Uno

"Maria Venus Hustisya! Ang KWENTO mo!"

"Ay Lintik!" Nailayo ni Vivi ang phone sa tainga dahil sa lakas ng boses ng kaniyang Editor-in-chief na kakabulabog lang sa kaniya ngayong umaga.

"Lintik talaga! At malilintikan tayo parehas pag 'di mo pa maipapasa 'yang kwento mong nilulumot na sa tagal." Mataray na sagot ng kabilang linya.

Napasapo ng noo si Vivi. Nakalimutan nanaman niyang magsulat ng panibagong chapter sa kaniyang kwento. Mahigit thirty chapters ang kwento niya at nakakasampu pa lamang siya. Wala pa ito sa kalahati!

"Ano... ah, hindi kita marinig eh... Nawawalan ata ng signa-- Ate Rey-Ello-- *toot* *toot* *toot*" Agad na ibinaba niya ang phone. Napakagat-labi siya sa ginawa.

May matinding kasalanan nanaman siyang ginawa sa Editor niya. At ang masama pa, maraming beses na niyang tinatakasan ito. At hindi na nga mabibilang pa sa kamay ang mga kasalanan niya dito at malamang, pag nakita siya nito ay mabubunutan siya ng buhok isa-isa hanggang sa makuntento na ito.

Alam niya sa sarili na tinawag pa siya nito bago niya ito babaan at hanggang ngayon ay minumulto pa rin siya ng boses ng Editor niya.

May magagawa ba ako? Busy kaya ako sa pagfafangirl. Aba! Mahirap kaya humanap ng papapics sa net.

Tumayo na muna siya mula sa kaniyang upuan at lumabas sa kaniyang kwarto habang dala-dala ang laptop.

Kailangan n'yang pumunta sa coffee shop para makapag-focus at matapos na rin ang istorya niya. Tutal, kailangan na din naman niya ng pera para pantulong sa kaniyang Ina.

Nadatnan niya ang kaniyang Ina sa may labas ng kanilang bahay. Nagdidilig ito ng halaman. Napansin din siya nito agad at napangiti sa kaniya.

"Aalis ka nanaman agad anak? Aba, kumain ka muna ng umagahan."

Hinalikan niya ito sa pisngi at sumagot "Mamaya na lang po Ma. Mabilis lang po ako. Tatapusin ko lang po yung kwento ko at baka ilibing na ako ng buhay ni Ate Rey dahil hindi pa ako nagpapasa. Isa pa, kailangan na din po natin ng pera."

Bumuntong hininga ito at hinaplos ang mukha niya. "Bertday ngayon ng Tatay mo Vivi. Nakalimutan mo na ba?"

Natahimik siya ng kaunti sa sinabi ng Ina niya. Nakalimutan nanaman niya ang kaarawan ng Tatay niyang hindi naman niya nakagisnan.

Wala naman siyang nararamdang pait o galit sa Tatay niya. Dahil unang-una, hindi naman niya ito nakilala at pangalawa ay mahal na mahal naman ito ng Nanay niya. Sa katunayan, ang kwento ng Nanay niya ay ito pa mismo ang nangiwan sa Tatay niya.

Pero ni minsan ay 'di niya nakita ang pangalan nito sa birth certificate niya.

"Pasensya na po Ma." Siya naman ang napabuntong-hininga. "Pagdadasal ko na lang po si Papa."

Biglang nagliwanag ang mukha nito. "Abay dapat lang. Sige, ingat ka anak. Basta bumalik ka agad at siguraduhin mong makakakain ka ng umagahan."

"Opo."

####

Inilapag ni Vivi ang laptop niya sa table.

"One barako coffee for Ms. Venus."

Nginitian niya ang waitress na nag-abot sa kaniya. "Thank you."

Nang ma-settle na ang lahat, nilinaw na ni Vivi ang kautakan niya para makapagsulat. Tinitigan niya ang screen ng laptop niya ng matagal-tagal hanggang sa mamula't maluha na ito dahil wala pa ring grasyang nadating sa blankong page ng story niya.

Nagpalingap-lingap siya. Nagpabaling-baling kung saan-saan at nagbelly-dancing hanggang sa mabugnot siya sa sarili dahil kahit anong gawin niya ay wala pa ring nangyayari.

Nakakabugnot talaga. Makauwi na nga lang.

Akmang tatayo pa lamang siya sa kaniyang upuan ng biglang may pwersang humila sa kaniya pabalik ng silya at parang nakaramdam siya ng isang matinding sampal.

Isang matandang babae ang nakaupo sa harap niya.

"Mangkukulam!" Biglang bulalas niya.

Umasim ang mukha ng matanda at inismiran siya nito.

"Hindi ako mangkukulam Venus." Sambit nito.

Nanlaki ang mga mata niya. "Pano--"

"Pano ko nalaman ang iyong pangalan? Wag kang ambisyosa, nakalagay diyan sa cup mo yung pangalan mo. Nakamarker pa nga eh."

Napatameme siya. Baliw ata.

"Hoi! Hindi ako baliw. Salbaheng bata 'to, tulad ng Nanay niya "

Napaismid siya ng bahagya. "Kilala niyo ho ang Nanay ko?" Nababasa niya ba utak ko?

"Hindi, ginugood-time lang kita. Hindi ko nababasa ang utak mo at hindi ko rin kilala ang Nanay mo..."

Kakaiba ang matandang 'to. Medyo jologs at kalog ang utak. "Pero..."

"Wag ka nang sumatsat bata. Eepal ka pa eh."

Napataas ang kilay niya. Kakaiba nga talaga ang matanda. Hindi niya tuloy alam kung matatakot ba siya o hindi.

"Makinig ka sa akin Venus, ang Nanay mo ang maydahilan kung bakit ako nagkaganito--"

Ano naman ang kinalaman ng Ina niya sa pagtubo ng kulugo nito? Assuming si Lola!

"Sshh. Manahimik ka. Salbahe!... Isa akong magandang engkantada dati. DATI!"

Patay. Baliw nga ito. Tatawag na ba ako ng tulong o aalis na lang ako ng pasikreto?

Napagdesisyunan niya na umalis na lamang kaysa mapahamak. Dahan-dahan niyang kinuha ang bag ng laptop niya at unti-unting umusod papalabas ng upuan niya.

Pero, heto nanaman ang tila pwersang naghigit sa kaniya sa kaniyang upuan.

Napilitan siyang humarap sa matanda na ngayon ay matalim na nakatitig sa kaniya. Nanlamig ang buong katawan niya. At sa isang saglit ay hindi gumana ang utak niya.

"Estupida!" Sigaw ng matanda. Napansin niya na tila tumigil ang oras sa paligid niya. Lahat ng tao ay nakahinto. Ang orasan ay hindi gumagalaw at ang mga dahon ay hindi pumapagaspas .Pati rin siya ay napatigil ng oras.

Ngunit rinig na rinig niya ang mga katagang binitiwan ng matanda.

"Makinig ka sa akin Maria Venus Hustisya. Ako ay naparusahan ng matandang kaanyuan dahil sa kasalanan na ginawa ng iyong mga magulang. Lalong-lalo na sa iyong Ina na si Erlinda Hustisya. At tandaan mong bata ka, ikaw , ang magbabayad nito. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang lahat."

Biglang nawala ang matanda at kumilos na ang lahat. Naging normal na ang takbo ng oras at panahon, maliban sa kaniya na hanggang ngayon ay hindi pa rin makagalaw dahil sa pangyayari.

Takot.

Ito ang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya makapaniwala na nangyari iyon sa kaniya. Totoo nga ang sinasabi ng matanda. Naramdaman niya iyon.

Ginising niya ang kaniyang ulirat at patakbong lumabas ng shop at umuwi ng bahay.

Ano naman ang naging kasalanan ni Mama? Bakit nagkaganito? Bakit?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top