Otso

Mayroong tumigil na karwahe sa harapan ng bahay ni Ka-Tiago. Ito ay magara at halatang bagong liha.

Dumungaw mula sa bintana ng kaniyang kuwarto si Vivi. at ito ang una niyang natanaw.

Sino naman kaya iyon? May marahan na katok mula sa kaniyang kuwarto. Sa pagkakaalam na si T'ya Puring ang kumakatok sa kaniyang kuwarto ay nagmadali siyang tumayo sa kama at wala-walang pag-aayos ay binuksan niya ang pintuan.

"T'ya Puring ako na lang po ang mag-aayos sa aking sarili--" Ang ngiti sa kaniyang mukha ay nalaglag. Dahil hindi si T'ya Puring ang kaniyang pinagbuksan kung hindi ay si, "--Basti?!" Yamot na yamot na sabi niya sa binata sa may pintuan.

Nagulantang naman ang binata sa kaniya at agad na lumingon sa ibang direksyon.

"Hindi ka pa nag-aayos?" Nangigigil na saad sa kaniya ng binata.

"Bakit ka ba highblood na highblood sa akin ha?" Nakabusangot na tanong ni Vivi sa kaniya at inihili ang sarili sa may pintuan.

Napakunot ng noo ang binata at bumaling sa kaniya, "Ano? Hay...Hay, blad?" Nang mapansin nito ang pagtaas ng kilay ng dalaga ay agad muli niyang inialis ang  mata sa kaniya.

"Kako, eh bakit ba ang init-init ng ulo mo sa akin eh ang aga-aga. Baka mamaya ay putukan ka ng ugat diyan."

Bumuntong hininga ang binata sa kaniya at inis na inis na humarap muli sa kaniya. "Magbihis ka na lamang Vivi. Kay babae mong tao ay bigla-biglaan mo na lamang binubuksan ang iyong kuwarto. Hindi mo man lang itinanong kung sino ang taong kumakatok sa iyong silid."

Naitaas ni Vivi ang parehas na kilay, "Hindi uso 'yan sa akin. O s'ya ano bang pakay mo dito Basti?" Ikinalma niya ang sarili.

Iniabot nito sa kaniya ang isang tumpok ng damit. "Ipinaaabot sa akin ito ni T'ya Puring. Ibigay ko raw ito sa iyo. May bisitang dumating kaya kailangan mong magbihis ng maaga. Ipapakilala ka raw nila Ka Tiago kay Maria Clara. Ang sabi nga rin pala ni Tiya ay pasensya na dahil hindi ka raw niya maaayusan. "

Tumango siya at tinanggap naman agad iyon ni Vivi at napakunot ang noo, "Maria Clara?"

Tumango ang binata at nag-iwas na sa kaniya ng tingin. "Ako ay baba na." Iyon lamang at umalis na ang binata sa kaniyang harapan.

Maria Clara... Sounds so familiar. Parang sa kwento lang ni Rizal. Hehe.

##

Bumaba ng hagdan si Vivi at agad na namataan ang isang dalagang kumakausap kay Ka Tiago.

Napansin naman agad siya ng mga ito at agad na binati si ng matandang lalaki.

"Hija! Halika, halika. Ipapakilala kita sa aking inaanak." Malugod na pinalapit siya ni Ka Tiago at siya naman ay sumunod.

"Viv, si Maria Clara, ang aking inaanak. Maria Clara, si Venus maari mo siyang tawaging Vivi, ang aking paumanhin sa aking pamamahay."

Tumungo sila sa isa't-isa.

"Ikinagagalak kitang makilala." Mahinang sabi ni Maria Clara sa kaniya.

"Ako rin." Tipid na sagot niya dito. Nang mapatingin siya sa mata ng dalaga ay bigla siyang nanlamig. Ang mga mata nito ay masama sa kanya kung makatingin.

Teka, teka. Ano bang ginawa ko sa kaniya?

Wari ba'y hindi siya nito nagustuhan. Agad naman napangiti si Maria Clara nang ibaling nito ang atensyon ay Sebastian. "Matagal-tagal na rin tayong 'di nagkita Senor Sebastian." Magiliw na pagbati nito.

Nantaas ng kilay si Vivi, "Ah ganon." Bigla niyang pagsabi. Mabuti na lamang at nakagat na niya ang kaniyang dila bago pa man marinig ng mga ito ang nasa utak niya.

Imbyernang babae. Ang gusto pala ay lalake.

Napaikot niya ang kanyang mga mata ngunit nagpatuloy pa rin sa pag ngiti.

"Senorita Maria Clara, ikinagagalak ko ang iyong pagdalaw." Kinuha ni Sebastian ang kamay ng dalaga at hinalikan ito.

Nagulat naman si Vivi sa aksyon ng binata at natawa ng palihim. Napansin siya ni Ka Tiago kaya siya ay nagsalita dito ng palihim.

"Naku Ka Tiago, pwede rin po palang maging kagiliw-giliw itong si Basti. Grabe, kilig to the bones---Ooops."

Natawa ang matanda sa kaniya at tumango. "Tunay nga naman talagang kagiliw-giliw si Sebastian. Hmm, at mukhang nagkakaayos na kayong dalawa dahil ang tawag mo sa kaniya ay iba na." Halata namang natutuwa sa kanila si Ka Tiago.

"Ay sana nga po."

Tumikhim ng malakas si Sebastian at agad na napunta ang atensyon ni Vivi sa binata. Napakagat labi na lamang siya dahil mukhang iritado nanaman ang binata.

Mokong, iyang altapresyon mo baka sumagad. Aba, malilintikan ka talaga sa akin pag ikaw ay nahimatay na lang diyan bigla.

##

Nag-tanghalian ng sabay-sabay sina Ka Tiago, Sebastian, Maria Clara at Vivi sa may malaking terasa ng bahay. Nagkakakwentuhan ang tatlo ng masaya samantalang si Vivi naman ay susuko na. Paano ba naman kasi, ang mga tingin nanaman sa kaniya ni Maria Clara ay nakakainis na.

Sa tuwing sisingit siya sa usapan ay titingnan siya nito ng masama nahindi mahahalata ng iba. Kaya pinili na lamang niyang manahimik.

Naku ikaw babae ka. Konting-konti na lang...

"Vivi, ang iyong pakiramdam ba'y masama?" Napabaling siya kay Basti na nasa kabilang dulo niya. Lihim siyang umiling at nagpatuloy sa pagkain.

Kumunot naman ang noo ng binata at siya ring ikinasama ng tingin ni Maria Clara.

"Naku Sebastian, maayos lang kalagayan ni Senorita Venus kaya huwag kang mag-alala sa kaniya." Malumanay na saad ni Maria Clara ngunit nag pantig ang tenga ni Vivi.

"Tama ka diyan Senorita Maria Clara kaya ikaw ay manahimik na lamang." Nakangiting sabi niya at tumingin sa dalaga.

Kumunot lalo ang noo ni Sebastian. Tumayo ito at nagsalita, "Masama nga ang iyong pakiramdam. Halika't sasamahan kitang magpahangin sa labas."

"Ngunit hindi pa tapos ang ating pag kain." Nagtatakang sabi ni Maria Clara.

"Hayaan mo sila Hija, marami pa silang pinagdadaanan." Nakangiting sambit ni Ka Tiago.

"Pinagdadaanan?" Nandidiring komento ni Vivi ngunit tumayo na rin siya dahil gusto na niyang umalis sa lugar na iyon.  "Salamat Basti at ako ay sasama sa iyo." Tumango siya ng ulo sa binata at agad na nilapitan siya nito at inilahad ang kamay.

Nahalata naman niya ang tataray ng dalaga sa kaniya.

Paki ko? Mas maganda ako sa 'yo.

##

Nasa may labas na sila ng bahay ni ka Tiago at naglalakad papuntang bukirin.

"Nakaka-irata talaga asar!" Pagpipigil niya sa sarili at pinisil ang pamaypay na hawak niya.

"Sabi ko na nga ba at iyan ang reaksyon mo."

"Paano mo naman nasabi?" Kunot-noong tanong niya.

"Iba ka kasi sa mga dalagang nakilala ko..." Iyon lamang at nginitian siya nito.

Next Chapter po: AAMININ NI SEBASTIAN NA MAY GUSTO SIYA KAY.... :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top