Chapter 23: Mistress
CLEAH JEAN POV
Nandito kami ng kaibigan ko sa tapat ng gate.
“How's my look, best?“ tanong ko kay Dianne.
“You look like an evil, best. Your aura is fierce and your outfit is very cool! Sana ganyan din ang isinuot ko para kambal tayo. Bakit kasi hindi mo ako na inform huh?” nagtatampong sabi nito sa akin.
“Tulog mantika ka pa kasi kanina saka hindi mo kaya napansin ang suot ko!” malditang sagot ko sa kanya.
I will change my personality from now on.
“Kahit na! Sana ginising mo na lang ako!” usal nito.
“Ginigising nga kita kanina pero tulog mantika ka pa rin! Hindi ko kasalanan kung hindi ka na inform,” sabi ko sa kanya.
Kaya nakapuot naman ito at mukha na ng pato ang kanyang bibig.
Pumasok kami at nasa amin ang atensyon nila. Hindi ko na pinansin ang kanilang mga bulong-bulungan.
Samo't saring mga reaksyon ang naririnig ko mula sa kanilang lahat.
“Si Cleah ba 'yan? Parang nagbago yata siya!”
“Sana mali ang iniisip natin!”
“Ang astig naman ng porma ng crush ko!”
“Cleah, you're so hot!”
“Nakakatakot siya! Ang kapal ng kabit na 'yun! Mang-aagaw sa may asawa na!”
Napahawi ang daan nang makasalubong ako ng iba. Mukhang takot at napayuko pa sila.
Nakasalubong ko naman ang magaling kong asawa na nakatingin lang sa akin na kasama ang malanding linta na ito. Nakakapit pa talaga sa asawa ko ang mukhang tuko na ito!
Tiningnan ko lang siya ng malamig at ganon din ang kanyang kabit na nakangising nakatingin sa akin.
“Ang pangit naman ng suot mo girl!” mapanuksong saad ng babae na ito sa akin.
“Yeah I know it's ugly because it suits you to be, like your face bitch!” malamig kong sabi sa kanya.
“Stop that Lian!” sabi ng magaling kong asawa na hindi na makatingin sa gawi ko.
“Better to hide bitch, because your dead,” malamig kong bulong sa kanya.
“Wife!” tawag ni Dark sa akin.
Tiningnan ko naman siya ng napakalamig.
“Don't call me wife, you bastard!” malamig kong sigaw sa kanya.
“Bakit mo tinatawag iyang babae, sweetheart?” malanding sabi ng kabit nito.
“I'm sorry wife,” mahinang sabi nito ngunit hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad.
“Princess!” pagtawag ni kuya Skyler at kuya Ryle sa akin. Hindi ko sila pinansin bagkus ay tiningnan ko lang sila ng napakalamig. How come na alam din pala nila ito. They never told me? What the heck is happening to my life? How unfair this world!
“Both of you don't call me princess because it's disgusting! How come na alam ninyo ito! Plano ninyo siguro akong saktan hindi ba?” malamig kong tanong sa kanilang dalawa.
Napayuko sila at hindi na makatingin sa akin. Alam nga nila kaya pala ganon ang effort nila noong nakaraan dahil balak nila akong saktan!
They will regret for everything of what they did to me. Niyakap nila ako bigla at wala silang balak na sagutin ang tanong ko.
Tinulak ko sila ng napakalakas dahilan para mapahiwalay sila sa akin.
“Don't you both ever hug me!” malamig kong sigaw sa kanila.
Sila ang dahilan ng pagbabago ko dahil sa ginawa nila sa akin! Sisiguraduhin ko rin na masasaktan silang lahat.
Iniwan ko silang dalawa na nakayuko. Lumakad na ako upang magtungo sa room. Patuloy pala nakasunod ang kaibigan ko na nakangiti na.
---
“Hey, darling!”
Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan at si dada lang pala.
“Bakit ka nandito, dada?” malamig kong tanong sa kanya.
“Why are you here besides you have a class?” tanong din nito sa akin at umupo sa aking tabi.
“Gusto ko lang kasi na mapag-isa ngayon, dada. Bakit kasi nasasaktan ako?” sagot ko sa kanya at doon na tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit kasi ang hina ko? Hindi naman ako mahina dati pero bakit ngayon ang hina-hina ko pagdating sa pag ibig?
“Stop crying, darling. You don't deserve to love like him. Nandito pa naman ako naghihintay sayo,” sabi nito at niyakap ako.
“I'm sorry dada kung nasaktan kita. Akala ko kasi totoo na mahal niya ako tapos maghahanap lang pala siya ng bagong babae!” umiiyak kong sabi sa kanya.
“Stop crying. I hate seeing you crying because of that man! Hush now,” pagpapatahan nito sa akin.
I cried in his shoulder at doon ako sumisiksik sa kanyang balikat. This day is so painful for me!
---
Habang naglalakad ako sa hallway ay may bigla na lang yumakap sa aking likuran. Wala ng mga estudyante ang nandito sa labas dahil nagsisimula na ang klase.
Kahit anong pilit kong pag-alis sa kamay na ito ay mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.
“Wife, please don't do this to me. I'm sorry! I'm sorry!” narinig kong sabi ni Dark sa akin habang pinaghigpitan ang pagyakap sa akin.
“Bitawan mo ako!” malamig at matigas kong utos sa kanya.
“No wife! Please listen to me. It's not what you think, please don't do this to me!” sabi nito at isinisiksik ang kanyang mukha sa aking balikat.
Anong sabi niya? It's not what you think? Eh malinaw na sinabi niyang girlfriend niya yun eh! Huwag niya akong gawing tanga!
“Ano akala mo sa akin isang tanga? Ganon ba ang hindi ako mag-iisip ng masama na malinaw sa pandinig ko ang sinabi mo sa kaibigan ko at sa mismong harapan ko na girlfriend mo yung babae na 'yun! Ni hindi mo nga ako sinundan eh! Kahit isang rason ni hindi mo magawang mag-explain! At kayong lahat ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito!” malamig kong sabi at malakas ko siyang itinulak dahilan para mapalayo siya sa akin.
“I'm sorry please bumalik ka na sa bahay natin at sa akin,” sabi nito sa akin dahil para matawa ako ng pagak.
“There's no reason na bumalik pa ako doon dahil iba na ngayon ang Cleah na asawa mo Dark!” malamig kong sabi sa kanya saka iniwan ko siyang nakatayo doon.
“Wife!” pagtawag pa niya sa akin ngunit hindi ko na iyun pinansin at iniwan na lamang siya doon.
This is not the Cleah Jean they know about because I'm a new Cleah Jean with an evil personality!
They will regret all. Even you are my brother's, I don't even care because the angel changed into evil!
At ang kabit na linta na 'yun ay sinisigurado kong mapapatay ko iyon. Ang kapal ng mukha niya para pagsalitaan ako ng hindi maganda!
Siguraduhin mo lang na hindi kita makikita dahil kapag sa oras na makita kita ay pagsisihan mo ang ginawa mong pang-aahas at pang aagaw!
Makikita mo ang hinahanap mong kabit ka! Gaganti ako sayo kapag may ginawa kang hindi maganda sa akin dahil ayaw ko sa lahat ang inaapi, tinapak-tapakan at inaaway lang ako. At kapag idinamay mo ang kaibigan ko ay ibang usapan na 'yun! Sisiguraduhin ninyo lang!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top