Chapter Four
Amy's POV
Literal na hacienda ang tinutumbok na bahay ng sinasakyan namin ng kasama kong matanda. Nakakapunta na rin naman ako sa malalaking bahay sa Maynila, nakapasok sa mga sikat na hotel pero iba 'to. Napakalaki talaga at napakalawak ng lugar. Berdeng-berde ang paligid dahil sa mga naglalakihang mga puno sa dinaraanan namin. Ikinukuwento ni Mrs. Acosta sa akin na pag-aari nila ang kabuuan ng lupa na dinaanan namin. More than forty hectares daw ang kabuuan ng lupa na ito na mina-manage noon ni Hunter. Horacio Nicanor Acosta ang tunay niyang pangalan at kaya naging Hunter ang palayaw, dito daw sa lugar na ito lumaki ang anak niya at gustong laging kasama ang mga tauhan nilang nangangalaga ng buong lugar. Mahilig daw talaga mamundok at nature lover ang nasirang lalaki kaya pinangalanan ng mga tauhan nila ng Hunter.
Pumikit ako at nag-usal ng taimtim na panalangin habang papasok kami sa loob ng mala-paraisong lugar. Sa isip ko ay humihingi ako ng tawad sa mag-asawang nasawi sa aksidente na iyon. Humihingi ako ng tawad dahil ginagamit ko sila para magkaroon ng bagong pagkatao. Isang diyaryo ang nakita ko sa ospital at naroon ang listahan ng lahat ng mga survivors at nasawi sa bus accident. Nagulat pa nga ako ng makita ko ang pangalan ko doon. AMELIA SOLOMON. Nakita ko rin sa obituary ang pangalan ko. Nag-aalala ako kay Liv. Siguradong nagluluksa siya sa akala niyang pagkawala ko. Everyone thinks that I am dead pero ng maalala ko ang kasal ni Carlo sa babaeng iyon, ng maalala ko na gusto ng pamilya niyang kunin ang anak ko, pagkakataon ko na ito para makatakas sa kanila. Hinding-hindi nila makukuha ang anak ko.
Alam kong mali itong ginagawa ko. Ginagamit ko ang mga patay na tao para sa sarili kong interes pero alam kong maiintindihan nila na hindi para sa akin ito. Kasalanan na kung kasalanan pero may batang involve. Hindi ko puwedeng basta ipamigay ang anak ko. Alam kong kapag nalaman ng pamilya ni Carlo na buhay ako at buhay ang anak niya, gagawa sila ng paraan para mabawi ang bata sa akin at siguradong gagamitin nila ang pera nila at koneksyon para kunin ang anak ko.
"Okay ka lang ba?"
Tumingin ako sa matanda at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. Kung sabihin ko na kaya sa kanya ang totoo? Nakokonsensiya kasi talaga ako. Kung anuman ang nagastos niya sa ospital, pipilitan kong mabayaran iyon. Siguro naman maiintindihan naman niya kasi mukha namang mabait si Mrs. Acosta.
"I lost a son but I gained a daughter." Naiiyak na naman si Mrs. Acosta habang nakatingin sa mukha ko.
"M-mam- Mrs. Acosta, gusto ko pong -"
"I want you to call me mama. Magugustuhan ni Hunter iyon. And I am sure he will be happy to know that I am taking care of his wife," tuluyan ng nahulog ang luha ng matanda.
Diyos ko. Parang hindi ko kayang sabihin ngayon ang totoo sa kanya. Tingnan ko lang ang umiiyak na mukha ng matanda ay para ng pinupunit ang dibdib ko. Nakita ko siyang humugot ng hininga at minasahe ang dibdib
"M-Mrs. Acosta! Okay lang po kayo?" Nag-aalala ako kasi parang hindi siya okay. Halatang may iniinda siya sa dibdib niya.
Pinilit niyang ngumiti sa akin at kumumpas sa akin.
"This stupid heart is making me uncomfortable," tanging sagot niya at dumukot ng isang maliit na botelya galing sa bag niya. Kumuha siya ng dalawang tableta at ininom iyon. "I had an attack a few weeks ago. Akala ko hindi ko kakayanin ang pagkawala ng anak ko." Naiiyak na naman siya.
Napahinga ako ng malalim. May sakit pa pala sa puso ang matanda. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag sinabi ko ang totoo sa kanya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon.
"Thank you for taking care of this one," sabi niya tapos ay ipinatong ang kamay sa tiyan ko.
Wala sa loob na hinawakan ko din ang tiyan ko.
"Gagawin ko po ang lahat para maingatan ko lang ang anak ko."
"Anak 'nyo ni Hunter," pagtatama ni Mrs. Acosta.
Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko sa sinabi niya at napipilitang tumango.
"Masanay ka na, iha. Kung ano ang meron si Hunter, sa iyo 'yon. Sa inyo ng magiging anak 'nyo."
"Pero hindi 'nyo nga ho ako masyadong kilala. I mean kahit po si Hun-" hindi ko masabi kasi pangalan ng lalaking ginagamit ko. Nakokonsensiya talaga ako pero kailangan ko 'tong gawin para maka-survive. Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti ng pilit sa matanda.
"Iha, huwag kang mag-alala. Sinasabi ko sa iyo, pamilya ang turing ko sa iyo dahil asawa ka ni Hunter. Saan kayo ikinasal?" Ang ganda-ganda ng ngiti niya sa akin.
"Sa bundok po?" Shit. Iyon lang ang naaalala kong ikinuwento ng babaeng nakausap ko. Ikinasal sila sa Mt. Pulag at alam kong puntahan iyon ng mga mountaineers.
Naiiling na natawa ang matanda. "Mahilig talaga sa nature si Hunter. Nakita ko nga ang litratong ipinadala niya."
"Ho?! May litrato ho siyang ipinadala?" Bigla akong kinabahan. Kung may litratong ipinadala si Hunter sa nanay niya, siguradong nakita na niya ang totoong asawa nito. Pero bakit niya ipinipilit na ako ang asawa ni Hunter?
"Yes. He just showed us that he gave the family heirloom to someone and that is you." Tiningnan ng matanda ang suot kong kuwintas tapos ay ngumiti siya.
Para akong nakahinga ng maluwag doon. Okay. Kailangan kong ayusin ang kuwento ko kung paninindigan ko na ang pagpapanggap na ito.
Huminto kami sa malaking bahay. Mabilis na bumaba ang driver namin at inalalayan si Mrs. Acosta tapos ay ako. Napakalaki talaga. Kumapit pa sa braso ko ang matanda at sabay kaming pumasok sa loob.
"This is our ancestral house. Mas makakapagpahinga at makapapagpagaling ka dito. Maalagaan mong maige ang apo ko." Sabi ng matanda habang naglalakad kami papasok sa loob.
Umiikot lang ang paningin ko sa loob. Maayos at magaganda ang mga gamit na mukhang mamahalin.
"Mama."
Pareho kaming napalingon ng matanda sa nagsalita. Pakiramdam ko ay nanlamig ang katawan ko. Naninigas ang katawan ko at nanlalaki ang mata ko sa takot.
Nagmumulto na si Hunter!
Dahil nasa harap ko ang isang lalaki na katulad na katulad niya ang mga mata.
That stare. Those dark emerald green eyes staring coldly to me.
"Hah-" walang salitang lumabas sa bibig ko habang nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaki.
Dahil nasa harap ko si Hunter. Buhay na buhay at inuusig ako.
————->>>>
Bullet's POV
Tinawagan ko si Mang Karding na personal driver ni mama at inalam ko kung nasaan na siya. Nasa biyahe na nga daw sila papunta sa ancestral house sa Quezon at kasama ang asawa ni Hunter. Kahit labag sa loob ko ang ginawa ni mama, wala naman akong magawa pero hindi pa rin ako papayag na may kung sinong basta-basta lang na pumasok sa pamilya namin.
Nagpahatid ako sa Quezon using the company helicopter para maabutan ko agad si mama sa ancestral house. Tamang-tama na pagbaba namin sa helipad ay kakarating lang din daw nila doon. Mas mabuti ito at mahaharap ko na ng personal ang sinasabing asawa daw ni Hunter.
Hinintay ko na muna silang makapasok sa loob bago ako sumunod sa kanila.
"Mama."
Pareho silang tumingin sa akin at nakita kong parang namutla ang babae na kasama ni mama. Halatang nataranta ng makita ako.
"Hah-" wala siyang masabi at talagang kinakabahan siya.
"Hi, 'ma." Bati ko kay mama pero nanatili akong nakatingin sa babae. She really looked surprised seeing me. Surprised, shocked and afraid that I am here in front of her.
"H-hindi ko gusto na- sorry- I-I just don't have a choice. Sorry talaga. Aalis na lang ako," naiiyak na sabi niya at mabilis na tumalikod sa amin ni mama.
Natataranta si mama at mabilis na hinabol ang babae.
"Aria, what is wrong?" Tiningnan ako ng masama ni mama.
"Pasensiya na po, Mrs. Acosta. Hindi ko po talaga sinasadya. Hindi ko po-"
"What did you do, Bullet?" Galit na baling sa akin ni mama.
"What? What did I do?" Taka ko. Anong kasalanan ko ngayon?
"Iha, what is wrong? Ano ang ginawa ng anak ko sa iyo? You know, Bullet is known to do pranks to everyone." Naiiling na sabi ni mama at sinamaan ako ng tingin.
What the fuck? Pranks? Ano ako? Highschool? I used to do that when I was little pero ibang sitwasyon na ngayon. I am facing a family crisis here so bakit ako magpa-prank?
Saglit na natigilan ang babae. "Anak? Bullet?" Parang nagtataka na siya tapos ay muling tumingin sa akin.
"Yeah. Hunter's younger brother." Sabi ni mama.
"T-they really look alike," parang wala sa loob na sabi ng babae at nakatingin sa akin.
"He didn't tell you that he has a brother?" I said that in between my teeth. This woman is really fooling us. Kung asawa siya ni Hunter, dapat alam niya ang tungkol sa akin. Pero saglit din akong natigilan. Paano kung hindi nga talaga ako ikinukuwento ni Hunter sa mga taong nakilala niya? Well, tinalikuran niya kaming pamilya niya.
"Ah-eh- well, nabanggit naman niya. Pero hindi niya sinabing may kakambal siya," sabi ng babae na halatang kinakabahan pa rin.
Tumaas ang kilay ko. Pati si mama ay parang nagtaka.
"Kambal? No, hindi sila kambal. Hunter is a year older than Bullet." Sagot ni mama.
Napipilitang ngumiti ang babae na talagang pinipilit na maging kalmado sa harap ko.
"O-oo nga. Nabanggit nga niya na hindi nga kayo kambal pero magkamukhang-magkamukha kayo."
Tumingin ako ng makahulugan kay mommy. I know this woman is lying.
"Ay, iha. Alam ko naman naguguluhan ka pa rin dahil sa nangyari. Magpahinga ka na muna," sabi ni mama.
"Wait, ayaw mo ba akong maka-kuwentuhan, sister in law?" Talagang aalamin ko kung sino talaga ang babaeng ito.
Tumingin siya kay mommy na nagpapasaklolo.
"Magpahinga ka na, iha. Ipapatawag na lang kita kapag naka-ready ang pagkain. Sige na. Sumunod ka kay Ester para maituro niya ang kuwarto mo," ang ganda-ganda ng ngiti ni mama sa babaeng ito.
Kulang na lang tumakbo ang babae palayo sa amin dahil talagang sinusundan ko lang siya ng tingin.
"What was that, Bullet?" Salubong na ang kilay ni mama ng harapin ako.
"What was what? I didn't do anything, mama."
"You made the poor girl cry. Ano ka ba? She just lost her husband."
Napailing ako at napatawa ng nakakaloko.
"Oh please, ma. You know she's faking it. Can't you see her reaction when she saw me? Hindi nga niya alam na may kapatid si Hunter." I am trying to shake the senses of my mother.
"She is afraid because she is still in shock. Alam mo naman ang nangyari sa kanya."
"She is afraid because she is using Hunter's death para lokohin tayo." Pagtatama ko.
Inirapan ako ni mommy.
"'Yan ang napapala mo sa palaging pagharap sa trabaho. Nawawalan ka na ng humanity. You don't see people who need help. Be like Hunter for once. She just lost a husband so be compassionate." Iyon lang at tinalikuran na ako ni mama.
Napahinga na lang ako at napailing. Ramdam ko talaga na may itinatago ang babaeng iyon. But I will know kung sino talaga siya.
———-
Enjoy papa Bullet. Bagong crush sa wattpad world.
Fb- Helene Mendoza
Fb group- Helene Mendoza's stories (for updates and news)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top