chapter 2

!!warning!!

Charrot lang!

Eugene POV

‘i kiss her hardly and push her on the bed, I slowly crawl upon her and touch her boobs--'

‘shit!'

I bite my lips and start reading again.

'i kiss her again and my hands is starting to---'

tangina!'

May biglang tumama sa mukha ko na parang bakal at dahil nagulat ako ay aksidente kong naihagis ang binabasa kong pocket book!

"Huwag mong titingnannnn!!!!!" I shout as i see a girl who's sitting beside the wishing well while holding my book!

"Ahhhh!!!" Sigaw niya na parang nakahawak ng isang napakainit na bagay habang nakatingin sa libro at bigla niyang yung inihagis kung saan!

‘now this is shit!'

Parang nag slow motion sa paningin ko ang paglipad nung libro at pag landing nito sa pond!

‘shota na talaga!'

I look at the hallway as I see the groups of teachers walking towards our direction!

"Putcha! Porn ba yu--"

Sigaw nung babae kaya agad ko siyang hinila patayo at pinasok sa cottage, pareho kaming nagtago sa ilalim ng upuan.

Napatingin ako dito sa babae at mukhang nakikinig siya sa paparating.

She have a nice eyes and long nose, fine chicks and bruise beside her pink lips.

Napalunok ako habang nakatingin sa mga labi niya! I remember the scenes I'm reading a minute ago.

'shit!'

Biglang tumingin sa akin yung babae at nanlaki ang mga mata! Nanlaki din ang mga mata ko ng malaman ang position namin!

"May sumigaw ata dito kanina ma'am?" I heard one of the teachers asking.

"Yes narinig ko din--whats that?"

Sabay kami nitong babae na napalingon sa pinanggalingan ng boses at mukhang pinagkakaguluhan nila yung libro ko sa pond!

"What the? Sinong nagbabasa nito dito?!"

Napapikit ako at napayuko sa hiya pero mali ata dahil tumama lang yung ulo ko sa dibdib nitong babae!

Nagulat siya at kamuntikan pang sumigaw buti nalang at tinakpan ko agad ang bibig niya pero tinulak niya lang ako! agad naman akong napalayo! Pero nakalimutan kong nasa ilalim nga pala kami ng upuan at nauntog yung ulo ko!!

‘this girl!!!!'

Lumabas ako ng cottage habang hindi pa nakatingin ang mga teachers sumunod naman siya at nung makalayo kami ay sinipa niya ako sa tuhod kaya aksidente akong napaluhod.

"Busit kang gago ka! Manyak!" Sigaw niya kaya napakunot ang noo ko!.

"Hey! It's not my fault okay?! kung hindi dahil sayo hindi sana lilipad yung libro!" Sigaw ko rin at napamewang naman siya!

"Sira ba yang utak mo? School to! hindi to pornhub!"

"Pakialam mo ba?! Ikaw ba nagbabasa?!"

I step forward to her but I suddenly drop when I step the wet part!

‘shit! Nabiyak ata ulo ko!'

"Hihihi-- Buti nga sayu!" She said and walk away!

Pres POV

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa kahihiyang sinapit niya, daig niya pa ang gymnastics sa pagpapakitang gilas sa split!

Papalabas na ako ng gate ng may mahagip ang mata ko. Bumalik ako ng dalawang hakbang patalikod at pinitik ang kamay ko.

"Darlinggg!!!!"

"Honeyyyy!!!!"

Sigaw ng dalawa at nag unahang tumakbo sa akin at yumakap.

Walang tao sa part na to kaya ok lang na magyakapan kaming tatlo.

"Miss you boys" ngiti ko matapos silang yakapin.

"Miss you ‘ms. President'" bati din nila at nag apir pa sa harap ko.

"Pasalubong ko?" Ngumuso ako at nag cross arms habang nakatingin sa kanila at nag pa cute.

"Hindi namin nadala ngayon darling, maybe tomorrow I'll deliver it to your room"

"Mee too!"

Napangiti ako at niyakap sila ulit bago magpaalam dahil baka naghihintay na si Ana sa labas.

Pagkalabas ko ay nakabusangot na si Ana na naghihintay sa akin.

"Do you wanna build a snowman?" Tanong ko na kagaya nung kay Ana sa frozen.

Napangiti naman siya at itinuro ang labas ng gate.

"Let'z goooo"

Sabay kaming lumabas habang magkalingkis pa ang braso.

Sumakay ako sa bike at agad namang umangkas si Ana na yumakap pa sa bewang ko.

"Kumapit kang maigi ha!" Paalala ko at sinimulang paandarin ang bike.

Pumidal ako ng pumidal hanggang sa bitawan ko ang manubela at itinaas ang kamay ko!

"Wohooooo!!!!!" Sabay naming sigaw ni Ana at pareho pa kaming natawa.

masarap talaga magkaroon ng kaibigang sasabayan ka sa kahit na anong kabaliwan'

"Bat ang tagal mo kanina? E ako tong may kausap ah?" Tanong niya habang kumakain kami ng ice cream dito sa mall.

"Nakasalubong ko yung dalawa kanina, hehe mas gumwapo ata sila ngayon" ngiti ko at tiningnan naman ako ng nakakaloko ni Ana.

"Che! Madamot ka! Dimo man lang ako tinawag!"

Ngumuso siya kaya natawa ako.

"Wag kang mag alala tutulungan kita makuha ang atensiyon ng ‘bebe' mo"

Ngumiti ako ng malapad at kumuha naman siya ng fries at isinubo.

"Legit yan ha...wala ng bawian ha"

Sabay kaming natawa at pinagplanuhan pa namin kung paano raw siya mapapansin sa isang moves lang haha.

Sandali lang kaming nanatili sa mall, namili ng iilang gamit sa school at bahay bago kami umuwi.

"Hayyy makakapagpahinga na rin sa wakas" sabi ko at humiga na sa kama na agad ding napabangon ulit dahil bumukas ang pinto.

'Ugali talaga ng babaeng to ang mangbukas bigla ng pinto'

"Bakit?" Tanong ko pero di siya sumagot at lumundag lang sa kama ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo!"

"Makikitulog! Ito naman!"

"Baka first day of school bukas! Ayaw kong pumasok ng bangag no!"

"Minsan lang tayong mag sleep over ehh ito naman!"

"Bakit ba kasi ngayon pa?!"

"Edi wag na!"

Aktong aalis siya kaya agad ko siyang niyakap at ipinahiga sa tabi ko at dinantayan.

"Ano ba! Kala ko ba ayaw mo?!"

"Ito naman hehe syempre joke lang yun no"

Dumantay din siya sa akin at hinila ang kumot.

"Bukas...makakapag aral na tayo ulit" bulong niya at napatango tango naman ako.

"Buti nalang talaga at may nag donate ng scholarship sa akin at tinulungan ka naman ng bebe ko sa mga gastusin sa school"

Napakunot ang noo ko saka tumingala sa kaniya.

"Maka bebe ka naman hindi ka pa nga kilala" suway ko at napa ohh naman siya.

"Practice lang naman hihi"

"Che!"

"Pero seryoso na, buti nalang talaga no? Makakapag aral na tayo ulit...huli na nga tayo nakapag aral tumigil pa tayo ng isang taon" Masaya pero ramdam ko ang lungkot habang sinasabi niya yun.

Napabuntong hininga ako at napatango tango.

"Ganito talaga kapag mahirap lang, wala na tayong pamilya kaya kailangan na nating tumayo sa sarili nating mga paa"

"Ah! Siya nga pala napag-usapan namin kanina ni coach na every Sunday lang tayo magpa-practice ng swimming dahil pareho tayong may kaniya kaniyang raket kapag sabado"

"Salamat naman..."

Sandali pa kaming nagdaldalan pero hindi rin nagtagal ay natulog na kami dahil may pasok na kami kinabukasan.

*WOW! I feel good!*

"Putik!"

Sabay kaming napabangon ni Ana ng biglang tumunog yung alarm ko! Napatingin ako sa kaniya at daig niya pang binuhusan ng malamig na tubig sa reaksiyon niya!

‘nagulat din siguro'

"Naloka ako sa alarm mo! Putik! Muntik na ako--hoy!" Sigaw niya ng samantalahin ko ang pagkakataon na mauna sa Cr!

‘haha sa wakas!'

Binilatan ko siya at isinara agad ang pinto.

Nang matapos ako ay naka towel lang akong lumabas at nakita ko naman agad si Ana na kakalapag lang ng niluto niyang pakbit.

"Magbaon nalang tayo sa school para iwas gastos" sabi ko at kumuha ng baunan.

"Yun nga ang plano ko hehe, sobrang tipid na natin kaya sigurado akong hindi tayo magigipit ngayong buwan"

"Naks!"

Pumasok ulit ako sa kwarto at nagbihis ng maayos, nagsuklay na din ako dahil baka ang school ang mismong lumayo sa akin kapag pumasok akong mukhang mangkukulam.

Pagkalabas ko ay naliligo pa si Ana kaya nilagyan ko na ng kanin ang baunan at ulam, nilagyan ko din ang plato niya ng kanin at hinintay siyang matapos sa pagligo.

7:30 na ng makarating kami sa school, si Ana ang nag bike habang naka angkas naman ako at hawak ang bag niya.

"Tara! Tara!" Yaya ko at sabay kaming pumasok sa pagkalaki laking gate.

Hindi kita ang school sa labas dahil pagpasok mo ng gate ay nagtataasang palm trees ang bubungad sayo, kailangan pang maglakad ng kaunti para makarating sa mga nagtataasang building na aakalain mong university dahil sa laki at lawak.

Magkalingkis ang braso namin ni Ana habang naglalakad sa hallway ng school, napapatingin sa amin ang ilang studiyante dahil siguro walang brand name ang suot naming damit.

"Taray, ang yaman natin tingnan dito hehe" bulong ni Ana at tinuro ang room namin na nasa kataas taasang building.

"Saan nga pala ang...." Napatigil ako sa pagsasalita at napasingkit ang mata ko ng makita ko ang dalawang lalaki na kasama yung manyak kahapon na papasok sa cottage dun sa pond.

"Saan ang alin?" Tanong ni Ana na lumingon din sa tinitingnan ko.

"Sino ba yun?"

"Wala. Saan nga pala ang pool dito? Ang laki kasi, di natin napuntahan kahapon"

"Ahh! Oo nga pala, dun sa likod ng auditorium" turo niya sa gilid ng hallway na dinadaanan namin.

Sabay kaming naglakad at pumasok sa pool area. Wala pang tao pero nandito na ang Coach.

"Hi coach, siya po ang sinasabi ko na kasama ko po" pakilala ni Ana sakin dun sa coach.

"Hello...I am coach Elsa"

Napatingin ako kay Ana na kinagat pa ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa.

‘hindi ko alam frozen na pala to'

"Hello coach, I am Pres" pakilala ko at nag shake hands kami.

May mga sinabi si coach sa amin at itinuro din niya ang locker na pwedeng paglagyan ng mga gamit. Inilagay namin dun ang mga swimming garment namin bago magpaalam at lumabas sa pool area.

Pagkalabas namin ay hinila ako pabalik ni Ana na ikinagulat ko!

Ana POV

"Hoy bakit?" Tanong ni pres dahil bigla ko siyang hinila pabalik at nagtago kami ngayon sa likod ng pinto nitong auditorium.

naloka akooo! Feel ko maihi sa short char!'

"Nandiyan si bebe ko!" Pabulong kong sigaw sa kaniya at napatingin pa sa taas!

"Sandali ngayon na ba? Mag retouch--este! Mag ayos ka dali!"

Nagmadali akong mag ayos at nung ready na ako gomora ay rumampa na ang reyna! Chars!

"Ayan na papalapit na!" Bulong ko habang sinisilip si future bebe ko!

Nagulat ako ng bigla akong tinulak ni pres at nabangga ako sa di kilalang studiyante! Napatigil naman sa mismong harap namin ang future bebe ko!

putik! Ngayon pa talaga pumalpak!'

Sa sobrang hiya ay payuko akong bumalik sa pinagtataguan namin ni Pres!

"Ano ha?! Ok ba? Ano tinanong ba pangalan mo?" Nakangiting tanong niya at pinalo ko naman siya sa braso!

"Putik ka! Nakakahiya! Sa ibang tao ako bumangga!" Inis na sabi ko habang nakapamewang pa.

"Ha? Eh sabi mo nandiyan na?" Tanong niya na sinilip pa ang labas pero nakalayo na sila.

"Nabingi ka ba? Ang sabi ko papalapit na!"

"Sorry naman! Next plan nalang tayo"

Sabay kaming lumabas sa pinagtataguan namin at magkalingkis ang braso na pumunta sa secondary building at sumakay sa elevator.

Nang makapasok kami sa room namin ay naghanap kami ng mauupuan kung saan magkakatabi kami.

Second row sa hulihang bahagi kami umupo, kakaupo lang din namin ng dumating ang teacher.

Dahil unang araw pa naman ng klase ay puro pakilala ang nangyari at nung ako na ang magpapakilala ay tumayo ako ng bongga.

"Greetings everybody! My name is Ana Arabiya, 18 years old" pakilala ko saka nag bow ng kaunti sumunod naman na nagpakilala si Pres.

"Pres Abdolino po, 18" nagbow din siya bago bumalik sa upuan.

Nang matapos ang morning class ay hindi na kami bumaba pa ni pres para sa lunch dahil may baon naman kami, nagulat pa kami dahil may lumapit pa sa aming babae na halatang bigatin dahil sa porma.

"Hi" bati niya at tumango naman kami ni pres.

"Pwede bang sumabay sa inyo?" Sabi niya at nakangiting inilabas ang dala niyang sosyaling lunch box at humila ng upuan saka umupo.

‘taray teh ha, di pa nga pumayag'

"Ako nga pala si Soria..." Pakilala niya at inilahad ang kamay.

"Pres"

"Ana"

Ngumiti siya ng kaunti at halatang nahihiya siyang sumabay sa amin.

"Hmm...bago lang ba kayo? Ang tahimik niyo naman" nagkatinginan kami ni pres at sabay ding tumingin sa kaniya.

"Ang totoo ay nahihiya lang kami sayo, hindi kasi kami katulad ng mga bigating studiyante dito hehe"

Tumawa siya at pinalo pa ako sa braso ng kunti.

"Ano ba kayo! hindi naman yun big deal sa akin hehe kahit mayaman ako nagtitipid din naman ako, tingnan niyo pare-pareho lang tayo ng ulam"

Napatingin kami sa ulam niya na kapareho lang din sa ulam naming pakbit. Napansin ko din na kaming tatlo lang ang nandito ngayon sa room habang nag lu-lunch.

"Naku alam mo Soria! sa una lang talaga kami tahimik pag na close mo kami pati sa gabi mabubulabog ka!" Tawa ni Pres at nagtawanan naman kami ni Soria.

"Calling the attention of miss Ana Arabiya and Pres Abdolino please proceed to the SSG office"

"Calling the attention of miss Ana Arabiya and Pres Abdolino please proceed to the SSG office"

Sabay kaming tatlo na napatingin sa speaker na nandito sa loob ng room dahil pi-nage lang naman ang pangalan namin ni Pres.

"Kayo yun diba?" Tanong ni Soria at napatango tango naman kami ni Pres.

Pres POV

Mistula kaming nasa mall nang pi-nage ang pangalan namin sa buong school. Familiar ang boses nung nag page pero di ko maalala kung saan ko narinig, nagtaka pa ako dahil usually babae ang nag pi-page pero lalaki ang nag page ng pangalan namin.

Nagmadali kaming kumain at iniligpit ang pingkainan saka sabay na lumabas ng room, kasama parin namin si Soria dahil ayaw daw niya maiwan mag isa.

Habang naglalakad kami ay napahinto sa paglalakad si Ana habang nakahawak sa tiyan niya!

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi ano..." Nakahawak pa rin siya sa tiyan niya kaya nag aalala ako.

"Kasi ano.."

"Kasi ano? Masakit ba tiyan mo?" Tanong ko na lumapit pa sa kaniya.

"Kasi di pala natin alam kung saan yung SSG office"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya!

"Oo nga no?"

Napalingon kami sa magkabilang hallway dahil hindi pala namin alam kung saan yung SSG office.

"Hello? Kaya nga nandito ako diba?"

Napatingin kami ni Ana kay Soria at nakahinga ng maluwag.

‘buti nalang nandito siya'

"Hehe saan ba dito yun?" Tanong namin habang nakasakay sa elevator.

"Nasa gilid lang ng Auditorium. magkakatabi kasi ang Auditorium, pool area, SSG office, broadcasting club, at ilan pang club yung hall lang talaga ang naiba"

Napatango tango kami saka pumasok na sa SSG office.

Pagpasok namin ay nagulat ako dahil nandito yung Tatlo!

Kumaway sa akin ang kambal na nasa likuran ni Manyak at kinindatan ko naman sila ng dalawang beses.

Napahigpit ang hawak sa akin ni Ana ng makita si kuya Kyle na future bebe niya daw.

Napataas ang kilay ko ng magkasalubong ang tingin namin ni manyak na nakaupo sa lamesa.

‘anong ginagawa nito dito kasama ang Kyle at Kite ko?'

Nagulat ako ng bigla siyang lumundag pababa sa lamesa! nasabit ang isa niyang paa sa upuan na nalundagan niya kaya pahiga siya ngayong matutumba!

Parang nag slow motion sa paningin ko ang nangyari at napahakbang ako papalapit sa kaniya ng may dumaan sa likod ko!

Napanganga ang lahat ng masalo ko si Manyak at hindi tuluyang bumagsak sa sahig!

TO BE CONTINUED......

*****

this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!

P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top