Chapter Forty-five

Amy's POV

Napailing ako ng makita kong parang may pinagkukulumpunan ang mga kasamahan ko sa VIP section ng 4 Clubs. Maingay ang customer na parang nagwawala. Natawa ako ng tumingin sa gawi ko ang isang kasamahan ko at napailing.

"May nasobrahan na naman sa alak?" Natatawang sabi ko.

"Lumampas ng bongga. Ang ingay na doon. Lahat na lang gustong awayin," sagot din nito sa akin.

Muli akong tumingin sa gawi ng nagwawalang customer bago ako dumiretso sa bar.

"Dalhin mo sa table 12. Doon sa customer na maingay," sabi ng bartender sa akin. Anim na bote ng beer iyon.

"Sure ka? Mukhang lasing na lasing na 'yung customer tapos bibigyan 'nyo pa?" Kontra ko.

"Wala tayong magagawa. May pambayad naman 'yung customer. Ikaskas daw lahat diyan ang magagastos niya pati na ang mababasag niya dito," Inilapag niya sa harap ko ang isang platinum visa credit card.

Tama ba ang pangalan na nakikita ko?

Carlo Ruiz Santos.

Agad akong napatingin sa gawi ng customer na lasing. Naka-subsob na ito sa mesa at ang daming basyo ng bote sa harap nito. Si Carlo ba talaga ito?

"Amy, dalhin mo na 'yan doon. Iilan na lang naman ang mga customer na nandito. Saka para makapag-ready na tayo. May taxi na naman naka-stand by para sa mga customer na lasing," sabi pa ng kausap ko.

Kahit ayokong gawin ay napilitan akong sundin ang utos ng kasama ko. Siguradong magtatanong sila kung bakit bigla akong namili ng customer. Hindi ako kahit kailan na naging maarte sa trabaho. Hindi ako namili ng kahit na sinong customer na kailangan kong pagsilbihan. Pero iba ngayon. Si Carlo ang haharapin ko.

Pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko habang papalapit ako sa table. Napalunok ako at tumingin sa paligid para tingnan ang mga tao doon. Busy naman halos lahat sa pagliligpit. Pasado ala-una na rin naman kasi kaya karamihan ay umuuwi na din.

Paglapit ko ay dahan-dahan kong inilipag ang mga bote ng beer sa table. Pinilit kong huwag makalikha ng ingay para hindi na mag-angat ng ulo si Carlo. Ipinapanalangin ko nga na sana ay tulog na siya para hindi na talaga kami magharap. Ayoko na. Wala na kaming dapat na pag-usapan pa.

Iniisa-isa kong ilagay sa hawak kong tray ang mga basyo ng bote na naroon na bigla siyang gumalaw at mag-angat ng ulo. Saglit siyang tumitig sa akin na parang sinisiguro na ako ang nasa harap niya. Nakatingin lang din ako sa kanya. Ewan ko. Kumabog ang dibdib ko pero iba. Hindi dahil sa kaba katulad ng una ko siyang nakita noon. Kumakabog ang dibdib ko kasi nag-aalala ako na baka may makakita sa amin na kakilala ng asawa niya at eskandaluhin ako.

"Amy," mahinang sabi niya at napangiti siya ng mapakla tapos ay bigla siyang yumuko at yumugyog ang balikat. Umiiyak siya. "I never thought I would see you again."

Nataranta ako at muling tumingin sa paligid. Wala namang nakatingin sa amin kaya umupo ako sa harap niya.

"C-Carlo. May problema ba?" Grabe kasi ang hagulgol niya. Talagang parang bata siyang inapi ng kung sino.

"I am so sorry. I'm so sorry," umiiyak na sabi niya at iling siya ng iling.

Napahinga ako ng malalim. Nakaramdam din ako ng lungkot. Lahat ng nakaraan namin ay bumalik sa alaala ko. Kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nagmahalan. Kung paano kami bumuo ng pangarap para sa aming dalawa at sa magiging anak namin. Pero nabura na lahat iyon. Mga pangarap na napako dahil kahit kailan hindi na iyon mabubuo.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Ito ang kapalaran natin," sagot ko sa kanya.

Nag-angat siya ng mukha at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. Ang higpit-higpit noon.

"Mahal mo pa ba ako? Amy, ginawa ko ang lahat para makita kita. Hinanap kita. Kahit ang lahat ay naniniwala na patay ka ako hindi. Kasi nararamdaman ko na babalik sa akin. We will build our dreams for our family," patuloy ang pagtulo ng luha ni Carlo.

Hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako.

"Hindi na ganoon iyon, Carlo. Marami ng nagbago."

"Is it because I am married? I didn't love Charlotte. Alam mo iyon. I just don't have a choice."

"Iyon nga. You don't have a choice kaya hindi puwedeng maging tayo. Siguro isang reason iyon kaya nawala ang anak natin. Kahit kailan hindi magiging tayo. Kapag pinilit natin, maraming magugulo. Maraming masasaktan. Hindi ko makakaya na dahil magiging maligaya tayo, maraming tao naman ang magsa-suffer."

Napahagulgol si Carlo at napayuko. Nang mag-angat ng mukha ay hinalikan pa ang mga kamay ko.

"Bakit ganoon? Wala naman ako ginawang masama. Minahal lang kita. Mahal na mahal pa rin kita. Pero bakit ganito?" Saglit niyang binitiwan ang kamay ko at nagpahid ng mga luha tapos ay muli rin iyong hinawakan ng mahigpit. "I've tried to start building my family. Pinipilit kong kalimutan ka kasi alam kong hindi na puwede. Kahit galit ako kay Charlotte, pinilit kong gustuhin na siya na ang makakasama ko habang buhay ako at gagawin ko ang lahat para sa anak namin. Pero ang putang inang babaeng iyon," napaigik pa si Carlo sa sobrang pag-iyak. "Niloko niya ako. Niloko nila akong lahat. Pinaniwala nilang magiging tatay ako." Umaalog ang balikat ni Carlo sa sobrang pag-iyak niya.

Wala ring patid ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang paghihirap ni Carlo kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Mahal ko ang pamilya ko. I chose them over you and yet ganito pa ang ginawa nila sa akin. Niloko nila akong lahat. I am so sorry. I am so sorry, Amy."

"Matagal na kitang pinatawad kung sa tingin mo man ay may nagawa kang mali. Lesson sa atin pare-pareho ang nangyari. Pero tanggapin natin na hanggang dito na lang tayo."

Dinampot ni Carlo ang isang bote ng beer at tuloy-tuloy na ininom iyon.

"Tama na 'yan. Ipapahatid kita pauwi. Baka nag-aalala na ang asawa mo."

Tumawa siya ng nakakaloko.

"After what she did to me? Wala ng asawang babalik kay Charlotte. Baka mapatay ko lang siya kapag nakita ko pa." Parang sa sarili lang niya sinabi iyon.

"Ipapahatid kita sa bahay 'nyo. Sa mommy mo."

Umiling siya. "I don't want to see my mom too. All of them. I don't want to see them." Muling hinalikan ni Carlo ang kamay ko. "Puwedeng samahan mo muna ako? Kahit ngayon lang. I need your comfort. I need to think straight kasi baka may magawa akong hindi maganda."

Napahinga ako ng malalim.

"Kay Travis. Ihahatid kita kay Travis." Iyon na lang ang huling naisip ko na puwede kong pagdalhan sa kanya.

Tumango siya "Just don't let me be alone tonight. Kahit kahit ngayon lang." Todong pakiusap niya.

Napahinga ako ng malalim at tiningnan ko lang si Carlo. Sobrang down na down ang itsura niya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero hindi ko naman puwedeng pabayaan siya sa ganitong kalagayan niya.

Pinabayaan ko na muna si Carlo na tapusin ang pag-iinom niya. Inayos ko na muna na ma-settle ang bill niya at tinulungan ko siyang makasakay sa naghihintay na taxi. Alam ko naman na nagsasama na si Travis at si Liv kahit hindi pa sila nakakasal at alam ko din naman kung saan sila nakatira. Sigurado akong magugulat si Liv kapag nakita ako. Siguro ngayon na ang tamang panahon na magkita kami ng kapatid ko.

Nakapikit si Carlo habang bumibiyahe kami. Pasado alas dos na noon ng umaga. Sinusubukan kong tawagan si Bullet pero patay ang telepono niya. Naisip kong nasa Hongkong pa siguro siya. Iyon kasi ang paalam niya sa akin kaninang umaga. Bibiyahe daw siya pa-Hongkong para sa isang supplier's meeting at baka mga ilang araw din siya doon.

"You're calling him?" Kahit nakapikit ay sabi ni Carlo.

Ibinalik ko sa bag ang telepono ko at tumingin sa labas ng bintana.

"Ang suwerte ni Acosta 'no? Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya mainit na ang dugo ko kasi siya pala ang papalit sa akin sa puso mo."

"He was there when I was so low. He was there when I needed someone to comfort me. He loves me for who I am. He accepted me and my son kahit alam niyang may ibang nagmamay-ari sa puso ko noon. He is loving me unconditionally."

Para akong nakahinga ng maluwag ng masabi ko iyon sa harap ni Carlo. Napabuga ako ng hangin. Now I realized something. I am in love with Bullet all along. Noon pa. Noon pang akala ko ay si Carlo ang mahal ko pero si Bullet na pala ang hinahanap ko. And the fact na nasabi ko sa harap ng lalaking minahal ko noon na mahal ko na si Bullet, sigurado na ako na si Bullet na ang mamahalin ko buong buhay ko.

"Bakit ganoon? Minahal din naman kita." Kahit lasing ay nakatitig sa akin si Carlo.

"Hindi naman sapat na sabihin mo lang na mahal mo ako. Madaling sabihin na mahal mo ang isang tao pero dapat mo din kasing iparamdam iyon. Alam ko naman, Carlo na minahal mo ako. Pero hindi na talaga tayo puwede. Sana maintindihan mo iyon."

Tumango-tango siya at pinahid ang mga luha sa mata tapos ay tumingin din sa labas ng bintana.

Nasasaktan ako para kay Carlo pero mabuti na itong nangyari sa amin. Ito na siguro ang closure para sa aming dalawa.

Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng bahay ni Travis. Bumaba ako at nag-doorbell. Matagal bago may nagbukas ng gate at kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Travis ng makita ako tapos ay sumilip siya sa loob ng taxi.

"Jesus Christ, Carlo! What happened?" Nag-aalalang sabi ni Travis.

Nakita kong patakbong lumalabas din si Liv at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Alanganin akong ngumiti sa kanya at hindi ko na napigilan ang mapaiyak ng makita ang kapatid ko.

"Amy," iyon lang ang tanging nasabi ni Liv at umiiyak na yumakap sa akin. Ang higpit ng yakap niya. Sobrang na-miss ko ang kapatid ko.

---------------

Bullet's POV

Hindi ko nakatulog magdamag. Umaga na ako umuwi sa bahay namin at kahit nagtatanong si mama kung anong nangyari ay hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Sinabi ko na lang na sobrang busy sa trabaho si Amy at hindi ko na maistorbo pa. Pinipilit ako ni mama na gawin ngayong araw ang pagpo-propose kay Amy pero parang hindi ko na kayang gawin pa.

Kitang-kita ko kung paano siya tumingin kay Carlo. Umiiyak siya. Umiiyak silang dalawa. Napahigpit ang hawak ko sa kaharap kong mug. She is still crying over that douche. Pinaiyak siya ng lalaking iyon. Sinaktan siya. Iniwan. Pero bakit mahal pa rin niya? Ako? Ano ba ako?

Ininom ko ang laman ng mug ko at napangiwi ako sa pait ng lasa ng whiskey. Isinalin ko talaga sa mug para hindi mapansin ni mama na alak ang iniinom ko kahit umagang-umaga.

"Gising ka na agad?" Puna niya sa akin ng maabutan niya ako sa kusina.

"May maaga akong gagawin sa office," matamlay na sagot ko.

"Did something happen last night?" Seryosong tanong ni mama.

Iniiwas ko ang tingin sa nanay ko. Alam kong ramdam niya na may dinadamdam ako. Tama si Jacob. Matindi pa sa imbestigador itong nanay ko.

"I am fine, 'ma. Marami lang trabaho sa opisina." Kahit alam kong alam niya na may dinadamdam ako, hindi pa rin ako aamin. Ayokong sumama ang tingin niya kay Amy.

Napa-hmm lang si mama. "Alright. May check up ako sa ospital. I told Amy to accompany me there, kaya doon na kami magkikita."

Tumango lang ako. Tiningnan ko lang si mama habang palabas pero bigla siyang huminto at humarap sa akin.

"If you two have misunderstandings, you need to talk about it. Mahirap ang walang communication. Mahirap ang hindi pinag-uusapan. That will keep you apart. Ask her if you want to know something. I am sure she will tell you the truth."

Natawa ako at napailing.

"Are you sure, 'ma? She pretended to be someone else that's why she came into our lives. How can you be so sure that she's going to tell the truth this time?" Pakiramdam ko ay may bara sa lalamunan ko ng sabihin iyon. Ang sakit-sakit kasi talaga ng kalooban ko sa tuwing maalala ko ang senaryo kagabi.

Tumawa ng nakakaloko sa akin si mama. "Please remind me who fell in love with that pretender?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni mama.

"I'll go ahead." Hindi na ako nilingon ni mama. Narinig ko na ang pag-andar ng kotse niya at napahinga ako ng malalim. Isinalin ko ang natitirang laman ng whiskey sa baso ko at inubos iyon.

Nakatingin ako sa telepono ko at hinihintay kong tumawag sa akin si Amy. Magdamag na wala akong tawag o text na na-receive mula sa kanya. Tiniis ko talaga na hindi siya tawagan dahil gusto kong siya naman ang magkusa na magparamdam sa akin pero nabigo lang ako.

Bumilis ng bumilis ang paghinga ko dahil sa nag-uumalsang galit na nararamdaman ko. Pinapatay ako ng selos dahil iniisip ko na magkasama pa rin si Carlo at Amy. Pinili pa rin ni Amy ang lalaking iyon kahit may-asawa na. She would really go that low to be a mistress just to be with that asshole. I should have followed them last night. I should have taken her back pero natakot ako. Natakot ako na sabihin niya sa harap ko na kahit kailan hindi naman niya ako minahal. Na talagang si Carlo lang ang minamahal niya.

Nadampot ko ang basyo ng bote ng alak at malakas kong ibinato sa pader. Pero nagulat ako ng makita ko ang taong nakatayo malapit sa pader na binato ko.

Nakatayo doon si Amy at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top