Chapter 3: The Kiss

Cleah Jean POV

Habang nag didiscuss si prof ay panay ang pangungulit ng katabi ko. Eh sino pa ba ang katabi ko na walang hiya? Ang hinayupak lang naman!

Paano ba naman eh pinaalis niya ang katabi kong kaklase na lalaki, porket anak siya nang may-ari pinapaalis niya ng ganon-ganon lang.

---

“Wife, pansinin mo naman ako,” paglalambing niya sa akin.

Tsk! Pag-naglalambing siya sa akin parang kambing kung umasta. Parang ganito oh, meh-meh-meh.

“Wife naman eh,” sabi nito.

“Shut up! Hindi mo ako asawa hayop kang hinayupak ka!” singhal ko sa kaniya.

Ang mga itinuro ni prof ay parang hindi pumapasok sa utak ko eh paano ba naman hindi ko pa nakalimutan yung kiss niya! Huhuhu.

First kiss ko pa naman yun eh!

“Diba sabi ko sayo pag nakita na kita papakasal na tayo. Hindi ka ba nakinig sa akin, wife?” malambing na sabi nito pero hindi ko siya pinansin.

“Pakialam ko naman sayo?” pagtataray kong sagot sa kaniya.

“Ganyan ka ba talaga wife kong umasta? Para kang amazona eh,” sabi nito.

“Damn you!” singhal ko.

“Ms. Villa and Mr. Ford is there anything problem? Para kayong aso't pusa kung mag-away, kung ayaw ninyong—*kringggggg*”

Hindi na tapos ang sasabihin ni prof sa amin ng tumunog na ang bell hudyat na recess na namin.

“Yes, recess na!”

“Let's go guys!”

“Tara na sa cafeteria tol!”

“Bye sir!”

Mga hiyawan nila at lumabas na ng room. Ang kaibigan ko naman ay lumapit sa akin.

“Best, kakain na tayo sa cafeteria dahil nagugutom na ako,” sabi ni Dianne.

“Wait lang best,” sagot ko dahil nagliligpit pa ako ng mga gamit ko.

“Wife, sasama kami!”

“Ano ba Dark! Huwag mo nga akong tawagin na wife, nakakarindi na kasi pakinggan eh!” singhal ko sa kaniya.

“Savage!” sigaw ng dalawa niyang kaibigan.

“Akala ko ba boss, asawa mo siya?” tanong ni Bryle.

“Kayong dalawa sino ang nagsabi na asawa ko ito? Nagpapatawa ba kayo?” pagtataray kong sabi sa kanila at dinuro ko pa ang hinayupak na ito.

“Ano boss tuloy na ba yung plano?” tanong ni Stephen kay Dark.

“Of course. Bukas na bukas na ang kasal!” malamig na turan nito.

Wait kasal yung pinag-uusapan nila? Ayaw ko pang mag-asawa at lalong-lalo na ayaw ko rin na pakasalan ang lalaking hinayupak na ito!

“Huwag mo akong pakasalan hinayupak ka! At managinip ka ng gising dahil hindi kita papakasalan!” singhal ko sa kaniya.

“It's your fault wife, kaya huwag kanang pumalag sa gaganapin na kasal,” turan nito.

Aba't gago to huh! Papakasalan niya yung aso o hindi kaya kambing kung gusto niya total perfect match naman silang dalawa!

Hindi ko na lang sila pinansin bagkus ay hinila ko na lang ang kaibigan ko para pumunta sa cafeteria para kumain. Nakaka-estress kasi ang sinasabi ng walang hiya na iyun. Gutom na ako kaya agad na kami pumila ni Dianne pagkapasok namin sa cafeteria. Tsk! Wala akong pakialam doon sa mga sinasabi niya. As if naman na papayag akong makasal sa kaniya.

“Best, assuming talaga ni Dark no?” sabi ni Dianne sa akin.

“Tsk, sinabi mo pa! Akala niya siguro papatol ako sa kaniya. Papatol lang ako sa asawa kong si Chanyeol,” sagot ko sa kaniya.

“Best, huwag rin assuming na asawa mo si Chanyeol,” sabi pa nito at tumawa.

Aba't gaga to huh!

“Gaga ka ba, best? Hindi ako assuming, totoo naman talaga na asawa ko si Chanyeol!” sabi ko sa kaniya na lalo niyang ikinatawa.

“Hindi mo nga siya asawa dahil ang totoo mong asawa ayan oh,” sabi niya sabay nguso sa likod ko.

Aba't kaibigan ko ba talaga ito? Bakit ba pati siya kumakampi na rin sa hinayupak na yun?

Kaya tiningnan ko ang nasa likuran ko at saktong paglingon ko ay siya rin ang pagyuko niya kaya ang ending nahalikan ko na naman ang walang hiyang hinayupak na ito.

“Wahhh! Umalis ka sa harap kong hinayupak ka!” singhal ko sa kaniya.

Ang second kiss ko nasa kaniya na naman! Ang malas ko talaga ngayong araw!

“I love your lips, wife,” sabi nito at may pa lipbite pa ang hinayupak.

Nakakainis talaga ang hinayupak na ito! Hindi ba siya titigil na pistehin ako?

“Mukha mong hinayupak ka! Malas ka talaga sa buhay ko!” singhal ko sa kaniya.

Napagtanto ko na biglang natahimik ang paligid kaya tiningnan ko ang mga estudyante at parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Halos lahat ng mga mata ng kapwa ko estudyante ay nasa amin ang attention. May iba pa na kinukuhanan kami ng mga pictures.

Kaya tumalikod na lang ako at lumabas ng cafeteria. Parang nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa kahihiyan.

“Bwisit ka talagang hinayupak ka!” sabi ko sa aking sarili habang naglalakad.

“Wife, naman eh! Huwag mo akong iwanan dito!” sigaw niya.

Pakialam ko ba sa kaniya? Hindi ko naman siya asawa kaya huwag siyang umasta!

Bigla naman nag ring ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ang tawag.

“Hello?” saad ko.

[Princess, naka-uwi na kami ng daddy mo dahil may mahalaga kaming sasabihin sayo.]

“Ano ba ang sasabihin ninyo mom?” takang tanong ko sa tawag.

[Basta! Malalaman mo rin pag-uwi mo dito sa bahay.]

Kaya napaisip naman ako kung ano ang sasabihin nila sa akin. Mabuti naman at naka-uwi na rin sila sa wakas.

“Mahalaga ba talaga iyan mom?” tanong ko sa kaniya.

[Yes, princess. Oh baka may klase ka pa at naka-interrupt ako. Ingat ka princess, I love you.]

“I love you too, mom!” sabi ko at ibinaba ko na ang tawag.

Nag bell na kaya pumasok na lang ako sa room para sa susunod na klase at lecture.

---

“Wife, kainin mo ito. Alam kong hindi ka pa kumakain,” sabi niya pero hindi ko siya pinansin bagkos ay umupo ako sa upuan.

Nagulat naman ako dahil ang lapit ng mukha nito sa akin.

“Lumayo ka nga!” singhal ko sa kaniya.

“Wife naman eh! Kainin mo na ito, kung ayaw mo susubuan na lang kita,” sabi nito.

“Tsk ayaw ko nga!”

“Ayan, inguya mo wife.”

Hindi ko pa natapos ang sinabi ko dahil sinubuan niya ako bigla ng pagkain. Wala akong nagawa kaya nginuya ko na lang ito. Gutom na rin ako kaya hindi na ako makakatanggi sa pagkain.

“Very good my wife,” naglalambing nitong sabi habang sinusubuan ako ng pagkain.

“Tsk!” maktol ko.

“I can't wait tomorrow my wife,” bulong nito na hindi ko naman narinig.

---

Last subject na lang at uwian na. Yehey! Napapa-isip tuloy ako kung ano ang sasabihin nila sa akin dahil mahalaga raw ito. Siguro nabilhan ako ni dad ng bagong cellphone o hindi kaya'y isang bagong sasakyan, excited pa naman ako. Hayst hayaan ko na nga lang. Mabuti naman at hindi ako kinulit ni hinayupak.

Kaya nakinig na lang ako sa itinuturo ng prof sa amin.

---

“Wife, hatid na kita sa inyo,” biglang sabi ni hinayupak sa akin.

“No, dahil may sarili akong kotse kaya back off!” sabi ko habang nagliligpit ng gamit ko.

Ano akala niya sa akin walang sasakyan?

“Baka mapaano ka pa. Sige na hatid na kita sa inyo,” sabi nito ngunit hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo sa direction ni Dianne. As always mag-goodbye sa isa't isa.

“Best, mauna na ako sayong umuwi, may mahalaga kasing sasabihin sila dad at mom eh,” sabi ko sa kaniya.

“It's ok with me, best. May susundo naman sa akin eh,” nakangiting sagot nito sa akin.

“Oh siya bukas na lang,” sabi ko at sabay kaming nag beso-beso.

“Ingat ka, best,” sabi nito.

“Of course, ako pa ba? Haha!” natatawang sabi ko.

“Oo na, ikaw na, haha!” natatawang sagot din nito.

Agad naman akong napagitla ng may pumulupot sa bewang ko. At kung minamalas ka nga naman oh ang bwesit na hinayupak na naman. Bakit ba laging dikit ng dikit to sa akin?

“Hoy! Hinayupak ka, tanggalin mo iyang kamay mo!” singhal ko sa kaniya pero ang hinayupak ayaw tanggalin ang pagpupulupot ng kamay niya sa bewang ko.

“Wife, naman eh!” nakangusong saad nito. Ang cute niya sarap halikan ang lips. What the heck! Ano ba ang pinagsasabi ko? Ikaw utak ang green minded mo na. Pati ako dinadamay mo sa mga ganyan.

“Hoy hinayupak ka huwag mo akong dadaanin sa ganyan. Hindi kita asawa kaya bitawan mo ako!” singhal ko sa kaniya.

“Ayaw ko nga!” maktol nito sa akin.

“Ikaw hinayupak ka ng cha-chansing kana ah!” singhal ko sa kaniya.

“Sayo lang naman eh!” sabi nito sa akin at isinisiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.

“Aalisin mo ang kamay mo o tatadyakan ko iyang kaligayahan mo?” pagbabanta ko sa kaniya.

Nakita ko naman kung paano nito tanggalin ang kaniyang kamay sa paghawak niya sa bewang ko at napausog ng kunti at tinabunan ang kaniyang future. Haha iyan lang pala ang katapat ng hinayupak eh!

“Ayaw ko pang mabaog, wife. Paano na tayo magkaka-anak ng isang dosena?” saad nito sa akin.

Aba't hinayupak nga talaga oh at namumuro na naman!

“Anong pinagsasabi mo na isang dosena? Excuse me lang huh! Huwag assuming hinayupak dahil hindi ako papatol sayo!” singhal ko sa kaniya.

“Kung ayaw mo pumatol sa akin pwes ako ang papatol sayo. It so easy my wife,” sagot nito at napa smirk sa akin na agad ko rin inirapan.

“Umalis kana hinayupak at baka mabugbog pa kita!” singhal ko.

“Papayag ako wife na bugbogin mo basta bugbogin ng pagmamahal,” nakangising sagot nito sa akin.

“Asa ka naman na bugbogin kita sa pagmamahal!” taray na sagot ko sa kaniya at naunang maglakad.

Tsk panira talaga siya ng araw ko!

“Wife, hatid na kita sa kotse mo,” sabi nito habang sumusunod sa akin.

Abnormal ba ito?

“Huwag na! Kaya ko naman mag-isa kaya umalis kana!” singhal ko sa kaniya.

“Hindi ako aalis pag hindi ka pa nakakapasok sa kotse mo,” sagot nito sa akin.

Nandito na pala kami sa parking lot.

“Ito na ang kotse ko, kaya umalis kana hinayupak ka!” saad ko bago binuksan ang pinto ng kotse ko.

Nabigla ako dahil hinawakan nito ang kamay ko at biglang pinaharap kaya ang ending napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hmmm ang bango niya, sarap amuyin.

“Stop it wife,” biglang sagot nito kaya napahiya naman ako dahil sa ginawa ko. Sh!t sobrang pula ko na ngayon dahil sa hiya at parang kamatis na sa sobrang pula, hindi sa kinikilig ako kundi sa kahihiyan.

“A-ano b-ba a-ang p-pinagsasabi m-mo?” nauutal kong sabi sa kaniya.

Sh!t bakit ako nauutal?

“Your blushing, wife. Ang cute mo pag-nauutal,” saad nito sa akin.

“Tsk! Umalis ka nga sa harap ko. Hindi ka naman mabango ah!” sagot ko sa kaniya. Salamat naman at hindi ako nauutal.

“So, sinisinghot mo nga?” nang-aasar nitong sabi.

“No, I'm not!” pagde-deny kong sagot.

“Huwag mo ng ipagkaila wife na ang bango ko,” mayabang nitong sagot sa akin.

“Tsk! Bitawan mo na ako dahil kailangan ko ng umuwi sa amin dahil may mahalaga pang bagay na sasabihin ang ang parents ko, kaya bitaw!” singhal ko sa kaniya.

“Ok my wife,” sabi nito at binitawan ang kamay ko. Pero nabigla ako dahil hinalikan nito ang noo ko.

“Ingat ka sa pag da-drive, wife. Gusto kong wala kang galos bukas,” sabi nito pero hindi ko na narinig ang mga huli niyang salita.

“Sige, kaya tama na iyan dahil sumusobra kana sa pang cha-chansing sa akin!” sabi ko at pumasok na sa kotse at nag-drive na pauwi.

Hayst nakakahiya yung kanina eh! Self naman! Huhuhu alam niya talagang sinisinghot ko ang damit niya kanina. Eh sa sobrang bango niya kasi eh, nahiya naman ako dahil nangangamoy pawis ako kanina.

Why I feel so comfortable pag siya ang kasama ko? Bumibilis din ang pagtibok ng puso ko. May sakit na yata ako sa puso kaya siguro kinakailangan ko ng mag pacheck-up baka nga may taning na rin ang buhay ko. Para sigurado talaga ako na walang sakit ay kinakailangan ko ng mag punta sa doctor sa sabado.

Ano kaya ang sasabihin nila dad at mom? Hayst parang seryoso kasi eh! Kinakabahan tuloy ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top