Precious (One Shot)
Isa po ito sa mga earliest works ko. And dahil wala pa akong time na i-edit siya, please expect errors and excuse my amateur writing style.
UNREVISED
Copyright © 2013
girlinparis
All rights reserved.
—————
Young Love One-Shot #1
"Prei, ulo mo!!" narinig kong sabi ng lalaki sa may likuran ko.
Lilingon pa sana ako sa likod ng makaramdam ako ng bola na tumama sa ulo ko. "Aray!"
Sa sobrang lakas, napadapa na ako sa lupa. Napahawak ako sa likod ng ulo ko habang umuupo. Puta. Parang nayanig ang buong ulo ko dun ah.
"Prei, ok ka lang?" Binatukan ko naman ang bestfriend kong nagtanong kung okay lang ako. Natamaan na nga ako ng bola. Okay pa ko? E hunghang naman pala tong lalaking to.
"Aray naman. Para san yun?" Hinimas niya ang ulo niya. "Sa pagtatanong kung okay lang ako. Natamaan ako ng bola sa ulo, napaupo pa ko sa putik. Sa tingin mo okay lang ako? Ikaw?! Okay ka lang?"
Ginulo naman niya ang buhok ko at sa gulat ko, dumapa siya sa putik at nagpabalik-balik na parang bata. "O ayan na ha!"
"Ano namang kabalbalan yan Nicholo?"
"Dinadamayan lang kita.." Narinig ko naman ang tawanan ng mga kateam naming lalaki. "Mukha kang baboy, Nico. Hahahahaha."
Napatigil nalang siya ng magsalita si Coach, "Nicolo! Precious! Go back to training! Now!" Napakamot naman siya ng ulo at tumayo na. Inilahad niya ang kamay niya sakin at itinayo ako. Aba dapat lang. Kanina pa sumasakit pwet ko dito no.
Nagpasahan naman kami ng bola ni Nicolo gaya ng ginagawa namin kanina. Pero nung pinasa ko na sa kanya, lumampas lang sa kanya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa likod ko kaya tumingin din ako.
Ah! Si Mycki pala. Sino siya? Ang babaeng gusto lang naman ni Nicolo. Hindi ko ba alam diyan sa lalaking yan kung anong nagustuhan niya kay Mycki e ang sama-sama naman ng ugali niyan. Isa siyang malaking paasa. Mahilig siyang magpaasa ng tao. Eto namang si Nico dahil tanga, umasa.
"Hoy Nico! May balak ka pa bang kunin yung bola? Kasi kung wala.. Magwa-walling nalang ako."
"Grabe, ang ganda niya talaga." Napakunot na lang ang kilay ko sa sinabi niya. Hay. Kelan kaya darating ang araw na ako naman ang magugustuhan niya? Na ako naman ang sasabihan niya ng maganda?
Sa inis ko, kinuha ko na yung bola kanina at nag-walling nalang. Wala siyang kwenta. Ang manhid manhid niya. Hindi niya ba nakikita na nasasaktan ako? Tanga, syempre hindi. E kay Mycki naman lahat ng atensyon niya.
Sa lahat ng ginawa ko para sa kanya, hindi niya parin alam? E kaya nga ako sumali dito sa football team, i mean hindi naman talaga sumali. Nakikisali lang talaga ako dito sa mga training pero kapag laban hindi na. Boys team lang kaya to walang girls kaya hindi ako pwedeng sumali. Nagpaalam lang talaga ako na makikisali lang ako sa mga practice kasi gusto ni Nico na nandito ako. Nagpalipat din ako ng section, kaya magkasection kami. Bakit? Kasi gusto ni Nico. E lahat naman ata ng gusto ni Nico, ginagawa ko eh. Ganyan ako katanga sa kanya.
Pati nga sariling ayos ko, pinakelaman niya. Wag daw akong gumaya kina Mycki na magaganda magdamit o magaganda mag-ayos kasi hindi naman daw ako magandan at hindi naman daw bagay sakin. Mas bagay daw na ayos sakin yung mga tshirt lang, nakapants, o rubber shoes. Ang sakit no? Harap-harapan niya yang sinabi sakin pero hindi ko na lang pinakita sa kanya na naiiyak na ko. Babae pa rin naman ako, pero bakit ganun na lang niya akong insultuhin? Tinawanan ko na lang siya at sinabi sa kanyang tibo ako kahit hindi naman.
"Huy Prei. Sorry na. Practice na ulit tayo."
"Huli ka na. Hindi na kita kailangan oh."
--
"Tol, aatend ka ba ng prom?" tanong sakin ni Nico, siniko ko naman siya. "Nang-aasar ka ba? E ayoko nga ng umaatend ng ganyan eh."
"Umattend ka na.. please." pagpupumilit niya sakin, "Bakit ba? E wala namang mag-yayaya sakin. Ayoko."
"E ano ngayon, hayaan mo na." Ang lalaking to kung makapagsabi ng hayaan mo porke may partner na siya. "E sa ayoko eh! Wag ka nga magpumilit diyan.."
"Ah basta sasabihin ko kay tita." Tinulak ko naman siya kaya napatawa siya. "Subukan mo."
Naglalakad na nga pala kami papunta sa room namin nung magsalita ulit siya. "Punta ka sa laro namin sa Saturday ha. May sasabihin ako sa'yo."
Bigla naman akong kinabahan nung ngumiti siya sakin. "Ha? Ano naman?" Kinurot niya ang pisngi ko at sumagot, "Basta sa Saturday na lang."
Ano naman kaya yon? Bakit parang kinabahan ako. Dapat ba kong kabahan.. sa sasabihin niya?
Dumating ang dismissal at nauna siyang tumayo sakin, "Diyan ka lang ha. Babalikan kita dito."
"Bakit? San ka pupunta, Nico?! NICO!" Hindi siya tumingin sakin pabalik at dire-diretsong lumabas ng pintuan.
Hindi niya siguro napansin na sinundan ko siya at nakita ko namang huminto siya sa locker room ng girls. Anong gagawin niya dito?
Dahil sa curiousity na din siguro, sinundan ko siya ng hindi man lang niya napapansin. Pumunta siya sa dulo ng mga locker at ako naman todo tago sa may dulo din. Kitang-kita ko siya na parang may hinahanap at nanigas ako ng makita ko ang tatagpuin niyang.. babae.
Si Mycki.
Ang babaeng gusto niya. Ang babaeng gusto ng gusto ko.
"Totoo ba yung tinext mo sakin? Sinasagot mo na ko?" tuwang-tuwa niyang sabi. Kitang-kita ko ang saya sa mga labi niya kahit nakaside-view siya. Ngayon ko lang ata siya nakitang ganitong kasaya.
Nakita kong tumango si Mycki at nagyakapan silang dalawa. Akala ko, yun na ang pinakamasakit na makikita ko sa buong buhay ko. Mali pala ako. Nung nakita ko silang magkahalikan, para akong sinaksak ng ilang beses sa dibdib. Sa sobrang sakit, napahawak na lang ako sa dibdib ko at sa bibig ko para hindi nila marinig ang hikbi ko.
Lumabas na ako ng locker room ng hindi nila napapansin dahil busy sila sa isa't-isa. Sana hindi ko nalang pala siya sinundan. Pero naisip ko, kung hindi ko siya sinundan.. Aasa at aasa parin ako sa kanya. Ang tanga ko. Pareho lang pala kami ni Nico dati, pero siya.. nakuha na niya si Mycki. Ako, nganga.
"Prei!" Napatigil ako ng marinig ko ang boses na yun. Pasimple kong pinunasan ang nag-uunahang luha sa mata ko.
"Di ba sabi ko wag kang aalis? Pasan ka?"
"Ang tagal mo eh. Malay ko ba na babalik ka. Ayoko ngang maghintay sa taong hindi naman ako siguradong babalikan ako." Hinigit niya ako sa braso at nakita kong mag-isa lang siya. Oh nasaan na ang mahal niyang prinsesa?
"Anong problema mo? Bakit ka nagdadrama diyan?"
"Hindi ako nagdadrama.. Uuwi na ko. Pagod na pagod na ko."
"Nandito na nga ako di ba? Ihahatid na kita.." Hinawakan niya ako sa braso at hahakbang na sana paalis ng inalis ko ang pagkakahawak niya sakin, "Hindi mo na ko kailangan ihatid."
"Bakit? Di ba lagi naman natin tong ginagawa tska gusto ko lang sabihin sa'yo yung good news ko-" napatigil naman siya nung may marinig kaming nagsalita.
"Mycki! Siya nga pala, si.. Precious. Bestfriend ko. Precious, si Mycki.. Girlfriend ko." pagpapakilala niya ng may ngiti sa labi.
Bakit ganun, alam ko na di ba? Bakit mas masakit ata kapag sa kanya na mismo nanggaling na may girlfriend na siya?
"Pauwi ka na ba? Wala kasing susundo sakin ngayon eh.. Pwede ba akong makisabay sa inyo?" Bigla namang nanliwanag ang mukha niya ng sabihin yun ni Mycki. Napailing na lang ako. Basta talaga sa taong mahal niya, kakalimutan na niya ko.
Humakbang na ako paalis, ng hindi man lang niya ako pinipigilan. Syempre kasama na niya ang mahal niya eh. Ano ka ba precious! Bakit ba iyak ka ng iyak diyan, wala namang kakaiyak sa sitwasyon mo eh. Napakababaw, isang lalaki lang yan pero kung makaiyak ka diyan daig mo pa ang namatayan ng mahal sa buhay.
Simula ng araw na yun, umiwas na ko sa kanya. Nakakatawa no? Alam kong may pagkachildish ang ginawa ko pero masisisi niyo ba kung nasaktan lang talaga ko? Siguro napansin niya yun kaya hindi niya ako tinigilan sa kakatanong niya sakin kung ano daw problema ko.
"Precious, makakapunta ka naman sa Sabado di ba?"
"Hindi."
"Galit ka ba sakin? Ano bang ginawa ko sa'yo?"
"Wala."
"Wala? Wag mo na nga akong lokohin, alam kong meron kaya sabihin mo na hindi yung ganyan kang nag-iinarte diyan!" Hinigpitan niya ang hawak niya sa balikat ko kaya napangiwi ako sa sakit pero parang wala siyang nakita at hindi parin siya bumitaw.
"Layuan mo na lang muna ako please-"
"Bakit ko gagawin yun? Sabihin mo, bakit? Anong dahilan?! Akala ko ba walang iwanan?! Ano bang nangyayari sa'yo ha?!"
"Kasi mahal kita!" nakita kong ang gulat sa mata niya nung tumungo ako. Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin at pinahid ang mga nag-uunahang luha sa mata ko. Ayokong makita ang reaksyon niya, alam ko naman eh. Alam ko namang hindi niya ako kayang mahalin bilang isang babae kundi isang kaibigan lang pero natatakot pa rin ako kasi kahit hindi ko aminin sa sarili ko.. Umaasa ako na mali ang iniisip ko.
Umaasa ako na mamahalin niya ako kaya natatakot ako sa magiging sagot niya.
"Hirap na hirap na ko, Nico. Makita ko pa lang kayong masayang magkasama, para mo na ding isinampal sakin na kahit kailan hindi kita kayang mapasaya. Ito lang ang nakikita kong paraan para makalimutan kita, Nico. Gustong-gusto kong isipin na wala lang tong nararamdaman kong to pero hindi eh. Totoo. At ang sakit sakin na dahil minahal kita, masisira din ang pagkakaibigan natin ng dahil sakin. Pero ang sakit na kasi, Nico. Pagod na pagod na kong umiyak.."
"I'm sorry."
"Wag kang mag-sorry, Nico lalo na't hindi ko alam kung para saan ang sorry mo. Sorry dahil hindi mo alam na mahal kita? Sorry dahil nasasaktan ako? O sorry dahil.. dahil hindi mo ako kayang mahalin?"
"Sabihin mo na ang kahit ano wag lang yan.. dahil hindi ko yan matatanggap, Nico.." pagpapatuloy ko.
Nakatungo lang siya at nakikinig sa sinasabi ko. Wala siyang sinasabi pero sa ginagawa niyang yun, nasasaktan ako. Bakit? Dahil alam ko na ang gusto niyang sabihin sakin.
Na wala akong pag-asa and he's sorry for that. Hindi magbabago yun hanggat mahal niya si Mycki. Hindi magbabago ang pagtingin niya sakin hanggat may mahal siyang iba. Ang saklap no? Bakit ba kailangang dumating sa puntong minahal ko siya at masasaktan ako?
"Precious.." hinawakan niya ako sa braso nung magtangka akong umalis kaya napatigil ako sa paglakad, "Please, Nico. Para sakin.. gawin mo. Layuan mo na ko.."
Yun ang pinakahuli kong sinabi kay Nico at pagkatapos nun, umiwas na talaga siya sakin. Hindi na kami nag-usap simula nun, hindi na din ako sumali sa mga practice nila sa soccer, para san pa di ba? Sa nakikita ko naman sobrang saya na niya at baliwala na lang talaga ako kahit na nasasaktan pa rin ako.. pero ganyan talaga. Hindi ako ang mahal eh.
Pumunta ako nung laban nila, pero hindi ako nagpakita sakanya.. ayos na din yun. Hindi naman niya ako kailangan eh, nandun kasi si Mycki. Taga-cheer, taga-bigay ng tubig pagkakatapos ng game, taga-punas ng pawis, nakita ko din ang saya sa mga labi niya tuwing mananalo sila at yayakapin niya si Mycki.. kitang-kita ko at nakakatawang isipin na pwesto ko yun dati, ang kaibahan nga lang.. ako kaibigan pero siya, girlfriend.
Lumipas ang mga araw na ganun lang ang estado namin ni Nico. Minsan napapansin kong napapatingin siya sakin at wari'y may gustong sabihin sakin pero ako na nag unang umiiwas. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayong alam kong gusto ko pa rin siya kasi alam kong kahit isang salita lang ang marinig ko mula sa kanya, baka makalimutan kong nag-momove on na ko.
"Precious.." Napatigil ako ng tawagin ako ng boses na yon. Gusto kong magpanggap na hindi ko siya narinig pero hindi ako nakagalaw sa pwesto hanggang marinig ko siyang lumapit sakin.
"Hanggang kelan mo ko iiwasan?" tanong niya.
Hindi ako nakaharap sa kanya kaya hindi ko alam kung anong reaction niya sa sinabi niya. Ano ba. Kakasabi ko lang kanina na hindi pa ko handang makipag-usap tapos saka naman to nangyari.
"Prei.." Hinarap niya ko sa kanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sakin. "Hindi ko na kaya tong pag-iwas mo sakin. Sorry dahil hindi ko din kayang mawala ka sakin. I'm sorry, Precious." pagpapatuloy niya.
"Sinabi ko naman sa'yo di ba? Kahit ano sabihin mo na sakin, wag lang yang sorry na yan. Kahit na isang sorry ayokong marinig sa'yo yan.."
"Pakinggan mo muna ko, Precious. Please.."
"Madami akong gustong sabihin sa'yo, Nico at alam ko ganun ka din pero kahit naman masabi natin yun sa isa't-isa.. Wala namang mababago, kaya bakit mo pa sasabihin? Bakit pa kita papakinggan? Siguro mas mabuting itago mo na lang yan."
Bago pa siya makapagsalita, umalis na ako. Gustong-gusto ko ng magmove-on, gustong-gusto ko ng maging masaya para sakanya, gustong-gusto ko ng masabi sa sarili ko na hindi na ko iiyak sa kanya pero bakit hindi ko magawa?
Bakit pakiramdam ko sa araw-araw na hindi ko siya nakikita, sa araw-araw na iniiwasan ko siya, hindi ko natutulungan ang sarili kong kalimutan siya. Pakiramdam ko mas lalo ko siyang minamahal..
"Pwede ba kitang maisayaw?" napatingin ako sa lalaking nagsalita pero agad naman din akong umiwas ng tingin.
Aish. Dapat talaga hindi na ko nakinig kay Mama. Sana hindi nalang ako pumunta ng prom. Nakakabagot dito at saka isa pa ang mga lalaking to, nakakailang lapit na sila sakin pero tinaboy ko sila lahat, hindi ba nila maintindihan na wala ako sa mood makipagsayaw?
"Sungit naman."
Lumayas na din naman siya pero ilang sandali lang may narinig na naman ako sa likod ko na tumawag sa pangalan ko. "Precious"
"Ano na naman ba? Ayoko ngang sumaya-"
Nakita ko ang gulat sa mata niya nung sumigaw ako. E malay ko ba naman na siya yun. Aalis na sana ako ng higitin niya ako palabas. Hindi ko alam kung bakit ako nagpahila, ang alam ko na lang nasa labas na kami pareho at seryoso na siyang nakatingin sa akin.
"May sasabihin ka ba? Kung wala aalis na ko. Masakit na yung paa ko."
"5 minutes lang."
"Mahal ang oras ko kaya bibigyan lang kita ng 1 minuto para magsalita. Tignan mo oh ang dami ng nagtitinginan satin, baka mamaya makarating to sa girlfriend mong bakulaw at sugudin pa ko nun."
"I'm sorry precious."
"Sorry? Sorry na naman?! Hanggang kelan ka ba magso-sorry sakin? Ano, na guilty ka kasi mahal kita at ikaw may mahal na iba? Naguguilty ka kasi nasasaktan mo ko? Hindi ko kailangan ng sorry mo."
"Pwede ba patapusin mo na muna ako! Lagi mo kasi akong pinangungunahan eh!"
Nagulat naman ako nung sumigaw siya. Aba lalaking to. Siya pa ang may ganang sumigaw!
"Ano ba talaga-"
"Sorry.. Sorry dahil nagsinungaling ako sa'yo. Sorry dahil matagal ko na sanang sinabi sa'yo ang nararamdaman ko. Sorry dahil nasaktan kita.. Sorry dahil napaiyak kita.. At higit sa lahat, sorry.. Sorry kasi hindi ko nasabi sa'yo kung gaano kita kamahal. Ngayong alam mo na, matatanggap mo na ba ang sorry ko?"
Sorry? Hindi lang naman pala sakit ang naidudulot niyan eh. Sana pala matagal ko ng pinakinggan ang sorry niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top