Chapter Five

Carlo's POV

"Carlo, you know what you're asking is impossible."

Sinusundan ko lang ng tingin si Rannie na paikot-ikot sa loob ng laboratory niya.  Rannie is one of the department heads here in St. Luke's BGC.  Kaya siya talaga ang pinuntahan ko kasi alam kong impossible itong naiisip ko ipero magbabakasakali pa rin ako.

"Ano ang impossible sa sinasabi ko?  I just want to make sure.  I didn't see her face, I don't believe she is dead." Tumayo pa ako para sundan siya.  He picked up some small vials and put names on it.

"Cuz' ano pa ang gusto mong proof?  They had everything.  Her things and even if she is badly burnt, kinilala siya ng kapatid niya.  She is dead.  I am so sorry," naiiling na sabi ni Rannie at humarap na sa akin.

Napahinga ako ng malalim at napapailing din.  Hindi.  Ayoko pa rin maniwala na talagang wala na si Amy.  Iba ang pakiramdam ko. 

"Carlo, bakit hindi mo na lang ayusin ang marriage 'nyo ni Charlotte?  Your wife is longing for your affection.  Why do you keep on chasing someone who is not coming back? Literally."

"I can't teach myself to love Charlotte if my heart is already dead.  You know the reason why we are married.  It's just a fucking business deal.  Alam mo minsan isinusumpa ko talaga na ito ang pamilya ko." Marahan kong hinilot ang batok ko.

"That's our life.  Ganyan din naman ako 'nung nagpakasal kami ni Gigi.  Well you know I don't like her but as time passes by, I learn to know her more hanggang isang araw I found myself in love with her.  I appreciate her sacrifices for our family." Tumingin sa akin si Rannie.  "Why don't you give Charlotte a chance?"

"Ikaw iyon.  Isa lang ang mahal ko at si Amy iyon.  Her only fault?  She grew up poor kaya hindi siya matatanggap ng pamilya ko.  But I was willing to turn my back from my family." Sagot ko.

Tumingin ng nagtataka sa akin si Rannie.

"But you got married, douche.  How will you explain that?  Gusto mo din."

"I didn't have a choice.  They held our businesses hostage.  Alam mo kung gaano kaimportante kina dad ang mga iyon.  I made the ultimate sacrifice." Napabuga ako ng hangin.  "Please do the favor that I am asking.  I'll pay any amount."

"Fuck you, Carlo.  What you're asking me is ground for termination.  And we need the consent of her family.  Nailibing na si Amy 'di ba?  How are you going to get a sample of her dna from her grave? I told you, what you're asking me is impossible."

"Pero may mga laboratories and other stuff that they did to the burnt body. Alam ko naman na kaya mo 'to. Gusto ko lang makasiguro na si Amy talaga iyon.  How about old things that she touched?  Old clothes with her sweat?  Is that possible?  I still have her old clothes." Desperado na talaga ako.  Gusto ko lang makasiguro.

"Jesus Christ, Carlo.  You are really desperate.  Fine.  Give it to me and ako na ang bahalang magpadala sa laboratory.  You are really killing me here," bahagyang hinilot ni Rannie ang ulo niya.

Para akong nakahinga ng maluwag sa narinig kong sagot niya.  Mabilis kong kinuha sa bag ang damit na naiwan sa akin ni Amy noon sa condo ko at ibinigay ko kay Rannie. 

"Handa ka talaga, ha?" Natatawang sabi niya.

"I just want to know the truth."

"The truth is right at your face ayaw mo lang tingnan." Seryosong sabi ni Rannie.  "I'll do something about this.  I'll let you know kung anong magiging resulta.  Huwag kang umasa."

"Thank you.  Thank you, Rannie.  I owe you." Ibang klaseng relief ang naramdaman ko ngayon.

Naniniwala kasi talaga ako na hindi patay si Any.  Nararamdaman ko she is just somewhere hiding from me and I'll get her back.  She and our child. 

————->>>

Amy's POV

Hindi yata ako makahinga habang palakad-lakad sa kuwarto na itinuro ni Manang Ester.  Napapapikit pa ako sa sobrang kaba dahil hindi ko makalimutan ang mukha ng lalaking iyon.  Talagang magkamukha sila ni Hunter. Diyos ko po.  Parusa ba ito sa pagsisinungaling ko?  Ano ang gagawin ko ngayon?  Mukha pa naman hindi madaling maloko ang lalaking iyon.

Aalis na talaga ako dito.  Hindi ko na kayang magtagal dito.  Palinga-linga ako sa paligid at nag-iisip ako kung paano ako tatakas pero naisip ko din kung saan naman ako pupunta?  Everyone knows that I died in that accident and kapag nalaman naman ng pamilya ni Carlo na buhay ako, they will do everything to get my baby.  Wala sa loob na nahawakan ko ang tiyan ko.

Napapitlag ako ng malalakas na katok ang narinig ko sa pinto.  Nakikiramdam ako kung sino iyon.  Baka kasi ang kapatid ni Hunter iyon at hindi ko talaga siya kayang harapin.  Ano nga ang pangalan niya?  Bull?  Bill?  Bully?

"Aria, kakain na." Boses ng matanda ang narinig ko.

Boses ni Manang Ester kaya nakahinga ako ng maluwag.  Inayos ko muna ang sarili ko at binuksan ko ang pinto.

"Nakahain na sa hapag.  Ikaw na lang ang hinihintay." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ngumiti lang din ako at marahan kong isinara ang pinto.

"Nandiyan pa ba 'yung anak ni Mrs. Acosta?" Alanganin kong tanong.  Kasi kung nandito pa siya magdadahilan akong masakit ang ulo para hindi makasabay sa pagkain.

"Naku, bumiyahe na.  Kailangan daw na bumalik ng Maynila ni Bullet at may meeting na hinahabol.  Halika na.  Sumunod ka na sa akin at nakahain na sa mesa.  Hinihintay ka na ni Madam Frances," sabi pa niya.

Parang may mabigat na bagay ang natanggal sa dibdib ko ng malaman kong wala na ang lalaking iyon.  Bullet nga.  Bullet nga ang pangalan niya.  Ano ba namang mga pangalan 'to?  'Yung isa, Hunter.  Tapos ngayon, Bullet naman.  Ano bang meron sa pamilyang ito.

Agad na nakangiti sa akin si Mrs. Acosta ng makita ako at tumayo para humalik sa pisngi ko.

"Sit down, iha.  Nakapagpahinga ka ba?"

Nakangiti akong tumango.  Kahit paano ay hindi na ako asiwa kay Mrs. Acosta kasi ramdam ko naman na hindi ka-plastikan ang ipinapakita niya sa akin.

"I let them prepare healthy dishes for you and your baby.  I'll say the grace before meal and we can eat," nakangiti niyang sabi sa akin.

Pareho kaming nakapikit at magkahawak kamay pa habang nagpapasalamat sa Diyos ang matanda.  Nasa kalagitnaan ng pagdasasal si Mrs. Acosta ng pareho kaming makarinig ng silyang hinila sa hapag. Pareho kaming napatingin at nakita kong si Bullet ang gumawa noon at naupo sa harap ng hapag.

Shit!  Para na namang kinakabog ang dibdib ko sa kaba lalo na ng makita ko siyang nakatingin sa akin.

"You are losing your respect, Bullet.  Can't you see we are saying grace before meal?" Kalmado pero halatang iritado ang pagkakasabi ni Mrs. Acosta.

"Sorry, 'ma." Hingi niya ng paumanhin sa nanay niya at napipilitang ngumiti sa akin.  'Yung itsurang humihingi ng pasensiya.

"You do the grace now," sabi sa kanya ni Mrs. Acosta at pumikit na ang matanda.

Halatang walang magawa si Bullet sa gusto ng nanay niya kaya humawak na siya sa kamay ng matanda tapos ay kinukuha niya ang kamay ko.

Ano ba ito?  Talaga bang ganito?  Kailangan pang magkakahawak ang kamay habang nagdadasal bago kumain?

"Will you give your hand?  I am starving," halata ang iritasyon sa boses niya.

Napipilitang ibinigay ko ang kamay ko sa kanya at nakita kong saglit siyang napatitig sa akin.  Mabilis kong ibinaling sa iba ang atensyon ko at yumuko na lang.  Mabuti na lang at mabilis ang ginawa niyang pagdadasal at parang napapasong binitiwan ang kamay ko ng matapos.

"Finally we can eat," sabi niya at agad na sumandok ng pagkain.

Nagkibit-balikat lang si Mrs. Acosta at itinuro ang hapag para magsimula na kaming kumain.  Wala kaming imikan pare-pareho habang kumakain.  Ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan namin ni Bullet at tanging ang mahihinang kalansing ng plato at kubyertos ang maririnig sa paligid.

"So where did you meet my brother?"

Napahinto ako sa pagsubo at napatingin sa kanya.  Nakita kong nakatingin din sa akin si Mrs. Acosta.  Halatang hinihintay ang sagot ko.

"In the church?" Alanganin kong sagot.  Shit.  Sana pumasa ang sagot ko.

Tumaas ang kilay ni Bullet at may nakakalokong ngiti ang nanulay sa labi niya.

"Church.  Really?  But Hunter was a practicing atheist." Parang walang anuman na sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na yata ako makahinga sa sobrang kaba.  So mali ang sagot ko?  Atheist si Hunter?  Hindi siya naniniwala sa Diyos?

"You met in the church?  That is so nice, Aria.  But-" saglit na parang natigilan si Mrs. Acosta at bumaling kay Bullet.  "Hunter was an Atheist?  Since when?  Pinalaki ko kayong may takot sa Diyos at lagi tayong nagro-rosaryo at nagsisimba."

"Since college 'ma.  He was just joining us during Sunday mass para huwag sumama ang loob mo.  Hunter was almost questioning every belief in this world.  You know him," patuloy sa pagsubo si Bullet.

Hindi makapaniwala si Mrs. Acosta sa narinig niyang revelation tungkol sa namatay niyang anak.

"Where did you get married?" Tanong pa ni Bullet.  Sa akin na naman siya nakatingin.  Hindi na ba matatapos ang pagtatanong niya?  Puwede bang pakainin muna niya ako?  Gutom na gutom na ang anak ko.

Nang tumingin ako sa gawi ni Mrs. Acosta ay nakangiti siyang nakatingin sa akin.  Naghihintay ng sagot ko.

"In Mt. Pulag," maiksi kong sagot.

"You got married in a place where he really loved the most. Hunter loves nature," nakita kong namamasa ang mata ni Mrs. Acosta.

"You got married in Mt. Pulag.  Sa bundok.  Who officiated the wedding?  A priest?  A mayor?  A captain?" Sunod-sunod na tanong ni Bullet.

Napalunok ako kasi hindi ko alam ang isasagot ko.

"K-kasi 'yung a-" hindi ko na maituloy ang sasabihin ko kasi sunod-sunod ang mga tanong ni Bullet.

"Naipasok ba sa NSO ang marriage certificate 'nyo?  Who processed it kung nasa bundok kayo?    How long have you been together again?  Who did the-"

"Bullet!" Malakas na saway ni Mrs. Acosta.

Hindi ko na napigil ang mga luhang sumungaw sa mga mata ko.  Tuloy-tuloy lang iyon na umagos sa pisngi ko at napayuko na lang ako sa sobrang kaba at takot.  Napahawak ako sa tiyan ko.

Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin.  Hindi ko na yata kayang kumain dahil iyak lang ako ng iyak.

"I am so sorry about that, Aria." Napahinga ng malalim si Mrs. Acosta. "Go back to your room so you can rest.  Ipapadala ko na lang ang pagkain mo."

Walang imik akong tumayo at yuko ang ulong dumiretso sa kuwarto ko.  Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Alam kong mali ang ginagawa ko at hihingi din ako ng tawad kay Mrs. Acosta at sa pamilya niya.  Kailangan ko lang sila ngayon pero aalis din ako.  Lalayo din kami ng anak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top