Chapter Seventeen

Amy's POV

            Gusto kong mahiya sa itsura ko habang palabas kami ng kuwarto kasama si Mrs. Acosta.  Parang hindi naman akma na nasa bahay lang ako, para akong donya na buntis sa damit na ipinasuot niya.  Nakita ko ang presyo ng mga damit at sobrang ang mamahal pero ang gaganda naman talaga.  Ang mga tela ay halatang mamahalin at imported.  Sa mga magazines ko lang nakikita ang mga iyon at hindi ko akalain na maisusuot ko pa.  Nanghihinayang nga ako kasi hindi ko na naman ito maisusuot kapag nakapanganak na ako.  Siguro naman kapag nanganak na ako, hindi na ako ganitong mukhang butanding.

            Tingin ko ay talagang sabik sa babaeng anak si Mrs. Acosta.  Naaaliw talaga siyang bihisan ako.  Ilang damit ang ipinasubok niya sa akin bago niya ako tinigilan.  Inayusan pa niya ako ng buhok tapos ay nilagyan pa niya ako ng make-up.  Gusto kong matawa pero pinabayaan ko na lang matanda sa kung ano ang trip niya.  Maliit na bagay lang naman ito kumpara sa ginagawa kong pagsisinungaling sa kanya.

            "Ang ganda-ganda mo talaga, Aria.  Bagay na bagay sa iyo ang damit mo.  Parang hindi ka nga halatang buntis," ngiting-ngiti si Mrs. Acosta sa akin.

            "Parang medyo overdressed lang po ako kasi nandito lang ako sa bahay," natatawang sagot ko.

            "Kung gusto mo naman umalis at mamasyal puwede naman.  Puwede kang magpa-drive kay Karding.  Puwede kang pumunta sa bayan.  Mag-ikot-ikot ka sa mall.  Mamili ka ng kahit na anong gusto mo para sa sarili mo or you can go to a salon and have a makeover.  Alam ko naman na hindi mo gusto ang ginawa kong make-up at hairstyle sa iyon.  I already gave you your own credit card and ATM card.  You can use that." Inalalayan pa akong makababa sa hagdan ng matanda.

Totoo naman 'yon.  Isang araw ay may nakita kong Platinum mastercard at isang atm card na may nakadikit na pin number sa kuwarto ko.  Itinago ko nga lang sa drawer kasi ayoko talagang gamitin.  Hindi ko deserve na gamitin ang kahit na isang kusing na pera ng pamilyang ito.

            "Gusto ko naman po.  Hindi lang kasi ako sanay ng nakaayos kapag nasa bahay.  Kasi noong nagta-trabaho ako, araw-araw akong humaharap sa mga tao kaya kailangan kong nakaayos at naka-makeup kaya pagdating sa bahay gusto kong walang kahit na anong kolorete sa mukha ko.  Doon lang po ako napapahinga," sagot ko sa kanya.

            "Nagta-trabaho ka?  Saan?" Bahagyang humarap pa sa akin si Mrs. Acosta at parang napukaw ko ang interes niya.

            Para akong kinabahan kaya naging attentive ako sa mga sasabihin ko.

            "Supervisor po ako sa isang Japanese restaurant sa Makati." Sinabi ko na ang totoo pero hindi ko na lang sasabihin ang pangalan ng restaurant na pinagtrabahuhan ko.

            "Anong Japanese restaurant?  You know I have a so called friend who owns a well-known ramen house in Makati.  They also own a chain of Chinese restaurants all over the Philippines.  Do you know Ling-mon restaurants?  They are very famous for their fried canton and chicken feet."

            Hindi ako nakasagot.  Ling-mon?  Iyon ang restaurant na pag-aari ng pamilya ni Charlotte! 

            Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko at bumilis ang paghinga ko.  Ayoko na silang maalala.  Si Carlo at Charlotte ang mga taong tinatakbuhan ko pero bakit para silang multo na sumusunod sa akin?

            Naipagpasalamat kong hindi na nagtanong pa si Mrs. Acosta tungkol sa kung saan ako nagtatrabaho.  Nakasalubong kasi niya si Manang Ester at tinanong kung kumpleto na ang pagkain sa mesa.  Doon na kami dumiretso at naabutan namin na nakaupo doon si Bullet mag-isa.  Nakatitig sa mga pagkain pero halatang lampasan ang tingin niya at wala doon ang atensyon niya.

            "Bullet," narinig kong tawag ng nanay niya.

            Pero hindi tuminag si Bullet.  Itsura niya ay talagang parang nasa ibang dimension.  Nakatitig lang siya sa kawalan.

            "Bullet!" Nilakasan na ni Mrs. Acosta ang pagtawag sa anak at parang doon lang natauhan si Bullet at parang nagtatakang tumingin sa amin.  Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay mabilis na iniiwas ang tingin niya at kunot na kunot ang noo.  Parang iritable na nakita ako.

            Alam kong iritable siya sa presensiya ko pero wala naman akong ginagawa sa kanya.  Nainis ba siya sa ginawa kong pakikipag-usap sa kanya kagabi?  Maiinis pa ba siya sa akin samantalang favor na nga ang ibinibigay ko sa kanya.  Ako na mismo ang nakikiusap sa kanya na ipatanggal ako sa last will ang testament ng nanay niya.

            "Nandito ka na pala.  Hindi mo man lang kami naisipang tawagin para sabay-sabay tayong makakain." Tumingin sa akin si Mrs. Acosta at umiling-iling habang naupo sa harap ng mesa.  Sinenyasan akong maupo na rin.

            "I got an early call kaya hindi ko na kayo natawag," sagot ni Bullet at tumusok ng isang piraso ng longganisa.

            "Say grace first," saway ng nanay niya at nakita kong inilahad ng matanda ang kamay.  Hinawakan niya ang kamay ko at ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ni Bullet.  Nagkatinginan kami ni Bullet kasi dapat din kaming maghawak ng kamay.  Parang ayoko kasi hindi ko maintindihan 'yung malisya na naramdaman ko kagabi ng hawakan niya ako.   Ang dumi-dumi ng isip ko.

            Tingin ko ay parang ayaw din ni Bullet na hawakan ang kamay ko pero wala siyang magagawa.  Naiinip na ang itsura ni Mrs. Acosta kaya kahit napipilitan ay kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.  Nagsimulang magdasal si Mrs. Acosta at ako ay yumuko lang.

            Grace before meal.  Iyon ang idinadasal ni Mrs. Acosta.  Maikling dasal bago kumain pero pakiramdam ko ay taon ang ibinilang ng pagkakahawak ng kamay namin ni Bullet.

            Bakit ganoon?  Bakit parang may nag-iba talaga?  Hindi ako naaasiwa sa pagkakahawak niya ng kamay ko pero may malisya talaga.  Ramdam ko ang mainit niyang palad sa kamay ko.

            "Amen."

            Malakas ang pagkakasabi noon ni Mrs. Acosta kaya parang natauhan ako.  Nang mag-angat ako ng mukha ay nakita kong nakatitig sa akin si Bullet pero bigla din niyang ibinaling sa iba ang tingin niya at parang napapasong binitiwan ang kamay ko.

----------------------à>>>>>>>>>>

Bullet's POV

            Jesus Christ.  What the hell is wrong with me?

            I wanted to smash my head with a glass so I can be my old self again.  Right in front of me is a pregnant woman.  She is wearing a maternity clothes for god sake.  But I can't let go of her image off my head.

            I can still see her sexy body while wearing those black underwears.  Bakit naman kasi kailangang lacy panty and bra pa ang suot niya?  Kailangan ba pag buntis sexy pa din ang suot na panloob?

            Shit.

            Inis na dinampot ko ang kaharap kong tubig at uminom kasi pakiramdam ko ay nauuhaw ako.  Wala sa loob na tiningnan ko ang kamay kong hawak ang kamay niya kanina.  She got soft hands. I am beginning to be irritated with the thoughts that coming inside my head. Bakit ba biglang-bigla ay napapansin ko na ang maliliit na bagay kay Amy?

            "Are you busy today, Bullet?"

            I lifted my head and looked at my mom.  She is busy cutting her food on her plate but I know she is waiting for my response.

            "A bit.  I've got some reports to read," maikling sagot ko.  Hindi ko na tinitingnan si Amy kasi baka kung ano na naman ang maisip ko.

            "Sayang naman kasi ang damit ni Aria kung hindi siya makakapasyal.  Gusto ko sanang ipag-drive mo siya papunta sa bayan," sabi ni mommy.

            "M-Mrs. Acosta, okay lang naman po ako.  Hindi ko naman ho kailangang mamasyal," sabat ni Amy at parang nahihiyang tumingin sa akin.

            I know she got some make up on her face but she is still blushing and I find it cute.  Fuck!  I find her blushing cute?  Kailan pa ako nakyutan sa mga babaeng nagba-blush?  Sa totoo lang , naiirita nga ako kapag nakakakita ako ng babaeng nagba-blush.  Tingin ko kasi ay parang mga highschool girls na mga nagpapacute sa mga crush nila.

            "Pero sige huwag na lang.  I'll tell Karding to drive for her.  I know how busy you are." Sabi ni mama.

            "It's fine with me.  I can drive for her," sagot ko at itinuon ang pansin ko sa pagkain ko.  Ayoko ng makita ang reaksyon ni Amy.

            I am expecting her to protest but she didn't say anything.  When I tried to look at her way, she is just eating quietly. 

            "Bullet, do you know Charlotte Ling right?" Baling ni mama sa akin.

            "Yeah.  Why?" Napatingin ako kay Amy at nakita kong bahagya siyang naging stiff ng marinig ang pangalan na binanggit ni mama.

            "I just remember Sonia," bahagya pang tumirik ang mata ni mama.  "You know her my frenemy," at natawa pa si mama.  "Ang anak pala ni Sonia ang napangasawa ni Charlotte 'no?" Paniniguro niya.

            Muli akong tumingin kay Amy at hindi na siya kumakain ngayon.  Nanatili lang siyang nakaharap sa plato niya pero alam kong nakikinig siya sa sinasabi ni mama.

            "Yeah.  Si Carlo Santos.  I've met the guy.  He is the new CEO of Ling-mon group of companies," sabi ko.

            Nakita kong napatingin sa gawi ko si Amy pero mabilis ding yumuko ulit tapos ay dumampot ng baso at uminom ng tubig.

            Napa-hmm si mama.  "Well, very vocal naman si Sonia ever since na naka-kompromiso na nga ang anak niya at si Charlotte.  Lucky couple kasi if their company will be merging, malaking advantage iyon sa part ni Sonia.  Buntis na ba si Charlotte?"

            Napaubo si Amy ng malakas.  Sunod-sunod.  Nasamid ng todo kasi nakita kong parang nahihirapan siyang huminga. 

            "Aria?  Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni mama.

            Sunod-sunod na tumango si Amy at pilit na kinakalma ang sarili gawa ng pagkakasamid niya habang pilit na hinahabol ang hininga niya.

            "N-nasamid lang po ako," humihingal na sabi ni Amy at napapikit pa habang pilit na inaayos ang sarili.

            "Are you feeling better now?" Seryosong tanong ko.

            Tinapunan ako ng tingin ni Amy pero nag-iwas din ng tingin habang tumango.

            Nang makita kong maayos na siya ay nagpatuloy kami sa pagkain and I am not going to drop this conversation about Carlo and Charlotte.  I want to see Amy's reaction.

            "Charlotte is not yet pregnant but she told me they are trying." Sabi ko kay mama.

            "Oh, I think she is going to have a hard time conceiving.  Nabanggit sa akin noon ni Sonia na may reproductive problem yata si Charlotte but they got the money and they can find the best doctor to treat her." Kaswal na sagot ni mama tapos ay ngumiti ng matamis.  "Mabut na lang at mauuna pa akong magka-apo sa kanya." Tumingin si mama kay Amy.

            Muli kong sinulyapan si Amy at pumipikit-pikit siya.

            Napatawa si mama at napapailing-iling.

            "Natatawa lang ako sa tuwing maaalala ko si Sonia.  That poor creature," bumaling si mama kay Amy.  "You know Aria, this Sonia Santos is my frenemy since college.  You know our rivalry started when I was crowned as Miss Management in our university and she became a runner up."

            Pilit na pilit ang ngiti ni Amy kay mama.  Hindi ko maintindihan kung ano ang ekspresyon ng mukha niya.  Parang nag-aalala, nalulungkot o ano.

            "'Ma, hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo nakaka-get over doon?  Ang tagal-tagal na noon."

            Paulit-ulit lang ang kuwento na ito ni mama.  Tumanda lang ang nanay ko pero alam kong minsan nagiging immature din 'to.  I know how she hates that Sonia Santos na nanay pa pala ni Carlo.  Kahit matatanda na may rivalry pa rin.  Napakaliit talaga ng mundo.  Sino ang mag-iisip na dahil lang kay Amy ay biglang magdudugtong-dugtong ang buhay namin at ng lalaking nakabuntis sa kanya?

            "Ako, naka-get over na.  Hindi ko lang alam sa kanya." Umirap pa si mama sa akin.

            Napailing ako at itinuloy na lang ang pagkain.  Sumulyap ako kay Amy at nakita kong hindi na niya tinapos ang pagkain niya.  Parang nawalan na ng gana.         

            "P-puwede po ba akong magpahinga saglit?" Pareho kaming napatingin ni mama kay Amy.

            "You're not feeling well na, iha? O sige.  Magpahinga ka na muna." Sagot ni mama.

            Walang imik na tumayo si Amy at tumalikod na sa amin.  Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong parang nagpahid siya ng luha mula sa mga mata niya.

            Kung kaharap ko si Carlo ngayon, siguradong durog na ang mukha niya. 

            Wala siyang karapatan na saktan si Amy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top