♦️PANAGINIP Ko'y IKAW♦️
JACOB
Habang mabagal siyang naglalakad palapit sa akin, suot ang napakaganda niyang wedding gown. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. At habang pinagmamasdan ko siya, magkahalong kaba, saya at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hindi ko kayang pigilin ang pagtulo ng aking mga luha.
Habang marahan siyang naglalakad palapit sa akin, kasabay nito ang pagragasa ng mga alaala kung saan ko siya unang nakita.
3 years ago
Habang nagmamaneho ako pabalik sa Manila, galing ako noon sa isang business trip. Isang humaharurot na sasakyan ang biglang bumangga sa aking kotse. Dahilan para magpagulong-gulong ang aking sasakyan, at sumalpok sa malaking puno ng Acacia sa tabi ng kalsada. Hindi ko alam kung ilang beses na-umpog ang aking ulo dahil doon. Hanggang bigla na lang namanhid ang aking buong katawan at unti-unting nagdilim ang aking buong paligid. Napunta ako sa napakadilim na lugar. Wala akong makita, kundi puro kadiliman. Hindi ko alam kung gaano katagal akong namalagi sa lugar na iyon.
Hanggang sa may natanaw akong liwanag mula sa malayo. Tumakbo ako nang tumakbo para makalapit doon.
Isang napakagandang talon ang aking narating. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Napakaganda ng lugar na iyon, malinis ang tubig na nagmumula sa talon. At maraming magagandang ibon ang nagliliparan sa sanga ng mga punong kahoy na nasa gilid ng talon. Nagkalat din ang iba't-ibang kulay ng mga paro-paro na malayang lumilipad sa ibabaw ng mga ligaw na bulaklak. Nang tumitig ako sa mala-kristal na tubig ay para akong nananalamin dahil sa sobrang linaw nito. Malaya ko ring mapapanood sa ilalim ng tubig ang tila naghahabulang mga isda. Talagang namamangha ako sa aking nakikita. Ngayon lamang ako nakarating sa ganito kagandang lugar.
Ngunit ang higit na pumukaw sa aking pansin ay ang babaeng nakaupo sa malaking bato. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tanging ang kanyang mahabang buhok na tinatangay ng hangin ang aking pinagmamasdan.
Bigla siyang lumingon, at nagulat siya nang makita ako. Pero unti-unti rin siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ko ang kanyang magandang mukha. Animo'y Dyosa ang kanyang kagandahan.
Ang ganda ng kanyang mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang manipis niyang labi. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ng mga oras na iyon. Marahil ay na love at first sight ako sa babaeng ito. Tila bumagal ang oras ng mga sandaling iyon. Maging ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa talon ay tila musika sa aking pandinig habang nakatitig kami sa isa't isa.
"Hello. Bakit ka nandito?" tanong niya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Ang ganda niya talaga, lalo na kapag ngumingiti siya. Nagkakaroon kasi ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang malamyos niyang tinig. Tunay itong nakahahalina.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito, eh, ikaw ba? Bakit ka nandito?" balik tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam," sagot niya.
Sabay kaming natawa. "Hindi mo rin pala alam kung bakit nandito ka. Pero, anong lugar kaya ito? Ang ganda, eh, ngayon lamang ako nakarating sa ganito kagandang lugar."
Biglang tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo niya sa ibabaw ng malaking bato. Inayos ang bistidang suot, pati ang kaunting buhok na tumabing sa mukha ay marahang hinawi at saka inipit sa kanyang punong tainga.
Hindi ko alam kung kumukurap pa ba ako habang nakatitig sa kanya.
"Halika, maglakad-lakad tayo," sabi niya, "Sayang naman itong magandang lugar kung hindi natin lilibutin,'di ba?" Tumawa siya. "Ang ganda pa naman," dagdag niya.
Napansin kong matangkad din pala siya. Pwede siyang maging modelo sa taglay niyang ganda at tangkad.
"Oo nga, ang ganda mo." Hindi ko alam kung bakit ang mga salitang iyon ang lumabas sa bibig ko.
"Salamat," sabi niya. Nakaukit pa rin ang matamis na ngiti sa mapupula niyang labi.
Nahiya naman ako nang ma-realize ko ang aking sinabi. Kaya ibinaling ko na lang sa ibang direksyon ang aking tingin.
Masaya kaming naglakad-lakad sa paligid ng talon.
Nakakatuwa siyang pagmasdan habang nilalaro-laro niya ang tubig sa kanyang mga paa. Para siyang bata na aliw na aliw sa paglalaro.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong niya sa akin
Sasagot na sana ako sa tanong niya ngunit bigla na lang may malakas na hangin ang humila sa akin paalis sa lugar na iyon. Hanggang sa hindi ko na siya makita. Wala na naman akong makita kundi puro kadiliman. Muli na naman akong bumalik sa lugar na iyon. Para akong nasa black dimension. Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal sa lugar na ito. Kahit saan ako pumunta ay wala akong maaninag ni kaunting liwanag.
Muli akong nabuhayan ng loob nang may nakita akong alitaptap na lumilipad, sinundan ko ito.
Then, one day, bigla na lang akong nagising. Nakahiga ako sa isang hospital bed, nakasemento ang aking kaliwang paa, naka-dextrose at kung ano-ano pang mga aparatos ang nakakabit sa aking katawan.
Ngunit ang higit na ikinagulat ko, ay ang babaeng mahimbing na natutulog habang nakaupo. Nakaunan ang kanyang ulo sa gilid ng kama na hinihigaan ko at hawak niya ang aking kamay. Nakaharap ang mukha niya sa akin, kaya naman kitang-kita ko ang maamo niyang mukha, para siyang anghel na mahimbing na natutulog. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya, ang matangos niyang ilong at mapupulang labi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo ang mga luha sa aking mga mata pagkakita ko sa kanya. Akala ko'y hindi ko na siya muling makikita pa. Pero paanong nangyari na nandito siya? Samantalang hindi naman kami magkakilala?
CARMELLA
Malakas ang kabog ng aking dibdib. Ganito pala ang feeling kapag ikakasal ka na. Sobrang saya, and at the same time nakaka-kaba rin. Grabe!
Biglang bumukas ang pinto ng simbahan.
Mula sa bungad ng simbahan ay nakikita ko ang mga tao sa loob na nakatayo at nag-aabang sa pagpasok ko. Lahat ata sila ay nakangiti. Maging ang mama at papa ko na ngayon ay magaling na, ay magkaharap na naghihintay sa akin sa gitna ng aisle. Totoo na talaga ito, hindi lang isang panaginip. Biglang nag-play ang isang instrumental music, isa iyon sa mga favorite song namin ni Jacob. Hudyat na para humakbang ako papasok sa entrance ng simbahan. Ang sarap sa pakiramdam habang humahakbang ako nang marahan sa gitna ng aisle. Nalalatagan ito ng pulang tela na mayroong mga nagkalat na petals ng puting rosas.
Lahat ng tao sa paligid ko ay nakatingin sa akin. Pero sa mga oras na ito, sa isang tao lang talaga naka-focus ang aking mga mata. Sa lalaking lumuluha sa dulo ng aisle, punong-puno ng pagmamahal na nakatitig sa akin at naghihintay.
Si Jacob Villafuerte. Ang lalaking pinakamamahal ko, ang buhay ko.
Sa bawat marahang paghakbang ko, kasabay rin nito ang mga alaala kung paano nagsimula ang aming kwento. Ang kwento na noong una, akala ko'y imposibleng magkatotoo.
"Ate! Wake up na! Ate, gising!" Sigaw ng kapatid ko ang gumising sa akin.
"Bakit ba? Nakakainis ka naman, eh. Panira ka talaga ng moment! Hindi ko tuloy nalaman ang pangalan niya. Nakakainis ka talaga! Ba't mo ba ako ginising?" sabay hampas ko sa kanya ng unan.
"Saka ka na magmoment d'yan, ate! Si Papa kasi..." bigla siyang umatungal ng iyak. "Inataki. Isinugod ni Mama sa hospital. Sundan natin sila, ate. Bilisan mo, bumangon ka na riyan."
Para akong binuhusan ng tubig dahil sa sinabi niya.
"Oh, God! Ba't hindi mo agad ako ginising? May emergency pala. Tara na dali."
Mabilis akong bumangon. Ni hindi ko na nakuha pang magbihis. Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at tumakbo na palabas ng bahay. Sumunod naman sa akin ang aking kapatid.
Pagdating namin sa hospital, nasa E.R pa raw si Papa sabi ni Mama. Naabutan namin siyang balisa sa waiting area sa labas ng emergency room.
Mayamaya'y lumabas na ang doctor na sumuri kay papa, stable na raw ang lagay niya. Kaya lang na-mild stroke naman siya. Malaki naman ang chance na gumaling pa raw si Papa sa tulong ng therapist, at ngayon ay nasa private room na siya.
Kinabukasan ay bumalik kami ng kapatid ko sa hospital para palitan si Mama sa pagbabantay kay papa. Pupunta sana ako sa canteen nitong hospital para bumili ng snacks. Kaya lang pagtapat ko sa katabing room ni Papa ay bahagyang nakabukas ang pinto, kaya natanaw ko ang pasyenteng nasa loob. Hindi ko alam kung bakit parang hinihila ang mga paa kong lumapit sa pintuan ng kwartong iyon. Sumilip ako sa loob at laking gulat ko nang makita ang mukha ng lalaking pasyente. Para akong na-istatwa sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung kikilabutan ba ako, kung matatakot ba, o matutuwa ba ako. Ang weird ng feelings ko nang mga oras na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang lalaking iyon, ang lalaking nakita ko sa waterfall. Gusto kong umalis na ngunit may parte ng pagkatao ko ang nagsasabing lapitan ko siya.
"Miss, pasok ka. Kaibigan mo ba ang pasyente?" tanong sa akin ng nurse na nagbabantay sa lalaki.
Hindi ako sumagot pero dahan-dahan akong lumapit sa kama.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa nurse.
"Car accident po, ma'am. Comatose siya for almost five months na po, ma'am." sagot niya sa akin. Para naman akong naawa sa lalaking walang malay tao na nakaratay sa aking harapan.
"May pag-asa bang magkamalay pa siya?" tanong ko ulit sa nurse.
"Ayon kay doc, sixty percent ang chance na magising pa siya. Kaya hindi rin po naggi-give up ang family niya."
Parang bigla ring nabuhayan ang loob ko dahil sa sinabi ng nurse.
After one week, nakalabas din si Papa sa hospital. Pero patuloy pa rin akong bumabalik sa lugar na iyon kapag wala akong trabaho. Palagi kong dinadalaw si Jacob.
Alam ko na ang pangalan niya dahil na-meet ko na rin ang mga magulang niya. Akala nila isa ako sa mga kaibigan ni Jacob. Nagsinungaling ako sa parents niya. Hanggang sa naging magaan na ang loob nila sa akin. Bahala na. Bahala na kapag gumising siya, iyon ang sinasabi ko sa sarili ko. Sinasabi ng puso kong bantatayan ko siya at alagaan. Hindi naman siguro masamang sundin ko iyon.
Tinatanong ko rin ang sarili ko, what if magising na siya? Makikilala niya kaya ako? Pero wala akong pakialam kung sakali mang hindi niya ako makilala o kahit maalala man lang. Ang mahalaga sa akin ay ang muli siyang magising. Makita ko lang siyang buhay, magiging masaya na rin ako. Sapat na iyon para sa akin. Hindi na siguro kailangang makilala niya pa ako sa oras na magising na siya.
Nagising ako nang maramdaman kong may pumipisil sa kamay ko. Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at laking gulat ko nang makita ko ang kamay ni Jacob na mahigpit na nakahawak sa aking kamay. Kaya naman ibinaling ko ang aking tingin sa nagmamay-ari ng kamay na iyon.
Mukha nang nakangiting Jacob ang sumalubong sa aking mga mata. Gising na siya, for almost one year and a half, finally nagising na rin siya.
"G-gising ka na?" Agad akong tumayo. "Tatawagin ko lang si Dr. Mariano," sabi ko sa kanya. Tatanggalin ko na sana ang kamay niyang nakahawak sa akin, kaya lang ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Huwag na. Galing na rin dito si Dr. Mariano. Tulog ka kasi kaya hindi ka na namin ginising," sabi niya, habang nakangiti pa rin siya sa akin. "At gusto ko... dito ka lang sa tabi ko, Miss Waterfall."
Parang nag-echo sa pandinig ko iyong itinawag niya sa akin. Ibig sabihin ay naaalala niya ako? Nang marinig ko iyong sinabi niya'y parang nag-slow motion ang lahat, parang umangat ang mga paa ko sa sahig, tila nakalutang ako sa alapaap.
Marahan niya akong hinila palapit sa kanya.
Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng aking puso. Sobrang bilis nang tibok nito habang magkahinang ang aming mga mata. Feeling ko ay makakapusan na yata ako ng hininga.
Hindi ko na kayang pigilin ang isinisigaw ng puso't isip ko.
Bigla ko siyang niyakap at kasabay nito ang unti-unting pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Basta ang alam ko lang nang mga oras na iyon ay pareho ang itinitibok ng aming mga puso.
"Salamat at nandito ka sa tabi ko, Miss Waterfall." Niyakap niya rin ako nang mahigpit.
"Carmella. Carmella Delos Reyes ang pangalan ko," pakilala ko sa kanya.
Magkayakap pa rin kaming dalawa. Para bang sobrang tagal na naming magkakilala.
Wala na akong pakialam kahit marinig niya pa ang tibok ng aking puso. Ang lakas kasi, eh! Nagwawala at hindi ko mapigil.
"I'm Jacob. Jacob Villafuerte, nice to meet you, Carmella," turan niya.
Finally after 3 years ito na. Sino ba ang mag-aakala na ang una naming pagkikita sa panaginip ay magkakaroon ng happy ending love story?
And now, it's time for exchanging vows.
Nakatitig kaming dalawa sa isa't isa. Nakikita ko ang labis na kasiyahan sa kanyang mga mata. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos dahil ibinigay niya sa akin ang lalaking ito. Kinakabahan ako nang makita kong naghahanda na siya para magsalita.
Ano kaya ang sasabihin ni Jacob?
Kinakabahan ako at nanlalamig ang buo kong katawan.
"Ahm. Hindi ko alam kung paano sisimulan 'to..." Tumawa siya nang bahagya. "Akala ko noong time na na-aksidente ako ay katapusan ko na talaga. Pero kung hindi dahil sa aksidenteng 'yon, marahil hindi rin siguro kita makikita. Siguro hindi kita makikilala. Weird mang isipin, iyon siguro ang way ni God para magtagpo tayong dalawa, Carmella. Honey, nang oras na nagising ako at ikaw agad ang nakita ko, akala ko nananaginip lang ako. Pero hindi, eh, it's all real... nasa tabi nga talaga kita noong time na iyon. Carmella, honey... you are my only one true love. I promise that, I will take care of you, and I will love you forever. Until the end, until my last breath... I will love you so much, Carmella. My beautiful waterfall princess,"
Nang ibaling ko ang tingin sa buong paligid ay nakita kong naluluha rin sila. Akala ko ako lang ang umiiyak sa saya, maging sila man ay lumuluha rin dahil sa tuwa.
Hindi ko maiwasang 'di maiyak habang tinititigan ko si Jacob. Pinunasan niya ang mga luha ko, gamit ang kanyang hinlalaki. I love him so much.
"Jacob, honey... napakabuti mong tao, kaya binigyan ka ni God ng second chance para muli pang mabuhay... and I'm so thankful, kasi sa second chance na iyon kasama mo, hindi lang ang family mo, hindi lang ang mga kaibigan mo, nandito rin ako. Lahat ng mahalaga sa 'yo ay mahalaga rin sa akin, at lahat ng mahal mo; mamahalin ko rin. Ipinapangako kong magmula sa oras na ito at sa mga susunod pang taon ng buhay ko, you will never be alone. I promise to stand by you, and hold your hand tight to this journey. Kahit anong pagsubok man ang dumating sa atin, palagi lang akong nasa tabi mo. I love you, and I love you forever with all my heart. I love you so much, my waterfall prince."
Hindi ko alam kong paano ko nasabi nang maayos ang mga salitang iyon sa pagitan nang paghikbi. Ganito pala talaga ka-emosyonal kapag ikinakasal. Dati tinatawanan ko lang ang mga kaibigan ko noong ikinasal sila dahil iyakan nang iyakan. Now I know!
Umaapaw ang kaligayahan sa aking puso. Pati na rin ang mga mahalagang tao sa paligid namin. Alam kong masayang masaya rin sila tulad namin ni Jacob.
"Carmella. Do you think Jacob, his present for a lawful husband according to the right of our holy mother, the church."
"Yes, I do." Naluluha pa rin ako nang sabihin ko ang mga salitang iyon habang magkahinang ang aming mga mata.
"Do you accept him as your lawful husband?"
"Yes, I do."
"Jacob. Do you think Carmella, her present for a lawful wife. According to the right of our holy mother, the church?"
Pinisil niya ang aking mga kamay saka siya masuyong ngumiti sa akin. "Yes, I do."
"Do you gave yourself to her as her husband?"
"Yes, I do."
"Do you accept her as your lawful wife?"
"Yes, I do."
"God will lay his hands on this union. You will face more challenges in life because you both choice to be for God." Sandaling tumitig sa amin si Father Francis, ang paring nagkakasal sa amin.
"Carmella, honey... wear this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the father, and of the son and of the holy spirit. Amen." Feeling ko nanginginig ang kamay ni Jacob habang isinusuot niya ang singing sa daliri ko.
"Jacob, honey... wear this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen." Dahan-dahan kong isinuot sa daliri niya ang singing na tanda ng aking katapatan at pagmamahal sa kanya. Nakangiti siya sa akin ng ubod tamis. Finally asawa ko na ang lalaking una at huli kong mamahalin.
"And now, you are finally husband and wife. You may kiss your wife, Jacob," nakangiting sabi ni Father Francis.
"Oh. Yes!" malakas na sabi niya kasunod ng ingay ng tawanan sa paligid. "Pa'no ba 'yan, wifey? Ang tagal kong hinintay ito," dagdag pa niya habang itinataas ang suot kong belo. Natawa na lang ako sa kanya. Walang tigil sa pag-cheer ang mga mahahalagang tao sa paligid namin, nakaukit sa mga labi nila ang masayang ngiti.
"I love you so much, wife. Mrs. Carmella Villafuerte. Akin ka na talaga! Finally!"
Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya. Dahil bigla na lang niya akong hinalikan, at ngayon ay magkalapat na ang aming mga labi. Kinurot ko na lang si Jacob, ang bilis niya, eh.
The end..
(A/N)
Hello guys, hope you like it. Thanks for reading my story. Lovelots!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top