Trese
Hapon na nang magising si Vivi. Noong una, siya ay nanibago sa kaniyang kapaligiran ngunit kaagad din naman niyang nai-proseso sa utak ang kondisyon na kaniyang kinalalagyan.
Dahan-dahan niyang binuksan ang kwarto ng kaniyang bagong tahanan. Nasilayan niya ang papalubog na araw at ang binata na nasa ibaba at nagtatabas ng halaman.
Umalis siya sa may bintana at dali-daling umalis sa kaniyang kwarto. Napansin niya pa ang mga mumunting gamit na nasa gilid ng sala. Binuksan niya ang pinto papalabas ng bahay at napapunta siya sa may terasa.
Ang kanilang terasa ay bahagyang maliit kumpara sa bahay ni Ka Tiyago. May hagdan ito sa gilid, pababa sa mga halamanang dinidiligan na ni Sebastian.
"Psst!" Tawag niya dito. Lumingon ito sa kaniya at kumunot ang noo.
"Aba binibini, magandang hapon." Mapomosong sagot nito.
Inismiran niya lamang ito. Nang siya ay nag-tangkang sumagot ay may mga matatandang kababaihan ang sumulpot sa harap ng kanilang bahay.
"Aba! Himala at mayroon nang naninirahan dito!" Bulalas ng babaeng may pamaypay sa dibdib.
"Oo nga Teodora, hindi ba't pag-aari ito ni Don Santiago? Akala ko'y maluluma na ito sa katandaan." Usisa naman ng isa.
Napataas ng kilay si Vivi, 'Hala nga naman ang balita. Pwe.'
Tahimik lamang na nakinig si Sebastian hanggang sa napasulyap ng tingin ang isa sa mga matatanda.
"Naku Milagra! Mukhang kilala natin ang bagong naninirahan dito." Ang sabi ni Teodora.
"Aba, hindi ba't si Sebastian iyang itinutukoy mo?" Pakuwari naman ng babaeng nag ngangalang Milagra.
"Siya nga! Siya nga!" Ang sagot naman noong isa.
Napansin ni Vivi ang pag-ngiti ng binata sa kanila at agad naman nitong ibinaba ang kaniyang kagamitan atsaka yumuko sa kanilang harapan.
"Ikinagagalak ko po muli kayong makita Tiya Dora, Tiya Mila at Tiya Teya."
"Naku! Binata ka na iho. Hindi ba't ikaw yung inaanak ni Don Santiago?" Sabi ni Tiya Teya.
"Siya nga po." May ngiting sabi ng binata.
Lumapit ang mga matatandang babae sa lugar ni Sebastian atsaka napansin si Vivi na nagmamasid sa kanila. Nagulat pa siya at nagtangka sanang magtago sa loob ng biglang nagtanong ang mga matatanda.
"At sino naman ang dalagitang iyong kasama?" Tanong ni Teodora habang ipinapaypay sa sarili ang pamaypay.
Napatingin nang may takot si Vivi kay Sebastian. Napalunok naman ang binata at tumingin rin sa kaniya.
"A--"
Go Basti, push mo yan. Di na ako makapagsalita.
"Asawa ko po." Biglang bulalas ni Sebastian. Siya nama'y napalaki ang mga mata.
Ang mga matatanda ay napatingin sa isa't-isa atsaka sabay-sabay na nag-tanong sa binata.
"Asawa?!"
"Dios Mio! Sayang, nahuli na ata kami. Nais ko pa naman sanang ipakasal ka kay Teresa!"
"Siya nga! Ibig ko pa naman din siyang ipakasal kay Juanita."
"Por dos! Ako rin ay ninanais ipakasal siya kay Julia!"
Sabay-sabay rin silang nag kumento samantalang napa-ngiwi na lamang si Sebastian. Si Vivi naman ay gulat pa rin at di malaman kung anong gagawin.
Asawa? Asawa? Kahapon ang sabi niya lovers lang daw pero ngayon Married na agad? Ano 'to? Naglevel-up?
"Ipapakilala ko po siya sa inyo." Ngumiti ng matamis si Sebastian atsaka siya sinenyasan na bumaba.
Sinunod naman niya ito nang may inis sa kaniyang puso. Tumabi siya kay Sebastian at nagpakilala.
"Magandang hapon po." Nakisama na lang siya sa daloy ng kaniyang kinalalagyan. "Ang ngalan ko po'y Maria Venus Hustisya. Kakaiba po ang aking pangalan sapagkat nanggaling pa po ito sa gresya. Tawagin niyo na lamang po akong Vivi."
Napataas ang kilay ng mga matatanda. "Aba, mukhang mabait ang kime ng dalagang ito. Maligayang pagdating sa Laguna." Ang sabi ni Milagra.
Napangiti siya muli at yumuko sa kanila. Pasimple niyang inilagay ang kanang kamay sa likod ni Sebastian at kinurot ang likod nito. Nakita niya naman ang pangangasim ng hitsura nito. Muntik pa siyang matawa sa kaniyang ginawa.
"A-... Ah! Sige na po at mauuna na po kami. Kakain pa po kami ng merienda. Kayo rin po, baka mapagabi pa po kayo sa daan."
"Ha, o siya nga at sige. Hahayo na kami. Hanggang sa muli Vivi. Mukhang kilala mo na naman ata kami. Ang aming tahanan ay nandiyan lamang sa kabilang kanto. Kung may kailangan ka man lalo na sa pag babalak mo ng pagbubuntis ay maaari ka sa akin pumunta." Malambot na ngumiti sa kaniya si Tiya Teya at siya naman ay namutla.
"Pagbubuntis po kamo?"
"Ay kay gandang balita! Balitaan ninyo kami kung si Don Santiago ay magkakaapo. Hanggang sa muli!"
At sabay-sabay rin silang umalis. Hinila niya papasok ng bahay si Sebastian.
"Aray, binibini. Mahapdi." Nakangiwing sabi ni Sebastian nang sila ay makapasok na sa loob.
"Aba Senyor, ano po ang ibig ninyong sabihin na ako ay iyong asawa?"
Napahinga ng malalim si Sebasgian. "Vivi, kung hindi ko ginawa iyon ay magtataka at mag-iisip iyon sa iyo. Mabuti nang ikaw ay kunwari kong asawa upang hindi ka nila husgahan. At, maaari pa kitang makasama palagi na walang malisya sa kanilang mga mata. Kahit tayo lang dito sa bahay ay hindi nila tayo kukutsain."
Napakunot ang kaniyang noo. Oo naman, may point rin naman talaga si Sebastian.
"Nagugutom na ako." Biglang saad ni Sebastian.
"So?" Taas kilay niyang tanong.
"Ha? Ano yung 'so'"
"Joke lang... Ang ibig sabihin ko pala ay biro lang pala." Napangiti siya at pumunta sa kusina. Halos parehas lang ang mga lugar sa bahay ni Ka Tiyago kaya naman ay 'di sila nahihirapan.
Napa-iling na lamang ang binata. "Gusto ko sana nang adobong manok."
"Wala tayong manok at toyo. Magtiis ka muna sa kamote." Inilabas ni Vivi ang nga kamote na kanilang nabaon. Atsaka inilagay sa kaldero at nilagyan ng tubig upang pakuluan.
"Ayos ha, sarap" Sarkastikong saad ni Sebastian at umupo sa may upuan.
"Siyempre naman... At may asukal tayo!"
"Mamili na nga tayo bukas nang ating makakain."
"Ayun ay kung mayroon tayong perang makukuha." Kunot noong sabi ni Vivi at napahinga ng malalim
"Mayroon sa aking ibinigay si Ka Tiyago at may trabaho naman ako dito."
Nagulat si Vivi, "Ha? Meron? Ano naman iyon?"
"Hindi maaaring sabihin binibini."
"Sindikato ka ba?" Natatakot na tanong ni Vivi sa binata.
"Ano kamo?"
"Wala..." Mag model kaya ako? Ng pamaypay... pwede... Joke lang. Ano naman gagawin ko? Magpapapinta kay Juan Luna. Huwag na.
At dito na nagsisimula ang pamumuhay nina Vivi at Basti na magkasama sa loob ng isang bahay na sila lamang nakatira.
Huwag kayong mag-alala at walang magkakababy.
A/N: WOWWW, long update po. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top