Prologue
*on call*
[Hello, who are you?] biglang sagot ng nasa kabilang linya.
“Panagutan mo ko! pagkatapos ng ginawa mo sa akin aasta kang walang alam? Buntis ako at ikaw ang ama kaya panagutan mo ako,” sigaw ko sa cellphone. Jusko may pa iyak-iyak pa ako, para naman hindi kami mabulisto haha. Ang kaibigan ko naman ay tawa lang ng tawa. Magkaibigan nga kami.
[Sorry girl, hindi kita kayang panagutan. Pareho tayong may matres kaya wag ako. Tsaka hindi kita kilala at hindi rin kita ginalaw.]
Sagot nito sa akin. Jusko bakla ang na prank ko kaya ni end ko na lang ang tawag dahil nag pabebe pa!
“Hahaha! best bakla pala yun? Grabe mag salita parang asong nauulol, hahahahah!” natatawang sabi sa akin ni Dianne at may pahawak-hawak pa sa kanyang tiyan.
Kaya nag dial ulit ako ng number.
“Hala best! nag riring,” saad ko sa kaibigan ko na tumigil nakakatawa.
“Dapat ganun din ang sasabihin mo sa taong iyan,” saad niya.
“Ano kaba best, syempre ganun din ang gagawin ko. Trust me! Ako lang to, ang kaibigan mong si Cleah,” sagot ko sa kanya.
*Phone rang*
[Hello?] malamig na sagot ng nasa kabilang linya.
Jusko bakit ang lamig nitong mag salita? Parang nasa nyebe ako.
“Panagutan mo ako! pagkatapos ng ginawa mo sa akin aasta kang walang alam? Buntis ako at ikaw ang ama kaya panagutan mo ako,” sigaw ko sa cellphone at umaastang umiiyak.
[What are you saying, woman?] malamig nitong tanong.
*sob*
“Buntis ako! Buntis ako at ikaw ang ama ng dinadala ko,” sagot ko sa kanya.
[Do you think ako ang Ama?] malamig nitong tanong sa akin kaya hindi ako makasagot ng maayos dahil parang natatakot ako the way he talks on me.
“Yes!” I automatically answer kahit na natatakot ako.
[Ok, I will search you, and you're dead woman!] malamig na saad nito. Jusko ayaw ko pang mamatay ng maaga!
“Sorry mister i-it's just a prank call,” sagot ko habang nanlalamig at nauutal at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
[I don't care! From now on you'll be my wife!] may pagkadiin na sabi nito sa akin kahit na nasa tawag man lang.
“Hoy mister, hindi porket na prinank kita eh asawa mo ako! Nahihibang kana ba?” sigaw ko sa kanya.
[Yes my wife!] malambing na sagot nito sa akin. Kung hindi lang talaga ito sa tawag baka na batukan ko na ito.
Ah! Naiirita na talaga ako sa kanya! Hindi porket na prinank ko siya ay totohanin na niya? Mali ata ang ginawa ko at mali rin ang kinalaban niya.
“I'm not your wife!” singhal ko sa kanya. But I hear those laugh of him sa kabilang linya.
[Yes you are!] sagot nito sa akin at agad na pinatay ang tawag.
Kainis siya! Sarap niya ibalibag patiwarik!
---
“Hoy mister, hindi porket na prinank kita eh asawa mo ako. Nahihibang kana ba sa sinasabi mo?” galit na saad ko sa tawag.
[Of course yes, my wife. My future wife and becoming my wife!] madiin nitong sagot sa akin.
Tinawagan ko siya para sabihin na hindi totoo ang mga sinasabi ko tungkol doon sa pagpapanggap na buntis ako.
“At sino naman nagsabi sayo na gusto kita maging asawa? Hindi nga kita kilala! At saka hindi mo ako asawa at never kitang aasawahin. Meron akong mahal saka malayo pa na maabot ko yun,” sigaw ko sa tawag.
[If I find you, wala kanang takas sa akin my wife. At hindi ako papayag na hindi ka magiging akin. Marked my words!] madiin at malamig nitong sagot sa tawag. Nanggigil na naman ako at umaalbaruto dahil sa galit.
“At sa tingin mo papayag akong magpakita sayo? Nagkamili kang tao ka. Hindi rin ako papayag na magpakita sayo, never and never!” singhal ko sa kanya.
[I have my own connection wife. Kahit saan ka pa mag tago mahahanap at mahahanap kita. I can trace you whenever you are,] sagot nito at alam kong naka smirk ito.
Edi mag laro kami ng hide and seek, problema ba yun?
“Hindi mo ako mahanap Mr.,” madiin kong sagot sa kanya.
[And one more last thing, don't curse. And don't flirt with other men because if that happens they will die!] madiin nitong saad sa akin.
“Aba! Mr. sobra ka na sa pinagsasabi mo! Wala akong pakialam kung may lalaki ako, hindi naman kita asawa huh! Kaya wag kang assuming. At never kitang maging asawa!” singhal ko sa kanya.
“At huwag ka rin mandamay ng mga taong inosente!” dagdag ko pa.
[Problema ba iyun? Edi pag nakita na kita papakasal na tayo. Don't worry ready na ang lahat kaya huwag ka ng mag problema baka gusto mong diretso na tayong honeymoon ano sa tingin mo, wife?] saad nito sa akin.
Aba nang aasar ba ang lalaking ito? Arghh! namumuro na talaga itong lalaki nato! Ano akala niya sa akin isang salita kinikilig na at sisigaw sa tuwa? Asa siya!
“Ikaw na lalaki ka huwag kang assuming. Hindi ako papatol sa isang lalaki na adik sa kayabangan at sa lalaking mahangin. Pakihanap na lang pakialam ko, baka nandoon pa sa pwet ng aso!” singhal ko sa tawag.
[Hmmm... What if I kill your parents? What do you think?] nang aasar nitong tanong sa akin sa tawag.
“Huwag mo ritong idamay ang mga magulang ko, sumosobra ka na sa pinagsasabi mo!” singhal ko.
Parang iiyak na ako sa pagbabanta nito kaya dali- dali kong pinatay ang tawag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top