Travis.

"Bro, ikaw na lang naman kasi ang umaasa na buhay si Amy. Tanggap na ni Liv ang nangyari sa kapatid niya. Huwag kang masyadong umasa sa DNA na sinasabi mo. It could be wrong. There are too many factors to consider. The sample that you gave was not fresh. Carlo, you know what I mean. We keep on telling you that if she is alive, she will come back. Pero it's been more than a month and walang Amy na bumabalik sa atin."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Travis.

"You are just being desperate kaya lahat na lang sinisisi mo. Nagagalit ka sa maliit na bagay dahil hindi mo makuha ang gusto mo. How can you be so sure na si Charlotte ang gumawa na alisin ang mga posts mo? Ayan pa. You posted in social media. Wala kang maitatago 'dun. May tumawag ba sa iyo? May nag-message ba sa iyo?"

Gusto kong mainis kay Travis kasi bakit parang sinisira niya ang pag-asa ko?

"Please don't get mad at me. I am just being realistic here. Maybe, she is really dead and she wasn't' accounted for in that accident and she is not coming back. Maybe it's time for you to move on."

Pakiramdam ko ay naipit ang paglunok ko ng maisip ko ang sinasabi ni Travis. Mag-move on? Hindi ko yata kayang gawin iyon. Ramdam ko na buhay pa rin si Amy.

"Trav-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi napapiyok na ako. Hindi ko na napigil ang mga luha ko.

"Naiintindihan ko ang kalagayan mo pero I think it will be better for you and for everyone if you give up looking for Amy. She is not coming back, bro. Tanggapin na natin iyon."

Para akong batang napasalampak sa harap ng bahay namin at umiiyak. Kung may makakakita sa akin, iisipin nila na nababaliw na ako. Pero siguro nga, baka mabaliw na lang ako dahil talagang ayokong maniwala na hindi na babalik si Amy. Kahit sabihin nilang lahat na mag-move on ako, hindi pa rin ako naniniwalang patay na si Amy.

-----------------à>>>>>>

Bullet's POV

I told my secretary to tell all my colleagues that I'll be taking a break from the office indefinitely. Pero kung may mga importanteng kailangan na i-handle ko personally ay pupuntahan ko naman at bibiyahe ako pa-Maynila pero sa ngayon, gusto kong nasa tabi ako ni mama. Gusto kong makilala lalo kung sino si Amy Solomon at kung talaga bang tama si mama ng pagkakakilala sa kanya.

Mababaw lang kasi ang pagkakakilala ko kay Amy. Well from the start I know that she is just using my brother's death to run away from something and I was right. She was running away from the man that knocked her up. I clenched my jaw when I remember the face of that asshole. Mabigat talaga ang dugo ko kay Carlo. The fact na hindi maganda ang pag-trato niya kay Charlotte at sa ginawa niya kay Amy, he is such douchebag. He doesn't have any right to love at all. He doesn't deserve both Charlotte and Amy.

I dialed Jacob's number and I glanced at the clock. It is past 8 am and I know suntok sa buwan kung sasagutin niya ang tawag ko pero magbabakasakali ako. Gusto kong malaman kung nagawa niya ang ipinapa-trabaho ko sa kanya.

"What the fuck, Bullet. Don't you know what time it is?" He sounded pissed at halatang naistorbo ko lang ang tulog niya.

"Did you take care of it? Did you take down the posts?"

"Ano ba ang sinabi ko? Gagawin ko 'di ba? Na-trabaho ko na. Baka puwede mo na akong patulugin," iritable niyang sagot.

"Paano kung mag-post siya uli? Mukhang hindi titigil ang lalaking iyon sa paghahanap kay Amy," sagot ko.

Wala akong sagot na narinig kay Jacob pero mga kaluskos ang narinig ko. Siguro ay umayos siya ng puwesto.

"Ikaw ba ang naririnig ko? Ikaw na gusto mong malaman ang totoong pagkatao ni Amy Solomon tapos ngayon pino-protektahan mo siyang hindi makita ng boyfriend niya." Natatawa si Jacob.

"I am doing this for my mother. Parang ginayuma ang nanay ko. Would you believe that she included Amy in her last will and testament? I don't know how to tell my mother about Amy's true identity. Baka mahirapan siyang tanggapin ang totoo."

Matagal bago sumagot si Jacob tapos ay napahinga ng malalim.

"So what are your plans?" Tanong niya.

"I'll let her believe that I don't know anything about her true identity but I will be very cautious."

Napa-hmm si Jacob.

"Baka ma-fall ka," natatawang sabi niya.

"Gago. Buntis na 'yung tao kung ano-ano pa ang iniisip mo."

Ang lakas ng halakhak ni Jacob.

"Aba, kahit buntis si Amy hot pa rin. Lumaki lang ang tiyan pero sexy pa rin at maganda."

"You know, you are fucking sick, Jacob. You are lusting for a pregnant woman. Mahiya ka naman," hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako kay Jacob. Pero parang lamang 'yung naiinis ako dahil sa sinasabi niya.

"It was just a joke," tumatawang sagot ni Jacob tapos ay biglang sumeryoso din. "Travis Velasco called me and Carlo Santos wants to have a meeting with me. He wanted to get my services to find Amy."

"And what did you say?"

"I said I can't accommodate him anymore. Mas malakas ka sa akin."

"Good. Just make sure na lahat ng ipo-post ni Carlo tungkol kay Amy ay tatanggalin mo sa socmed. I don't want her to be found yet and I think she doesn't want to be found too."

"Alright. Whatever you say, man. Let me sleep. Dalawang oras pa lang ang tulog ko. Sobrang istorbo ka." Pagkatapos noon ay busy tone na lang ang narinig ko sa kabilang linya.

Napahinga ako ng malalim at napabuga ng hangin. I hope I am doing what is right in this situation.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kuwarto ko para mag-breakfast. Pagdaan ko sa tapat ng kuwarto ni Amy ay nakita kong bahagyang nakabukas iyon. Nakakarinig ako ng mahihinang boses na parang nagsasalita. Is that my mother?

"Ito. Subukan mong isuot ito. Sigurado akong bagay na bagay ito sa iyo."

Boses nga ni mama iyon. Huminto ako at nakiramdam tapos ay bahagyang sumilip sa nakaawang na pinto at parang nagsisi ako sa ginawa ko.

Shit. Parang totoo ang sinabi ni Jacob sa akin.

Amy is still sexy for a pregnant woman.

Wala sa loob na napalunok ako habang pinapasadahan ng tingin ang nakatalikod na babae na nakasuot lang ng itim na bra at panty. Kung hindi ko nga lang alam na buntis siya, hindi ko talaga iisipin na mukha siyang nakalulon ng pakwan. She got nice curves at the right places. Small waist, rounded hips and butt. She got long legs too and smooth skin.

"Mrs. Acosta, hindi ko naman ho kailangan ang mga ganitong damit kasi hindi naman ako umaalis. Kumportable naman ho ako sa mga damit na isinusuot ko." Narinig kong sabi ni Amy.

Halatang ayaw niya lang tanggapin ang mga ibinibigay ni mama sa kanya. Nakita ko ang mga paper bags na mula sa mga mamahaling maternity shops na nakikita ko online. Sigurado akong si mama ang bumili ng mga ito.

"Even if you are just staying in the house I want you to be presentable. Bigla-bigla may mga dumadating na bisita dito sa bahay and ayokong isipin nila na hindi ko inaalagaan ang daughter in law ko. You try that," pilit na iniaabot ni mama ang isang maternity dress kay Amy.

Tingin ko ay wala lang magawa si Amy kaya napilitan siya kunin ang damit mula kay mama. Napakagat labi ako ng makita kong bahagya siyang tumuwad para maisuot ang katernong pang-ibaba ng maternity dress. Fuck that butt. So rounded. Parang ang sarap lamutakin.

Natigilan ako sa naisip ko.

Did I really think about that? Lamutakin ang puwet ni Amy? She is pregnant for god sake. Parang sumakit yata ang ulo pati na ang puson ko dahil sa naisip ko. Shit. What the hell is wrong with me. Buwisit kasi si Jacob kung ano-ano ang pinagsasabi sa akin.

Halos takbuhin ko ang kusina namin at nagmamadaling nagbukas ng ref para kumuha ng maiinom ng tubig. Halos maubos ko ang isang 500ml na bottled water na nakita ko doon. Uhaw na uhaw ang pakiramdam ko at wala sa loob na napatingin ako sa pagitan ng mga hita ko.

Puta. Nagagalit at naghihimagsik? Bakit?!

What the fuck? Hindi naman ako tigang sa sex. Well, technically medyo kasi nawala ako sa focus magmula ng mamatay si Hunter and I don't have a girlfriend that I can fuck anytime I want pero buntis na babae ang nakita ko. Kailan pa naging appealing ang isang buntis na babae?

Inis na kinatok ko ang ulo ko at huminga ng malalim. I need to get off that image from my head. I need to focus. I need to calm down.

I am not lusting for a pregnant woman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top