Chapter Nineteen
Bullet's POV
Napapangiwi ako habang binabasa ko ang mga text at emails sa akin ng sekretarya ko. Ilang araw na daw pabalik-balik sa opisina si Carlo Santos at gusto akong makausap ng personal. Tungkol daw sa mga shipments na may problema. I have my managers, my assistants na puwedeng umasikaso sa kanya at hindi ko siya pag-uubusan ng oras. Ayoko din siyang makaharap ng personal dahil talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Sinipa ko ang bato na nasa paanan ko at tumingin sa bintana ng kuwarto ni Amy habang inayos ang pagkakasandal ko sa Jeep. Okay na kaya siya? Alam kong umiiyak siya kanina at talagang apektado siya sa mga nalaman niya tungkol kay Carlo. Napabuga ako ng hangin. Kung bakit naman kasi kailangang ganun' kasalimuot ang buhay niya. Nagpapanggap na nga lang siyang biyuda ni Hunter tapos ngayon kakilala pa namin ni mama ang pamilya ng boyfriend niya.
Ano kaya ang nangyari sa kanila? Well, parang alam ko na rin naman. Typical story of a rich spoiled kid and a poor woman. 'Yung akala ng mga taong sa pelikula lang napapanood o sa mga pocketbook lang nababasa ay nangyayari talaga sa totoong buhay. Charlotte's family is of pure Chinese lineage and hindi sila papayag na hindi rin from a Chinese family ang mapangasawa niya. Normal custom sa mga Chinese family ang ipinagkakasundo ang mga anak kahit maliliit pa. Ilang mga kaibigan ko na rin ang nakilala kong ganoon. Wala silang magagawa kapag iyon ang ginusto ng mga magulang nila. Their families don't care about whom they love. All they care about is how to protect their money and their properties and business growth and I think that's what happened to Carlo and Charlotte. Bad thing is I can see that Charlotte is really in love with Carlo but that asshole wanted someone else and that is Amy.
Napakagat ako sa mga daliri ko ng maisip ko ang effort ni Carlo na hanapin si Amy. Mahal kaya talaga niya? Pero bakit niya pinabayaan? Bakit siya pumayag na magpakasal kung meron siyang nabuntis na iba? Kung sa akin nangyari iyon, I won't leave the woman that I love. Ipaglalaban ko kahit na itakwil ako ng magulang ko. Ipapakita ko na siya lang ang mahalaga hindi ang kung anumang pera o kahit na anong karangyaan.
Carlo's love for Amy is so shallow. Nakukunsensiya siguro siya or hinahabol niya ang anak niya dahil alam niyang kahit kailan ay hindi siya mabibigyan ng anak ng asawa niya but love? I don't think she loves Amy.
Napaayos ako ng tayo ng makita kong lumalabas mula sa bahay si Amy kasama si mama. Nakaalalay pa si mama sa kanya habang naglalakad at halatang-halata ang pamumugto ng mata niya. Naririnig kong nagpapaalala si mama kay Amy na mag-iingat sa paglalakad. Huwag masyadong magpapagod at baka mapaano ang ipinagbubuntis niya.
"Okay ka na ba talaga?" Narinig kong tanong pa ni mama.
Tumango lang si Amy at nahihiyang tumingin sa akin. Kunwari ay hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na ako sa driver side ng sasakyan namin.
"Bullet, ano ka ba? Hindi mo man lang alalayan makasakay muna si Aria bago ka sumakay sa sasakyan."
Ang sama ng tingin sa akin ni mama at parang natataranta namang napakamot ng ulo si Amy.
"Mrs. Acosta, okay naman ho ako. Kaya ko naman hong sumakay," sabi niya at mabilis na tinungo ang passenger side ng sasakyan. Kahit naiinis ay napilitan akong bumaba at mabilis na sinundan si Amy at inalalayan.
Hindi ko alam kung nandidiri ba siya sa akin o nahihiya pero talagang layong-layo ang katawan niya sa akin. Tumapak siya sa step board at bumuwelo para makasakay sa loob pero dumulas ang paa niya at na-off balance. Mabuti na nga lang at mabilis ang reflexes ko at nasalo ko siya ng katawan ko. Sa akin bumagsak ang buong katawan niya. Kung wala ako doon ay siguradong bagsak siya sa matigas na semento at baka kung ano ang nangyari sa kanya at sa anak niya.
"Aria! Oh my god! Are you alright?" Malakas na sigaw ni mama at lumapit sa amin.
Hindi agad nakasagot si Amy at ako man ay ganoon din. Shit. Bakit ganoon? I love the feel of her body against mine. Ang lambot ng katawan niya. Damn it. I hate this kaya mabilis ko siyang inilayo sa akin.
"Dapat kasi nagdadahan-dahan ka. Alam mo naman na buntis ka," inis kong sabi sa kanya at muli siyang inalalayan na makasakay sa jeep. This time ay siniguro kong nakasakay na siya ng maayos.
"Bullet, huwag mo na nga siyang sisihin. Dapat talaga inaalalayan mo siyang maige. Kasalanan mo kung may masamang mangyari sa apo ko," inis na sabi sa akin ni mama at bumaling kay Amy. "Maayos ka lang ba, iha? Wala naman masakit sa iyo?" Talagang nag-aalala si mama. Tumingin ako kay Amy at kita kong namumula ang mukha niya habang pilit na tumatango kay mama. For real? She is blushing again? Bakit ba ang dali-dali niyang mag-blush? Naiinis na ako sa kanya kasi she is being cute every time she is blushing.
Fuck me. What the hell is wrong with me? Kung puwede ko lang talagang tanggihan si mama ngayon talagang hindi ko ipagda-drive itong si Amy.
"Okay lang po ako." Sagot ni Amy.
"We'll go ahead, 'ma. Para makauwi kami agad. Marami pa akong haharapin na trabaho mamaya."
Iyon na lang ang nasabi ko at ini-start ko na ang sasakyan namin. Hindi ko na hinayaan na magsalita pa si mama at pinaandar ko na paalis doon ang sasakyan namin.
Wala kaming imikan ni Amy habang nasa biyahe kami pero alam kong natetensyon siya na ako ang kasama niya. Ramdam ko naman na talagang iwas na iwas siya sa akin. Mayroon lang talagang mga pagkakataon na hindi niya ako maiwasan tulad ngayon.
"Are you alright?" Ako na ang nagbasag ng katahimikan sa aming dalawa.
"Okay lang ako." Maikling sagot niya.
"What are you going to buy? I think you are already covered for your baby's needs. I saw the supplies."
"Mama mo lang naman ang mapilit na lumabas ngayon. Ayoko naman talaga."
Tinapunan ko siya ng tingin at nakita kong nakatingin siya sa labas ng sasakyan. Bakas na bakas ang lungkot sa mukha.
Alright. She is really affected of what she learned about Carlo. I think I need to do something so I would know the real story behind them.
"I am sorry for being an asshole."
Nakatutok ang paningin ko sa kalsada pero sa peripheral vision ko ay nakita kong tumingin sa akin si Amy.
"Okay lang. Naiintindihan naman kita. Mahirap naman talagang magtiwala sa isang taong ngayon mo lang nakilala."
I can feel her defenses are down. Parang wala talaga siya sa mood na makipagtalo o magsinungaling o ano man.
"Thank you for understanding. Alam mo na wala talaga kaming idea sa naging buhay ni Hunter and we don't know anything about you." Sabi ko.
Ngumiti lang siya ng mapakla at tumingin uli sa labas ng sasakyan.
"You already know about Jean. Is it okay if I ask about you? About your family? I think we better know each other well para mas maging familiar tayo sa isa't – isa. Ganoon naman ang pamilya 'di ba?"
"Anong gusto mong malaman?" Tanong ni Amy. Umayos siya ng pagkakaupo niya. Parang inihahanda ang sarili sa mga itatanong ko.
"Anything about you. Bahala ka," ngumiti ako sa kanya at nakita kong mabilis siyang nagbawi ng tingin mula sa akin.
"Alam mo na naman paano kami nagkakilala ni Hunter. Parang wala na rin naman akong maikukuwento sa iyo."
"Well, you can tell me if you had past relationships before Hunter. If you wanted to ask about Jean, I can tell you about her and her relationship with Hunter." Hindi ako sigurado kung magkukuwento siya ng tungkol sa kanila ni Carlo pero susubukan ko.
Tumingin siya ng makahulugan sa akin at automatic na nakita kong hinawakan niya ang tiyan niya.
"Parang masyado na yatang personal iyon. Tanggap naman ako ni Hunter kung ano ang naging nakaraan ko," malamig na sagot niya.
"Hey, don't get me wrong. I didn't mean anything about that. I just want to know you better. Gusto ko lang makilala ang babaeng minahal ng kapatid ko." I am hoping na mapaniwala ko si Amy.
Hindi siya agad na sumagot pero nanatili siyang nakatingin sa labas ng sasakyan.
"It's fine if you don't want to tell. I understand."
Itinuon ko na lang sa pagmamaneho ang pansin ko. Hindi ako magmamadali. Kung hindi pa handa si Amy na magkuwento, okay lang. Maghihintay ako.
"Galing sa angkan ng mayaman 'yung ex ko bago ko nakilala si H-hunter." Ngumiti siya ng mapakla ng banggitin ang pangalan ng kapatid ko. "Mayaman sila. Sobrang yaman. Hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng relasyon sa isang mayaman na katulad niya. Walang problema sa akin ang estado sa buhay basta mahal ko. Ayokong maniwala 'nung una na magugustuhan niya ang tulad ko. Sino ba naman ako 'di ba?" Ngumiti siya ng mapakla. Nagkukuwento siya habang nanatiling nakatingin sa paligid sa labas. "Pero ipinaramdam niya na hindi hadlang ang estado namin sa buhay. Ipinaramdam niyang mahal niya ako kaya naniwala ako. Akala ko ipaglalaban niya ako, eh. Pero nagkamali ako. Mas pinili niya ang yaman nila kesa sa akin." Napabuga ng hangin si Amy at pinilit na ngumiti sa akin. "Until I met Hunter." Pilit na pilit ang ngiti niya. "I didn't know that Hunter was rich. Napaka-simple niyang tao pero totoo siyang magmahal. Kitang-kita ko at ramdam ko kung paano niya mahalin si-" saglit na napahinto si Amy at nawala ang mga ngiti sa labi at nag-aalalang napatingin sa akin.
"Si? Sino?" Kunwari ay wala akong alam sa sinasabi niya.
Kita ko ang pagkataranta sa mukha ni Amy at walang salitang gustong lumabas sa bibig niya.
"Mcdonalds!" Bigla niyang bulalas sabay turo ng establishment sa labas. "Puwede ba tayong huminto diyan? Parang gusto ko ng chocolate sundae."
Pinigil ko ang sarili kong mapatawa. Ang galing din talagang lumusot ni Amy pero sinunod ko ang sinabi niya. Ipinarada ko sa tapat ng Mcdonalds ang sasakyan namin at mabilis akong bumaba para maalalayan siya pababa.
We have the whole day so hindi ako magmamadali. Pasasaan ba at mapapaamin ko din siya at malalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanila ni Carlo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top