Nueve

Dumating na si Maria Clara y Baramendia, and inaanak ni Don Santiago Barnadino, at ang babaeng balak ipakasal ng Don sa inaanak rin nitong si Sebastian.

Ngunit nang dumating ang isang misteryong dalaga sa kaniyang pamamahay ay nagbago rin agad ang iniisip nito.

Nang maiwan sa hapag kainan sina Maria Clara at si Ka Tiago ay agad na nagtanong ang Don sa dalaga.

"Hija, nagtataka ka ba kung sino ang dalaga?" Malumanay na tanong ni Ka Tiago.

Tumango ang dalaga at mahinhin na tumingin sa matanda, "Siya po ba'y kamag-anak ninyo Don Santiago?"

Bumaluktot ang mukha ng Don at sumagot, "Ikinalulungkot ko ngunit hindi ko siya kaano-ano."

Napaisip ng malalim ang dalaga, "Ngunit Don Santiago, bakit niyo po hinahayaan ang aking mapapangasawa na mag-sama kasama ang isang dalagang hindi ninyo po ka-dugo?" Mahna ngunit marahas na pag-tutol ng dalaga.

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Ka Tiago, mukhang hindi niya nagustuhan ang pag-tutol ng dalaga. "Bakit naman Maria Clara? Ikaw na mismo ang nagpasadya na huwag munang ipa-batid kay Sebastian ang balak ng iyong ama. Isa pa, hindi ganoong babae si Venus, kahit na hindi ko siya kadugo ay wari kong malinis ang kaniyang budhi."

##


"HACCHING!" Napasapo si Vivi sa kaniyang ilong, "Bastos ano ba 'yun." Bahagya niyang pinunasan ang kaniyang ilong gamit ang panyo.

Napansin din naman agad niya ang pandidiring tingin ng binata sa kaniya.

"Anuba? Eh sa gusto kong humaching. Ang kati kaya sa loob..." Binalewala na lamang ng dalaga ang tingin sa kaniya ng binata nagpatuloy na maglakad sa may bukirin. Maya-maya pa'y napansin niyang inabutan siya nito ng isang malaking panyo.

"Kung gusto mo binibini ay maaari mo itong ipantakip sa iyong ilong upang hindi mangati ang iyong ilong."

Gusto sana niyang tanggapin ito ang kaso, "Ayoko nga, may pawis mo na 'yan eh." Ang dahilan niya.

Napabuntong-hininga na lamang ang binata sa totoo lang ay hindi rin naman talaga nito alam kung paano titimplahin ang dalaga.

Itinago na lamang muli nito ang panyo sa bulsa at iginayak ang dalaga na umupo sa ilalim ng puno.

Nang maka-upo na ay tumabi siya rito.

"Kilala mo ba si Maria Clara?" Biglang pagtatanong ni Vivi sa binata. Saglit na tumingin sa ulap ang binata bago ito sumagot at humarap sa kaniya, wari bang nag-iisip kung sasagot ba ito o hindi.

"Ah.. Ayos lang naman sa akin kung ayaw mong sumagot." Biglang pagbabawi ni Vivi ngunit nakapagdesisyon na ang binata.

"Siya ang aking mapapangasawa pagdating ng panahon." Maikli ngunit mabigat na pagsasalita ng binata.

Nanlaki ang mga mata ni Vivi.

Ano daw... Mapapangasawa? As in wife, as in marry as in...

"HUMAYGASH ANO?!" Napasigaw siya at dali-dali na napatayo. Hinawakan niyang ang magkabilang dulo ng balikat ni Sebastian.

"Basti! Bakit ngayon mo lang sinabi ng engaged— Este, ikakasal ka na pala sa iba? I mean, este letse. Kailan pa, saan, bakit?" Inalog-alog niya ang binata hanggang sa napabalikwas na ito ng upo.

"Ku-kumalma ka Venus. Kalma." Pagtitigil nito sa kaniya at agad siyang tumigil. Kahiya-hiya nga naman, isa siyang dalaga sa panahon ng makaluma at inaalog niya ang isang binata.

Teka parang mali iyon ah...

"Hindi gan—"

"Hindi ganyan ang isang dalaga kumilos?" Pagpuputol ni Vivi sa sasabihin ng binata at tumabi na muli sa tabi nito. Siya ay napabuntong-hininga.

Napatingin naman sa kaniya ang binata na may kunot sa noo.

"Hindi, mali ka Vivi ang gusto ko lamang sabihin ay 'Hindi ganoon.' Dahil si Ka Tiago ang nag-isip ng dalaga aking mapapangasawa."

Nang mapabaling rin siya kay Sebastian ay nakangiti ito sa kaniya ng tipid. Napakuyom tuloy siya ng kamay.

Ano ba kasing gusto ng bruhang engkantadang baliw na iyon kay Basti ha?

"Sa totoo lang Vivi," Napabuntong hininga ito at iniayos ang sarili sa pagkaharap sa kaniya. "May gusto ako—"

Sa akin ba Basti? Ayos lang sa akin. Tayo na. Gusto nang sapakin ni Vivi ang sarili sa naiisip niya.

"Kay Maria Clara." Pagtatapos ni Sebastian sa mga salita nito.

Napaburangot naman ang dalaga.

Sabi ko na nga ba eh. Hanuva bhe? Napansin mo naman ang killer look niya sa akin. Hehe, pero joke lang Basti. Hindi naman talaga kita gusto eh. Echos ko lang iyon.

"Hmmm...." Napaisip ng malalim ang dalaga sa kaniya. "So... Este, ngayon. Anong gusto mong gawin ko?"

"Ako ba ay pinagtatarayan mo nanaman binibini?" Isang mapait na tono ang narinig niya sa binata.

Hinampas niya ito ng pabiro sa balikat, "Yak! Ako'y tigil-tigilan mo sa mga hirit mong ganyan.Tigilan mo na rin ako sa pagtawag na 'binibini'. Nakakasuka.  Hay nako, pero seryoso ako. Ano nga ba ang gusto mong ipagawa sa akin?"

Natawa ang binata sa kaniya ng bahagya bago itong sumagot sa kaniya, "Hindi naman sa may ipapagawa ako sa iyo Vivi. Mayroon lamang akong problema."

Saglit na napasinghap ang dalaga, "Ano iyon?"

"Mukhang hindi ko na gusto si Maria Clara at may iniibig na akong iba. Maaari mo ba akong tulungan?"

"Hala..." Naitakip niya ang pamaypay sa nakanganga niyang bibig. "Ngunit paano naman kita matutulungan?"

"Hindi ako maaaring ikasal sa babaeng hindi ko mahal Vivi. Masasaktan ko lamang siya at sa huli ay baka ako ay makagawa ng kasalanan." Tiningnan siya nito sa kaniyang mga mata ng malalim, wari bang naghahanap ng kung ano sa kaniyang mga mata.

Nailang naman agad siya kaya siya ay nag-iwas ng tingin.

"A-ano ba kasi ang maaari kong maitulong?"

"Alam ko na ikaw lamang ang kakaibang dalaga na nakilala ko sa tanan aking buhay. Batid ko rin na ito ay magagawa mo. Kaya Vivi, kahit na hindi kagandahan ang aking plano at ito ay hindi maganda sa imahen ng isang binata at dalaga sa ating panahon ay maaari mo ba itong gawin?"

"Oo na Basti ang kulit mo!" Pa-suspense ka pa koya.

"Vivi," Lumapit pa ito sa kaniya ng bahagya, "Maaari bang sabihin mo ay Ka Tiago na ako ay iyong iniibig?"

"Ano?!"

Seryoso ang binata sa sinabi nito at si vivi naman ay parang mapuputukan na ng ulirat.

"Pakinggan mo ako Vivi, kapag ating sinabi kay Ka Tiago na tayo ay nag-iibigan tiyak na siya ay magagalak."

"Ngunit hindi pa nga tayo ganoong magkakilala at taliwas pa sa aking memorya kung sino talaga ako at taga-saan."

Napabuntong-hininga na lamang ang binata. "Ikaw lang Vivi, Ikaw lamang..." Masama na ang tingin nito.

Napakamot naman siya ng ulo. "Sige titingnan ko..."

Ngunit hindi naman talaga niya alam ang gagawin at paano na 'yan? Malamang ay magiging mortal nakaaway na niya si Maria Clara.

May bruhang engkantada, may binatang laging highblood at dalagang imbyerna. Ano ba itong napasukan ko?!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top