Chapter Seven
Amy's POV
Tama ba ang narinig ko? Humihingi siya ng sorry sa akin?
Tiningnan kong mabuti kung talagang si Bullet nga ang nasa harap ko. Siya naman ang nandito. Hindi naman niya clone ito. Siya pa rin ang lalaking talagang malakas ang pakiramdam na nagsisinungaling ako sa kanila. Siya ang nagsasabing isa akong impostor at ginagamit ko ang namatay niyang kuya.
Tahimik siyang nakaupo sa harap ko pero hindi niya ako tinitingnan. Hiniwa niya ang avocado at walang imik na kumain. Nakatingin lang ako sa kanya at inaaral ko ang itsura niya. Hindi ko man natitigan mabuti ang itsura ni Hunter noon, alam kong guwapo ang namatay na lalaki. Sa mga ipinakitang litrato ni Mrs. Acosta sa akin, talagang kahit na sinong babae ay mabibighani dito. Matangkad, may magandang mukha. Nasa itsura nito ang pagiging laid back. 'Yung tipong kapag kasama mo wala kang problemang iisipin. Sasabihin sa iyo na huwag mag-alala at ito ang bahala sa lahat. Ganoon ang karakter na nababasa ko kay Hunter. Siguro kaya ganoon sila ng namatay ding si Aria. Ramdam na ramdam ko sa dalawa na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Hindi ko naisip na ganito kayaman si Hunter pero tinalikuran nito ang lahat para sa sariling kaligayahan. Namundok kasama ang pinakamamahal na babae. Sayang. Nanghihinayang ako sa kanilang dalawa. Dalawang buhay ang nawala dahil lang sa isang walang kuwentang-aksidente.
Dinampot ni Bullet ang kaharap kong gatas at uminom siya sa basong iniinuman ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"You don't mind right?" Ang pag-inom niya sa baso ko ang tinutukoy niya.
Umiling lang ako. Nagpatuloy pa rin siya sa pagkain at talagang ninanamnam niya ang pagkain ng avocado. Gusto ko ng kumaripas ng takbo paalis pero ayoko naman na mag-isip pa siya ng kung ano sa akin. Pipilitin ko na lang pakiharapan siya ng maayos at hindi niya malalaman ang sikreto ko.
Ang itsura ni Bullet ay kabaligtaran ng kapatid niya. Brooding, mysterious, serious. Lahat na ng klaseng dark adjectives sa isang personality ng tao ay parang sinalo na niya. Nakakatakot ang bawat pagbagsak ng kanyang salita. Nakakakaba kung tumingin dahil parang alam niya kung may itinatago ang isang tao. Kayang-kaya niyang paaminin ang isang nagsisinungaling sa tingin pa lang kaya grabe ang kaba ko sa tuwing makakaharap ko siya. Sobrang seryoso ni Bullet. Parang lahat ng bagay ay hindi puwedeng tawanan.
Napakalaki ng resemblance nila ni Hunter kaya napagkamalan ko silang kambal. Pareho silang matangkad, pareho malago ang buhok, parehong guwapo. Pero magkaiba sila kung paano tumingin sa tao. Si Hunter, kapag tumingin ay nakangiti na ang mga mata. Si Bullet, kapag tumingin ay parang pati kaluluwa ay tinitingnan niya.
"Did you know that Hunter likes avocado?" Walang abog na sabi niya.
Hindi agad ako nakasagot. Ano nga ba ang sasabihin ko?
Tumingin sa akin si Bullet at parang hinihintay ang reaksyon ko kaya napilitan akong ngumiti.
"A-ah oo. Alam ko. Madalas nga niyang kainin iyan noong magkasama kami kaya iyan ang kinakain ko ngayon. Gusto rin kasi ng anak ko at n-nami-miss ko siya," mahina akong napabuga ng hangin.
Tumaas ang kilay niya sa akin tapos ay napapangiti ng nakakaloko habang sinisimot ang isang part ng avocado.
"So lagi kang may baon na antihistamine at cortisone kapag kumakain siya nito?" Ang isang part naman ng avocado ang inumpisahan niyang kainin. Parang sarap na sarap siya sa pagkain.
Antihistamine? Cortisone? Bakit kailangan noon?
Nakataas ang kilay na tumingin sa akin si Bullet habang subo ang kutsarang gamit niya.
"Sabi mo he always eat avocado when you were together? Hindi man lang siya nagkaroon ng episode?"
Episode? Anong episode? Grabe na ang kabog ng dibdib ko. Ano na naman ang maling nasabi ko?
"He was allergic to avocado. Every time he eats this his lips would swell. He would have uncontrollable sneezing and itchy eyes. You also add the stomach discomfort and kapag minalas pa he would have problem with breathing." Walang anuman na sabi niya.
Shit. So allergic si Hunter sa avocado? Buwisit talaga ang lalaking ito. Alam ko ang ginagawa niya. Talagang tini-test niya ako kung talagang kilala ko si Hunter at alam ko ang mga bagay-bagay tungkol dito.
"H-hindi naman siya nagkaroon ng allergic episode 'nung time na magkasama kami. Baka na-overcome na niya over the years," nilakasan ko na ang loob ko at paninindigan ko na ang mga sagot ko. Hindi na ako magpapakita ng takot sa lalaking ito.
Nagkibit siya ng balikat. "Really? I doubt. Our doctor said that it would be for lifetime kaya bawal siyang kumain ng avocado." Napatango-tango pa si Bullet. "Did you know that he almost died when we were small because of this fucking fruit?" Natawa pa siya na parang inaalala ang nakaraan. "Mama told me not to give Hunter even a single bite of this fruit. Pero matigas ang ulo niya. The truth, I don't like this. Nasusuka ako sa lasa nito. Si Hunter, he really loves this. He would sneak out just to take a bite so para hindi mahuli ni mama, I would end up eating the whole fruit hanggang sa magustuhan ko na rin." Natatawa si Bullet sa sarili niyang kuwento. Medyo lumiwanag ang mukha niya habang sinasabi sa akin iyon. Parang isang magandang alaala tungkol sa kabataan nila ng kapatid niya. "Until one day, I found myself loving this fruit. Naging paborito ko na rin." Naiiling pa siya.
"W-well nabanggit nga niya ang tungkol diyan. Nakaubos daw siya ng tatlong avocado kaya nagkaroon siya na allergic episode." Gusto ko ng umiyak. Hindi ko na alam kung saan pa ako dadalhin ng pagsisinungaling ko.
Natawa si Bullet sa sinabi ko.
"Three avocadoes? Hunter should be dead if he ate those. Half of this fruit would send him to a hospital. Ganoon ang epekto sa kanya nito. Where did you get that news?"
Hindi ko magawang ngumiti sa sinabi niya. Alam kong sinasadya ni Bullet ito. Sinasadya niyang iparating sa akin na alam niyang nagsisinungaling lang ako.
Sinimot pa niya ang natitirang prutas at tumayo na.
"Thanks for this. Good night, sister in law." Kumaway pa siya sa akin at tinalikuran na ako.
Pakiramdam ko ay doon lang ako nakahinga ng maluwag ng umalis na siya.
-----------------à>>>>>>>>>
Bullet's POV
She was definitely lying.
If she was really the wife of my brother, dapat alam niya na allergic si Hunter sa avocado at ikakamatay ng kapatid ko ang pagkain noon. Everyone here knows about that. Tapos hindi niya alam na kailangan ng standby na antihistamine at cortisone ni Hunter?
That woman was really hiding something from us.
Tumingin ako sa relo at nakita kong mag-a-alas diyes na ng gabi. Kinuha ko ang telepono ko at hinanap sa contacts ko ang pangalan ni Jacob Ramirez at tinawagan siya.
"Bull, what do you need?" Pabulong ang pagkakasabi noon ni Jacob.
"Where the hell are you? Why are you whispering?" Taka ko.
"I am in surveillance. What do you want?"
"Remember the woman that I told you to check. Hunter's wife. Can you do it?"
Napahinga ng malalim si Jacob.
"Bro, gusto mo bang pilipitin ni Tita Frances ang leeg ko? Sinabi na ng mommy mo na ayaw niyang pa-imbestigahan ang asawa ni Hunter. She believes that she is part of your family pati na ang batang dinadala niya."
Mahina akong napamura.
"I believe this woman is a con artist. She is using Hunter's death just to pretend to be my brother's wife. I know Hunter got married but this is not his wife." Sabi ko.
"Jesus Christ, Bullet. Where did you get that idea? Nanay mo na ang nagsasabi na siya ang asawa ni Hunter. Makakalusot pa ba ang ganoon kay Tita Frances? Kung puwede ko nga lang isali sa kumpanya ko si Tita para maging P.I. ginawa ko na." Huminga ng malalim si Jacob. "Bull, lahat tayo nasaktan sa pagkawala ni Hunter. Biglaan at hindi natin inaasahan iyon. Pero may dumating na kapalit niya. Hindi lang isa kundi dalawa. And besides, the woman got proof. Hindi basta-basta ibibigay ni Hunter ang family heirloom 'nyo sa kung kani-kanino lang. That necklace cost a fortune. Alam mo ang worth noon so if she is not Hunter's wife dapat ibinenta na niya iyon at lumayo na. Just accept the truth that he got married. He got happy with someone." Saglit na huminto si Jacob na parang nag-alanganin sa sasabihin. "Maybe you should do same. You need to get married para alam mo 'yun. You can let go of the past."
Napabuga ako ng hangin at napailing.
"So you wouldn't do it? You're not going to investigate her?" Iyon na lang ang nasabi ko.
"Mahal kita, Bull. You are like a brother to me pero mas mahal ko si Tita Frances and I don't want her to get brokenhearted lalo pa ngayon na nawala si Hunter. Leave your poor sister in-law alone. Buntis pa naman iyan so stop giving her a hard time. Kung ayaw mo siyang makita, get out of that house and come back here in Manila. Hinihintay ka ng mga fans mo," tumatawang sabi ni Jacob.
"Fuck you," natatawang sabi ko.
Ang lakas ng tawa ni Jacob tapos ay bigla ding huminto.
"Seriously, leave her alone. Let her live in peace. Mas gusto ni Hunter iyon."
"Whatever. Sige na. Good luck on your surveillance." Alam kong may sasabihin pa si Jacob pero pinatayan ko na siya ng telepono.
Pabagsak akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Kaya ko naman ang sinasabi ni Jacob. I could just let this pass and let her live with us. But something is telling me that I should know something. Shit. Hunter is gone pero ibang klaseng souvenir ang iniwan niya sa amin.
-------------------à>>>>>>>>>
Carlo's POV
Walang tigil ang pag-tap ng mga daliri ko sa table na kaharap ko. I received a call from Rannie last night that he got the result of the DNA test that I requested. Gusto ko nga kagabi pa lang ay pumunta na dito sa office niya pero sabi niya ngayong umaga na lang ako pumunta. Kaya mag-a-ala-sais pa lang ay narito na ako sa office niya.
Damn it. Where the hell is he? Hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. I just want to know the truth. Kung si Amy nga talaga ang namatay sa aksidente na iyon, talagang tatanggapin ko ng buo. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit malakas ang kutob kong buhay siya.
"Damn it, Carlo. Sinabi kong umaga ka pumunta dito pero hindi ko naman sinabi na ganitong kaaga. Kakatulog ko pa lang," reklamo ni Rannie ng pumasok sa opisina niya.
"You called me. I just want to know the result." Sagot ko sa kanya.
Napakamot ito ng ulo. Itsurang yamot talaga dahil sa naputol na pagpapahinga. Nakasuot pa ito ng white lab coat at gulo-gulo pa ang buhok. Haggard na haggard ang itsura habang pabagsak na naupo sa swivel chair sa harap ko. Sumandal pa siya doon at pumikit. Natulog ulit.
"Rannie." Tawag ko sa kanya pero nanatili lang siya sa ganoong puwesto.
"For fuck sake, Rannie!" Sinigawan ko na siya at napapitlag pa sa gulat si Rannie at parang pupungas-pungas na humarap sa akin.
"You are a killer, you know that? I really need this sleep. Wala pa akong tulog." Tingin ko ay gusto ng umiyak ni Rannie.
"Just give me the result and I'll leave you," sabi ko sa kanya.
Padabog na tumayo si Rannie at tinungo ang isang filing cabinet sa gilid at nagbuklat-buklat doon. Pati mga paa ko ay nanginginig na yata sa anticipation. Pigil ko ang hininga ko ng ilabas niya mula doon ang isang folder at pabagsak na inilapag sa harap ko. Dadamputin koi yon ng bigla niyang pigilan.
"What are you going to do if you found out the truth?" Tanong niya sa akin.
"I don't know. Just let me see it," inis kong sabi sa kanya at pinipilit kong kunin ang folder pero nanatili niyang pinipigilan.
"You're going to leave Charlotte?" Tanong pa niya.
"Fuck you, Rannie. Just let me see it." Malakas kong hinila ang folder at binitawan na niya iyon.
Nanginginig ang kamay ko ng buksan ko ang folder. Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat sa papel. Ang daming kung ano-anong medical term na nakasulat. Pero iisa ang tumatak sa akin.
NOT A MATCH.
Napabuga ako ng hangin at para akong hindi makahinga sa nalaman ko.
"This is accurate right?" Parang gusto kong umiyak sa nalaman ko.
"99.99 percent. The woman that they buried is not Amy Solomon. I don't know who was that woman." Sagot ni Rannie.
Naitakip ko ang palad ko sa bibig ko at napailing-iling. Grabe ang relief na naramdaman ko sa nalaman kong ito.
"It's not her but we don't know if she really survived the accident. Baka hindi lang siya na-account? Let's face it, Carlo. If buhay talaga si Amy, she would come out. Hindi niya hahayaang isipin ng pamilya niya na patay na siya." Paliwanag ni Rannie sa akin.
"I don't know what her plans are but I know she is alive. I can feel it. Hahanapin ko siya and we will run away. I won't let go of her this time," emosyonal na sabi ko.
Napailing si Rannie sa narinig na sinabi ko.
"But you are married." Paalala ni Rannie.
"I don't care. Handa akong iwan si Charlotte para kay Amy. Siya lang ang mahal ko at ang magiging anak namin." Wala na talaga akong pakielam sa kanila at sa sasabihin ng magulang ko.
Parang hindi makapaniwala si Rannie sa naririnig na sagot ko.
"I hope you won't regret this." Napahinga pa siya ng malalim.
"I'll find her and I will take her back." At sigurado akong magagawa ko iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top