Chapter 8: Playful Grin
——————————————————
———————————
CHAPTER 8
Alexie's Point of View
One hour have passed and finally, nag aya na si Dale umuwi. At dahil wala akong dalang pera ay magpapahatid nalang ako sakanya. Pero naalala kong may mga kaibigan nga pala ako.
Nasa exit na kami ng Eastwood mall, tumigil ako sa gilid ka'ya natigilan si Dale sa paglalakad at nilingon ako, nakakunot noo s'ya at lumapit ulit saakin.
"Mauna ka na. Magapapahatid nalang ako." mahinahon kong sagot sakanya at tiningnan ang maitim na kalangitan. It was about to rain kaya gumilid ako at para narin hindi masyadong makaharang.
Saglit n'ya akong tiningnan. "Okay, fine." Naglakad na s'ya paalis ka'ya naman ay kinuha ko ang phone ko para tawagan si Irish at Emergie. Una kong tinawagan si Irish na mabilis namang sinagot ang tawag ko.
"Rish, red code! puntahan mo naman ako dito sa eastwood mall, I need your help." Kapag sinabi kong red code ay automatic na kailangan ko talaga ng tulong, lalo pa na umuulan na. Wala na nga akong dalang pera wala pang payong.
"Sorry, I can't ditch my date now!" Narinig ko si Emergie sa background call ka'ya nangunot ang noo ko.
"Don't tell her!" Sabi ni Emergie kaya nanlaki ang mga mata ko. What the! Nagd-date ba 'tong dalawa na 'to
"Nagd-date ba kayong dalawa ni Emergie?! I heard him just now, what you guys shouldn't tell me about!" Medyo mariing sinabi ko dahilan para matahimik sila saglit.
"Yuck! Of course not, pero sorry na! Tawagan mo ulit si Dale, unblock mo na s'ya, magpasundo kana sakanya. Bye!" mabilisang sinabi ni Irish at binabaan ako ng tawag. I tried to call her again, but she's persistent not to answer the call.
"Paano naman ka'ya nila nalaman na naka-blocked si Dale saakin?" ani ko sa sarili at naisip bigla si Rai ang kaso alam ko busy na ito ngayon sa tutorial lesson n'ya. Tumatanggap ito ng students na gustong magpatulong o magpaturo.
Wala akong nagawa kundi ang dahan dahang iunblock ang phone number ni Dale at tinawagan s'ya. Sinabihan siguro n'ya ang mga kaibigan ko para lang ma-unblock ko s'ya.
Tinawagan ko ang number ni Dale at wala pang ilang segundo sinagot na n'ya ang tawag.
"Go come here at the parking lot. Hindi kita susunduin d'yan." mahinahon pero seryosong sinabi n'ya over the phone. Mabuti na lang at hindi ko na kailangang mabasa para makarating sa parking lot.
"Okay, papunta na." Mabilis kong ibinaba ang tawag at buntong hiningang naglakad na. At pagkarating ko naman sa parking ay wala naman ang kotse ni Dale. Tatlo nalang ang kotse kaya mabilis kong napansin na wala ang blacl BMW n'ya.
Tinawagan ko s'ya ulit. "Nasaan ka? Wala ka naman dito, e." Nanggagalaiting sinabi ko pero nagpipigil na isigaw sakanya ang sinasabi ko.
"Wala naman akong sinabi kung nasaan. You didn't even asked me where." Napapikit ako at napakagat labi dahil sa inis, piniligilan ko talaga ang inis ko.
"Okay fine. I'm gonna ask you this time. Nasaan ka ba kasi?"
"Second parking lot," Simpleng sagot n'ya lang ka'ya mabilis ko ng ibinaba dahil wala naman na akong sasabihin, gusto ko lang alamanin kung nasaan ba kasi s'ya dahil sakanya ako umaasang makakauwi ako.
Pagkarating ko sa parking lot ay mabilis ko lang nakita ang kotse n'ya. Binuksan ko ang pinto at ang playful grin kaagad n'ya ang bumungad saakin, pero ng mapansin n'ya na nakatingin ako ay biglang naging seryoso ang mukha n'ya.
Nakarating kami sa exclusive subdivision kung saan ako nakatira, pinarking n'ya sa kabilang side ng kalsada dahil may dalawang black van ang nakaparking sa tapat ng bahay namin.
"My house were three blocks away from your residence." sabi n'ya na tinanguhan ko na lamang. Walang sabi sabing bumaba na ako sa kotse n'ya ng hindi s'ya nililingon dahil naiinis ako sa pang aasar n'ya saakin kanina.
"See you, tom." aniya sa malambing na boses at nakangisi, ang ngisi n'ya ay ang pinakita n'ya kanina. It was his annoying playful grin.
Hindi ko na pinansin ang sinabi n'ya at mabilis ng sinara ang kotse n'ya.
Pagtungo ko sa lawn ng aming bahay ay may nakita akong dalawang men in black bodyguards sa pintuan.
I waved my both hands when I saw Anthony, dad's longest bodyguard. He's been our family guard as well when I was still five years old, close na close kaming dalawa dahil madalas s'yang nasa bahay namin at kung saan kami tutungo.
I remembered him hugging, laughing with him for almost a decade. He even lifting me up in the air whenever we we're meeting or fetching me up to my primary school cause my parents we're busy to do so.
I remember it all too well.
Si Axel naman ay ang maid namin ang palaging naghahatid sundo sakanya sa school dahil kagaya ko hindi rin s'ya nasusundo o naihahatid.
"Anthony! Hello, long time no see." niyakap namin ang isa't isa ng makalapit ako sakanya.
"Hello, Alexie."
"I missed you! Where have you been? Hindi ka na nakakabisita these past few months." maligayang sunod sunod na sinabi ko sakanya kaya napahalakhak s'ya at napangiti.
"Dating gawi, sinasamahan ko ang daddy mo you know for his security. Bibisita ang dad mo sa San Beda for committee events next month." aniya nakangiti.
"Sinong naghatid sa'yo? May boyfriend ka na ba?" nakagat ko ang aking labi dahil hindi ko naman pwedeng sabihing fake boyfriend ko si Dale.
"Nope, a friend of mine." sagot ko at hilaw na napangiti.
"Your friend's car aren't tinted." aniya kaya naningkit ang mga mata ko habang hilaw paring nakangiti. Ka'ya pala n'ya tinanong kung may boyfriend ako kasi nakikita n'yang lalaki ang naghatid saakin which is si Dale tapos kaming dalawa lang sa kotse.
"You do really have sharp eyes. Ka'ya pala isang dekada ka ng bodyguard ni Dad! And wait! You're gonna turn thirty three next month." sabi ko at totoo na ang ngiting pinapakita.
"Alam mo parin pala ang birthday ko." masayang sagot n'ya.
"Bakit naman hindi." I chuckled.
Nagtungo kami sa loob pinauna muna n'ya akong makapasok. For sure nandito din si Dad, ka'ya nandito si Anthony at ang iba pang guards.
Pagtungp namin sa living room ay nand'on si daddy sa sofa nakaupo, ang mommy naman ay may dalang tray perhaps some of dad's favorite coffee.
"Daddy!" I said cheerfully and hugged dad.
"I missed you so much, dad."
"I missed you more, hija." dad said in gently while stroking my hair. Kapag kami ang kausap ni dad ay malambing at maamo ang kanyang boses pero kapag related sa kanyang trabaho ay napaka graceful.
Sinenyasan ni dad ang mga guards na umalis muna, dahil ang oras n'ya ngayon ay para saamin. Tumingin ako kay Anthony before he passed by us to go out. We both smiled to each other.
"Dad, bibisita daw po ka'yo sa school?" dad smiled.
"Yes, hija. I was looking forward to see you there, surely you're still deans lister."
"Yes, dad, making you and mom proud." I said and smiled ear to ear.
"We're always so proud of you, anak."
"We've never get tired of hearing you with highest honor every school year." ani naman ni Mom.
"Saan pa ba magmamana ang anak ko?" pabirong sinabi ni daddy.
"Nasaan pala ang unico hijo ko?" maliyang sinabi ni dad at pagkasabi n'ya n'on ay ang pagbaba ni Axel galing sa second floor, napangiti ito ng makita si Daddy at mabilis ns tumakbo patungo saamin.
"Daddy!" masayang sabi ni Axel at niyakap ng mahigpit si dad.
"Your kids missing you so much, hon." malambing na sinabi ni Mom.
Bihira lamang kaming magkasama sama. Ate's on canada for her business clothing line. Mom and dad were also busy to their own errands. Naiiwan kaming dalawa dito ni Axel at ang maid lang namin ang nag aalaga saamin.
Even though dad's been busy with his swore responsibility he never let us go unnoticed especially our achievements and needs. He's always after our safety, looking after us.
My dad– Sen. Nicholas Andre Corpuz, has been in the senate for one decade and been involved within the community as well as solving and handling our country's problems has been facing. Senators ideally, were serve to voice, advocate for and represent our values and needs and I must say my father serve ethically and with integrity, objectivity, impartiality, and loyalty. Puts the interests of the public and the public service ahead of their own personal interests. Maintaining and enhancing the public's trust and confidence in the public service. That was my dad since the day he's elected to office, he never left his passion even in the midst of controversies and threat to help people in need.
I also remembered visiting the house of the senate, and it was a cool and fascinating experience for me.
Pero hindi public service ang pangarap ko, I would like to build my own empire, a publishing house for aspiring writers and maybe someday I'm gonna publish a book about my dad's biography including his good public service for a decade, he deserves a credit for what he have good done for the public.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top