Chapter 22: Cry

CLEAH JEAN POV

Masaya kaming nagkekwentuhan ni Dianne. Ngunit bigla na lang umusbong ang galit ko nang makita ang asawa ko na may nakalingkis na babae sa kanyang braso.

Aba malandi na higad to ah gusto pang agawin ang asawa ko! Humanda ka rin sa akin!

“Best, anong nangyari sa mukha mo at bakit galit ka?” takang tanong ni Dianne sa akin.

Bakit masaya pa silang dalawa? Ano ako dito, hindi niya asawa?

Bakit ang sama naman ni tadhana! Ngayon ko lang nga napatunayan na mahal ko siya tapos ganito lang pala? Ganito yung kinalabasan!

“Best, asawa mo bakit may babae?” napatingin ako kay Dianne ng makita niya rin pala.

“Ewan ko. Kahapon sobrang saya naming dalawa bakit ngayon may kasama siyang babae? Mukhang malandi pa at isa pa parang kinulang sa tela yung damit! Eskwelahan ito at hindi bar para sa gaya niyang babae!” mariin kong sabi at kinuyom ang aking mga kamao.

“Hubby!” pagtawag ko sa aking asawa habang nakangiti ng pilit. Imbis na ngumiti sa akin ay tiningnan lang ako nito ng napakalamig at walang pakialam sa akin na nasasaktan ng palihim.

“Sino siya sweetheart? Ang pangit naman!” tanong ng malandi niyang kabit.

“Excuse me, miss! Makapangit ka naman sa kaibigan ko akala mo ang ganda mo? Eh wala ka nga sa kalingkingan niyan eh. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin at ng makita mo ang mukha mo na parang pwet ng aso!” galit na sigaw ng kaibigan ko sa kanya.

“Stop shouting at my girlfriend, Dianne!” malamig na sabi ng asawa ko.

“May asawa ka na nga may girlfriend ka pa? Ang kapal din ng mukha mo! Ano ito two in one?” sigaw ko at sinampal ang mukha ng asawa ko sabay talikod at tuluyan ng bumagsak ang aking luha.

Bakit pinagtatanggol pa niya ang kabit kesa sa akin na asawa niya? How dare him to hurt me like this!

“Best, hintayin mo ako!” sigaw ng kaibigan ko.

Tumakbo lang ako habang umiiyak. Dito pa talaga sa school dinala ang kabit niya!

Ang kapal talaga ng kanyang mukha para hindi mahiya! Ang mga tauhan niya ay hindi nagbantay sa akin dahil siya na lang pero imbis na ako ang bantayan na mismong asawa ay sa kabit pa talaga!

Kung ganon hindi pala totoo ang sinabi niya kahapon sa akin na mahal niya ako? Lahat ng pinapakita niya ay hindi totoo!

“Ang sakit!” sigaw ko nang makarating ako sa rooftop.

“Sana hindi na lang ako nagtiwala sa kanya!” sigaw ko habang umiiyak.

“Best, tahan na,” malumanay na sabi ni Dianne sa akin at hinaplos ang aking likod.

“Ang sakit, best. Sobrang sakit! Akala ko ako lang pero bakit ganon? Humanap pa talaga ng kabit na mukhang pwet ng aso!” sigaw ko.

“Nandito lang ako para sayo, best. Hindi kita iiwan,” sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

Ang tanga ko dahil pinili ko ang isang tao na hindi naman pala ako mahal! Ang hirap, kasi sobrang nahulog ako sa kanya tapos ganito yung ibabalik sakin.

Sana pinili ko na lang ang childhood friend ko. Mali ang decision ko na siya ang pinili ko!

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at hindi ako iniwan ng aking kaibigan.

I will change at ito yung araw na iiyak ako ng sobra dahil bukas hindi niya makilala ang isang Cleah na iyakin at babasaging crystal.

Galit ako sa kanya at hindi na iyun magbabago. Pilitin ko ang sarili ko na hindi umaasa sa kanila! Dahil simula bukas iba na ang dating Cleah!

---

“Ma'am Cleah, mabuti at narito na po kayo,” sabi ni Bryle nang makita ako nitong pumasok ng palasyo.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Pinatigil niya ako at tiningnan ang kabuuan kong mukha.

“Umiiyak ka ba?” usisang tanong nito sa akin.

“Bitawan mo ako dahil kukunin ko pa ang mga gamit ko!” malamig kong sabi sa kanya sabay talikod.

Binitawan ako nito dahil umiba ang aking eskpresyon. Takot ito kaya tinungo ko ang kwarto ko sa taas at agad na inimpaki ang aking mga gamit.

Bumaba ako dala ang aking maleta at inilagay agad sa likod ng aking kotse. Doon muna ako mag stay kay Dianne.

Nilisan ko itong lugar at mabilis kong pinatakbo ang kotse.

Habang papalayo na ako ay nakita ko ang sasakyan ng aking asawa na nakaparada sa gilid ng daan. Hindi ko ito pinansin dahil alam kong kasama nito ang kanyang kabit.

Tumulo ang luha ko sa naisip na baka may nangyari na sa kanila.

Arrange marriage lang naman ang sa pagitan namin. Ikinasal lang naman ako dahil sa kaligtasan ko. ‘Yun lang naman ang purpose ng kasal namin. Sa una pa lang ay ayaw ko na talaga makasal pero alang-alang sa magulang ko.

Nakarating ako sa bahay nila Dianne at sinalubong naman agad ako. Tinulungan niya ako na kunin ang aking mga gamit.

“Best, may isang room sa taas. Bali doon ka muna matutulog. Saka nilinis na ng mga katulong ang room mo. Samahan na lang kita para makita mo,” nakangiting sabi nito sa akin.

Sinamahan ako nito sa taas at ipinakita ang kwarto.

Ang laki ng kwarto na ito saka queen size bed din ang kama.

“Best ang laki naman nito. Tabi na lang kaya tayo matulog?” suhisyon ko sa kanya.

“Oo naman, para sa mabait ko na kaibigan! Dito ka nalang kaya tumira best, para magkasama tayo saka nasa ibang bansa pa sila mom at dad,” sabi nito sa akin.

“Sige best, dito muna ako titira sa bahay mo,” sagot ko.

Inilagay nito ang mga damit ko sa isang cabinet at tinulungan ko rin naman para hindi siya mahirapan.

“Best, anong gagawin mo? Asawa mo may kabit,” biglang tanong nito sa akin.

“Nakita mo naman siguro na ipinagtanggol pa talaga ang kabit kesa sa akin na asawa niya. Kahapon ang kaunahang date namin. Masaya ngunit sa isang iglap naging ganito na siya. Sana hindi na lang ako nagtiwala sa kanya. Alam mong sobrang nasasaktan ako ngayon. Ako na mismong asawa niya, nagawa pang saktan!” sabi ko sa kanya at namuo ang luha sa aking mga mata.

“Tahan na best. ‘Yan ang ayaw ko sa lahat dahil alam kong masasaktan lang tayo sa lintik na pag-ibig!” sabi nito at niyakap ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

*ring-ring-ring*

Napahiwalay ako sa kanya at agad na isinagot ang tawag. Hindi ko tiningnan kung sino ang caller na ito.

[Wife?] Tawag ng magaling kong asawa.

“Bakit ka pa tumawag hayop ka! Huwag ka nang tumawag dahil sa ginawa mo sakin! Pinagtabuyan mo pa ako at proud na proud ka pa na isigaw sa pagmumukha ko ang kabit mo!” sigaw ko sa tawag.

[Wife, I'm sorry. Please comeback to me. Please don't leave me!]

“You think babalik pa ako dyan? Akala ko ba hindi mo ako lulukuhin, ‘yun pala pinagmukha mo akong tanga! Paano pa ako babalik sayo kung ikaw rin pala ang rason ng pag-iwan ko sayo! Doon ka na sa kabit mo diba girlfriend mo ‘yun? Kaya doon ka sa kanya. Ano ang laban ko eh siya yung pinaglaban mo!” sigaw ko sa tawag habang umiiyak.

[Wife please don't do this to me—]

I ended the call at hindi ko na pinatapos ang kanyang sinabi. Ano ang laban ko eh hindi nga ako ipinaglaban, ni hindi man lang ako sinundan kung saan ako pupunta tapos mag sosorry siya at bigla na lang tatawag? May asawa na nga may girlfriend pa!

“Best naman eh! Umiiyak ka na naman. Tahan na, sayang lang ang luha mo sa isang taong walang kwenta!” sabi nito at niyakap akong muli.

This girl beside me is always my comforter and she's a caring person that I've met. No wonder kung bakit naging close kami since back to highschool life. Tagapagtanggol ko siya at minsan nag-aaway kami pero agad din kami nagbabati.

Siya yung tao na handa akong damayan sa lahat ng bagay kahit sa sitwasyon ko ngayon.

I will be change. This angel turns into evil because of what he did to me. Hindi ako papayag na masaktan pa ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top