Tres

Iminulat ni Vivi ang kaniyang mga mata.

      Kinusot niya ang mga ito at huminga ng malalim.

      Isang panaginip. Masamang panaginip. Hay...

      Kinapa niya ang kaniyang kumot dahil nilalamig siya, ngunit wala siyang nakapa, sapagkat ang kaniyang nakapa lamang ay lupa at tuyong dahon.

Nanlaki ang mga mata niya sa takot. Doon lamang nagising ng tuluyan ang kaniyang ulirat.

Nasa kagubatan siya at nasa ilalim ng puno. Nanaig nanaman ang takot sa kaniya.
Totoo ang mga nangyari? Hindi iyon panaginip? Napaka-imposible.

Matapang siyang tumayo.

Masakit parin ang katawan niya, para siyang binugbog ng husto. Pero hindi siya nagpatalo doon. May kailangan pa rin siyang gawin. May misyon pa siyang kailangan tapusin.
Pero ano nga ba ang gagawin ko?         Sa ngayon, hihingi na muna siya ng tulong, dahil mukha na siyang kawawa dahil napakadumi niya at ang gulo ng kaniyang buhok.

Gagawin niya talaga ang lahat para makumbinse ang mga tao ng kailangan niya ng tulong.

Pinag-igihan niya ang paghahanap at paglalakad palabas ng kagubatang iyon. Nang matanaw ang kakaibang liwanag ay siya ding pagliwanag ng kaniyang mukha, sapagkat nakikita na niya ang daan palabas ng magulong gubat.

Tumakbo siya papunta roon, nakangiti at puno ng pag-asa, ngunit parang pinutol ang kaniyang kasiyahan.

Dahil ang kaniyang nasaksihan ay hindi kapani-paniwala.

Nakakita siya ng mga naglalakad na tao. Mga babaeng naka-saya, mga lalaking naka-camisa de chino, mga matatandang babae na naka-belo at ang ibang mga lalaki nama'y mga naka-amerikana o kung anuman ang tawag doon.

Basta, ang alam niya ay nasa nakaraan siya. At isang napakalaking pahamak ito.



####

"Saan na ako pupunta nito?" Bulong niya sa sarili. Medyo natatakot na siya dahil pinagtitingan siya ng mga tao. Sino nga ba ang hindi mapapatingin kung ang saplot ng isang taong nasa nakaraan ay naka t-shirt at jogging pants.
Tapos kailangan ko pang magtago sa mga Guwardiya Sibil. Asar.

Saktong pagtingala niya ay paparating nanaman ang grupo ng mga Guwardiya Sibil. Lagi kasi siyang nakatungo at tinatago ang mukha gamit ang kaniyang buhok.

Hindi niya nanaman alam ang gagawin.
Napakasipag kasi ng mga ito. Pero puro ungas lang naman 'yang mga 'yan. Tumigil na.kaya sila sa pag-iikot? Wala naman silang makukuhang advance payment sa paggaganyan nila diba?

Papalapit na sana ang mga ito kung hindi lamang may sumigaw.

"Ladrón!"

"Adónde Fueron?!"

Biglang tumakbo ang mga Guwardiya Sibil kung saan naganap ang nakawan. Lahat ng atensyon ng tao ay nandodoon kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para mabilis na umalis doon.

####

Tinungo ni Sebastian ang papunta sa balkonahe ni Ka Tiago. Ipinapatawag daw siya nito sapagkat mayroon daw itong iuutos.

"Tinatawag n'yo raw ho ako Ka Tiago?" Magalang na bungad niya sa lalaking nakaupo sa silya sa may balkonahe.

"Siya nga Sebastian. Mayroon lamang akong ipapaabot kay Señor Igel, diyan lamang sa may kanto." Inilabas nito ang isang bagay na nakabalot sa isang papel.

"Masusunod po Ka Tiago." Matipunong sagot niya. Kinuha na niya amg munting bagay na iyon at lumabas na ng bahay upang ipadala ito.

Alam niyang isa itong mahalagang bagay ng kanilang tipon. Sapagkat kasapi siya sa pag-aalsa para sa kalayaan ng Inang bayan. At dahil na rin kay Señor Igel na isa sa mga tagapangalaga ng nasabing samahan.

####

Nakalimang kanto at apat na bahay muna ang nilagpasan ni Sebastian bago makapunta sa bahay ni Señor Igel.

Nang makatapat sa batu-batung bahay ay agad na kumatok siya dito.

"Sino ho sila?" Ani ng matandang babae sa loob.

     "Si Sebastian po Aling Arsenia." Magalang na sagot niya.

"Ah, Ijo, ikaw pala." Agad na pinagbuksan siya nito. Pagkabukas na pagkabukas ay nagmano siya dito tanda ng kaniyang paggalang.

"Sumaiyo nawa ang Diyos." Malugod na sambit ni Aling Arsenia.

"Maraming salamat po at Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Señor?"

"Ah, oo. Halika't pumasok ka muna at siya'y aking tatawagin. Alam kong ikaw ay napagal sa iyong paglalakad."

Pumasok naman siya sa loob at naghintay.

"Sebastian!" Nakangiting bungad sa kaniya ni Señor Igel. "Ano nanaman ba ang ipapabigay ni Señor Santiago?"

"Isa hong bagay na hindi ko ho alam ang nilalaman." Iniabot niya iyon dito.

"Pamihadong ito ay gamit natin."

"Siya nga ho Señor." Pag-sang ayon niya dito.

Bakas sa mukha ng Señor na humahanga ito sa kaniya.

"Mabait kang tunay at matapang. Kahit pa ang iyong Ina ay isang Illustrada, hindi mo pa rin ibinubuwag ang ating samahan."

Sumagot lamang siya, "Kahit na Illustrada ang aking Ina ay pinaslang siya ng mga Guwardiya Sibil. At sa akin nga pong pagkakatanda ay 'ni hindi inisip ni Ina na isa siyang mestiza. Ang aking ama naman po ay isang Indio. Siya ay naging sakripisyo sa pagmamahalan ng aking magulang. Mahal po nila ang Inang bayan kaya ako rin po ay nagmana noon."

Tumango-tango ang Señor. "Tama. Tama ka Ijo. Siya, humayo ka na at baka abutan ka pa ng dilim."

Nagpaalam na siya at lumabas ng bahay.

Kinapa niya ang kaniyang pilat sa braso, tanda ng kaniyang pagsanib sa KATIPUNAN.

At, hindi na ito mawawala pa.

####

Sinikap ni Vivi na umakyat ng puno. Pero dahil lalampa-lampa siya ngayon ay nahulog siya bigla-bigla.

"Inay kupu!!!" Hiyaw niya. Nagbalak kasi siyang umakyat dito para makapagpahinga muna ng tago.

Mabuti na lamang sa kaniyang pagbagsak ay nauna ang kaniyang puwitan. Pero siyempre, naging malutong ang pagbagsak niya. Nagpapasalamat siya dahil walang bahay na nakapaligid dito.

"Aray ko naman! Ang sakit. Letse." Naaasar na talaga siya. Wala siyang mahingan ng tulong, napapagod na siya, natatakot, nagugutom at higit sa lahat ay pwede na siyang mamatay dahil wala na siyang pag-asa.

"Pano ko naman matutupad yung misyon ng matandang hukluban na 'yun kung papatayin niya rin pala ako sa ganitong paraan? Sana, dineretso niya nalang ako kanina!" Pagmamaktol niya sa sarili.

Papaalis na sana siya nang may napansin siyang pigura ng isang tao. Hindi na niya ito masyadong maaninag dahil pagabi na.

Napraning tuloy siya bigla.
Kapre? Aswang? T-tikbalang? Nanginginig na isip niya sa sarili.

Lumapit ang pigurang iyon sa kaniya. Napasandal siya sa puno.
Takbo na Venus! Hanuba? Takbo! Pero hindi siya natinag sa kinatatayuan. Ni isang buhok ay walang gumalaw. Ayaw ng utak niya pero--
"Ano ang iyong pakay sa lupain ni Ka Tiago?"

At sa pagtama ng kanilang mga mata, naaninag niya ang pigura nito.

Isang binata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top