CLEAH JEAN POV
Napahinto ang sasakyan ni Dark sa tapat ng—teka sa kanilang company?
Pinark muna niya ang kanyang sasakyan. At agad na lumabas sa sasakyan at nagtungo sa direction ko at binuksan ang pinto at inilahad nito ang kanyang kamay sa akin pero hindi ko iyon tinanggap bagkus ay lumabas ako at agad na isinara ang pinto.
“Teka dito ba ang sinasabi mo na pupuntahan natin?” takang tanong ko sa kanya. Hindi naman ito mahalaga eh, sana pumasok na lang ako sa school at sana ngayon makagala ako at sana may natutunan pa akong lesson.
“Yes wife, because this is important matter. So, we better go now,” sabi nito sa akin at sabay hapit sa bewang ko.
“Siguro naman pwede mong kunin ang pagkahapit mo sa bewang ko?” mataray kong sabi habang nakataas ang kilay at pilit kong kinakalas ang kanyang kamay sa pagkahapit nito sa bewang ko.
“Why?” tipid nitong tanong.
“Kunin mo nga ang kamay mong nakahapit sa bewang ko. Hindi ako aalis kaya pwede alisin mo na?” singhal ko pero ang hinayupak mas lalong hinigpitan ang pag kahapit nito sa bewang ko at ayaw pang bitawan.
“Kapag nagkataon na bitawan kita, syempre kukunin ka nila sa akin, wife. Kaya hindi ako papayag sa ganyan,” malambing nitong sabi sa akin.
“Alam mo,” sabi ko.
“Alam ang alin, wife?” takang tanong nito sa akin.
“Alam kong para-paraan mo lang ‘yan sa akin, akala mo hindi ko alam ang mga galaw mo, duh!” singhal ko sa kanya at nagsimula na kaming lumakad.
“Syempre alam ko rin dahil asawa kita, duh!” mataray nitong sabi sa akin. Aba’ t nagtataray na rin sa akin to? Parang bakla naman ang hinayupak.
“Ang taray mo huh! Para kang bakla— baklang hilaw, haha!” sabi ko at tumawa. Tiningnan ko naman siya at ganun na lang ang gulat ko ng biglang nag-iba ang kanyang aura at bigla na lang huminto sa paglalakad.
“What did you say, wife?” mariin nitong sabi sa akin kaya napangisi ako sa kanya.
“Ano ba ang sinabi ko?” mataray kong sabi sa kanya. Gusto ko talaga matawa sa mukha niya ngayon.
“You said I'm a gay?” galit nitong sabi at mariin ang pagkahawak nito sa bewang ko. Aray ko! Parang ang sakit naman nito!
“Narinig mo naman pala eh bakit ko pa uulitin huh, aber?” masungit kong sabi sa kanya. Napapitlag ako ng biglang hinimas nito ang bewang ko at nakita ko siyang napangisi.
“You said I'm gay huh. Gusto mo bang maaga kitang bubuntisin, wife?” paos nitong sabi sa akin at mas lalong nitong hinapit ang bewang ko kaya sobrang magkadikit na ang aming katawan at ako naman ay parang kinakabahan sa pwedeng mangyari.
Someone! Please help me huhu!
“A–ano b–ba iyang pinagsasabi mo huh!” nauutal kong singhal sa kanya at napalunok ng ilang beses.
Joke ko lang naman iyun eh. Ang tanga mo talaga Cleah. Someone please save me from this pervert!
“I want a child from you, wife,” malambing nitong sabi habang hinihimas nito ang bewang ko at naglalakbay patungo sa likuran ko.
“Pwede ba Dark, pumasok na tayo dahil kanina pa nangangalay ang mga paa ko dito at saka na ka heels ako! At isa pa ayaw ko pang magka-anak ng maaga!” lakas loob kong singhal sa kanya. Salamat naman at hindi ako nauutal, huhu.
“As my wife said so!” sabi nito at kinalas ang pagkahapit nito sa bewang ko. Kaya nagsimula na kaming maglakad patungo sa loob ng company niya.
“Magandang umaga master Asher at sa iyo’ rin young lady,” bati ng isang security guard habang nakayuko.
“Magandang umaga rin po!” nakangiti kong bati sa kanya pero itong kasama ko eh parang walang pakialam. Siya na nga ang binati pero siya pa ang may lakas loob na hindi pansinin si kuyang guard.
“Tsk! Let’s go wife. We need to hurry up,” inis nitong sabi at saka hindi nag atubling akbayan ako.
Nang pumasok kami sa loob ng company ay lahat ng mata ng mga tao ay nakatingin sa gawi ko. Nahiya talaga ako dahil lahat ng mga babae dito ay masama ang tingin sa akin.
Akala mo naman kung makatingin parang wagas eh para namang mga unggoy ang pag mumukha nila. Let just say the fact na mas maganda talaga ako. Alam ko naman na mas maganda ako kaya halos lahat ng mga mata eh sa akin talaga titingin. Ang akala nila mas maganda sila pwes nag kamali kayo dahil ang mga mukha nila ay sobrang makakapal ang kolorete. Ang iba nga brown ang balat pero ang mukha maputi kaya hindi pantay kaya napagkamalan na bangkay, joke.
“Good morning boss!”
“Good morning sir.”
“Good morning Mr. Ford!”
Mga bati nilang lahat sa hinayupak na ito.
Pero hindi sila pinansin nitong kasama ko. At diritso pa rin ang lakad nito habang naka akbay sa akin.
“Who is she?”
“Siguro ka flirt lang iyan ni Mr. Ford,” sabi ng isang employee nito.
Napantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi nito. Ako? Ka flirt nitong hinayupak?
“Tingnan mo nga oh parang cheap!” sabi naman ng kasama niya.
Nabigla ako dahil kinalas agad ni Dark ang pagkaakbay nito sa akin. Tiningnan ko ang mukha niya at ganun na lang ang gulat ko ng magtungo siya sa dalawang babae.
Ang nagsabi kanina sa akin na cheap daw ako eh bigla na lang siya nag ayos ng kanyang sarili at medyo pinapakita pa niya ang kanyang hinaharap sa asawa ko.
“Good morning sir, hehe!” pabebe pa nitong sabi. Nabigla ako nang sakalin nito ang dalawang babae.
“How dare you to call my wife a cheap!” malamig nitong sigaw sa nagsabi sa akin na cheap ako at pilit na sinasakal. Namumula na rin ang mukha ng babae dahil sa sobrang higpit ng pag kakahawak nito.
“And you! How dare you to say that to my wife, flirting me! The two of you didn't have evidence to prove that my wife is a flirty and a cheap. My wife are the fourth richest family in this world. Now who do you think is a cheap and a slut!” malamig nitong sigaw kaya lahat ng taong nandito ay biglang natakot sa kanya. Bigla naman niya binalibag ang dalawang babae kaya napa-igik sila sa sakit.
Tsk! Yan kasi panghuhusga ang unang lumalabas sa bibig. Sabi nga nila don't judge the book by its cover.
“The two of you— sabay turo niya sa dalawang babae na umiiyak na dahil sa sakit ng pag kakasakal niya. You're both fired! You can now leave in my company!” malamig nitong sigaw kaya dali-daling umalis ang dalawang babae.
Nakatayo lang ako sa pwesto ko at lumapit naman si Dark sa akin.
Biglang umamo ang mukha nito nang makita ako. Lumapit siya sa akin at agad na niyakap.
“Sorry wife, for my behavior. I can't control my emotions. I'm just mad because of what they've said to you,” bulong nito sa akin sabay halik sa noo. Napangiti na lang ako dahil sa inasal nito ngayong araw.
“Its okay Dark,” sabi ko at ginantihan siya ng yakap.
“Mr. Josiah,” malamig na tawag nito sa isang lalaki.
“Yes, Mr. Ford?” magalang nitong sagot habang nakayuko.
“The two girl that I fired, just give the money of their work,” malamig nitong sabi.
“Masusunod po, Mr. Ford,” sabi nito at agad na umalis.
“Everyone listen! This girl beside me is my wife. If something bad happens to her or you messed up with her, I'm the one who will send you in hell! And I have an announcement later,” malamig nitong sabi kaya lahat sila ay tumango at halatang natatakot sa pwedeng mangyari sa kanila.
“What did you say Dark?” tanong ko habang mag kasalubong ang kilay ko sa kanya.
“Later, I will tell you this. But for now we need to go to the meeting room, wife,” malambing nitong sabi at agad na hinapit ang bewang ko. Hindi na ako umangal at saka kami nagsimulang lumakad patungo sa meeting room na sinasabi nito.
“Mr. Ford, are you sure that the woman beside you will be the one who will be the owner of the Ford company?” Mr. Tabatchoy said.
Tabatchoy muna ang itatawag ko sa kanya since hindi ko alam ang pangalan niya, and tabatchoy suit his body dahil ang taba-taba niya po as in ang taba-taba pwede na ngang ipa-letchon pero joke lang naman hehe.
“Hindi nga iyan namin kilala tapos siya ang gagawin mong owner? Haler! Nandito naman ako Mr. Ford,” malanding saad ng linta.
Akala niya maganda siya. Sorry but not sorry mas maganda ako sa kanya.
Oh well, hindi nga nila ako kilala because my siblings and my parents didn't introduced my name in public even though in their company. Well it's a long story.
“Yes, I agree. We don't know her in addition we never know kung saan ba siya nanggaling,” sabi naman ng isang gurang na babae.
Try mo kayang tingnan o eh check yung background ko at para malaman mo ang sagot sa mga tanong mo kung sino nga ba talaga ako, psh!
“Yes! You don't know her already but now I will introduced her in this Company! So be ready everyone!” malamig na ani ni Dark, habang katabi ako nito.
Kita ko sa mga mukha nila na naghihintay sila ng sagot, alangan naman na magihihintay sila sa tanong!
“Who is she ba kasi babe?” tanong ulit ni malanding linta na nagpapansin sa asawa ko. Kaya napapikit ng mariin si Dark at galit na tumingin sa kanya. Babe raw! Eh siya na nga ang mukhang bebe.
“Try to call me babe and I'll send you in hell!” malamig nitong sigaw na nagpabigay kilabot sa lahat na nandito pero ako? Chill-chill lang. Ayaw ko pang tumanda ng maaga sa pinanggagawa nila.
“Sorry Mr. Ford,” hinging paumanhin ni malanding linta pero inirapan pa ako. Aba't inirapan pa ako! Pero hindi siya pinansin ng asawa ko. Kawawang malandi! Better luck next time.
“Wife, I want to introduced you now,” bulong nito sa tenga ko. Pero inirapan ko na lang siya. Wala akong pakialam kong ipakilala mo ko, duh!
“Hey wife!” bulong ulit nito sa tenga ko.
“Ano ba problema mo, kanina ka pa bumubulong sa tenga ko!” balik kong bulong sa kanya.
“Eh sa hindi ka sumasagot,” bulong pa rin nito.
Kung titingnan kaming dalawa para kaming temang na nagbubulungan.
“Ehem!”
“Ehem!”
“Mr. Ford, is there something wrong?” tanong ng isang lalaki pero hindi niya ito pinansin bagkus ay tumayo ito at nagtungo sa unahan.
“Okay, I will introduced her!” malamig nitong sabi.
“Her name is Cleah Jean Villa,” malamig nitong pagpapakilala sa akin pero in fairness hindi niya sinabi na mag asawa kami.
“Did you mean, she's the daughter of Mr. and Mrs. Villa?”
“Ang alam namin walang anak na babae sila Mr. and Mrs. Villa?”
Nagtataka nilang tanong at ang iba naman ay nagbubulungan na parang hindi makapaniwala sa nalaman tungkol sa akin. Well hindi ko naman iyun kasalanan. Di kasi ako mahilig sa mga ganyan eh, psh!
“Yes! she's the daughter of Mr. and Mrs. Villa, why?” malamig nitong tanong.
“Ang akala namin walang anak na babae ang mga Villa?” nagtatakang tanong ng isang babae sa kanya.
“Yeah, I agree,” sumabat naman ang isang lalaki na medyo matanda lang ng kaunti kay Dark.
Kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tumayo na at nag tungo sa hatapan nila. Syempre dapat confident ako noh! Yan kasi ang tinuro ni mom sa akin. Dapat daw may self confident ka even sa paglalakad.
“Hello everyone!” magalang kong pagbati sa kanila. Around 25 people ang lahat ng nakaupo palibot sa isang round table na malaki.
Bumati naman silang lahat pabalik sa akin. Now it's my turn to introduced myself for them.
“I'm Cleah Jean Villa. I'm the only daughter of Mr. and Mrs. Villa, and also my family is the fourth richest in this world,” confident kong sabi sa kanila.
“Are you sure about that Ms.? Parang hindi ikaw ang anak nila eh. As far as I know dalawang lalaki lang ang anak nila!” mataray na sabi ni malanding linta.
Kaya napangisi ako sa sinabi nito.
“Oh really? Akala mo dalawa lang sila?” mataray ko rin na tanong sa kanya at sabay cross arms ng kamay ko.
“Yes!” agad na sagot nito.
“All of you! You want a proof?” tanong ko sa kanilang lahat.
“Yes!” they all said in unison. Tiningnan ko naman sa mata si Dark. Tumango lang ito at pasimpleng ngumiti. Pero duh! Inirapan ko lang naman siya. Ano siya ngingitian ko?Psh!
Kaya kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag at hinalungkat ko ang nasa gallery ko. Well marami ang pictures namin, mapabonding man o hindi kaya every summer vacation ay kumukuha ako ng mga litrato namin.
Minsan nga kinukuhanan ko pa ng litrato ang mga kuya ko na puro epic ang mga mukha. Syempre pang remembrance noh!
Kaya ipinakita ko na sa kanilang lahat na ito talaga ang proof ko na anak ako nila ni mommy at daddy.
Ang iba ay hindi makapaniwala sa kanilang nakita.
“All of you, now you all know?” tanong ko sa kanila pero ang tingin ko ay nasa malanding linta na ngayon ay nakanganga ang bunganga na animo’y naghihintay sa paparating na langaw.
“Bakit hindi namin alam na may anak pala na babae ang pamilyang Villa at maganda pa,” saad ng isang matandang babae na kanina ay tahimik lang sa kanyang upuan.
“Yes! Namana niya nga kay Mrs. Villa,” sabi naman ng isang babae.
“Now that you know her would you all agree that she will be the owner of this Ford company?” malamig na tanong ni Dark sa kanilang lahat.
Napatango naman silang lahat except lang sa malanding linta na ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanyang utak.
“Yes, Mr. Ford!” they all said in unison.
“Oh I forgot everyone, Cleah Jean Villa is already my wife, so don't mess with her. Is that we clear?” malamig at mautoridad nitong tanong sa kanila.
“So, you have already a wife Mr. Ford?Congratulations to the both of you!” nakangiting sabi ng isa pa na matandang babae.
“Thank you!” sabay na pagpapasalamat namin ni Dark. Kahit labag man sa puso ko na ayaw ko talaga na ipakilala ako nito bilang asawa ay wala na akong magawa dahil nasabi na niya eh.
“What! You have a wife? How about me?” sulpot na tanong naman ni malanding linta. Kailan pa kaya ito titigil? Kapag ba dalawa na ang buwan? Tsk!
“Yes! She's my wife! And I don't care about you because you're just my employee here!” malamig na sagot nito sa kanya.
“Everyone you can leave now!” malamig na sabi ni Dark.
Niligpit nila ang kanilang gamit at nagsilabasan na sa meeting room.
“Wife!” malambing nitong tawag sa akin.
“Ano na naman ba?” singhal na tanong ko sa kanya.
“I love you!” biglang sabi nito sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
“I love you!”
“I love you!”
“I love you!”
“Huh?” iyan na lang ang lumabas sa bibig ko kasi parang hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi nito sa akin.
“Never mind!” sabi nito at tumalikod.
“Bukas papasok ako sa school,” sabi ko sa kanya.
“No!”
“Bakit hindi, aber?” mataray kong tanong sa kanya.
“Tomorrow is friday kaya sa monday na lang tayo papasok sa school, wife,” sabi nito sa akin.
“Bakit sa monday pa? Siguradong bungangaan na naman ako ng kaibigan ko. Bwesit ka kasi!” singhal ko sa kanya.
“Tsk! Gutom lang yan!” sabi nito sa akin.
“Gutom your face!” singhal ko. Padabog naman akong umalis doon. Gusto ko muna gumala dito para naman ma memorize ko itong company.
“Wife, saan ka pupunta?” sigaw nito sa akin pero hindi ko siya pinansin at agad na lumabas sa meeting room.
Pagkalabas ko ay nagtungo agad ako sa elevator. Sumakay na ako doon at pinindot ang first floor. Nandito kasi kami sa 30th floor kaya hinihintay ko pa na makababa at makalabas sa elevator.
*fastforward*
Naglalakad na ako ngayon sa hallway nang may naririnig akong nag-uusap at ang pinag-uusapan ay ako pala. In fairness maganda raw ako kahit hindi pa nila ako nakita.
“Besh, akalain mo yun may asawa na pala si Mr. Ford!” sabi ng isang babae.
“Weh? Talaga ba? Maganda ba siya at mabait?” tanong ng isa pang babae.
“Ewan ko besh! Sabi nga raw nila eh anak daw ng pamilyang Villa, ayun sa naririnig kong sabi-sabi dito sa company. At alam mo ba yung dalawang kasamahan natin ditong nag tatrabaho ay pinahiya ang asawa ni Mr. Ford? Kaya ayun na fired, malandi kasi ang dalawang iyun.”
“Yeah! Akala mo naman kung sinong magaganda eh wala naman silang binatbat sa asawa ni Mr. Ford. Kahit hindi ko pa nakita ang asawa ni Mr. Ford, sigurado akong maganda siya.”
“Yeah! Agree ako sayo best.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top