Chapter 5: Detention




——————————————————
———————————


CHAPTER 5

Alexie's Point of View


"Tell me who bullied you first." Talagang hinabol n'ya pa ako sa pintuan nitong rooftop para lang magtanong saakin. I took a glazing eyes on him warning him to say no more.






"Sino nga?" okay! nakaiintimidate ang tingin n'ya. Kahit anong way yata of warning ko kung mag iinisist s'ya ay wala din. Mapapasagot din ako sa tanong n'ya kahit gusto ko s'yang iisnob.






"Mga fangirls mo."







Nang mabuksan ko na ang pinto ay kaagad na akong nagmadali bumaba patungo sa supposed class subject ko. Tuluyan na ngang nagsimula ang klase!







I was hesitant at first to go inside cause the subject teacher is speaking in front already.







"Kasalanan mo kung bakit late ta'yo—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hinatak na kaagad ako ni Dale, binuksan n'ya muna ang pintuan bago pumasok sa loob.






Ofcourse! Lahat nang atensyon ay nasa amin, maski ang mga nakikidaan lang sa hallway ay nakatingin sa holding hands namin ni Dale.







Habang lahat ay gulat na gulat, lunapit s'ya saakin at bumulong.






"Nagsisimula na ta'yo. I need your cooperation, little innocent nerd."

''Anong klaseng nickname iyon?!"

"Shh, smile genuinely."

"How can I when I can't?!" naiirita at mahinang sagot ko sakanya habang pilit na nakangiti habang sinasabi ko iyon. Napipilitan ako sa gusto n'yang mangyari.









Alam kong sarcastic ang binabansag n'ya saakin dahil hindi s'ya maka move on sa book na gusto kong ibigay sakanya. Kasalanan ko naman, bakit kasi sa lahat nang pwedeng libro fifthy shades of gray pa ang nasabi ko?






I know the very moment I realized what I've done. Magiging katawa tawa ako para kay Dale.






"Ma'am. I'm sorry, we're so late."








"Ms. Alvarez? You've never been so late. Pero alam mong hindi tolerated sa klase ko ang masyadong nahuhuli sa pagtuturo ko." bumaling naman si Ma'am Noble sa katabi ko at mabilis na napangiti.

"Mr. Del Valle, you may go inside."









What the? she's not tolerating a late but being biased just because of what? Alam ko– mayaman si Dale, important philanthropist ang parents n'ya at maraming donations sa school na ito pero bakit hindi s'ya naninindigan sa sinasabi n'ya?








Si Dale pa nga ang dahilan kung bakit na late ako nang ganito.








"You can charm women in any age." bulong ko sakanya dahil tila nasusubok ang paninindigan ni Ma'am Noble sa karisma ng isang Dale Del Valle.









"Shut up." napangisi ako sa pagkapikon n'ya.









"What are you waiting for Mr. Del Valle? pumasok ka na. Ikaw naman Ms. Corpuz you'll go to detention room for an hour, or maybe It's best to go and clean my cubicle on faculty room 102." wala naman akong nagawa kundi ang sumang ayon na lamang sa utos.









Tumango lamang ako at nagsimula nang umalis pero hinatak ako ni Dale.







"Sasama ako sakanya. It's unfair If she'll solely face the punishment wherein fact I got late with her."








Nauna na s'yang umalis na sinundan ko nalang. Wala nang katao tao sa hallway dahil nasa kanya kanya nang klase, pero nakukuha pa rin namin ang atensyon ng marami kahit nasa loob na sila ng classroom.







"Dapat hindi ka na sumama. I can do It on my own."

"Who asked? I just wanna ditch class and not give you a hand to help you."








Hindi na lamang ako nagsalita. Napahiya ako pero hindi ko na lamang pinahalata. Kung ako rin hindi ko s'ya sasamahan.








Dahil nakasalamin ako ay nakilala ko kaagad ang papalapit sa gawi namin. Iisa lang ang daanan nitong hallway at walang paliko. Kumaway ito saamin, kinawayan ko naman ito pero si Dale ay walang pakealam.






"Rai!"

"Lex."







Tuloy tuloy lang sa paglalakad si Dale kaya kaming dalawa na lamang ang naiwan ni Rai. Balak n'ya na yata ang mauna, bahala s'ya. Pero iyon ang inaakala ko. Nakatayo lang s'ya four feet apart, nakapamulsa ang mga kamay habang nakasandal sa pader diretso ang tingin, nangunot ang noo ko.







"Kasama mo?"

"Oo, sa detention."

"What? You've break your own record. You're always early bird, what happened?" bakas sa expression n'ya ang pag aalala.

"Maaga ako pumasok. Just don't tell this to mom and dad nor ate," sagot ko na lamang dahil kapag nagkausap sila ay baka maisingit pa ni Rai ang nangyari.









Masyado ng bigdeal ang pagiging first timer late dahil lang palagi akong early bird. But because of my biased and inconsiderate teacher here I am, having my detention.







"I won't, you've been a good girl." nakangising sabi n'ya at ginulo pa ang buhok ko kaya napasimangot ako at tinampal ang kamay n'ya.

"Ano ba Rai!"








Tinanggal naman n'ya ang kamay pero tawa parin ng tawa. Napangiti na din ako sa nakakahawang halakhak n'ya. He's always messing my messed hair at dahil maliit ako ay madali lang para sakanyang gawin iyon.









"Wait a second." sabi n'ya at may dinukot sa bulsa ng uniform pants n'ya. Kinuha n'ya ang kamay ko at inilagay ang capsule ballpen.

"Ang cute naman nito!" napangiti ako.

"I can foresee your smile minutes ago before giving you that." sabi n'ya. Binalingan ko s'ya ng tingin habang nakangiti ako.

"Anong meron?"

"I stumbled upon the ballpen sections in the department store. Nakita ko iyan kaya hindi na ako nagdalawang isip bilhin para sa'yo."

"Thanks for this!"

"Aren't you both done? Ang tagal ninyo." hindi ko namalayan nakalapit na pala saamin si Dale. Nakapamulsa pa rin ang dalawa nitong palad at seryosong nakatingin kay Rai.










Pantay lamang ang level ng kanilang mga mata dahil magkasingtangkad lamang silang dalawa. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko dahil nagkalapit silang dalawa. Nasa pagitan ako at tantya ko ay hanggang balikat nila ang height ko. Mabuti na lang at walang katao tao dito.










"Why are you two really dating?" nagtatakang tanong ni Rai.

"Yeah." walang ganang sagot ni Dale.

"Hindi. Ipapaliwanag ko nalang sa'yo. Bye!" nauna na akong naglakad paalis at ramdam ko ang pagsunod saakin ni Dale. Tinawag pa ako ni Rai kaya lumingon lang ako sa gawi n'ya para mag wave hands at napansin kong nakatingin saakin si Dale so I awkwardly put my hands down.





"Tss."








Rinig na rinig ko ang pagpapatunog n'ya ng dila pero napairap na lang ako ng hindi n'ya nakikita.







Nakarating kami sa faculty room, kaunti lamang ang teachers. Binati ko ang iilan na nakasalubong ko na paalis na o mananatili dito sa loob.







Nagsimula na akong kunin ang mga cleaning tools pero si Dale ay umupo lang sa swivel chair at tila naeengganyo pa sa pagswing ng upuan, nakangisi s'yang nakatingin saakin. Seryoso ko lamang s'yang tiningnan.







"I told you."







Naalala ko nga palang hindi s'ya sumama dito para tumulong saakin. Napairap na lang ako at nagsimula na sa paglilinis. Nagsimula akong magwalis sa cubicle malapit sa kabilang cubicle kung saan nakaupo si Dale.







"I was curious. . . Why it seems you don't like me. Nagpapakipot ka ba?" napatayo ako ng diretso sa tanong n'ya at tiningnan s'ya. Nagmumukha akong kuba dahil sa kawawalis ko.






Tiningnan ko lamang s'ya pero hindi ko s'ya sinagot. Pinagpatuloy ko na lang ulit ang ginagawa ko. Nawawalan ako ng energy makipag usap sakanya. This feels so surreal yet nonsense.







And a little bit of fictional stories twist. A soccer prodigy famous student guy wants me to be his pretending girlfriend. Masyadong cliché dahil sa nerd pa na katulad ko. Gaganda din ba ako kagaya ng mga fictional nerds na in the end turns out to be the beautiful girl they have ever seen?







Nahihibang na yata ako.








Sinipa n'ya ang walis na hawak ko ng mailapit ko ito sakanya dahil nagwawalis na ako sa banda n'ya. "Tinatanong kita."








"Hindi lahat gusto ka. Don't be so high on yourself." seryosong sagot ko nalang sakanya at lumayo dahil baka mapikon s'ya sa sinabi ko at ako na ang sipain n'ya.







Binato nga n'ya ako ng bola sa ulo!






"Is that so?" tumayo s'ya at dahan dahang lumapit saakin. Nangunot ang noo ko dahil palapit na ito ng palapit saakin, natataranta tuloy ako sa ginagawa n'ya.







Nabitawan ko ang walis tambo na kanina lang ay gusto kong ihampas sakanya pero hindi ko magawa. Ngayon ay hindi nalilihis ang tingin n'ya saakin dahil masyado na s'yang malapit saakin.








"Good. You won't run after me just to beg me to like you back when summer comes back. "







Ang tagal pa bago mag summer. Gusto n'yang maging pretending girlfriend ako hanggang sa matapos ang ang buong school year. Magtitiis ba ako ng matagal o gagawa ako ng paraan para takasan ang isang ito?





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top