Chapter Forty - Eight
Bullet's POV
"Serves her right."
Tiningnan ko ang diyaryo na ibinagsak ni mama sa harapan ko bago siya naupo rin sa harap ng mesa at tahimik na kumuha ng pagkain.
Binasa ko ang article na ipinapakita niya sa akin.
Well known OB-GYNE loses license because of fraud.
Napahinga ako ng malalim ng mabasa ko ang pangalan ni Jean Baltazar doon. Ayon sa article, nabuko ang mga extra-curricular activities ni Jean na nagpapaampon ng mga bata sa mga mayayamang clients. Nagsu-switch din siya ng mga bata pagkapanganak. At ang pinakahuli niyang kaso ay ang panlolokong ginawa nila kay Carlo Santos. Siya ang idiniin ni Charlotte sa mga nangyari.
Wala siyang panalo sa pamilya ng mga Ling. Mayaman ang mga iyon at kahit kasabwat si Charlotte, kayang-kaya ng mga ito na bilhin ang batas at baligtarin ang lahat. Kaya ngayon, si Jean ang nag-iisang sumalo ng mga kasalanan.
Alam ko kung gaano kahalaga kay Jean ang profession niya. Alam ko kung paano niya pinaghirapan ang maging isang kilalang doctor. But I think, she deserves whatever situation she is right now. She did this to herself and there is no one to blame but her.
"After what she did, tinulungan mo pa rin siya sa mga kaso niya. Dapat sa babaeng iyan nakukulong sa bilangguan." Matigas na sabi ni mama habang painis na naglalagy ng pagkain sa plato niya.
Hindi na ako kumibo. Ilang buwan na rin kaming ganito ng nanay ko. Hindi na kami halos nagkikibuan. Mali. Hindi na pala niya ako halos kinikibo magmula ng umalis si Amy.
"Naging parte din siya ng pamilya natin, 'ma. Malaki rin ang naitulong niya sa lugar natin sa Quezon. Kung may mali man na nagawa si Jean sa ibang tao, marami din naman siyang natulungan."
"Sige. Ipagtanggol mo pa ang bruhang babaeng iyan. Baka nakalimutan mo ang ginawa niya sa kapatid mo. Ang ginawa niya sa iyo. Sa inyo ni Amy." Napapalatak si mama. "Dapat ka lang naman pala talagang iwan. Wala ka kasing ginawa. Instead of looking for her, nasaan ka? Tinutulungan mo ang babaeng sumira sa relasyon mo."
"'Ma, I didn't help Jean because I like her. I helped her as a human being that needs help. And hindi naman ako personally na tumulong 'di ba? I just gave her the services of Attorney De Leon. Bahala na kung manalo siya sa kaso niya or what. Basta nagawa ko ang parte ko bilang isang tao na tumulong sa isang taong nangangailangan. You taught me that, 'ma." Tila paalala ko sa nanay ko.
Inirapan lang ako ni mama at itinuon ang pansin niya sa pagkain niya.
"Alam mo na pala na may mga kalokohan na ginawa si Jean. Alam mo pala na niloko niya ang kapatid mo pero bakit hindi mo sinabi sa akin?" Ang diin ng paghihiwa ni mama sa karne sa plato niya.
"I don't want to give you a heartache. I know you loved her then. You liked her for Hunter."
"At nagkamali ako. Nagkamali ako ng taong pinagkatiwalaan para sa anak ko. Sinaktan niya ang kapatid mo. Ginulo ka rin niya para lang mapasama pa rin siya sa pamilya natin? Napakasama niyang tao, Bullet. Tama lang iyang nararanasan niya ngayon."
Hindi na ako sumagot. Ayokong magtalo pa kami ni mama.
"Wala ka pa ring ginagawa? It's almost two months, Bienvenido. Two months ng wala si Amy." Napapailing si mama.
Napahinga ako ng malalim at binitiwan ko ang mga kubyertos na hawak ko at sumandal sa kinauupuan ko.
Yes, it's been two months. Two months na akong naghahanap kay Amy pero hindi ko pa rin siya matagpuan. Two months na akong parang mababaliw para lang hanapin siya at ipaliwanag ang lahat sa kanya. Sometimes I am beginning to hate her. Bakit lagi na lang niyang tinatakbuhan ang mga problema? Hindi man lang niya ako pinakinggan?
Napailing din si mama at napabuga ng hangin.
"Hindi ko rin masisisi si Amy sa ginawa niya. That woman has been through a lot. How can you expect her to believe you when she saw you kissing that woman?"
"Why she didn't listen to me? She just runaway just like what she did with Carlo. Or maybe, the two of them got together again." Inis kong tinabig ang plato sa harapan ko.
"Iyan ang problema sa iyo. Instead of looking for answers, instead of looking for her, iyan ang ginagawa mo. Nagmumukmok ka araw-araw sa opisina mo at iniisip mong nagsama sila ni Carlo. Diyan ka magaling. Magaling kang maghinala."
"Can you blame me, 'ma? Carlo runaway too. Maybe this is their chance to be together again. I've tried looking for her everywhere. Naluma na nga si Jacob sa paghahanap sa kanya. Napakahirap hanapin ang isang tao na ayaw magpahanap." Parang pinupunit ang dibdib ko sa tuwing naiisip kong magkasama sila ni Carlo.
"Maybe because she doesn't see that you are doing enough. Maybe she knows that you helped that doctor. Kahit ako ang babae, bakit ako babalik sa iyo kung tinutulungan mo ang kaaway ko," nakataas ng kilay na sagot ni mama.
"So ako na naman ang may kasalanan." Naiiling na sagot ko.
"Kanino pa ba? You wasted a precious woman, Bullet. Wala kang makikitang katulad niya." Tumayo si mama at iniwan ko. Tapos ay muli ring bumalik ng parang may nakalimutan. "Uuwi ako ng Quezon. It's Hunter's birthday today. It's up to you if you want to come with me."
Tumango lang ako at naiwan akong nanatiling nakaupo doon. Muli kong binasa ang diyaryo at napapailing ako sa nangyari kay Jean.
———————
Amy's POV
Alam kong nasa Maynila ang mag-inang Frances at Bullet Acosta kaya malakas ang loob kong lumuwas ng Quezon at dalawin ang puntod ng anak ko. Hindi naman ako sinita ng bantay ng sementeryo ng pumasok ako sa museleo ng mga Acosta. Nalaman kong birthday pala ni Hunter ngayon kaya hindi naka-lock ang museleo. Nakahanda lang daw sa biglang pagdating ni Mrs. Acosta.
Hindi naman ako magtatagal dito. Gusto ko lang dalawin si baby Hunter. Gusto ko lang ipaalam sa kanya ang isang magandang balita.
Pagpasok ko sa loob ay napatingin ako sa malaking litrato ni Hunter na parang nakatingin sa akin. Kung noon ay natatakot akong tumingin sa litrato niya, ngayon ay kaya ko na siyang titigan. Saka ang tingin ko ngayon sa litrato niya ay nakangiti sa akin. Hindi katulad noon na parang nang-uusig ang tingin niya dahil sa panlolokong ginagawa ko sa pamilya niya.
"Hi, Hunter." Iyon ang sabi ko habang nagsisindi ng kandila. Isinuksok ko din ang dala kong bulaklak sa flower vase na naroon.
"Hindi na masama ang tingin mo sa akin ngayon. Medyo nakangiti ka na," napakagat-labi pa ako habang nakatingin sa litrato niya. "Ang ganda ng urn 'nyo ng anak ko. Pareho pang gold. Halatang ginastusan. Kahit alam kong hindi 'nyo naman kaano-ano ang anak ko pero narito siya, kasama mo." Pumikit-pikit ako dahil namamasa ang mga mata ko.
"Sa dami ng nangyari, hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad sa iyo. Alam kong alam mo kung bakit ko iyon nagawa. Hindi ko ginustong lokohin ang pamilya mo. Hindi ko ginustong guluhin kayo at makaladkad sa kahihiyan." Mabilis kong pinahid ang mga luha na naglandas sa pisngi ko.
"Pero alam mo, nagpapasalamat din ako sa iyo. Sa inyo ni Aria. Kung hindi dahil sa inyong dalawa, hindi ko makikilala si Mrs. Acosta. Napakabait niya. Tinulungan niya ako kahit alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo. Minahal niya ako bilang anak at minahal din niya ang anak ko." Napasubsob ako sa mga palad ko at impit na napahagulgol doon. Napasinghot-singhot ako at inayos ko ang sarili ko tapos ay muling tumingin sa litrato ni Hunter.
"Tinulungan ako ni Mrs. Acosta na bumangon. Tinulungan niya akong maniwala sa sarili ko at tinulungan niya akong maniwala na may ibang lalaki pang magmamahal sa akin bukod kay Carlo."
"Mahal ko si Bullet. Mahal na mahal ko ang kapatid mo pero napakaraming bagay, mga pagkakataon na nagsasabing hindi kami para sa isa't-isa. Napakahirap matali sa isang relasyon na puro paghihinala, pagsisinungaling. Kahit nararamdaman kong mahal niya ako, bakit hindi ko magawang maniwala?"
Tumayo ako at nilapitan ko ang urn ng anak ko. Nilinis ko iyon at inalis ang mga alikabok. Nagsindi din ako ng kandila.
"Hi, baby. Miss na miss ka ni nanay. Pasensiya ka na kung ngayon lang kita nadalaw. Hindi naman kita nakalimutan. Marami lang talaga akong inayos. Marami akong inisip." Nilinis ko ang pangalan na nakadikit sa urn niya. Muling namasa ang mata ko ng makita ko ang pangalan na naroon.
HORACIO "BABY HUNTER" ACOSTA.
Tuluyan na akong napahagulgol ng makita ko ang pangalan ng anak ko. Magmula ng ma-cremate siya at ilagay dito, ngayon ko lang talaga siya pinuntahan kasi alam kong kapag nakita ko ng actual ang urn niya ay talagang bibigay ko.
"Sorry, anak. Sorry talaga. Ginawa lahat ni nanay para ma-save kita. Inalagaan kita pero kulang pa rin siguro iyon." Humihikbing sabi ko.
"Ngayon lang kita dinalaw kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan ka. Ang totoo, nahihirapan akong tanggapin na wala ka talaga. Hindi lumilipas ang gabi na hindi kita naalala. Gusto kitang mahawakan. Gusto kong marinig ang mga iyak mo."
Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko.
"Tulungan mo ako, ha? Gabayan mo kami ng magiging kapatid mo."
"Amy?"
Nanlaki ang mata ko ng marinig kong may tumawag sa akin. Shit. Alam ko, siniguro ko na hindi luluwas ng Quezon ngayon si Mrs. Acosta.
"Amy, iha?" Ramdam ko ang excitement ng matanda ng makita ako. Mabilis kong pinahid ang luha ko bago ako humarap sa kanya. Nakita kong naiiyak si Mrs. Acosta ng makita ako. Lumapit siya agad sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Doon na rin ako bumigay ulit.
"Don't you ever runaway again," umiiyak na sabi niya habang pinapahid ang mga luha ko sa pisngi.
"M-Mrs. Acosta hindi ho ako magtatagal," sagot ko sa kanya. "Dinalaw ko lang ho ang anak ko."
Nawala ang ngiti sa labi niya. "Iha, huwag ka ng umalis. Maawa ka naman sa akin. Pakinggan mo naman ang anak ko."
Napakagat-labi ko dahil hindi ko makayang makitang nasasaktan ang matanda.
"Mag-usap naman kayo. Pakinggan mo naman ang paliwanag niya."
Napakagat ako ng labi. "Hindi ko ho alam ang sasabihin ko, eh."
"Marami akong gustong sabihin pero gusto kong si Bullet mismo ang magpaliwanag lahat sa iyo. Pero sana maniwala ka na hindi ka niloko ng anak ko."
Pinahid ko ang luha ko at napalunok dahil parang may bumubukol sa lalamunan ko.
Tumango ako. "Sige ho.Pagluwas ko ng Maynila magpapakita na ako sa kanya."
"Why don't you talk to him now?" Sagot ng matanda sa akin at tiningnan ang kung sino mula sa likod ko.
Paglingon ko ay nakita kong nakatayo doon si Bullet at parang nae-engkanto na nakatingin sa akin habang hawak ang mga bulaklak na ilalagay niya sa puntod.
"I'll just go out to get some of the flowers," paalam ni Mrs. Acosta pero hindi na namin siya pansin ni Bullet dahil pareho lang kaming nakatingin sa isa't-isa.
Matagal ng nakalabas si Mrs. Acosta pero nanatili lang kaming magkaharap na dalawa. Siya ang unang nagsalita.
"Kanina ka pa dito?" Kaswal na tanong niya sa akin habang lumapit sa mga urn na naroon. Binigyan ko siya ng daan para makalapit. Inayos niya ang mga bulaklak na naroon. Napakunot noo ako ng tanggalin niya ang bulaklak na inilagay ko sa flower vase na naroon at ilagay ang mga dala niyang bulaklak.
"Ako ang naglagay ng bulaklak na iyan. Bakit mo naman tinanggal?"
Tumingin siya sa akin at dinampot ang mga bulaklak na dala ko. "You brought these? You should know that Hunter hates roses." Seryosong sabi niya at ipinatong sa kung saan ang bulaklak. Napalunok ako kasi ang itsura ni Bullet ay 'yung itsura niya noong una kaming nagkakilala. Noong nagpapanggap pa akong asawa ni Hunter.
"Hindi ko naman alam na kailangan pala na may preferred pang bulaklak na dalhin dito. Kung ayaw niya niyan, para na lang sa anak ko." Inis na sagot ko sa kanya.
"Parang hindi naman applicable ang bulaklak sa bata." Sabi niya.
Napahinga ako ng malalim. Tingin ko walang kahihinatnan ang pag-uusap namin ni Bullet. Galit ako sa ginawa niya dahil nakipaghalikan siya sa malanding Jean na iyon pero ramdam ko rin na galit din siya sa akin.
"Alis na ako. Saka na lang tayo mag-usap." Paalam ko sa kanya at tumalikod na ako.
"You're running away again. Diyan ka talaga magaling, eh 'no? Ayaw mong pag-usapan basta ka na lang aalis."
Napahinto ako sa narinig na sinabi ni Bullet at humarap ako sa kanya. Nakataas lang ang kilay niya sa akin at nakapamulsa ang dalawang kamay.
"At ano ang pag-uusapan natin? Kung paano ko kayo nakita ni Jean na naghahalikan? Kung paano mo siya tinulungan para hindi siya makulong? Iyon ba?"
Napailing si Bullet. "Why you didn't ask me para napag-usapan natin. Para nakapag-explain ako. What you did was to ran away just like you always do."
"So kasalanan ko?"
"Alangan naman ako."
Inirapan ko si Bullet at napailing ako. "Kasalanan ko talaga? Sino ba ang nakipaghalikan?"
"Correction. She kissed me but I didn't kiss her back. There's a big difference."
"Anong pagkakaiba noon? Nakipaghalikan ka pa rin." Galit na sabi ko.
"But I still chose you. I still look for you. I still want to marry you."
Para akong napipi sa sinabi ni Bullet at sinamantala niyang nabigla ako. Mabilis siyang lumapit sa akin hinawakan ang mukha ko.
"Don't you runaway again. Please. Don't you ever leave me." This time ay bumigay na si Bullet at parang maiiyak na siyang nakatingin sa akin.
Ako ang tuluyang napaiyak at mahigpit na yumakap sa kanya. Miss na miss ko rin naman ang gagong ito.
Walang kaming kibo pareho habang nag higpit-higpit ng yakap namin sa isa't-isa.
"Where did you go?" Mahinang tanong ni Bullet habang nakasubsob sa mga balikat ko.
"Tinulungan kong mag-prepare ng wedding ang kapatid ko. She will get married next week. Bumawi ako sa kanya kasi hindi natuloy ang kasal niya noong akala niya na namatay ako. Hindi rin naman ako agad na bumalik kahit nalaman niyang buhay ako. So, bumawi ako kay Liv. Tinulungan ko siya sa lahat."
"And you forgot to call me?" Ramdam ko ang sama ng loob sa boses ni Bullet.
"Bakit kita tatawagan kung alam kong magkasama naman kayo ni Jean? Hindi ako mayaman pero alam ko ang mga nangyayari sa paligid ko. Tinulungan mo si Jean para hindi siya makulong." Punong-puno ng simtemyento ang boses ko.
Naramdaman kong lalong yumakap sa akin si Bullet.
"Sorry. I hope you would understand why I did that. I didn't help her because I like her. I helped her because she is still a friend that needs my help. My lawyer did everything but she lost the case." Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang mukha ko tapos ay idinikit ang noo sa noo ko. "I am sorry. Please forgive me?"
"Magpapakita naman talaga ako sa iyo pero kumukuha lang ako ng tiyempo." Nakangiwing sagot ko sa kanya.
Instead of answering, Bullet kissed me passionately on my lips pero mabilis ko din siyang itinulak.
"What?" Takang tanong niya.
"May itatanong ako sa iyo. What are your thoughts about a rainbow baby?" Pinipigil ko ang ngiti ko habang nakatigin sa kanya.
Kumunot ang noo ni Bullet. "Rainbow baby? Ano iyon?"
"Google mo kaya," natatawang sabi ko.
Napakamot siya ng ulo. "Mahirap ang signal dito."
"Sige na. Dali. Tell me your thoughts about it."
Napahinga ng malalim si Bullet at naiiling na kinuha ang phone niya tapos ay nag-search doon.
"Rainbow baby. Rainbow baby," paulit-ulit na sabi niya habang nagsi-search sa google. "Here. There's an explanation. Rainbow baby is a baby born shortly after the loss of a previous baby due to miscarriage or stillbirth or death and-" napahinto sa pagbabasa si Bullet at nakakunot ang noo niyang tahimik na ipinagpatuloy ang pagbabasa sa cellphone niya. Pigil na pigil naman ang ngiti ko habang nakatingin sa mukha niya. Seryosong-seryosong kasi iyon tapos ay parang kinakabahang tumingin sa akin.
"It says here that it is a baby born after a death?" Parang hindi makahinga si Bullet dahil nakangiti na ako sa kanya. "There's a baby?" Bahagya pang pumiyok si Bullet ng sabihin iyon.
Nakangiti akong tumango sa kanya at nagsenyas ng dalawa sa daliri ko. "Two months."
Para yatang nawalan ng kulay ang mukha ni Bullet sa narinig na sagot ko at parang nanghihinang napaupo doon.
"Hoy. Anong nangyari sa iyo? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Parang naloloko ang itsura ni Bullet. Natatawa tapos biglang seseryoso. Parang hindi makapaniwala sa nalaman niya.
"You're pregnant?" Paninguro pa niya.
Sunod-sunod ang tango ko.
Mahigpit akong niyakap ni Bullet.
"Let's get married today. You won't leave this town unless you'll become my wife."
Tumango ako sa kanya habang nakatingin sa nagniningning niyang mata.
"Tara. Gusto ko na rin maging tunay na Mrs. Acosta."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top