Dose
Nakarating naman ng tahimik sina Vivi at Sebastian sa Laguna. Kinailangan pang umupo ni Vivi sa baba ng karwahe upang hindi siya masilayan ng mga espanyol.
Ngayon ay nakatulala lamang siya habang nakatingin sa labas. Yakap-yakap ang maliit na unan, bahagyang tumikhim ang binata na katapat niyang nakaupo.
"Binibini, malapit na tayo sa ating paroroonan."
Hindi siya umimik bagkus ay ipinikit ang kaniyang mga mata at binalikan ang mga pangyayari kaninang madaling araw.
"Paras! Senyor, nandito na po tayo." Narinig nina Vivi at Basti ang boses ng Ginoong nagpapatakbo ng karwahe.
Inayos nila ang kanilang sarili. binuksan ni Basti ang pintuan at naunang bumaba. Inilahad nito ang kamay sa harapan ng dalaga. Tinanggap naman agad iyon ni Vivi at malungkot na bumaba sa karwahe.
Bumaba na rin sa upuan ang Ginoo at tinulungan si Basti na magbaba ng mga mumunting gamit na kanilang nadala mula sa bahay nina Ka Tiago.
Huminga ng malalim si Vivi atsaka kinuha ang atensyon ng Ginoo na ngayon ay tapos nang magbaba ng mga gamit.
"Ginoo," tumikhim ang dalaga. "Marami--" Naputol ang pasasalamat ni Vivi at siya ay nanginig.
Nakakatakot. Lumakas ang pagaspas ng mga dahon sa puno, siya'y nanlamig, nanghina at parang hindi makahina. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa kaniyang nasilayan.
Alam ko na ito... Nandito na siya. Batid na nga talaga niya iyon.
Tila tumigil nanaman ang oras at pinagmasdan na niya ng mabuti ang Ginoo... Maya-maya pa'y, naging matandang babae na ito.
"Magandang araw Vivian."
"Ang Engkantanda..." Nanghihina at mapait na sabi niya.
Nangasim ang mukha ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya nang masama.
"O binibini, bakit ganyan ang mukha mo? Naguguluhan ka ba? Aba'y nararapat lang!"
"Bakit? Ano na bang nangyayari? Alam mo ba? Ano bang ginawa ko sayo?!" Halos nagmamakaawa na siya. Sa totoo lang ay hindi na niya alam ang gagawin.
"Gulong-gulo ka na ba? Venus, wala ka pa sa kalahati nang iyong misyon. Sa ngayon ay maraming mangyayari, at ang kapalit ng pangyayaring iyon ay ang buhay ng mga taong nasa paligid mo... O sa iyo."
"Ha..?" Napakislot siya sa kaniyang kinatatayuan. "Anong ibig mong...sabihin?"
"Bibigyan kita ng isang pahiwatig. Magkakaroon ng isang matinding digmaan. Mayroon ka pa ring limang pagkakataon. Huwag na huwag kang magkakamali sa iyong magiging desisyon. Pangalagaan mo ang buhay ni Sebastian hanggang sa kasukdulan ng digmaan."
Pagkatapos ay lumakas ang hangin at ang buhangin sa paa ni Vivi ay nakapuwing sa kaniyang mata. Nang maayos niya ang kaniyang mata ay nawala na ang matanda sa kaniyang harapan at bumalik na muli sa normal ang lahat.
Napakagat-labi siya. "Binibini?" Isang nag-aalalang binata ang kaniyang narinig. Agad naman siyang napalingon at nakita si Sebastian na papalapit sa kaniya.
"Basti... Ah, okay lang-- este, ayos lamang ako."
"Gusto mo na bang magpahinga? Halika na't tumuloy na tayo sa bagk nating tirahan." Ngumiti ito ng malumanay sa kaniya, na minsan lamang gawin ni Sebastian.
Marahil ay nakikisimpatiya ito sa kaniya sa mga biglaang pangyayari. Dahil kung iisipin nga naman ay kahapon lamang ay nakikipagbiruan pa sila sa isa't-isa, nagka-inisan pa nga sila ni Maria Clara, ngunit ngayon, bigla na lamang sila nalipat sa isang malayong baryo ng Laguna.
"Gusto ko na nga sigurong magpahinga." Sinuklian niya ang binata ng isang ngiti. Bumaling siya sa Ginoo na ngayon ay papaupo na sa kaniyang karwahe.
"Marami pong salamat Ginoo!" Wika niya dito.
Sumaludo naman ito sa kaniya at nagpaalam. "Adios Senyor, Senyorita."
Nagwagay-way ito ng kamay at ipinatakbo ang karwahe.
Digmaan? Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Sina Ka Tiago, Tiya Puring, Sebastian... sige na nga, pati si Maria Clara. Anong mangyayari sa kanila?
◇◆◇◆◇
Mayroon talagang bumabagabag kay Vivi, dahil bigla na lamang ito namutla. Paliligayahin ko ba siya?
Dala-dala ang mga gamit, pinauna ni Sebastian si Vivi na maglakad. Sa likod sila ng bago nilang tirahan inihatid ng kutsero. Mga kaunting hakabang lang ay nasilayan na nila ang bahay.
Hindi ito kagarbo katulad ng bahay ni Kapitan Tiago, nguniy sapat na ito para sa kanilang dalawa. May mga halamanan rin ito sa harap at makikita mong maraming tanim na prutas at gulay sa tabi-tabi nito. Mukhang may nag-aalaga ng lugar na ito bago pa sila makadating dito.
Nang makatapat na sila sa hagdanan ay agad niyang inalok si Vivi na umakyat roon at pumasok sa loob. Inibaba niya ang mga gamit at umakyat hanggang sa dalawang hagdan at inilahad ang kamay sa dalaga. Napansin naman niya ang pagkalito sa kaniya.
"Bakit parang maya't-maya mo ata ibinibigay 'yang kamay mo sa akin?"
Nagkibit-balikat lamang siya. Ngunit sa kaniyang pinakaloob ay alam niyang tungkulin iyon ng isang binata kapag ang isang dalaga ay nanghihina o nanlulumo.
"Alam mo Basti, ayos lang talaga ako. Atsaka, ang dami-dami mo nang dinala at binuhat kaya ibaba mo na 'yan at sa halip na ako ang iyong iakyat ay yung mga bagahe na lang natin."
nag-dire-diretso si Vivi sa pag-akyat ng hagdan hanggang sa makaabot ito sa pintuan. Nag-kamot naman ng batok ang binata at napaismid.
"Ngayon na nga lang ako gagawa ng kabutihan..." Bulong nito sa sarili.
Napalingon ang dalaga sa kaniya. "May sinasabi ka?"
"Wala po Senyora Vivi."
"Magaling, Facundo." Ang sagot nito sa kaniya.
Facundo? Sino 'yun?
◆◇◆◇◆◇◆
Nang kinaumagahan ay nagpahatid si Maria Clara sa simbahan ng kanilang bayan. Dali-dali siyang pumasok sa loob at lumuhod sa harap ng altar.
"Patawarin niyo po ako't magsasabi ako ng totoo sa prayle." Pagkatapos non ay naghanap siya ng sakristan upang ipabatid sa kanila na nais niyang mangumpisal.
Nang maayos ang lahat ay pinapasok siya sa isang pribadong kwarto at doon ay lumuhod at nagsimulang mangumpisal.
"Padre, nais ko pong sabihin ang kasala-salang aking narinig."
"Ano iyon Hija?"
"Sina Don Santiago ho Padre..."
♤♤♤♤♤
A/N: Hola! Hola Banana~ Maikling update po uli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top