Agatha David's Point Of View

"Takbuhan ko kaya 'to?" biro ko kay Jelaine, bridesmaid ko.

"Gaga ka," umiiyak pa rin 'to habang inaayos ang belong suot ko. "Nahawa ka na sa magiging asawa mo, pareho na kayong ganap na abnormal."

Hindi ko alam kung normal ba akong bride dahil nagagawa ko pang tumawa at makipagbiruan dito. Nang bumukas ang malaking pinto ay nagawi ang tingin ko kay Haiden na nakangiti na tila ba nang-aasar pa. Abnormal talaga.Nagsimula ko lang maramdaman na talagang ikakasal na ako nang maging seryoso na ang mga mata ni Haiden.

"Hello, love," nakangiting simula niya. "Naaalala mo ba nung nagkasabay tayo ng simba? Ikaw yung unang nakakita sa amin pero hindi ka lumapit." Kwento niya na nagpatawa sa mga kaibigan naming alam ang storya na iyon. "Nung time lang ng offering ko nalaman kasi narinig ko yung pangalan ko sa misa saying, 'prayer for the soul of Haiden Watanabe' you really had to do that," pagpapatuloy niya na ikinatawa ng lahat pati na ni father. "Yun din yung araw na sinagot mo na ako after ng mass. Sa harap ng mga family natin. Now, we'll both say our vows at the same place with the same people who loves us. I promise to love you with all my heart and soul—na pinadasal mo that very day na naging tayo. I take you as my wife as a mirror of my love, as a complement to me in every way, my bestfriend, my lover."


There are a lot of times he showed his sincerity to me but today felt different with all the kiddings aside,  maybe I just love him too much? Hindi naman kami magpapakasal kung hindi, 'diba? Pero diba dapat naiiyak siya ngayon? Baka joke lang na mahal niya ako. 

"I love you," bulong niya pa bago ako halikan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top