Chapter Forty-four

Carlo's POV

            Sana pala noon ko pa ginawa ang ganito.

            Sana pala noon ko pa sinubukan na ayusin ang pagsasama namin ni Charlotte para hindi na ako nagkaproblema pa.

            Kahit kailan, alam kong hindi ko mamahalin si Charlotte pero sabi nga ng mga kaibigan ko at kakilala, minsan kung saan ka nadapa, doon ka dapat bumangon at magsimula uli. So itong ginagawa ko, sinisimulan ko ang bagong chapter ng buhay ko kasama si Charlotte at sa magiging anak namin.

            Totoo naman na gumaang ang lahat ng nasa paligid ko ng magsimula akong maging maayos ang pakikitungo sa kanya. My in laws treated me well. My father in law always talks to me and he allowed me to decide everything for their company. My parents are so happy especially my mom. Charlotte is not nagging me anymore. Lagi siyang nakangiti, lagi siyang masaya at nakikita ko naman na talagang ginagawa niya ang lahat para ingatan ang magiging anak namin.

            Maaga akong umuwi ng bahay ng hapon na iyon. As per Charlotte's request, tinigilan ko na ang paglabas-labas kasama ang mga kaibigan ko. Tinigilan ko na ang pag-iinom. I am trying to be a good father to my child. Babawi ako sa kanya. Sa kanya ko ibubuhos ang lahat ng pagmamahal na hindi ko maibibigay sa sana ay naging anak namin ni Amy.

            Parang pumait yata ang panlasa ko ng maalala ko siya Amy. Where is she right now? What is she doing? Is she with Bullet Acosta? Hindi ko na yata magawang lunukin pa ang pagkain na nginunguya ko dahil naipit na ang paglunok ko. I cannot forget her still. I am trying to get her off my mind pero mahirap alisin ang isang taong ginawa ko ng parte ng sistema ko. Pero sabi nga ni Travis, if I wanted to start over, I need to forget her because she will never be a part of my life anymore.

            This time, I chose my family. I chose my child over a woman who will never be mine.

            Napahinga ako ng malalim at uminom ng tubig. Nakita kong lumabas mula sa kusina si Charlotte at bitbit ang isang tasa ng kulay orange na ulam tapos ay punong-puno ng sarsa ang mukha niya hanggang leeg at ang suot niyang damit

            "Shit. I am trying to cook mechado just like what your mom told me. Paborito mo daw ito. But instead, I made a mess." Charlotte sounded so frustrated while putting the dish in front of me.

            "Okay na naman 'tong kinakain ko." Sagot ko sa kanya.

            "I want you to taste this. Your mom gave this recipe and I tried it. Let me know your verdict," ngiting-ngiti si Charlotte.

            I looked at her and her face is so lit up. Umbok na umbok ang tiyan sa suot na tight maternity dress.

            "Ilang months na nga ang baby natin?" Tanong ko sa kanya.           

            Automatic na hinimas ni Charlotte ang tiyan niya. "Five. And I can't wait to meet her or him. Jane said it's possible to know the gender of our baby on my next visit."

            Napatango ako at akma kong hihimasin ang tiyan niya pero mabilis siyang umiwas.

            "No. Can't you see I am a mess. I'll take a bath. See you in a bit," masiglang sagot niya at dumiretso sa banyo.

            Sinundan ko lang ng tingin si Charlotte hanggang sa makapasok siya sa loob ng cr. Ang totoo, kahit ayoko sa kanya, gusto ko naman mahawakan ang anak ko. Gusto kong maramdaman ang pagsipa niya mula sa loob ng tiyan ng nanay niya. Pero siguro mas masaya ako kung kay Amy ko naranasan ang mga ito.

            "Carlo! Sweetheart! Can you please get me a towel? I forgot to get one!" Narinig kong sigaw ni Charlotte mula sa loob ng banyo.

            "Alright." Tumayo ako at tinungo ko ang kuwarto niya. Kahit naman civil na kami sa isa't-isa ni Charlotte, hindi pa rin kami natutulog sa iisang kuwarto. Ayoko. Hindi ko pa kaya.

            Nagkalat ang mga shopping bags ng mga baby companies at baby essentials sa kuwarto niya. Kahit naman hindi ako masyadong natutuwa kay Charlotte, tingin ko naman ay magiging maayos siyang nanay. Talagang iniintindi niya ang magiging anak namin.

            Iginala ko ang paningin ko sa buong silid niya. Saan ko ba kukunin ang tuwalya? Nagbukas ako ng mga cabinets, inisa-isa ko ang mga drawers pero hindi ko alam kung saan nakalagay. Ang last drawer ay hindi ko mabuksan. I don't know if this is stuck or locked. Pero tingin ko hindi naman naka-lock. Mukhang may umipit lang. Tiningnan kong maige at tama ako. Na-stuck lang. It looks like a piece of cloth is stuck in one corner. Tingin ko nga ay tuwalya.

            I tried to pull it out. Ayaw. I tried it again, harder this time and it moved. I pulled it out at napa-upo pa ako sa lakas ng pagkakahila ko.

            There are some clothes or pieces of cloth scattered inside the drawer. I pulled out one just to try my luck if there are towels underneath but a different sight welcomed my eyes.

            What the hell are these?

            I pulled one round plastic or silicone type material that is still inside a plastic. There is still a tag attached to it.

            Belly False Pregnancy. Artificial pregnancy bump.

            Iyon ang nabasa kong nakalagay sa nakakabit na tag.

            I felt my hands are beginning to shake while I am inspecting the object. My breathing becoming heavier. My chest is pounding because of fear.

            Made of 100% silicone and has the look of a real pregnant tummy. This Silicone False belly will hold to your skin and you will feel like it has become one with you. It has adjustable straps and large Velcro strap on back of the belly. You can wear it as tight or as loose as you wish.

            Iyon ang nabasa kong description. I pulled out more of those objects from the drawer. Different stages of pregnancy sizes. May ibang nagamit na at meron naman na hindi pa. Iba't-ibang sizes ng silicone belly.

            Parang nanghihinang napaupo ako sa sahig at humihingal na nakatingin sa mga iyon.

            Charlotte is not pregnant. She will never be pregnant.

            Nasapo ko ang ulo ko at napailing-iling. Hindi ko mapigil ang mapaiyak dahil sa galit.

            Sobra na itong ginawa niya sa akin. Sobrang panloloko na ito.

            Mabilis akong tumayo at lumabas ng kuwarto tapos ay kumatok sa banyo.

            "Did you get my towel?" Tanong niya mula sa loob.

            "Yeah." Pinilit kong maging kalmado. "Let me in."

            "Wait lang. I am naked. I don't want you to see my stretch marks," natatawa pang sabi niya.

            Napabuga ako ng hangin sa sobrang pagpipigil ng galit ko. Nang maramdaman kong pinihit niya ang door knob ay mabilis kong itinulak ang pinto at nagulat siya ng pumasok ako. Agad siyang nagtago sa likod ng shower curtain.

            "What the fuck is this?" Humihingal na tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang fake pregnancy belly.

            Nakita kong nagkulay suka ang mukha ni Charlotte ng makita ang hawak ko.

            "W-what is that? W-where did you get that?" Nanginginig ang boses niya.

            "Are you really fucking pregnant?" Halos pumiyok na ako sa sobrang pagpipigil maiyak sa sobrang galit.

            "C-Carlo- I- o-of course I am pregnant," nangingilid ang luha niya habang pilit na nagtatago sa likod ng shower curtain.

            Hinila ko ang shower curtain at tumambad sa akin ang hubad na katawan ni Charlotte. Ang sexy na katawan. Ang manipis na tiyan.

            "Carlo-" wala siyang masabi sa sobrang takot sa akin habang tuluyang napahagulgol.

            Wala akong masabi. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

            "There is no baby. There is no baby," paulit-ulit na sabi ko habang napapailing.

            "C-Carlo, please. Please listen to me," humahagulgol na sabi ni Charlotte. Dinampot niya ang maruming damit na suot niya kanina na puno ng sarsa. Nakita ko ang isa pang fake belly na napapatungan noon. Ito ang suot niya kanina. Mabilis niyang isinuot ang damit tapos ay lumapit sa akin at pilit na yumayakap.

            "Fuck you. Hayup ka, Charlotte. Napakasama mo para lokohin mo ako ng ganito. Hayup ka," tuluyan na akong napaiyak sa harap niya. Gusto kong suntukin si Charlotte. Gusto ko siyang bugbugin pero lumayo na lang ako. Baka mapatay ko ang babaeng ito.

            "Carlo, patawarin mo ko. I am desperate to be with you."

            "Hindi ka pa ba kuntento na napakasal na ako sa iyo? You have to this? Anong akala mo sa akin? Putang ina mo. Hayup ka, Charlotte. Wala kang kasing sama." Pati ang mga labi ko ay nanginginig sa sobrang galit ko sa kanya.

            "I thought by giving you a child you would learn to love me back. Mahal na mahal kita at gagawin ko lahat para mahalin mo ako."

            Umiling ako. Pilit akong lumalayo sa kanya kahit na nga pilit siyang yumayakap sa akin.

            "Carlo. Carlo, please. Pag-usapan natin ito. You are willing to compromise 'di ba? You told me you will try to build our family because of our baby," punong-puno ng luha ang mukha niya.

            "And where's my baby? This fucking fake silicone belly?" Malakas kong ibinato sa mukha niya ang hawak kong fake belly. Wala akong pakielam kung masaktan man siya dahil mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.

            "Carlo-" halos hindi na siya makahinga sa sobrang pag-iyak.

            "I am willing to give up my love for Amy because of our baby. I am trying to forget her because you told me that we are going to be a family. Putang ina mo, Charlotte. Ano 'tong ginawa mo sa akin? Sinira mo ang buhay ko." Naisabunot ko ang mga kamay ko sa ulo ko.

            "This is your mom's idea. We are all desperate na mabuo ang pamilya natin." Sagot niya.

            Alam din ito ng nanay ko? Napapailing na humakbang ako palabas ng banyo. Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag sa akin ni Charlotte.

            Para akong robot na lumabas ng bahay at dumiretso sa kotse ko. Ini-start ko at pinaandar paalis doon. Walang tigil ang pagtunog ng telepono ko. Tumatawag si Charlotte.

            Pinabayaan ko lang na tumunog ng tumunog. Namamanhid ang buo kong katawan. Halo-halo ang nararamdaman ko. Galit. Pagkapahiya sa sarili ko. Panghihinayang.

            Ano ang kasalanan kong nagawa para maranasan ko ang lahat ng ito?

--------------------

Bullet's POV

            Pakiramdam ko ay libong daga ang nagtatakbuhan sa dibdib ko habang sakay ako ng eroplano pauwi ng Pilipinas.

            Kaninang umaga lang ako pumunta ng Hongkong para lang i-meet ang isang supplier at ngayong gabi nga ay pabalik na ako. Tawa nga ng tawa sa akin si Jacob dahil ginawa ko daw biyaheng Baclaran ang paglipad sa Hongkong.

            Magustuhan kaya niya ito? I think. Sabi doon sa store every woman wanted to wear this kind of ring.

            Dinukot ko sa bulsa ang isang maliit na itim na kahon. Binuksan ko at tinitigan ko singsing na may malaking diyamante sa ibabaw na napapaligiran ng mas maliliit pang diyamente. Kumikinang sa tuwing tatamaan ng ilaw.

            "Are you going to propose tonight?"

            Napatingin ako sa nagsalita noon at nakita ko ang isang may-edad na lalaki na nakaupo sa kalapit kong upuan sa business class section ng plane.

            Hindi ko alam ang isasagot ko kaya napangiti lang ako.

            "I don't mean to invade your privacy, but I can't hold myself not to look at that beauty. You see I own a jewelry store in Manila that's why it took my interest." Nakangiting sabi ng lalaki.

            Napakamot ako ng ulo.

            "I am sure she will say yes. That beauty never let any man down. Ngayon palang, iko-congratulate na kita." Sabi pa nito.

            "I am nervous," sabi ko at napabuga pa ako ng hangin.

            "It's normal. You love her that's why."

            Napagat-labi ako at nai-imagine kong si Amy na suot ang singsing na ito.

            "Where are you going to propose? Is it something grand?"

            "No. I am planning to pick her up tonight from her work. I'll surprise her there with my mother."

            Naka-plano ko na naman lahat. Amy's out is 2 am. I'll be picking up the flowers from my office then didiretso na ako sa workplace niya. Papasunudin ko na lang doon si mama.

            "Classic. That's better. I like classic proposals. I am not a fond of extravagant proposals. 'Yung maraming tao na kailangang makakita. I don't know. Personally, I want proposals to be intimate so you will feel the love to each other. Hindi kailangang magpa-impress."

            Ngumiti ako sa kanya.

            "Good luck and congratulations." Sabi pa ng lalaki at umayos na ng upo sa kinauupuan niya.

            Ganoon na lang din ang ginawa ko at ibinalik ko sa bulsa ko ang singsing. I can't wait to land and be engaged to the woman that I love.

            Pagkagaling sa airport ay dumiretso ako sa opisina ko para kunin ang bulaklak na ipinabili ko sa sekretarya ko. Inayos na muna ang lahat bago ako pumunta kay Amy. I need to call my mother too dahil mas excited pa ito sa akin.

            "Papunta ka na ba?" Iyon agad ang bungad niya sa akin ng tawagan ko sa siya.

            "Yes, 'ma." Natatawang sagot ko.

            "How about the ring? Don't forget it, okay."

            "I got everything, 'ma. I got the ring and the flowers."

            "Very good. I am so excited, Bullet. I can't wait to see you walking down the aisle and being married to Amy." Parang tonong naiiyak pa si mama.

            Natawa ako. "'Ma, I am going to propose her. We are not going to get married yet. Well, I wanted to but alam 'nyo naman si Amy."

            "Don't worry. Believe me. Mahal ka ni Amy."

            Parang lumakas ang loob ko sa narinig kong sinabi ni mama. Parang mas lalo akong na-excite na puntahan na si Amy.

            "Alright. Let's do this. Papunta na ako then doon na lang tayo magkita. See you, 'ma."

            "Okay. I love you, iho."

            "Love you too, 'ma."

            Mabilis akong bumalik sa kotse ko at pinaharurot ko papunta sa 4 Clubs. Tumingin ako sa relo ko at pasado ala-una na kaya wala ng masyadong tao. Mga ilang customers na lang na alam kong mag-aalisan na rin.

            Bumuga ako ng hangin at siniguro kong nasa bulsa ko ang kahon ng singsing bago ako bumaba.

            Bitbit ko ang bulaklak at pumasok ako sa loob ng bar. Hindi naman ako pansin ng ibang mga tao dahil busy na rin sila sa pagliligpit.

            Hinahanap ko kung nasaan si Amy. Hindi na ako nagtanong kasi gusto ko talagang masorpresa siya. Dumiretso ako sa bandang likod dahil alam ko madalas na doon napapapuwesto si Amy.

            Nakita ko siyang nakaupo sa mesa na parang may kausap. Napangiti ako habang tuluyang pumasok sa loob pero agad ding nawala ang ngiti ko at napahakbang ako paatras ng makita ko kung sino ang kausap niya.

            She is talking to Carlo.

            They are both sitting in front of the table, both crying and both holding their hands.

            Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko kaya nabitawan ko ang hawak kong bulaklak. Napalunok ako at napabuga ako ng hangin dahil parang hindi ako makahinga.

            Nakita kong hinalikan pa ni Carlo ang kamay ni Amy habang mahigpit iyong hawak.

            Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang telepono ko kaya mabilis ko iyong kinuha sa bulsa.

            "'Ma?" Napapiyok pa ako ng sabihin iyon.

            "Bullet, malapit na ako. Saan tayo magkikita?"

            "'Ma, ah- maybe we should do this another time." I cleared my throat because I felt a lump blocking it. "Medyo busy si Amy. Uwi ka na muna. We will see each other at home."

            "What? I thought you planned everything already?"

            "Yeah but I don't want to disturb her. Sige na, 'ma. Uwi ka na muna." Ayoko ng kausapin si mama kasi baka mahalata lang niyang nababasag na ang boses ko.

            "Okay. I'll see you at home. Tell me what happened."

            "I will, 'ma. I'll see you." Hindi ko na hinintay ang sagot ni mama at pinatayan ko na siya ng telepono.

            Muli akong tumingin sa gawi nila Amy at Carlo at nakita kong nakatingin lang sila sa isa't-isa at umiiling-iling si Carlo. Hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ni Amy.

            I don't know what I am feeling right now.

            I felt numb but literally I can feel my heart is breaking into pieces. So this is what it feels to be broken.

            Painful.

            Painful because I never thought I would feel like this.

            Alam kong hindi buo ang pagmamahal sa akin ni Amy pero siguro naman hindi ko deserve na masaktan ng ganito. She could have told me right in my face na hindi niya ako gusto talaga pero hindi 'yung ganito.

            Mabilis akong lumabas ng bar ng makita kong tumayo si Amy. Bumalik ako sa kotse ko pero hindi ako umalis. Maya-maya ay nakita kong lumalabas si Amy kasunod ang isang lalaking kasamahan sa bar na akay-akay ang lasing na si Carlo. Pumara si Amy ng taxi at nakita kong inaalalayan na isakay doon si Carlo.

            "Please don't get in. Please don't get in the car," mahinang sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanila.

            Nang maisakay ng maayos si Carlo ay nakita kong sumunod na sumakay din doon si Amy at umandar na palayo ang taxi.

            Mapait akong napangiti at napayuko.

            Hindi ko na napigil ang pagtulo ng luha ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top