Chapter 4

Pres POV

Pagkarating namin sa bahay ay agad kong ti next si kuya Kyle at sinabing nakauwi na kami.

"Ang saya! Walang assignment!" Si Ana na humilata sa sofa.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko at tiningnan ang laman ng ref.

"Mag fried rice nalang tayo para di na kailangan pa ng ulam"

Tumayo siya at kumuha ng plato.

"Yung uniform mo nga pala labhan ko nalang din"

Inabot niya sakin yung uniform niya at saka naman ako lumabas ng bahay at sa rooftop naglaba.

Oo sa labas kami ng bahay naglalaba, ang sikip kasi kung sa loob ng banyo diba? Alangan namang sa kusina ako maglaba.

"Mahal na presidente!"

"Pucha ng kabayo!"

Nagulat ako ng sumigaw si Ana at sumasayaw pa habang papalapit sa akin!

"Ano?! Ginulat mo naman ako!" Sigaw ko at sinabuyan siya ng sabon.

"Hindi na natin kailangan mag baon bukas, manlilibre daw sila! Waa! Thankyou lord" sigaw niya na tumingala pa sa langit!

‘salamat naman....'

"Ano?!" Gulat na sigaw ko ng may maalala! Kung manlilibre sila sigurado akong kasama don yung manyak na yun! Hindi pwede! Baka tuksuhin lang nila ako! Nakakahiya!

"May pagkain naman diyan, wag na tayong sumabay sa kanila nakakahiya na no" tanggi ko saka umiwas ng tingin.

"Anong wag na?! Makakatipid tayo!"

‘eh ayaw ko nga kasabay yung Eugene na yun!'

"Wag na magluto nalang tayo"

"Ang kj mo talaga! Ayaw mo nun makakasama mo yung kapatid nila? Yieee"

'pucha! Anong yieee?'

"Anong yieee?" Wala sa sarili kong tanong.

"Sabihin mo nalang kasing bet mo rin yung Eugene yieee... Eh, eh," tukso niya at sinundot sundot yung tagiliran ko!

‘ayaw kong ngumiti dahil wala namang nakakangiti! Pero sa ginagawa ni Ana mukha akong tanggang nagpipigil ngumiti habang naglalaba!'

"A-ano ba!" Kunwaring inis na sabi ko habang umiilag sa mga sundot niya.

"Sumabay na tayo sa kanila bukas ha? Hehehe akalain mo yun kakilala palang ni bebe Kyle sa akin makakasama niya na akong kumain hihihi"

"H-hoy tigilan mo nga yang kalandian mo sa kapatid ko" suway ko dahil nagpapantasiya na naman siya!

"Ok lang naman lumandi, Basta sa iisang tao lang haha! Sige text ko muna si Soria"

Wala na akong nagawa sa gusto mangyari ni Ana! Ganiyan siya kapag bet niya bet na talaga niya!

Naglalakad na kami ngayon papasok sa gate Tuesday na at marami ng studiyante dahil pumapasok na lahat, kahapon kasi ay iilan lang dahil first day palang naman daw.

Pagkapasok namin ay saktong nasa hallway si Soria kaya tinawag agad siya ni Ana.

"Kite!" Tawag niya at nagpalinga linga naman si Soria sa paligid.

gagang to!'

Nang makita kami ni Soria ay agad siyang lumapit at pinalo si Ana sa braso.

"Ano kaba! Buti wala pa siya dito" suway niya at nagtawanan sila.

"Oy! Ngumiti ka naman, ang aga aga nakabusangot ka!" Sabi ni Ana at ngumiti siya ng labas ang ngipin sa harap ko.

"Ito na! Ngingiti na yan siya!" Biglang singit naman ni Soria at kinalabit kaming dalawa.

"Ayan na si Mr. Right!!!" Sabay nilang sabi ng makita ang tatlo sa di kalayuan at tumingin sa akin!

‘wag naman sana ngayong umaga'

Biglang tumugtug yung national anthem kaya napatigil kami at sumabay sa kanta pero wala pa man sa kalahati yung kanta ay may bumangga sa akin at lumipad yung libro niya nagkalat ang Ilan at ang isa naman ay nasalo ko.

Ibibigay ko na sana pabalik yung libro pero nanlaki yung mata ko nang marealize kong ganito din yung porn na libro na binabasa din ni Eugene manyak!

"Ano Yan?!" Biglang bulong ni Soria at sa gulat ko ay naiitsa ko yung libro na naglanding pa talaga dun sa mismong harap ng flagpole!

‘bakit naman kasi diyan pa naglanding!'

Gulat na gulat na napatingin sa akin si Ana at Soria, hinabol ko din yung tanginang may ari nung libro na biglang tumakbo palayo!

"Malili--mmm! Mmm" pinigilan ako ni Ana na magsalita!

"Putik gumalang ka naman umaawit pa ohh!" Bulong niya at natauhan naman ako na kumakanta pala kami ng national anthem!

Nung ibalik ko ang atensiyon sa awit ay di ko maiwasang mainis dahil nakakahiya yung porn na lumipad don sa flagpole!

'lahat yata ng studiyante napatingin sa librong yun!'

Napapikit ako sa inis at naghahanda ng explaination sa utak ko dahil sigurado akong mapapagalitan ako ng mga gurong nakakita kanina! Baka ma dean pa ako!

Nung matapos yung kanta ay lintik lang naman talaga yung kaba ko!

‘makita ko lang talaga yung puchang lalaking yun! Madedemonyo talaga ako!'

Pinulot ng teacher yung libro at nanlaki ang mata niya ng makita at mabasa ang nasa cover nito!

"You!" Turo niya sakin.

‘na! Nalintinti na talaga!'

"M-ma'am?"

"You read this kind of novel?! Inside the school?!"

"No ma'am..that not mine ma'am!" Tanggi ko!

"Then... Who owns this?! Last time there was also a--"

"Ma'am!" Biglang lumapit sa amin ang kambal.

‘save me!!!!'

Tumingin ako sa kanila at nag puppy eyes pa para tulungan nila ako, Hindi naman ako nabigo dahil kumindat si kuya Kyle sa akin.

"Oh.. Mr. Constantino, do you need anything?" Tanong ni ma'am sa dalawa.

"Ma'am is everything okay here?" Tanong ni kuya Kite at ipinakita naman ni ma'am yung libro sa kanila.

"This book! they're reading this--"

"Diba kay Eugene yan?"

Sabay kaming napatingin kay kuya Kite ng sabihin niya yun, pati sila Soria ay napatingin sa kaniya.

"Bat mo naman sinabi" rinig kong bulong ni kuya Kyle na kinusot pa sa likod si kuya Kite.

"Nadulas eh"

Napatingin ako sa kaninang kinatatayuan nung kambal at nakita ko si Eugene na unti unting tumalikod at pasimpleng naglakad!

'lagot ka ngayon!'

"Mr. Eugene Constantino!!" Sigaw ni ma'am!

"Yes ma'am!" Agarang sagot niya na nag salud pa!

"You own this book?!"

"Yes! ma'----am..." Sigaw niya at napayuko ng marealize niya sigurong isinigaw niya pa talaga na pagmamay ari niya yung porn sa maraming studiyante!

Nagkatinginan kami nila Ana at Soria habang nagpipigil ng tawa!

‘hindi man lang tinanggi haha'

"I really can't believe this! Paano kung malaman to ng parents niyo?! Alam niyo na hindi allowed ang ganitong book and novels sa school! But then again here you are! Reading this stuff inside the school!"

"I'm sorry ma'am"

"Kanino to?"

Biglang may kinuha si ma'am sa bag niya at ipinakita sa amin! Nanlaki ang mata ko ng makita ang hairband ko!

Naalala ko na sinuot ko pala yun nung day na una kaming nagkita nitong Eugene!

‘bat di ko namalayang hindi ko na suot yun pag uwi?!'

Napatingin sa akin si Ana at lumingon sa akin si Eugene!

ohhh no!'

"You own this?!"

Napayuko ako at mahinang tumango!

"Are you two in a relationship?" Tanong  ni ma'am!

"No ma'am!"

"We're not ma'am"

Sabay kaming sumagot ni Eugene!

"Nakita ko to together with the book! Sabay kayong nagbabasa ng ganito?"

Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ma'am!

"No ma'am! Naiwan ko lang po yan dun" agarang sagot ko at nakahinga naman ng maluwag si ma'am!

"Okay! 10 laps nalang para sa inyong dalawa" tinuro niya kami. "Ikaw dahil sa pagdadala ng ganito sa school, at ikaw naman ay para sa unrespectful behavior mo during the national anthem!"

Magrereklamo na sana ako kaso tumango na si Eugene kaya napatango nalang din ako!

nakakainis! Mukhang malelate pa ako nito!'

"Mauna nalang kayo baka ma late din kayo sa class" Sabi ko at lumingon kina Ana.

"May 30 min pa naman, how about if we joined you?" Tanong ni kuya Kite. Umiling ako.

"Wag na mapapagod lang kay--"

"Sure!!!

"Wookay!" Kyle

Sinamaan ko ng tingin si Eugene pero binilatan niya lang ako!

"Ay Sige! Join din kami!"

Tinaasan ko ng kilay ang dalawa ng sabay pa talaga nila yung sabihin!

‘anong sasabay? Lalandi lang kayo eh!'

Pipigilan ko na sana sila pero wala na akong nagawa ng mag agree din ang kambal!

Sabay sabay kaming anim na nagsimula ng tumakbo sa field, nakakahiya man dahil second day of class palang ay naparusahan na kami pero dahil sa mga kasama ko ay hindi ko maiwasang tumawa!

"Ang mahuli pangit!" Sigaw ni Ana at nagmadali naman kaming tumakbo!

"Ang mauna manlilibre!" Sigaw ko at napahina naman ng takbo si Ana hahaha!

kahinaan talaga ni Ana ang manlibre!'

"Papayag ka...bang maging...pangit ka?!" Tanong naman ni Soria na halatang hinihingal!

"Syempre hindi!"

Dahil nauuna sa amin tumakbo si Ana kasunod ang mga lalaki ay napagkasunduan naming hilahin sila!

Hinila ko ang damit ni Eugene na nasa unahan ko at hinila naman ni Soria ang damit ni kuya Kite!

"Hoy! Ang da Daya!" Sigaw ni Eugene at hinila ang buhok ko!

pucha!'

"Arayyy!!!!" Sigaw ko rin at inabot ang ulo niya! Para kaming baliw na nakahawak sa buhok ng isa't isa habang sabay na tumatakbo! Lugi nga ako dahil mahaba buhok ko!

"Bitawan moko!" Sigaw ko.

"Mauna ka muna!" Sigaw din niya.

"Mauna ka!" Ako.

"Ikaw!"

"Bahala ka!"

Sabay parin kaming tumatakbo at dahil malaki ang mga hakbang niya na pilit kong sinasabayan ay halos mabali ang mga paa ko kakatakbo!

‘bat ba naman kasi?!!!'

Napapikit ako sa inis at nung nasa finish line na kami ay pareho kaming paluhod na napahinto!

"Pucha ka! magkaka arthritis yata ako!" Sigaw ko habang nakahawak parin sa buhok niya!

"Mahinang nilalang!" Pang iinis niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin!

"Hindi pa ba kayo tapos?"

Sabay naming sinamaan ng tingin ang nagsalita at pareho kaming napa ayos ng luhod ng marealize na si ma'am pala yun!

"Sorry ma'am"

"Sorry ma'am"

"Go back to your class now!"

Agad kaming napatayo at pinulot ang bag namin saka naglakad sa kaniya kaniya naming building!

Nag buzz ang cellphone ko at tiningnan ko naman kung sinong nag text.

*Kite*
[See you at the cottage later, sabay tayong kumain]

Tatanggi sana ako sa gusto nilang mangyari pero naalala kong wala pala akong load. Walang pang reply.

"Your late!" Bungad ng teacher pagkarating namin sa room.

"Yes, ma'am were late, our apology" si Ana. Agad naman kaming pinapasok at nagsiupo sa pwesto.

Sandaling nag lecture si ma'am sa harap, walang quiz na naganap since bago pa ang klase.

Pagkatapos ng morning class ay nagsilabas na ang lahat para sa lunch, tumayo na sila Ana at Soria kaya tumayo na rin ako.

‘feel ko talaga nabali tuhod ko!'

"Anyari Sayo? kaya pa ba?" Si Ana at inalalayan akong tumayo.

"Feel kong mag wheel cheer"

"Feel kong ipabuhat ka sa Eugene te!"

Napabusangot ako sa sinabi ni Soria. Gusto ko sanang sabihin na ‘feel kong balian siya' pero wag nalang.

Nag apir silang dalawa ni Ana at kabilaan nila akong inalalayan.

"Excited nakong makasabay silang lumamon!"

"Pano niyo nalaman na sasabay tayo sa kanila?"

"Nag meeting na kami kanina mis pres nakipagsabunutan ka pa kasi kaya dika umabot haha"

Mas lalo akong napabusangot! Kahit pala tanggihan ko sila kung gogora tong dalawa wala parin akong magawa!

"Baldado kana?"

Sinamaan ko ng tingin si kuya Kite na nakuha pa akong inisin!

"Gusto mo tumama sayo to?" Pabalang kong tanong at plano ko siyang sipain pero nakailag siya!

Ang ending....

"Bat moko sinipa?!" Sigaw ni Eugene na tumayo pa na akala mo makikipag suntukan!

"Easy...umilag kasi siya kaya sayo tumama"

Napatingin siya kay kuya Kite.

"Bat ka naman kasi umilag?"

"Malamang tatamaan ako"

"Buti nalang talaga hindi ka umilag, hindi ako tinamaan hehe" singit ni Kuya Kyle.

"Pinagtutulungan niyo ko ha!"

"Eh ako? Hindi niyo ko balak tulungan?" Singit ko at napatingin naman sila sa akin.

"Ang weak mo!" Sigaw ni Eugene!

"Bakit ba lagi kang nakasigaw?! Hindi ka ba marunong kumalmaaaaaaaaa?!!!" Sigaw ko na ubod ng lakas!

"Kalma...kalma lang kayo" awat naman ni Soria.

"Umupo na kayo at kumain na tayo, baka gutom lang yang init ng ulo niyo" si Ana.

Umupo na ako at daig ko pang nalumpo dahil hindi ako makagalaw ng maayos!

letche na porn!'

Habang kumakain kami ay nag usap usap sila tungkol dun sa libro.

"Bakit mo naman kasi naisipang dito magbasa nun?"

"Chill lang ako nun, wala pa kasing klase! Nagulo lang talaga nung may tumama sa mukha ko"

"Ano naman tumama sa mukha mo?"

"Pera niyan!"

‘tumama sa kaniya yung inihagis kong pera?'

"Grabe naman tumalon pera mo pres sa mukha talaga ni Eugene na shoot. siguro te napasobra hiling mo! Hahaha"biro ni Soria at nagtawanan silang lahat "Yung pera na mismo tumanggi"

Nainis ako sa mga pinagsasabi nila! At dahil nainis ako at tawa sila ng tawa ay kinuha ko lahat ng ulam at inubos yun!

"Ayan! Ubos na"

"Bat mo inubos"

"Tinulungan ko lang kayong ubusin pagkain niyo hehe"

"Ay salamat ha, busog na talaga ako kaya di ko na maubos gusto mo pa?"

‘sila yung plano kong inisin bat ako ngayon yung naiinis?'

Inubos ko lahat ng pagkain at plano ko sanang mag tira para sa hapunan namin ni Ana pero nakakahiya naman mag bring home. Wala ako sa fiesta!

"Siya nga pala...were really happy to--"

"Baby!" Naputol ang sasabihin sana ni Soria ng may mag sumigaw ng baby!

"Baby... don't be like this, we can still fix this" pagmamakaawa nung babae at sa mismong harap pa talaga namin sila nag drama.

"Prank pa to?" Bulong ni Ana.

"Ewan..."

Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha nung lalaking pinipigilan ni Girl, familiar siya sakin! Oblong ang mukha niya at may kalakihan ang ngipin niya, mataas din ang leeg niya.

longnick hehe'

Sabay kaming nagkatinginan ni Ana ng maalalang siya yung lalaking bumangga sa akin kanina!

"Hoy! Longnick!" Sigaw ko at gulat naman siyang humarap sa akin!

Inabot ko yung kutsara at inis kong ibinato yun pero naduling ata ako saglit dahil imbis na kay longnick tumama ay sa noo ni ateng baby naglanding ang kutsara!

"What the hell?!" Inis na sigaw nung babae at sinamaan ako ng tingin bago sumunod kay longnick na kimaripas ng takbo!

"Hoy! Longnick! Ma long nick nick ka talaga sakin!" Habol kong sigaw!

"Who's that guy? You know those kind of monkey?" Tanong ni kuya Kyle.

"Grabe ka naman..tao parin yun mukha lang monkey, siya yung owner nung libro na lumipad kanina sa flagpole" -Ana

"What? So hindi akin yun?" -Eugene

"Hindi"

Hindi na ako nakinig sa mga usapan nila, lumalayag ang utak ko kung anong pwede kong gawin sa long nick na yun kapag naabutan ko!

‘ang sakit ng paa ko kakatakbo!'

Ilang minuto pa kaming nanatili sa cottage at nung tumunog ang bell ay nagsibalikan din agad kami sa classroom.

"Ang sakit talaga ng paa ko!" Reklamo ko nung matapos na ang afternoon class.

"Wag na muna tayong mag practice..."

Tumango ako sa sinabi ni Ana at nagpa alalay tumayo!

‘feel ko talaga na misplaced yung mga buto ko!'

Paika ika akong naglakad pa elevator at pagdating dun...

Sira...

"Sira yung elevator?!" Sabay naming sigaw!

‘pano ako?'

"Mukhang mapapasabak ka sa hagdan"

"Mukha rin namang hindi"

Napatingin kami kay Soria at nakita namin si Eugene na may hawak na papel habang pababa sa hagdan!

‘wait! No!!!'

"Eugene!" Sabay na tawag ni Ana at Soria!

"Hi! Sira yung elevator mag hagdan nalang kayo"

"Maghahagdan nga sana kami kaso..." Napatingin sa akin si Soria.

"Okay--"

"Masakit yung paa niya!"

Sinagi ko ang dalawa dahil mukhang alam ko na ang plano nila!

"Okay lan--"

"E piggy back mo! Kahit hanggang sa baba lang!"

Kinusot ko si Ana dahil sa mga pinagsasabi niya!

"What?!"

"E piggy back mo kahit hanggang baba lang" ulit naman ni Soria!

‘akala ko nung una utak namin namin ni Ana ang magkapareha utak pala nilang dalawa ni Soria!'

"No way!"

"Baka gusto mong ipagsigawan ko dito yung binabasa mo--"

"Oo na!"

Lumapit siya sa amin at ibinigay kay Ana ang hawak niyang papel. Tatanggi na sana ako kaso nagulat ako ng bigla niya akong buhatin pa bridal style at naglakad sa hallway pababa sa hagdan!

Napakapit ako sa leeg niya at amoy na amoy ko ngayon ang pabango niya! Nakikita ko din ang Adams apple niya!

Parang nag slow motion sa paningin ko ang lahat at tanging kaming dalawa lang ang nakikita ko habang buhat niya ako!

TO BE CONTINUED......

*****

this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!

P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top