Chapter Fourteen
Amy's POV
Three days ng hindi umuuwi dito si Bullet at ipinagpapasalamat ko iyon. Parang tatlong araw akong nakakahinga ng maluwag dahil alam kong walang mga mata na nakasunod sa akin. Walang naghihintay na magkamali ako ng mga sagot sa mga tanong tungkol kay Hunter. Three days na akong malaya na nakaka-ikot dito sa loob ng bahay. Malaya akong nakakapagluto, malaya akong nakakapaglinis ng bahay kahit na lagi akong sinasaway ni Mrs. Acosta. Gusto ko naman kasi na gumagalaw ako. Hindi ako sanay ng nag-uutos dahil kaming dalawa ni Liv ay sinanay ng nanay namin na gumawa ng mga gawaing bahay.
Ang ganda-ganda lagi ng aura ni Mrs. Acosta. Sa tuwing makikita niya ako ay lagi siyang nakangiti sa akin. Parang hindi ko nakikita sa mukha niya at sa mga mata niya na apektado pa siya sa pagkamatay ni Hunter. Madalas kapag nagkukuwentuhan kaming dalawa ay ikinukuwento niya sa akin ang tungkol sa kabataan ng kanyang mga anak. Base sa kuwento ni Mrs. Acosta, talagang si Bullet daw ang maloko at talagang mahilig gumawa ng kalokohan. Pero ayokong paniwalaan iyon dahil wala naman talaga sa karakter ni Bullet ang pagiging palabiro. Ni hindi ko nga nakita na ngumiti ng sincere ang isang iyon o kaya ay tumawa man lang.
Isa-isa kong inaayos ang mga regalo na ibinigay sa akin noong nakaraang baby shower ko. Ang daming regalo at hindi ko alam kung ano ang gagawin dito. May nagbigay ng feeding bottles, diaper, newborn clothes and shoes, mga baby essentials, si Mrs. Acosta ay nag-regalo ng mamahaling stroller at crib na nakikita ko lang sa baby magazines. Kahapon lang dumating ang mga iyon na inorder pa niya sa America. Alam ko ang presyo ng mga iyon dahil nakikita ko sa baby magazines. Lalo akong nakaramdam ng guilt feeling. Nakakahiya. Ibang tao pa ang gumagastos para sa anak ko.
Gaga ka kasi. Binibigyan ka na ng isang milyon ng nanay ni Carlo, hindi mo pa tinanggap.
Napasimangot ako ng maalala ko ang ginawang iyon ng nanay ni Carlo at ni Charlotte. Wala sa loob na hinimas ko ang tiyan ko. Hindi isang milyon lang ang presyo ng pagkatao ko at ng anak ko. Kahit bayaran nila ako ng bilyon, hindi nila makukuha ang anak ko sa akin.
Nakaramdama ako ng habag para sa sarili ko lalo na sa anak ko. Ganoon kami trinato ng pamilya ni Carlo at hindi man lang niya ako ipinaglaban. Binuntis lang niya ako at iniwan. Napakagaga ko at madali akong naniwala sa mga pangako niya. Akala ko katulad din siya ni Travis na kaya akong ipaglaban sa mayaman niyang pamilya. Pero nagkamali ako. Bahag ang buntot ni Carlo at hindi niya kayang talikuran ang marangyang buhay para sa akin.
Kaya tama lang ang ginawa kong lumayo. Aamin din ako kay Mrs. Acosta at hihingi ng tawad pero hihintayin ko lang na manganak ako. Gusto kong masiguro na malusog ang anak ko kapag nailabas ko na at saka kami lalayo.
"Aria? Iha, gising ka ba?" Boses ni Mrs. Acosta ang narinig ko kasabay ng pagkatok sa pinto ng kuwarto.
Mabilis akong tumayo at tinungo ang pinto tapos ay binuksan. Napakunot ang noo ko dahil nakita kong parang nagkukulay ng buhok si Mrs. Acosta. Nagsi-self color ng hair niya. Gusto kong matawa kasi hindi pantay-pantay ang pagkakalagay noon sa buhok niya.
"Ano hong nangyari sa buhok 'nyo?" Taka ko. Pinipigil ko ang mapatawa.
"Ah, ito ba?" Bahagya pa niyang hinawakan ang buhok. "Nakakita kasi ako ng pang-tina ng buhok sa kusina. Kay Ester 'yata iyon. Tinatamad kasi akong lumuwas ng bayan para pumunta sa salon kaya ako na lang ang gumawa sa sarili ko. I know it sucks kaya baka papuntahin ko na lang dito ang hairstylist ko," naiiling na sabi niya. Parang pinagsisisihan ang nagawa sa buhok.
Hindi ko na napigil at natawa na ako. Imbes naman na mainis ang matanda ay nakitawa na lang siya sa akin.
"Aayusin ko ho kung hindi kayo maselan. Madalas ko ho kasing kulayan ng buhok ang nanay ko 'nung nabubuhay pa siya," sabi ko sa kanya.
"Oh? Your mother died? I am so sorry to hear that, iha." Lumungkot ang mukha ni Mrs. Acosta sa narinig na sinabi ko.
"Okay lang po. Nagka-breast cancer po siya and para sa akin mas mabuti na rin iyon para napahinga na siya sa hirap." Pinilit kong ngumiti kasi naiiyak ako ng maalala ko si nanay Garing na naghihingalo sa ospital.
Napahinga ng malalim si Mrs. Acosta.
"Don't worry. I can be your mother. I told you to call me mama. Anak na rin ang turing ko sa iyo dahil asawa ka ni Hunter. We will bond every day. I will ask Ester if she still has this Bigen something. Iyon kasi ang nakita kong brand 'nung pangkulay," sabi ni Mrs. Acosta.
"Sigurado ho ba kayo na okay lang sa inyo na gumamit niyan. Puwede din nating hintayin ang hair stylist 'nyo."
"It's okay. Fix my hair. Mas gusto ko iyon." Nakangiting sabi ng matanda at ikinawit ang braso sa braso ko at sabay kaming tumungo sa garden.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Manang Ester ng ipakuha sa kanya ni Mrs. Acosta ang mga sachet ng mumurahing pangkulay ng buhok. Halata naman na hindi gumagamit ng basta-bastang pangkulay ng buhok ang matanda kaya nagtataka ako kung ano ang naisipan at ginawa ito. Kita ko ang kasiyahan sa mukha niya habang sinusuklayan ko siya at pinapahiran ko ng pangkulay ang buhok niya.
"You know, I always wanted to have a daughter. Iba kasi ang bond kapag babae ang anak. Mas malalim, mas nagkakaintindihan. Plus the fact that you will have a living doll when they are still small. Masarap bihisan ang mga batang babae. I love my two boys but they drifted apart when they grow up. They used to tell me their secrets pero ng magbinata na naging silang dalawa na lang ang nakakaalam. Ako? Biglang nasa sidelines na," naiiling na natatawa ng mapakla ang matanda.
"Ganoon naman daw po iyo talaga. Ganoon din po kami ng kapatid ko."
Shit. Parang gusto kong pitpitin ang dila ko. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako magsasabi ng tungkol sa personal kong buhay sa kanila.
"Oh? You have a sister. I thought ulila ka na?"
"Ah, o-opo. Wala na po akong magulang. Kami na lang ho ng kapatid ko pero may asawa na rin siya at sariling buhay. Nang mag-decide kaming magpakasal ni Hunter, naisip namin na magsimula ng kami lang." Diyos ko po talaga. Sinusunog na talaga ang kaluluwa ko sa kumukulong apoy ng impyerno.
Napa-hmm ang matanda at tumango-tango.
"That's my Hunter. Marami talagang prinsipyo sa buhay ang anak kong iyon." Alam kong may sasabihin pa si Mrs. Acosta ng tumunog ang telepono niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkukulay ng buhok niya.
"Bullet? O? What do you need? Hindi ka na bumalik dito," sabi niya ng sagutin ang telepono. Kausap niya ang masungit na anak.
"What do you need to tell me?" Tanong ng matanda at sumulyap sa akin.
"Manang Frances, narito ho si Attorney Perez." Napatingin ako kay Ester at may kasunod siyang may edad na lalaki.
"Tell it to me later. Malapit ka na naman pala sabihin mo na lang sa akin ng personal." Alam kong nagsasalita pa si Bullet pero pinatayan na ito ng telepono ng nanay. "Attorney, thank you for dropping here kahit alam kong sobrang busy ng schedule mo." Baling ni Mrs. Acosta sa dumating na lalaki.
"What is it that you need to change in your last will? Alam na ba ito ni Bullet?" Tanong ng abogado.
Hindi ako kumikibo at nagpatuloy lang ako sa pagkukulay ng buhok ni Mrs. Acosta. Binilisan ko na nga lang kasi gusto kong umalis doon dahil mukhang personal naman ang pag-uusapan nilang dalawa.
"I don't need his permission to do this. That is my money, my property so I can do whatever I want with that." Sagot ng matandang babae at sinenyasan akong huminto. Kinuha ko ang mga ginagamit kong pangkulay at akmang aalis na doon.
"I want my daughter in law to be included in my last will. Aria and her son should be in my last will and testament." Walang abog na sabi ng matandang babae.
Wala sa loob na nabitiwan ko ang mga hawak ko at nanlalaki ang matang napatingin kay Mrs. Acosta.
-------------------à>>>>>>>>>
Bullet's POV
Three days of non-stop meetings. Bumiyahe pa ako pa-China kahapon para lang personal na maasikaso ang isang shipment na nagkaroon ng problema kaya hindi ko kaagad naharap ang personal na problema namin ni mama. I've read everything about Aria or Amy Solomon. She is adopted and her adoptive parents are dead already. She used to work as a supervisor in a high end Japanese restaurant. She got a sister that is supposed to be married with Travis Velasco. I know that guy. Walang hindi nakakaalam ng eskandalong kinasangkutan ng lalaking iyon at ng anak ni Ignacio Buencamino. Good thing it was all a set up kaya nakabawi din.
Habang bumibiyahe ako papuntang Quezon ay wala akong tigil sa pagbabasa ng mga files na ipinadala sa akin ni Jacob tungkol kay Amy. It says there that the father of her child is Carlo Santos. Iniwan siya at nagpakasal sa iba. Now I remember when I asked her kung ano ang tinatakbuhan niya. She told me na may nanakit sa kanya and that is fucking Carlo. I knew that asshole is really an asshole. Itsura pa lang talagang kumukulo na ang dugo sa lalaking iyon. Lalo na ngayon at nalaman ko kung paano niya tratuhin si Charlotte.
But my mother needs to know about this. We can help but she cannot stay with us while she is using my dead brother. Alam kong masasaktan si mama sa katotohanan pero kailangan niyang malaman ito hangga't maaga.
Pagkaparada pa lang ng sasakyan sa harap ng bahay ay halos tumalon na ako para mapuntahan ko lang si mama. Ayaw niya akong kausapin ng matino. It looks like she is under the spell of that woman.
"Si mama?" Agad kong tanong kay Manang Ester ng makasalubong ko.
"Nasa garden kausap si Attorney Perez." Sagot niya at tinalikuran na ako.
Mabibilis ang mga hakbang ko na makarating doon. Nakaupo si mama sa harap ng mesa at parang mayroon siyang mga pinipirmahan na mga papel.
"Bullet! Sabihin mo sa kanya na mali ang ginagawa niya."
Napatingin ako sa nagsalita noon at nakita kong parang iiyak na ang itsura ni Aria, shit Amy nga pala habang nakatingin kay mama.
"What is going on?" Taka ko at nagtatanong ang tingin ko kay Attorney Perez. Isinenyas lang niya ang mama ko na parang walang pakielam sa amin.
"'Ma, what is going on?" Tanong ko at lumapit na ako sa kanya.
"This is just a small thing." Tonong iritable si mama at tumingin sa akin tapos ay kay Amy. "Aria, this is for your son. This is for his future."
"Pero mali ho. Huwag 'nyo hong gawin iyan. Hindi ho namin iyan matatanggap ng anak ko. Ang patuluyin 'nyo kami dito, pakainin at bihisan ay sobra-sobra. Please, Mrs. Acosta huwag 'nyo ho akong isama diyan." Tumingin sa gawi ko si Amy. "Bullet, kausapin mo naman ang mama mo. Nabibigla lang siya alam ko. Hindi ko deserve iyan. Hindi ko kailangan iyan." Naiiyak na talaga si Amy.
Lumapit ako kay mama at tiningnan ko ang pinipirmahan niya. This is her last will and testament. Kaming dalawa ni Hunter ang kasama dito and now, I can see the name of Aria and her unborn child.
"'Ma, what is this?" Hindi ako makapaniwalang gagawin ito ni mama. The woman that she wanted to include in her last will is a stranger. A con artist na isasama niya dito sa last will and testament niya? My mother is going nuts already.
Painis na binitiwan ni mama ang hawak na ballpen at tumingin sa akin.
"This is my money, Bullet. And I can share this to anyone that deserves for my trust. Aria is the daughter that I never had and Hunter would want me to do this for his wife and son."
Napatingin ako sa gawi ni Amy at nakita kong tuluyan na siyang napaiyak. Is she faking this? But I can feel that she is really worried that my mom did this. Kung sa ibang tao na bigla na lang isinama sa last will and testament ay nagtatatalon na sa tuwa, kabaligtaran iyon ng itsura ni Amy. It looks like my mom just gave her a life sentence.
"Mali po ito," naiiling na sabi ni Amy at napayuko.
Iniabot ni mama ang kopya ng pinirmahan niyang last will kay Attorney Perez.
"Ikaw na ang bahala diyan, Attorney. I want it to be notarized as soon as possible." Humarap sa akin si mama. "And what do you want to tell me over the phone? You sounded so serious. Do we have a problem?"
Napatingin ako gawi ni Amy tahimik lang siyang nakayuko tapos ay tiningnan ko si mama. Ngayon ko lang nakitang maaliwalas ang mukha niya after papa died. She looks so happy, contented with her life and I think, Amy's presence is helping her to cope up in this hard times. Makakaya ko bang saktan si mama? Papa hurt her when he die, Hunter also did the same when he died. Pati ba ako sasaktan ko din si mama kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo?
I am so tempted to tell her everything about Amy Solomon. But just looking at my mother, hindi ko siyang kayang saktan.
"What is it, Bullet? Look at my hair? I don't need to go to a salon. Aria did this to me," ang ganda-ganda ng ngiti ni mama.
Napailing ako at napahinga ng malalim.
"Forget what I said, 'ma. Magpapahinga lang ako."
Hindi ko na tinapunan ng tingin si Amy na nakayuko pa rin at parang nahihiya sa presensiya ko. I'll keep her secret for now. I won't tell her that I know the truth about her.
Aalamin ko pa kung sino talaga si Amelia Solomon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top