Chapter 20: Find

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Mabilis na dumating ang dalawang kapatid ni Cleah kasama na ang dalawa pa na sina Bryle at Stephen.

Tumulong agad sila sa pakikipag laban sa mga kaaway nila.

Hindi alam ng binata na wala na ang kanyang asawa. Patuloy pa rin siya sa pakikipagbarilan ng kanyang mga kalaban at nakita niyang hindi na siya nag-iisa sa pakikipag laban kaya mabilis na naubos nila ang mga kaaway na basag lahat ang bungo, nakabulagta at nakahandusay sa lupa.

Mabilis na pinuntahan ng binata ang kanyang asawa kung saan niya ito iniwan na mag-isa at hindi pinaalis para hindi mapahamak.

Ngunit biglang nanlumo ang binata dahil wala na ang kanyang asawa.

“Dark! Nasaan na ang kapatid namin?” biglang tanong ni Skyler sa binata. Hindi ito mapakali dahil ito lamang ang kanilang munting prinsisa.

Sa halip na sagutin nito ang tanong ay hindi niya ito sinagot at bigla na lang napamura.

“Ano ba Dark! Nasaan na ang kapatid namin?” galit na sigaw ni Skyler at kwenelyuhan ito.

“Hindi ko alam! Dito ko lang iniwan ang asawa ko!” malamig at matigas nitong sagot sa kapatid ng dalaga.

Ang tatlo naman ay nakatingin lang sa dalawa na nagsasagutan. Napa-isip naman agad ang panganay na kapatid ng dalaga kung nasaan na nga ba ito.

“Bakit wala siya rito kung dito mo lang siya iniwan! Anong klasi kang asawa?” biglang sigaw ni Skyler sa binata.

“Tama na ‘yan Sky!” saway ni Stephen sa binata.

Pinigilan naman ni Ryle si Skyler para hindi niya masuntok ang binata.

“Walang kasalanan si Dark dito, Sky! Nakita mo naman sigurong maraming kalaban. Huwag mong isisi sa kanya. Kasalanan din natin dahil hindi natin alam na nasa peligro ang buhay ng kapatid natin. Kung hindi siya tumawag sa atin siguradong mahihirapan si Dark dahil sobrang madami ang mga kalaban!” mahabang paliwanag ng kanyang kuya. Kaya huminahon ito sandali at kusa naman tumulo ang luha ng binatang si Dark.

“I didn't do anything to save my wife. Kailangan kong mahanap ang asawa ko hindi pweding mawala pa ito sa akin!” biglang sabi ng binata na umiiyak.

“Hanapin na natin si ma'am Cleah! Ryle?” wika naman ni Bryle at biglang tinawag si Ryle.

“What?”

“Track mo para mabilis natin siyang mahanap. Pagabi na baka kung mapaano ang asawa ni boss na kapatid ninyo!” utos nito sa kanya.

Hindi na umangal si Ryle at agad na tini-trace ang kapatid. Lumapit naman si Skyler sa kanya at tinulungan din para mapadali. Ngunit hindi nila nakita sa tracker kung saan naroroon ang kapatid.

“Did you find her?” biglang tanong ng binata sa dalawang magkakapatid.

“None! Imposeble na hindi ko siya ma trace!” sagot ni Ryle sa kanya.

“Shit! Its all my fault! I'm the one who should be blame here! Kasalanan ko ang lahat ng ito kung hindi ko pinabayaan at iniwan ang asawa ko hindi sana ito mangyayari!” sabi ng binata na galit at sobrang pagsisi ang kanyang nararamdaman ngayon sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa.

“We need to find her even its night. Call our men to help us now!” biglang sigaw ng binata.

Agad naman tinawagan ang mga men and black ng binata upang agad na mahanap ang kanyang asawa.

---

Sa kabilang dako naman kung nasaan naroroon ang dalaga ay mistulang nakaupo pa rin ito. Umiiyak at naghihintay na sana mahanap na ngunit hindi niya inaasahan na masusundan pa rin siya ng mga armadong lalaki.

Sobrang dilim ng kanyang dinadaanan kaya nagtago siya sa likod ng puno at hindi gumawa ng kahit anong ingay.

Tatlong armado ang nakasunod sa kanya. At baka kung mapaano pa siya kapag lumabas siya sa kanyang tinataguan.

Kinapa niya ang kanyang bulsa kung sakali hindi niya naiwala ang kanyang cellphone.

Mabuti na lamang at nasa kanya. Agad niyang binuksan at hinanap ang contact ng kanyang asawa.

Hindi siya nawalan ng pag-asa na sana’y masagot na ng kanyang asawa.

Habang sa paghihintay nito, sa wakas ay nasagot rin ang kanyang tawag. Agad naman na e-trace ng kanyang mga kapatid ang kanyang lokasyon habang siya’y humihikbi.

[Wife, stay there okay? Huwag kang aalis dyan. Papunta na kami para iligtas ka.] Sabi ng kanyang asawa sa kabilang linya.

“Hubby, dalian ninyo. Natatakot na ako rito!” mahinang sagot ng dalaga at tumulo ang kanyang luha.

[Wait for me, wife. I'm sorry, please huwag kang aalis para hindi ka mapahamak.] Sabi ng binata sa kanya.

“Dalian ninyo! Nandito lang yung babae na pinapakuha ni boss. Patay tayong lahat kapag hindi siya natin nakuha!” sigaw ng isang armado habang may dalang flashlight at pinapailawan ang daan na hinahanap sa likod ng mga malalaking puno.

“Sigurado akong hindi pa ‘yun nakakalayo! Gubat na rito at isa pa hindi niya alam ang pasikot-sikot na daan, hahaha!” sigaw ng isang armado habang tumatawa.

Natakot naman bigla ang dalaga sa narinig at sa kung ano ang gagawin sa kanya.

“Hubby, nasaan ka na ba? Bilisan ninyo dahil natatakot na talaga ako rito!” sabi nito sa tawag.

[Malapit na kami sa pwesto mo, wife! Ilang armado ang nakasunod sayo?] Tanong ng binata sa dalaga.

“Tatlo sila hubby!” sagot ng dalaga.

Hindi na sumagot ang binata sa kanya nang makarinig siya ng pagputok ng baril malapit sa kanyang pwesto.

“Wife! Nasaan ka?” sigaw ng binata sa kanya habang wala na ang pagbarilan sa pagitan ng armado at ng kanyang asawa.

Lumabas naman ang dalaga sa kanyang tinataguan ng marinig nito ang sigaw ng kanyang asawa.

“Hubby! Nandito ako!” sigaw ng dalaga sa binata.

Pinailaw ng dalaga ang kanyang cellphone upang makita ito ng binata.

Mabilis naman pinuntahan ng binata ang pwesto ng dalaga at agad na niyakap ng mahigpit.

“Sorry wife, kung iniwan kita. Kasalanan ko ito,” sabi ng binata habang hinahaplos ang buhok at likuran ng dalaga.

“Hubby, salamat at niligtas mo ako,” sabi ng dalaga habang umiiyak.

“Ssshhh, stop crying wife dahil ligtas ka na,” sabi ng binata sa kanya.

Hinawakan ng binata ang mukha ng kanyang asawa at pinahiran ang luha na tumutulo sa kanyang mata. Napapikit ang dalaga habang nakayakap pa rin sa binata.

Hinalikan nito ang noo ng dalaga at niyakap muli. Nagsidatingan naman ang kanyang mga kuya at ang dalawa pa na kasama ang mga tauhan ng binata para madaling mahanap ang dalaga ngunit natagpuan na nila.

“Mabuti at ligtas ka princess. Sorry kung hindi agad kami dumating. Sana hindi ka napadpad dito!” sabi ng kanyang kuya na si Skyler at niyakap ang kapatid at ganoon din si Ryle.

“Promised, hindi ka namin pababayaan, princess. Stop crying dahil uuwi na tayo,” sabi ni Ryle sa dalaga.

Tumahan naman ang dalaga ngunit bigla nalang nahimatay.

Agad naman binuhat ng binata ang dalaga at nilisan ang lugar kung saan nila nahanap ang kanyang asawa.

Sumunod naman ang apat at ang mga tauhan nito.

Buhat-buhat niya ang dalaga hanggang sa makarating sila sa kanyang sasakyan. Nilagay agad ng binata ang kanyang asawa sa back seat at pinahiga ito.

Mabilis naman nito pinaandar ang sasakyan at nilisan ang lugar.

Iniutos pa ng binata sa kanyang mga tauhan na iligpit ang mga bangkay ng kanyang kalaban.

Mabilis na nakarating sila sa kanyang palasyo. Agad na kinuha ng binata ang dalaga at binuhat papasok sa kanyang kwarto.

Hindi inalintana ng binata ang kanyang mga sugat. Ang mas mahalaga lamang sa kanya ay ang kaligtasan ng kanyang asawa.

Hindi niya alam ang gagawin kung maulit pa ang nangyari sa dalaga.

Tinawagan nito ang kanilang private doctor upang tingnan ang kalagayan ng dalaga.

Mabilis naman dumating ang magulang ng dalaga at ganoon din ang magulang ng binata. Hindi natuloy ang kanilang family dinner dahil sa nangyaring trahedya.

Pinapaimbistigahan na rin ng ama ng binata't dalaga upang malaman kung sino ang salarin sa nangyaring trahedya.

Pinahigpit pa ng kanilang mga ama na kung saan ang dalaga ay dapat na may bantay ito upang hindi na maulit ang nangyari.

Mabilis na nilapitan ng binata ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog sa kanyang kama.

Mabuti na lamang at walang sugat ang dalaga. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga at hinaplos ang mukha.

Mapapatay talaga niya ang taong may kagagawan nito sa kanila. Siguradong sobra ang galit ng taong ito sa kanya kung kaya't nadamay pa ang kanyang asawa.

Wala pa rin makakatalo sa kanya dahil isa siyang mafia lord. At hindi niya gusto na ang kanyang asawa ay gagawing pain para matalo siya. Ito ang kanyang kahinaan kung kaya ay dapat nito bantayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top