Chapter Forty-one
Carlo's POV
Rinding-rindi na ako sa boses ng biyenan kong lalaki sa paulit-ulit niyang panenermon sa akin. Sinamaan ko lang ng tingin si Charlotte na tahimik na nakaupo sa harap ko at masama din ang tingin sa akin. Bahagya akong napangiwi dahil sobrang sakit pa ng panga ko. Kinapa ko ng dila ko ang pagitan ng mga ngipin kong natanggal dahil sa pagkakasuntok ng tarantadong Bullet na iyon.
"Hindi mo na binigyan ng kahihiyan ang pamilya ko. Nakipag-basag ulo ka sa harap ng maraming tao. Ang masama pa, maraming nakakuha ng video habang nakikipagbugbugan ka kay Bullet Acosta!"
Just hearing the name of that asshole, parang umaakyat na naman ang galit sa ulo ko.
Muli akong tumingin kay Charlotte at nakatitig lang siya sa akin at napapailing.
"Ilang beses ka ng pinagtatakpan ng asawa mo. Ang dami-dami mo ng kalokohan na ginagawa. Hindi mo man lang inisip ang kalagayan ng asawa mo. Buntis ang asawa mo at pinapabayaan mong mag-isa dito sa bahay. Samantalang ikaw, nandoon sa bar kasama ang mga barkada mo at makikipagbugbugan ka pa!"
Napabuga lang ako ng hangin. Hindi pa ba matatapos sa pagmo-monologue 'tong tatay ni Charlotte? Masakit na ang tenga ko.
"Ano ba ang pinag-awayan 'nyong dalawa?" Tanong pa ng biyenan ko.
Tumaas ang kilay sa akin ni Charlotte. Parang tinatantiyan niya kung magkakaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa tatay niya ang totoong dahilan ng pag-aaway namin ni Acosta.
"A simple misunderstanding," maikling sagot ko.
"A simple misunderstanding? Pero kulang na lang magpatayan kayo ni Bullet?! Nakakahiya ang ginawa mo! Hindi ko nakilalang basagulero ang batang iyon," sabi pa ng biyenan ko.
"Teka, bakit parang lumalabas na ako ang nagsimula ng gulo? You don't know that guy. Hindi dahil matagal na kayong partner sa kumpanya nila, maayos na tao na ang Acosta na iyon," hindi na ako nakatiis na hindi mangatwiran.
"Hindi ba? Alam mo Carlo, kung hindi lang talaga sa pakiusap ng anak ko talagang –"
"Dad!" Mabilis na awat ni Charlotte.
"Talagang ano ho?" Salo ko sa sasabihin niya. "Ituloy 'nyo na. Baka sakaling 'yan din ang gusto kong mangyari." Matigas na sagot ko.
Agad na tumayo si Charlotte at pumagitan sa amin ng tatay niya. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng bagang ng biyenan ko. Wala na akong pakialam. Sinira na naman nila ang buhay ko, eh. So ano pa ba ang iingatan ko ngayon?
"Dad, please. Pabayaan mong kami ng asawa ko ang umayos nito," halatang itinutulak na paalis ni Charlotte ang tatay niya.
Sinamaan pa uli ako ng tingin ni Mr. Ling.
"Talk to your husband. Ayoko ng mauulit ito. Nakakahiya sa pamilya natin." Pagkasabi noon ay tuloy-tuloy ng lumabas ang matandang lalaki.
Napahinga ng malalim si Charlotte ng isara ang pinto at humarap sa akin.
"Kung wala ka naman sasabihin puwedeng iwanan mo na lang ako," matabang kong sabi sa kanya.
"Concern lang si dad sa iyo. Ayaw lang niyang pumangit ang image mo sa board of directors. Marami ang may gusto ng posisyon sa company ni daddy. Please don't give them a reason to replace you."
"Then replace me. Kayo lang naman ang may gusto na ilagay ako diyan." Dinampot ko ang remote control ng tv at binuksan iyon.
"So ganyan na lang? Ganyan lang talaga ang gagawin mo? After mong magpasikat sa social media?"
"What do you want me to do? Go to that fucking Bullet Acosta and beg for forgiveness?" Napapailing na natatawa ako ng nakakaloko. "I won't do that."
"Is this still about Amy? Iyon ba ang pinag-awayan 'nyong dalawa? Hindi ka pa rin ba titigil ng kakahabol kay Amy?!" Ang lakas ng sigaw ni Charlotte.
"Please stop. Masaki na ang ulo ko." Humiga ako sa kama at itinuong ang pansin sa pinapanood kong tv.
Napasigaw ng malakas si Charlotte sa sobrang desperasyon. Kitang-kita ko ang galit at disappointment sa mukha niya.
"Ikaw ang papatay sa anak mo, Carlo. Grabe ang stress na ibinigay mo sa akin. Ganyan din ang ginawa mo sa anak 'nyo ni Amy. Ikaw din ang dahilan bakit nawala ang anak mo sa kanya." And without another word, Charlotte went out and shut the door so loud.
And it hit me.
What am I doing to my life?
I am hurting everyone in my life.
Si Amy. Our baby. Now, I am also hurting another baby.
I don't want my child to suffer again. I am not going to let that happen.
Maybe it's about time that I straighten things up with Charlotte just for the sake of my child.
-------------
Amy's POV
Nakikinig lang ako sa bawat instructions ng head server ng bar. I used to do this as a supervisor in my previous work. Sanay ako na ako ang nag-uutos. Ako ang nag-aasikaso ng lahat para masiguro kong tama. But I am starting new and I need to start at the bottom. I need to be a team player in here dahil mga high end ang clients namin.
4 Clubs is a high-end disco bar located in BGC. Sanay naman na akong humarap sa mga tao. Mahirap o mayaman, kayang-kaya kong harapin iyan. Hindi ako madaling mahiya kaya siguro madali akong na-promote noon.
"So, okay ka lang? Kaya naman ang trabaho?" Bulong ni Sheng sa akin. Lahat kaming gma babaeng server ay nakasuot ng mini-skirt, black stockings and high heels. Parang hindi na ako masyadong sanay pero kailangang sanayin ko ang sarili ko. Tinernuhan ang mini-skirt ng white low-neck tee at pinatungan ng black sleeveless vest. Hindi naman kami mga mukhang bastusin sa damit namin. Sa katunayan nga, bumagay ang mga itsura naming sa sobrang kasosyalan ng lugar.
"Madaming clients ngayon gabi dahil weekend so kailangan nating mag-ready." Sabi pa ni Sheng sa akin habang pareho kaming nasa bar area at naghihintay ng mga cocktails na isi-serve namin.
"Mag-ingat ka lang din. Maraming manyak sa paligid. Sexy ka na kasi ulit," nanunuksong sabi sa akin ni Sheng.
Natawa din ako at napailing.
"Wala na akong panahon sa mga lalaki. Ayoko na ng sakit ng ulo." Sagot ko habang inilalagay sa tray ang mga cocktails na isi-serve ko.
"Huwag ka naman magsalita ng tapos. Malay mo naman nandito na pala ang forever mo. Nandiyan lang sa paligid. Hindi naman dahil na-brokenhearted ka kay Carlo, lahat ng mga lalaki katulad na niya."
"Men are men. Paasahin ka. Papaniwalain na mahal ka pero pagdating ng huli, iiwan kang luhaan. Ayoko ng masaktan uli. Masakit. Mahirap. Mamahalin ko naman ang sarili ko bago ang ibang tao," kumindat pa ako kay Sheng a binitbit ang tray ko bago tuloy-tuloy na tinungo ang mesa ng mga umorder.
Totoong walang tigil ang dating ng mga tao sa bar. Mayroong umaalis, pero doble naman ang pumapalit. Grupo-grupo ang dumadating. Minsan parang naririndi na rin ako sa lakas ng ingay ng tugtog na nanggagaling sa mga malalaking speakers. Pero kailangan kong tiisin 'to para sa trabaho ko.
"Amy, puwede bang ikaw ang mag-serve nito sa table 5. Ihing-ihi lang talaga ako. Kanina ko pa ito pinipigil," bahagyan pang inipit ni Sheng ang mga hita para mapigil ang ihi.
Natawa ako. "Bakit hindi mo sinabi? Sige na. Ako na ang bahala."
"Group of girls iyon. Cosmos, margarita, two shots of tequila and key lime twist. Maarte ang mga 'yan so medyo ingat ka." Paalala niya at iniwan na ako.
Tinanaw ko ang table na sinasabi niya at nakita ko ang grupo ng mga nakatalikod na babae. Nagtatawanan ang mga ito at maiingay na rin.
Agad kong binitbit ang tray ng mga cocktail drinks at liquor at inihatid sa table na sinasabi ni Sheng.
Ang lalakas ng boses ng mga babae. Malayo pa ako ay naririnig ko na ang pagsisigawan nila. May isang babae na panay ang taas ng baso niya.
"Where is my drink?! I want some more!" Malakas na sigaw nito tapos ay magtatawanan na sila. Hindi naman sila pansin ng ibang mga guest dahil na rin sa lakas ng tugtog sa buong bar.
"Good evening. Here are your-" nawala ang ngiti ko sa labi at hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makilala ko ang dalawa sa mga babaeng naroon. Alam kong maging sila ay nagulat din ng makilala ako.
"You have got to be kidding me. Hanggang dito ba susundan mo kami?" Ang talim ng tingin sa akin ni Charlotte.
Si Charlotte? Siya ang babaeng maingay at nagwawagayway ng hawak na baso ng alak. Anong ginagawa niya dito? Buntis ito, ah. Anong ginagawa niya sa isang bar? At bakit parang ang flat ng tiyan niya? Nakasuot pa siya ng fitted maong at kahit meron siyang long vest on top of her blouse, kita ko naman na hanging ang suot niya. Nakalabas pa nga ang belly piercing niya. Ano 'to? Sigurado akong malaki ang tiyan niya ng huling makita ko. Around four or five months na ang tiyan niya kaya imposibleng maging flat pa iyon.
Mabilis na tumayo si Jean at humarang sa aming dalawa ni Charlotte. Parang tinatakpan niya si Charlotte at nagtitinginan sila. Nakita kong parang na-conscious si Charlotte at itinakip ang vest niya sa tiyan niya.
"What the hell are you doing here? Talagang gustong-gusto mo na binubuwist ang araw namin. Hindi mo na ba kami titigilan?"
Sobrang nanibago ako sa itsura ni Jean. Nawala ang soft spoken doctor na una kong nakilala. Ang tapang-tapang ng mukha niya ngayon. Kahit na nga ilang beses ko na siyang nakikitang nawawala sa poise dahil napapahiya siya ni Mrs. Acosta, ngayon ay talagang para siyang asong galit na galit na kayang-kaya akong lapain.
Pinigil ko ang sarili ko. Kahit gusto ko silang patulan ay pipilitin kong magpakahinahon dahil trabaho ko ang nakasalalay dito.
"Here are you drinks." Iyon na lang ang sabi ko at isa-isa kong ibinaba ang mga drinks sa table nila pero malakas iyong tinabig ni Jean. Nagtapunan ang laman ng mga baso at nagkabasag pa ang iba doon. Napatingin ako sa paligid at nakita kong may ilang mga guests na rin ang nakatingin sa amin.
"We don't want you to serve us. Baka nilagyan mo pa ng lason iyan." Sabi pa ni Jean.
Nakita kong dinampot ni Charlotte ang isang baso na puno ng alak at isinaboy sa mukha ko ang laman noon.
"Ang kapal-kapal ng mukha mo. Sino naman ang niloloko mo ngayon?"
Pigil na pigil ang galit ko at masama akong tumingin sa kanila. Nakita kong nagtatawanan pa ang iba nilang kasama. Parang tuwang-tuwa pa sa nangyayari.
Dumampot ako ng tissue mula sa table nila at pinahid ang mukha ko. Tinabig ni Jean ang kamay ko kaya malakas ko siyang itinulak. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
"Stop. Please. Stop. Kung ayaw 'nyong pare-parehong damputin sa kulungan ngayong gabi. Kasi kung away ang hinahanap 'nyo ngayon, hindi ko talaga kayo uurungan. Wala ng mawawala sa akin. Ikaw? Doctor ka. Gusto mong ma-eskandalo?" Pagbabanta ko sa kanya.
Nakita kong napalunok si Jean at parang natakot sa sinabi ko. Bumaling ako kay Charlotte. Lalo niyang itinago ang tiyan niya sa suot na vest.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo at lumiit ang tiyan mo ng ganyan. Pero pasalamat ka at may awa pa rin ako sa buntis na katulad mo. O buntis ka nga ba talaga? May buntis bang umiinom ng alak? Alam ba ni Carlo ang ginagawa mo?"
Nag-aalalang tumingin si Charlotte kay Jean.
"Tigilan 'nyo na ako. Hindi ako makikipag-agawan ng lalaki sa inyo. Inyong-inyo na ang mga lalaking gusto 'nyo. Leave me alone!" Tinabig ko ang mga bote ng alak na nasa mesa nila at napasigaw sila dahil natapon ang mga iyon sa paanan nila.
Tinalikuran ko na sila at dumiretso na ako sa cr. Mahina akong napamura. Siguradong mawawalan na ako ng trabaho ngayon gabi. Nakakainis. Kung kailan gusto ko ng maayos ang lahat. Kung kailan nag-uumpisa na ako ng bagong chapter ng buhay ko, ang mga kontrabidang ito naman ay ayaw akong tigilan.
Pagpasok ko sa cr ay napahinga ako ng malalim ng humarap ako sa salamin. Tiningnan ko ang sarili kong basang-basa ang mukha at damit dahil sa isinaboy na alak ni Charlotte sa akin. Kumuha ako ng tissue at nilinis ko ang sarili ko. Hindi ko napigil ang mga luhang sumungaw sa mata ko kaya nagkalat ang mascara at eyeliner doon. Agad kong nilinis ang sumabog na make-up at pinigil ko ang sarili kong maiyak. Ayoko na. Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako iiyak dahil lang sa kagagawan nila. Sinabi ko na sa sarili ko na lalaban ako.
Inayos ko ang buhok ko at siniguro kong maayos na ang itsura ko bago ako lumabas sa banyo na ito. Kung ipa-fire out man ako ngayong gabi dahil sa kagagawan ng mga bruhang iyon, sinisiguro kong aalis ako dito ng nakataas ang noo.
Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago tuluyang lumabas ng banyo. Tamang-tama na pagbukas ko ng pinto ay siya ding pagbukas ng pinto ng katapat nitong banyo na panlalaki.
Nagkatinginan pa kami ng lalaking palabas doon at pakiramdam ko ay gusto kong kumaripas ng takbo ng makita kong titig na titig ang lalaki sa akin. Parang hindi makapaniwala na ako ang nasa harapan niya.
Shit. Kailangan bang lahat ng tinatakasan kong tao ay makikita ko ngayong gabi? Gusto ko na ng bagong buhay!
"A-Amy?" Parang hindi pa siya sigurado ng banggitin ang pangalan ko.
Wala na akong kawala. Kahit gustuhin kong tumakbo, siguradong hindi naman ako makakaalis dito.
Dahil ang nasa harapan ko ngayon ay si Bullet Acosta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top