Chapter Six

Bullet's POV

Hindi ko pinansin ang masamang tingin sa akin ni mama habang naiwan kami sa harap ng hapag. Nagkunwa akong abala sa pagkain dahil ayokong magtalo pa kami. We've been doing that since that woman came into our lives.

"What the hell is wrong with you? You terrified the poor girl!"

Napahinga lang ako ng malalim at hindi ako sumagot. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain.

"Kung ano-ano ang mga kailangan mong itanong sa kanya. Bakit kailangan mo pang itanong kung saan sila nagkakilala ni Hunter? Kung saan sila ikinasal? Do you think that is important?" Galit na galit ang tono ni mama.

Kahit gusto kong ibagsak ang hawak kong kubyertos ay marahan ko iyong ibinaba sa plato ko at pinahiran ang bibig ko ng nakita kong table napkin.

"'Ma, that woman is afraid because she knows I know that she is faking it. I was just asking the basic questions. Where did they meet?" Natawa ako ng nakakaloko. "It was just a simple question na hindi niya masagot ng tama. She would say in a church? Trust me, ma. Hunter would never step foot inside a church kung hindi ka kasama." Muli kong hinawakan ang mga kubyertos ko at nagsimulang kumain.

"I don't believe that your brother does not believe in God anymore. Maayos ko kayong pinalaki, pinalaki na may respeto at may takot sa Diyos kaya mali ang sinasabi mo."

"Whatever you say. Lagi naman ganoon, eh. Si Hunter lang ang pinapaniwalaan mo. You never believed in me," matabang kong sagot.

"Because everything you say is always a joke! Everything you say is not believable. How many times did you trick us? Yeah it was funny at first but what happened? You almost died because of that," galit na sabi ni mama at inis niyang binitawan ang hawak na table napkin.

Hindi ako kumibo at wala sa loob na sinalat ko ang pendant ng kuwintas na suot ko tapos ay nakapa ko sa dibdib ko ang isang peklat.

A scar that reminds me, if not for this pendant, I shouldn't be alive today.

"That was a long time ago, 'ma. And bakit ba sa akin napunta ang usapan? We are talking about the stranger that you invited in our house."

"She is not a stranger, Bullet. She is your sister in law. Asawa ni Hunter. Kailangan ba akong paulit-ulit doon? I don't understand you. Napaka-simple ng pinag-uusapan natin pero ginagawa mong kumplikado. Akala ko ba magaling kang businessman?"

Alam kong maysakit sa puso si mama pero ako yata ang mauunang atakihin sa puso sa mga sinasabi niya.

"'Ma, please be reasonable. I am saying this because it's a fact. She is pretending to know Hunter but she is using us. I don't know why or what is her reason for doing that but I can tell you that she is lying to us. And please stop saying that she is my sister in law. We don't even know what kind of a person is she.  And they got married in a mountain? In a mountain, 'ma. I am going to check the NSO if their marriage is valid," sabi ko.

"I don't care if they got married or they didn't get married. She is pregnant with your brother's child. That child is your brother's flesh and blood. Apo ko ang nasa tiyan niya kaya hindi ko sila pababayaan." My mother's voice is so firm at alam kong hindi ko na ito kaya pang baguhin.

"How you would know that it is really Hunter's child? 'Ma, let's be realistic. Let's do a paternity test para masiguro natin na anak ni Hunter ang ipinagbubuntis niya." Sabi ko.

"Bullet, please stop meddling with this. Please. I know this is your way of coping up for your brother's death. I know it's hard for you too. Lahat tayo nasaktan sa pagkawala niya." Nakita kong yumuko si mama at umiling. "Mas tanggap ko na wala lang dito si Hunter at namumundok lang siya at least I know he is still alive and exploring somewhere. Pero ito? The reality that he is not coming back to us?" Tuluyan ng napahagulgol si mama. Parang nakunsensiya naman ako sa nakita kong itsura ni mama kaya tumayo ako at yumakap sa kanya.

"We lost him forever, Bullet. I lost your father now your brother. I don't want to lose you too." Nakayakap na umiiyak si mama sa akin.

Damn it. Ano nga ba itong nagawa ko? I know how vulnerable my mom is right now. Another heart break will literally affect her heart.

Fine. I'll let this slide for now. Pagbibigyan ko na muna si mama pero aalamin ko pa rin talaga ang totoong pagkatao ng Aria Acosta na ito. Malakas kasi talaga ang kutob ko na hindi siya nagsasabi ng totoo.

-------------à>>>>>>>>>>

Carlo's POV

"Drinking again."

Halata ang pagka-disgusto sa tono ng boses ng nagsalita noon. Hindi ko pinansin ang nagsalita at nagpatuloy lang ako sa pagsasalin ng alak sa basong kaharap ko.

"When are you going to stop this, Carlo?"

Tuloy-tuloy kong ininom ang alak sa baso ko at nagulat ako ng bigla iyong tabigin ni Charlotte kaya sumabog ang laman noon sa white carpet ng bahay. Sinamaan ko siya ng tingin at muli kong dinampot ang bote ng alak at tinalikuran na siya pero mabilis niya akong hinawakan sa braso.

"Until when are you going to treat me like this?!" Nangingilid na ang luha niya habang nakatingin sa akin pero wala talaga akong maramdamang awa sa kanya.

Tinawanan ko lang siya at tinalikuran. Naramdaman kong may tumamang matigas na bagay sa likod ko at ng tingnan ko ay binato niya ako ng sapatos. Inis kong binitiwan ang hawak kong alak at lumapit sa kanya.

"Tantanan mo na ako, Charlotte. Ano pa ba ang gusto mo?" Matigas kong sabi sa kanya. Nakita ko ang takot sa mga mata niya.

"I want my husband," tuluyan ng nahulog ang mga luha niya.

Tinawanan ko siya ng nakakaloko. "Alam mong imposible ang hinihingi mo. Pasalamat ka nga umuuwi pa ako dito. Sa harap ng mga tao hindi pa kita ipinapahiya at ipinapakita ko sa kanila na ikaw ang asawa ko. But what did I tell you? You can have my name, but you cannot have my love."

"Bakit? 'Yung babaeng iyon pa rin ba? Ang mahirap na iyon pa rin ba? Ano ba ang ginawa niya sa iyo na hindi ko magagawa?" Galit na sabi sa akin ni Charlotte.

"Don't you ever compare yourself to Amy dahil wala ka kahit na katiting sa kung anong meron siya."

"But she is fucking dead! Nandito ako at buhay na buhay bakit naghihintay ka sa taong hindi na babalik?" Alam kong nasasaktan si Charlotte sa mga sinasabi ko pero hindi man lang ako makaramdam ng awa sa kanya.

"She is not dead! I can feel that she is not dead," hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako. "She will come back to me. She and our child. Do you hear that? Our child. Ibibigay niya sa akin ang pinaka-importanteng tao na kahit kailan ay hindi mo maibibigay sa akin."

Parang napapasong bumitaw sa akin si Charlotte at umiiling na iyak lang ng iyak.

"You wanted to be married to me kahit alam mong may iba akong gusto. You used your family's wealth and power just to get me. Your family bribed my mom. Lahat sa iyo at sa pamilya mo akala 'nyo makukuha 'nyo ng pera. Ibahin mo ako. Mrs. Santos ka man ngayon pero alam mong apelyido ko lang ang nakuha mo." Hindi ko na mapigil ang bibig ko dahil talagang umaapaw ang galit sa dibdib ko na matagal ko ng kinikimkim.

"Carlo-" wala na masabi si Charlotte. Wala na din siyang magawa kundi umiyak ng umiyak.

Pinahid ko ang luha ko tinungga ko ang bote ng alak na nadampot ko.

"You know, well, if you can do this for me I might give our marriage a shot," natatawang sabi ko sa kanya.

"W-what? You know I would do anything for you."

"Kung mabibigyan mo ako ng anak, I might consider our marriage."

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Charlotte sa narinig na sinabi ko. Alam ko naman na malabo niyang maibigay sa akin iyon. Hindi man lang ako nakaramdam ng awa para sa kanya. She deserves it dahil sa ginawa niya sa akin. Sa amin ni Amy.

Tinalikuran ko na siya at lumabas ako ng bahay. I don't want to spend my night here.

-----------------à>>>>>>

Amy's POV

Gutom na ako. Ayoko ng pagkain na ipinadala dito sa kuwarto ko. May ibang pagkain ang hinahanap ng anak ko. Tumingin ako sa relo at nakita kong pasado alas-nuebe na. nandito pa kaya ang lalaking iyon? Bakit naman kasi nandito pa siya? Akala ko ba umalis na siya?

Ano bang klaseng pamilya itong napuntahan ko? I don't know anything about them. Basta ang alam ko lang mayaman sila, may ekta-ektaryang lupa. 'Yung namatay na si Hunter mahilig mamundok at mag-gubat pero other than that? Wala na akong alam. Nakakatakot pa naman ang Bullet na iyon na daig pa ang NBI sa pag-iimbestiga.

Naramdaman ko na kumulo ang tiyan ko. Gutom na talaga ako. Tumayo ako sa kama at tinungo ang pinto. Sumilip muna ako para tingnan kung may gising pa. Madilim na ang paligid at tahimik. Halatang tulog na ang lahat ng mga tao. Mas mabuti 'to at makakain ako ng maayos.

Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto at walang-ingay kong isinara ang pinto. Naka-tip toe akong lumakad pababa sa hagdan hanggang sa makarating ako sa kusina. Agad kong tinungo ang ref at binuksan. Parang heaven ng makita kong punong-puno ng pagkain. Hindi ko alam kung anong kakainin ko ngayon. Panay lang ang kislot ng tiyan ko.

"Gutom ka na talaga, baby? Anong gusto mo? Apple? Sige." Kumuha ako ng isang mansanas at isang avocado na nakita ko doon. Kumuha din ako ng gatas kasi parang naglalaway ako sa gatas.

Hindi na ako nag-abala pang magbukas ng ilaw ng magsimula akong kumain. Ayokong makalikha ng kahit na anong bagay na magbibigay ng pansin sa akin. Sarap na sarap ako sa pagkain ng mansanas. Ang lutong. Ang juicy. Likot ng likot ang anak ko na parang talagang nag-e-enjoy siya.

"You like the food, baby?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "I like it too." Nagsalin ako ng gatas sa baso at ininom iyon.

"Gusto mo din ng avocado?" Kinakausap ko talaga ang anak ko para alam niyang iniintindi ko talaga siya.

"Ako parang gusto ko."

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang boses na iyon. Mula sa dilim ay lumabas doon ang bulto ni Bullet at naupo sa harap ko. Parang ako ang nahiya sa itsura niya kasi wala man lang siyang suot na t-shirt although naka-suot siya ng pajamas.

"Do you mind if I share?" Tanong pa niya sa akin habang nakatingin sa akin.

Kinakabahan akong umiling at iniabot ang buong avocado sa kanya. "Sa iyo na lang." Sabi ko at tumayo na.

"Hey, where are you going?" Nakunot-noong tanong niya. Kapag ganito ang itsura niya talagang nakakatakot na siyang kaharap. Parang hindi ko na kayang magsinungaling sa kanya.

"T-tapos na akong kumain." Pagsisinungaling ko kahit na nga nagugutom pa ako.

"Liar." Seryosong sabi niya at talagang grabe ang kabang naramdaman ko. Alam niyang nagsisinungaling ako tungkol sa pagkatao ko.

"P-pasensiya na talaga. H-hindi ko naman-"

"I know you're still hungry. Sit down and eat. Eat with me," sabi niya at hiniwa sa gitna ang avocado at ibinigay ang kalahati noon sa akin. "I know you're not done eating and you don't want my presence here that's why you lied."

Medyo nawala ang kaba ko sa sinabi niya.

"I am sorry."

Saglit akong napatitig sa kanya. Tama ba ang naririnig ko? Humihingi siya ng sorry sa akin? Alam ko naman na ayaw niya akong nandito. Anong hangin ang sumapi sa lalaking ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top