Chapter Nine

Carlo's POV

"Are you sure about this, Carlo?"

Nakatingin lang ako kay Travis habang parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang resulta ng DNA na ipinakita ko. Pagkagaling ko sa opisina ni Rannie ay dito ako sumugod sa opisina niya. Kailangan kong may mapagsabihan nito.

"Sabi ni Rannie it's 99.99 percent accurate. And I do believe that she is alive," sagot ko sa kanya.

Itinupi ni Travis ang papel at ibinalik sa akin. Pabagsak siyang naupo sa katapat kong couch at marahang hinilot-hilot ang parang sumasakit na ulo.

"Amy's death really affected Liv. Hindi nga natuloy ang kasal namin dahil sa nangyari at ayoko naman siyang pilitin. I know she is still mourning about the death of her sister pero ayoko din namang sabihin ito agad sa kanya kasi I don't want to give her false hopes." Tumingin ng makahulugan sa akin si Travis. Alam ko ang ibig niyang iparating. Parang sinasabi din niya sa akin na huwag akong masyadong umasa dito.

"Trav, sa iyo lang ako umamin tungkol kay Amy. I know I was an asshole for keeping her secret to you guys and to my family. Pero alam mo naman kasi ang pamilya ko. Look what kind of mess I am in now. I am god damn married with someone I don't love. Just like you, I fell in love with someone and my family totally disagrees with her. And she is carrying my baby too." Gusto ko ng maiyak kaya yumuko na lang ako. Ilang linggo ko ng itinatago ito sa sarili ko dahil walang kahit na sinong kaibigan ko ang nakakaalam na may pinagdadaanan akong ganito.

"Masuwerte ka at nagawa mong ipaglaban si Liv. Gago ako. Naduwag ako kasi mahal ko din ang pamilya ko at hindi ko makakayang makitang makulong si dad kaya napilitan akong pakasalan si Charlotte. Pero ang hirap talaga. It's a torture everyday living with her," napabuga ako ng hangin at napailing.

"Pero hindi naman tayo sigurado talagang buhay si Amy. There are so many factors to consider. Carlo, I know you are a reasonable person pero we buried her already." Sagot niya.

"Ito na nga ang proof ko. Hindi ka ba naniniwala dito? Look," halos iduldol ko sa mukha ni Travis ang result ng DNA. "I can feel that she is alive. She and our baby are alive."

"Alright." Napakamot ng ulo si Travis. "Let's say that she is alive. Bakit hindi pa siya lumilitaw? Bakit hindi pa siya umuuwi? Mahal na mahal ni Amy ang kapatid niya, si Liv at hindi niya magagawang lumayo kay Liv. Bakit wala siya ngayon?"

Hindi ako nakakibo. Oo nga. Bakit nga hindi bumabalik si Amy?

"Maybe because she is mad at me. My mom did something horrible the last time that we saw each other. She told Amy that I was just after for the baby and si Charlotte talaga ang pipiliin ko," napabuga ako ng hangin ng sabihin iyon.

Napa-tsk si Travis sa narinig na sagot ko.

"Bakit hindi mo na lang subukan na i-work out ang relationship 'nyo ni Charlotte? I mean, you are already married and wala ka ng magagawa doon. Napaka-engrande pa ng kasal 'nyo."

Ang tigas ng iling ko.

"They can make me marry anyone pero si Amy pa rin ang babalikan ko and when I found her, babawiin ko siya at magsasama kami. We will become a family. Hindi na ako magpapailalim sa pamilya ko. I don't care if they take everything away from me huwag lang si Amy," bahagyang nanginig ang boses ko.

Marahan akong tinapik sa balikat ni Travis. Alam kong naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko ngayon dahil dinaanan niya dito ito and he is lucky to have Liv again. Hindi na kasi nakikialam ang pamilya niya sa buhay pag-ibig niya.

"When are we going to start looking for her? Saka ko na sasabihin ang balita kay Liv kapag may proof talaga tayo na buhay siya," sabi ni Travis.

"Social media. Ipapakalat ko ang litrato niya sa social media," desididong sabi ko.

"Let's ask for Jacob's help." Suhestiyon ni Travis.

------------------à>>>>>>

Amy's POV

Asiwang-asiwa talaga ako habang nakasakay sa itim na Jeep Wrangler na minamaneho ni Bullet. Wala siyang imik habang nagmamaneho at nakatutok lang ang tingin sa kalsada. Ako naman ay nakakapit maige sa hand rail ng sasakyan at medyo nakaangat ang pang-upo ko. Medyo makaldag kasi ang biyahe namin dahil rough road ang kalsada at sa tuwing nalulubak ay parang sumasakit ang puson ko.

Nakita kong sumulyap sa akin si Bullet at bahagyang binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

"You're uncomfortable. Masyado ba akong mabilis magpaandar?" Tanong niya kahit nakatutok pa rin ang pansin sa kalsada.

"O-okay lang," pagsisinungaling ko. Napangiwi ako dahil nalubak kami ng malakas at napaupo ako ng bigla kaya biglang sumakit ang bandang singit ko.

Napa-tsk siya at huminto sa gitna ng kalsada. Nagtataka ako kung bakit siya biglang huminto at napatingin ako sa paligid. Puro palayan at mga puno ang nasa paligid namin. Lalo akong kinabahan ng magtanggal ng seatbelt si Bullet at bumaba tapos ay umikot papunta sa lugar ko. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Baka isa-salvage na niya ako at itatapon dito! Kahit abutin siguro ng isang dekada ay hindi matatagpuan ang katawan ko dito.

Napaurong ako ng bigla niyang buksan ang pinto ng jeep at tumingin sa akin.

"Why don't you put your seatbelt on?" May halong inis na pagkakasabi niya at hinila ang seatbelt sa gilid ko tapos ay dumukwang para maikabit iyon. Kulang na lang ay manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya. Ang bango ni Bullet. Amoy bagong paligo ang pabangong gamit niya. Amoy fresh at hindi amoy pawis. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko at napatingin sa mukha niya habang inaayos ang pagkakakabit ng seatbelt ko. Inayos niyang maige na hindi maiipit ang umbok ng tiyan ko.

"Are you comfortable now?" Seryosong tanong niya sa akin habang nakatingin sa mukha ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin at hindi ko yata magawang huminga man lang.

Ang ganda ng mata ni Bullet. Tulad ni Hunter, nakaka-mesmerize tingnan ang dark emerald green niyang mga mata. Naghahalong dark green na brown. Ang tulis din ng ilong niya. Bagay na bagay sa angular shape ng mukha niya. Tapos ang kakapal ng mga kilay niya na bagay sa deep set eyes niya.

"I said are you comfortable?" Iritable na ang pagkakasabi noon ni Bullet.

"H-ha? O-oo. Kaya ko naman ikabit ito," napapahiyang sabi ko. Baka isipin pa ng lalaking ito napapatanga ako sa kanya.

Napailing lang siya at isinara ang pinto ng sasakyan at muling bumalik sa driver side. Tahimik siya ulit na nagmaneho. This time ay ramdam kong dahan-dahan na siya sa mga lubak.

"Matagal kayong steady ni Hunter bago kayo nagpakasal?" Narinig kong tanong niya.

Ito na naman. Nagpo-probe na naman siya akin. Kailangan kong galingan ang mga sagot at wala si Mrs. Acosta dito para saluhin ako.

"Sandali lang. It was love at first sight," bahagya akong napangiwi sa sagot ko. Love at first sight? Hindi na ako naniniwala doon. That happened when I first saw Carlo but look what love at first sight brought on to me.

"Gaano katagal 'yung sandali? One day? Two weeks? One month?" Bahagya pa siyang sumulyap sa akin.

"Two weeks." Bahala na siyang maniwala sa mga imbento ko.

Napatango-tango siya. "So you said, you met him in a church. Puwede ko bang malaman kung saang simbahan?"

Ito na nga. Alam kong hindi talaga titigil ang lalaking ito.

"San Agustin in Manila." Bahala na talaga.

"How? Sabi ko nga, Hunter is a practicing atheist." Napahinga siya malalim. "He was always questioning everything." Tapos ay tumingin siya sa akin. "Maybe he saw something or someone that made him changed his mind and went inside that church."

Napalunok ako. Nakakahalata na kaya talaga siya?

"What are you doing inside?" Hindi na ba matatapos ang pagtatatnong niya?

"Praying? Iyon naman ang ginagawa sa loob ng simbahan 'di ba?"

Natawa siya sa sagot ko. Hindi tawang pilit kundi tawang parang amused siya sa sagot ko. Ang ganda ng mga ngipin ni Bullet. Pantay-pantay na mapuputi.

"I know. I meant, what were you doing when he approached you?"

"We were feeding homeless people that time. May activities sa loob ng church and we invited 'yung mga palaboy sa kalsada. 'Yung mga co-mountaineers ko, we volunteered. Ginagawa namin iyon every month sa iba't-ibang simbahan. Hunter was talking to some of his friends. Parang volunteer din sila. And then he approached me. He introduced himself and the rest was history." Diyos ko po. Patawad po talaga. Totoo naman na nagpapa-feeding program ang restaurant namin once a month.

Hindi sumagot si Bullet at nanatiling nakatutok sa kalsada. Grabe ang kabog ng dibdib ko dahil talagang kinakabahan na masukol na niyang nagsisinungaling ako.

"Hunter loves helping people. Walang mayaman o mahirap sa kanya that's why everybody loves him," parang sa sarili lang niya sinabi iyon.

I can sense a disappointment and regret on his tone when he said that.

"Close ba kayo ni Hunter?" Naglakas-loob na akong magtanong

Tumango siya. "Dati."

Kumunot ang noo ko. "Dati?"

Huminga siya ng malalim.

"We're here. Remove your seatbelt. Baka makalimutan mo na nakatali ka diyan at masaktan ka pagbaba mo," sabi niya niya at inihinto sa harap ng isang clinic ang sasakyan niya tapos ay walang imik na bumaba.

Dati? Ano ang ibig sabihin niya noon?

----------------à>>>>>>>

Bullet's POV

She was asking if close kami ni Hunter? Yeah. Dati. Close kami 'nung hindi pa niya ako iniiwan at naisipan niyang mamundok. Close kami 'nung hindi ko pa alam na may plano siyang iwan sa akin ang lahat ng responsibilidad para sa pamilya namin.

Nang makita kong maayos na nakababa ng jeep si Aria ay nagpatiuna na akong pumasok sa clinic. Agad kong hinanap si Dr. Dela Cruz na family friend din namin. Si Dr. Dela Cruz ang head doctor sa bayan ng Sta. Catalina dito sa Quezon. We basically own the whole town.

"Bullet? What brings you here?" Agad na bati sa akin ng may edad na lalaking doctor. Hindi siya makapaniwalang makita ako doon dahil after ng nangyaring aksidente a decade ago ay hindi na ako ulit nadalaw pa dito.

"I am just visiting mom," sagot ko sa kanya. Tiningnan ko si Aria na dahan-dahang naglalakad papasok sa clinic.

"How's your mom? How is she coping on Hunter's death?" Malungkot na sabi ng doktor sa akin.

"She is fine. Someone is making her mourning bearable. I want you to meet Aria. Aria Acosta. She is Hunter's widow," hinawakan ko sa braso si Aria at pinalapit sa amin. Parang natataranta naman siyang lumapit at napipilitang ngumiti.

"Aria. I am so sorry for your loss," yumakap si Dr. Dela Cruz kay Aria at gumanti din naman siya ng yakap. 'Yung nga lang parang asiwang-asiwa talaga. "How are you?" Tanong pa ng doktor.

"O-okay naman po, dok." Maiksing sagot niya.

Napailing si Dr. Dela Cruz at parang hindi makapaniwalang nagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Aria.

"I can't believe it. I am meeting Hunter's wife. Akalain mo 'yun," nakangiti na ngayon ang doktor.

"Madalas nga ho niya kayong ikuwento sa akin," halatang pilit ang pagkakangiti ni Aria.

Parehong napakunot ang noo namin ni Dr. Dela Cruz at nagkatinginan kami.

"Really?" Paniniguro ng doktor. Kahit ako ay gusto kong maniwala na tama ang narinig ko.

"Opo. Mabait nga daw kayo at matulungin," sabi pa ni Aria.

"Talaga?" Napapatingin sa akin si Dr. Dela Cruz. "Mabuti naman at naaalala pa ako ni Hunter. Last time ko kasi siyang nakita fifteen years ago pa."

Nawala ang ngiti sa labi ni Aria at nag-aalalang tumingin sa akin.

Pinigil ko ang mangiti. I knew it. She is just making this all up.

Pasasaan ba at mahuhuli ko din ang totoo kung sino talaga ang babaeng ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top