Chapter 2: Eye to Eye
——————————————————
——————————
CHAPTER 2
Alexie's Point of View
Nagsuot lang ako nang baggy pants At sleeve shirt. Nakasakbit ang pouch sa balikat ko, wala namang masyadong laman ito. Hindi na rin ako nag abala na magdala nang maraming gamit. Mamaya pagsabihan nanaman ako ng mga kaibigan ko.
They're sitting on my bed. Perhaps waiting for me to get ready.
"Nand'on daw si Dale Del Valle sa D'rose bar! Shet, hindi dapat natin ito palampasin!"
"Let's go na! For sure nand'on din mga kaibigan n'ya."
Napasimangot ako. Kahit kailan talaga. Puro na lang lalaki ang gustong gusto nila.
Sa pagkakaalam ko si Dale Del Valle ay sikat na soccer player at ang tatay n'ya soccer couch. Ayon lang wala masyado, hindi naman ako interesado. Napanguso na lang ako dahil hindi ako maka relate sa pinag uusapan nila.
**
Malakas na beat, dim lights, maingay, mausok. Maraming rated spg ang mga pinaggagagawa!
Napailing ako bigla. Bagay nga ang pangalan nitong bar sa mga taong nandito. Wild Quest- the bar's name.
Bakit ba kasi nagpapilit akong sumama sa mga kaibigan ko. Bwisit. Muntikan pa nga akong mabangga nang babaeng lasing na lasing na sinundan pa ng ibang babae.
"May victory party daw ang mga soccer player sa second floor, tara! Lapit ta'yo sakanila."
Sinundan ko silang dalawa na patungo sa kung saan. Nagpapatianod na lang ako sa hatak nilang dalawa saakin, ako lang itong hindi naaatat sa lugar na ito kaya nahuhuli ako sakanilang dalawa.
Hindi ko alam pero napapamura ako sa inis!
Kung hindi ako masukahan. Naaapakan naman nang takong ang sneakers ko! Kung hindi lang makapal ito ay malamang mas masakit pa.
"Aray ko! ang sikip."
"Mas masikip mas masakit." Nanlaki ang mga mata ko sa sumagot pero hindi ko kilala dahil ang daming tao.
Hindi ko na lang hinanap ang nagsalita at nag focus na sa dalawa kong kaibigan. Ilang beses na nababangga ang katawan ko. My body might sore later.
Napatingin ako sa itaas. Nand'on ang grupo ng mga soccer player, sa tingin ko ay anim silang nand'on.
Pero mas tumagal ang tingin ko kay Dale na nakangisi habang nakasandal sa mahabang sofa. May dalawang babae sa tabi n'ya pero hindi s'ya naka focus sa dalawa.
"What the f! ex boyfriend mo iyon Irish hindi ba? bakit may kahalikan kaagad."
"Three days na kaming wala, hayaan mo s'ya."
"Three days pa lang iyon!"
Nakatingin sila sa lalaking nakikipaghalikan sa gilid ng staircase patungo sa second floor. Dalawa lang silang nasa gilid ng hagdanan. Inilihis ko na lang ang tingin ko.
Paglihis ko nang tingin ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Raikko sa malayo layo. May kausap s'yang lalaki, may kasama silang tatlong babae.
Inilihis ko tingin ko sa kabila dahil bigla s'yang napalingon. Pagtingin ko sa kabila nananampal na pala si Irish!
Hindi ko manlang namalayan.
Lumapit ako sa kanila nang mabilis habang nag iingat na hindi makita ni Raikko.
Nababalitaan ko ngang pumupunta din dito si Raikko.
Hinatak ko si Irish patungo sa second floor na namamalag pa. Sumunod samin si Emergie, hindi naman n'ya inaawat, tila sinusuportahan pa nga sa pananakit.
"F you! Ka'ya pala nakipaghiwalay ka saakin, ha! sabi mo exchange student ka sa US!"
"Go sis! punch him, sa gitna dapat!"
Tumigil lang silang dalawa nang nasa seat na kami sa sofa. Reserved ito para saamin. Suki siguro ang dalawang ito sa bar na ito kaya mabilis silang nakapag pa reserved.
"Ano ba! Huwag ka ngang pala desisyon, rish. Wag ka ngang biglang nanunugod.'' sermon ko sakanya.
"Ikaw naman, Emergie. Chinicheer mo pa! hindi na ako sasama next time. Nakakahiya ka'yo." ungot ko sakanilang dalawa na hindi nakapagsalita.
"Tss! Nakgagalit ako, lex. Nakakainis. Nasasaktan ang alter ego ko!"
"Shot puno!" si Emergie, natatawa pa.
May lumapit na bartender saamin na may dalang tray nang tingin ko ay alak. I've never tasted alcohol in my entire life. It shouldn't be that bitter!
Dahil kung mapait iyan ay hindi na talaga ako titikim.
Pero may natikman akong masarap, mainit pero masarap.
Sumasayaw na sa harap ko ang dalawa kong kaibigan na mukhang may tama na.
Hindi ko alam kung nakakailan na nga ako. Nag iinit ang mukha pero pakiramdam ko hindi pa naman ako lasing.
Sa hindi kalayuan nand'on ang mga kalalakihan. Napukol ulit ang tingin ko kay Dale, nakatingin na din pala s'ya saakin, I smiled.
Kumaway pa ako sakanya, s'ya lang ang nakatingin saakin.
Hala! First time kong maka eye to eye ang lalaking iyon. Pakiramdam ko kinikilig ako, bakit napaka gwapo n'ya, ang ganda nang ngiti n'ya. I think he's so hot!
Inayos ko ang salamin ko. Sinampal ko ang pisngi ko dahil medyo nahihilo na ako at pakiramdam ko wala na ako sa wisyo. Ang dalawa kong kaibigan wala na pala! Nasa baba na sila nakikipag sayawan.
Ako na lang ang naiwan.
Sinubukan kong tumayo para magtungo sa powder room. Ang kaso lang hindi ko alam kung nasaan, pero tumayo pa rin ako para hanapin.
Nahihirapan akong kinuha ang pouch ko sa gilid ng mahabang sofa. Pakiramdam ko ay matutumba ako, pero pinilit ko at kumuha nang suporta sa railings, o sa kahit ano na pwedeng hawakan para hindi ako tuluyang matumba.
Bago pa ako makahakbang may biglang malaking lalaki ang humarang saakin, hindi ko kilala kung sino.
"Rai? ano ba. Let me go through, wag ka ngang humarang sa dadaanan ko. Pwede ba?" hindi ko na maramdaman ang palad ko na sinusuntok ko sa humaharang saakin. Matigas ang nasa harapan ko ayaw talaga akong padaanin. Naiinis na talaga ako.
Sino bang poncio pilato ang nasa harapan ko, pakiramdam ko hindi ito si Raikko, ang best friend ko.
May dumating pang isang lalaki ang lumapit saamin, pag lingon ko si Dale Del Valle kaya napangiti ako. Bakit ka'ya ang gwapo nang isang ito. Ngayon ko lang napansin, e.
"She's my girl, let her." he said in a manly and husky voice. Sino ba ang tinutukoy nito ni Dale, malamang ay hindi naman ako.
"Paubaya mo na sakin 'to, pre. Natipuhan ko."
Nanlaki ang mga mata ko, aba! Ang manyak naman nitong lalaki sa harapan ko. I tried to punch him but it didn't bothered him. What the.
May humatak saakin kaya bumalik ako sa sofa. Napahiga ako sa sofa dahil pakiramdam ko hindi ko na kaya ang tumayo pa. Nahihilo na ako at wala na sa wisyo ang katawan ko, anytime ay tutumba kapag sinubukan ko pang tumayo.
Napahawak ako sa ulo ko habang nakangiwi dahil medyo malakas akong natumba sa sofa.
Sinusubukan kong tumayo dahil sumasakit lalo ang ulo ko kapag nakahiga, napagtagumpayan ko naman ang pag upo at napahawak ako sa ulo. Pagtingin ko sa kabilang upuan ay wala na ang mga lalaki.
"Huh? where did they go?"
Lilingon pa lang ako sa paligid ay biglang may dalawang lalaki ang natumba sa sofa. Nanlaki ang mga mata ko dahil nagsusuntukan sila!
Mabilis akong tumayo pero bigla din akong natumba sa sahig lumalayo sa nagsusuntukan, kung hindi ako nagkakamali isa ito sa mga kaibigan ni Dale. Gulat na gulat ako nang may nagsusuntukan ulit ang natumba sa sofa.
Napaatras ulit ako hanggang sa maramdaman ko ang bakal sa likuran ko.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa kalasingan. Pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko.
Before I laid on the floor and became unconscious, someone grab and lift me up.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top