Chapter 18: Forgiveness
CLEAH JEAN POV
Gabi na nang makauwi ako sa bahay namin ni Dark. Nakita ko na nakaparada ang mga sasakyan, isa na doon ang mga kotse ng dalawa kong kuya at ang kotse ng aking asawa.
Kaya pinark ko na rin ang aking sasakyan at pumasok kaagad sa loob ng palasyo.
“Magandang gabi, nay Nora!” pagbati ko kay nanay Nora habang nakasalubong ko siya sa hallway.
“Magandang gabi rin, ijah. Mabuti at narito ka na,” bati rin ni nanay Nora sa akin.
“Nakauwi na po ba ang asawa ko, nay Nora?” bigla kong tanong sa kanya.
“Tamang-tama ang iyong pagdating, ijah dahil kakarating lang din nila at nandito rin ang mga kuya mo. Hindi ko lang napansin kung nasaan sila. Narinig ko lang naman sila dahil nasa kusina ako,” sagot nito sa akin.
“Okay lang po nay Nora. Pupunta muna ako sa sala,” sabi ko.
“Sige na ijah, at ihahanda ko lang ang inyong hapunan doon sa dining,” sabi rin nito at umalis.
Ako naman ay nagtungo sa sala. Nadatnan ko silang nag-uusap at hindi ko alam kung ano iyun. Nakatalikod kasi silang lahat sa akin.
Kaya pumunta ako sa harap nila at doon ko nakita na nagpupunas ang dalawa kong kuya dahil may mga dugo ang kanilang sarili pati na rin sila Bryle at Stephen.
“Ano ang nangyari sa inyo bakit may mga dugo ang katawan ninyo?” bigla kong tanong sa kanila na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Tiningnan ko ang asawa ko ngunit nakatingin lang ito ng malamig sa akin.
“Hindi ito dugo, princess. Ketchup lang to,” sagot ni kuya Skyler sakin.
“Yes princess, ketchup lang to,” sagot din ni kuya Ryle.
“Ketchup? Bakit may mga sugat kayong apat? Ano ako isang uto-uto para malaman iyan na isang ketchup lang?” tanong ko habang nakataas ang aking kilay.
“A-ano k-kasi p-princess,” utal-utal na sagot ni kuya Skyler.
“We're on our fight, wife. Don't be so much worried,” sagot nito sa akin at tumayo at tumungo sa aking direksyon. Bigla ako nito niyakap ng mahigpit.
“Gladly your home now, wife!” sabi nito at hinalik-halikan ang aking noo.
“I'm sorry,” bigla kong sabi sa kanya.
“Sorry dahil hindi ako umuwi sa bahay natin!” nakasubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib at biglang umiyak.
“Hush, don't be sorry. Ako dapat ang humingi ng sorry sayo, wife. I scold you in front of many people. I'm sorry wife, please don't cry. I don't want see you crying because of me. Please forgive me,” malumanay na sabi nito sa akin habang hinahaplos ang aking buhok at likod.
“Sorry din dahil iniwan kita. Pangako babawi ako sayo dahil asawa kita. Sana patawarin mo rin ako, Dark,” sambit ko at tumahan na sa pag-iyak.
“I will forgive you too but please call me hubby first,” bigla nitong sabi sa akin kaya napahiwalay ako sa pagyakap sa kanya.
Hindi ko na rin nakita ang apat siguro naligo at nagpalit na.
“Ano?” tanong ko.
“Diba sabi mo, babawi ka sa akin? Kaya call me hubby first!” nakangisi nitong sabi sa akin.
“Hubby!” sabi ko sa kanya.
“Yes, wife? Can you say it again?” tanong nito sa akin habang nakangisi pa rin.
“Hubby!” sagot ko.
“Again?”
“Hubby!” sigaw ko.
“My wife call me hubby! Yes! Yes! Yes!” sigaw nito at pinakita ang cellphone na naka record ang mga sinabi ko.
“I will set this to my ringtone, wife!” masiglang sabi nito sa akin at niyakap ulit ako.
“Hubby, sorry!” sabi ko at niyakap siya pabalik.
“Don't be sorry, wife. But please hindi ko gustong lalapit ka pa sa lalaking ‘yun. Hindi mo siya kilala ng lubusan, okay?” sabi nito sa akin.
“Pero kaibigan ko ‘yun, Hubby!” tutol na sagot ko sa kanya.
“Basta lumayo ka na lang sa kanya, okay ba? Ayaw ko lang na mapahamak ka,” sabi nito.
“Okay, Hubby. Masusunod po!” sagot ko at tumingin sa kanyang mga mata.
Tumingin din ito sa mga mata ko at unti-unti rin na lumalapit ang kanyang mukha.
“Ehem!” bigla kaming napahiwalay.
“Sa kwarto dapat ang bagsak, hindi sa sala!” sabi ni Bryle at sumipol pa.
“Sana ni lock ninyo muna ang pinto bago ninyo ‘yan gawin,” ani naman ni Stephen kaya napahiya naman ako.
“Princess, gusto namin ng kuya Ryle mo ng pamangkin!” sabi ni kuya Skyler kaya agad siyang binatukan ni kuya Ryle.
“Aray ko Ryle!”
“Ang bata pa ng kapatid natin para sa ganyan. Kung gusto mo nandyan naman si Venice!” sagot ni kuya Ryle sa kanya.
“Tsk!” sagot nito at agad na tumalikod.
“Kuya sandali! Gusto mo ba si Venice?” mariin kong tanong sa kanya.
“Huh? Hindi princess!”
“Bakit ka nakatalikod?” tanong ko.
“Hindi ko gusto si Venice! Ayaw ko sa kanya. Katulong lang naman siya rito bakit ako magkakagusto sa kanya?” sagot ni kuya Skyler sa akin sabay harap.
*Boggsh*
Nakarinig kami ng kalabog mula sa labas ng pinto. Nilapitan ko naman si kuya Skyler at agad sinuntok sa mukha dahilan para dumaing sa sakit.
“Ouch! Pain!”
“Alam mo ba na mahal ka ni Venice, kuya? Alam mo ba kahapon kinausap ko siya kung may gusto siya sayo? At nakumperma ko nga dahil kahit isambit pa niya yung pangalan mo makikita ko na mahal ka niya!”
“Oo alam kong katulong lang si ate Venice pero kahit katulong lang siya, tinuturing ko rin siya na parang kapatid dahil wala akong ate. Sana kuya umamin ka na sa kanya at sana huwag ka naman maging torpe!” mahabang sabi ko sa kanya.
“Pero princess!” kontra nito sa sinabi ko.
“Narinig niya kuya! Narinig niya ang mga sinabi mo. Habulin mo siya kuya dahil nasasaktan yun! Gusto ko siya para sayo kaya huwag ka ng mag deny na hindi mo gusto si ate Venice!” sabi ko sa kanya.
“Habulin mo siya dahil tama ang sinasabi ng asawa ko!” sabi rin ni Dark sa kanya.
Kaya agad na umalis si kuya sabay takbo para habulin si ate Venice. Napasinghap at ngumiti ako dahil sa wakas hindi na magiging torpe si kuya.
“Torpe talaga ni Skyler!”
“Kapatid kong mahina kumilos sa babae!”
“Why are you smiling, wife?” biglang tanong ni Dark sa akin.
“Nothing!” sagot ko.
“Stephen nga pala may girlfriend ka na?” tanong ko at umupo sa sofa.
“Wala ma'am Cleah. Bakit mo na tanong?” sagot ni Stephen sa akin.
“Wala naman. Pero may kilala akong babagay sayo pero secret lang. Ikaw Bryle?”
“Wala din po, ma'am Cleah!” sagot naman ni Bryle.
“Kuya!” tawag ko sa aking kuya.
“Yes, princess?”
“Kuya, gusto kong sumayaw ka!” pabirong utos ko sa kanya na may pagalit sa aking boses.
“Ano?”
“Sabi ko sumayaw ka!” mariin kong sabi habang nagpipigil ng tawa dahil ang mukha nito ay hindi na maipinta.
“Hindi ko ‘yan gagawin, princess!” matigas nitong sagot sa akin.
“Bakit hindi ka sasayaw?” malditang tanong ko.
“I don't want to DANCE!” mariin nitong sagot sa akin.
Napahalakhak naman sila dahil alam din nilang hindi ito marunong sumayaw.
“Stop this non sense thingy! Nagugutom na ang asawa ko!” biglang sabi ni Hubby.
Umaarangkadang umalis naman silang tatlo dahil sa utos ng aking asawa. Agad din kaming nagtungo sa dining upang makakain na.
---
“Wife, tabi tayong matulog!” biglang sabi ni hubby sa labas ng pinto habang kumakatok ito.
Kaya napabangon ako at binuksan ang pinto.
“Pasok na,” sabi ko sa kanya kaya pumasok na rin siya at agad humiga sa aking kama. At ako naman ay nilock muna ang pinto bago ako humiga.
“Wife?” pagtawag nito sa akin.
“Hmm?” inaantok kong sagot sa kanya.
“Let's sleep,” sabi nito at hinalikan ang aking noo.
“Goodnight Hubby!”
“Goodnight my wife,” sabi nito sa akin kaya niyakap ko siya at ginawa kong unan ang kanyang braso.
“Wife, I want to have a child with you,” bigla nitong sabi sa akin kaya napamulat agad ako ng aking mga mata at napatingin sa kanya.
“I want to bear my child with you, wife. You only,” sabi nito sa akin at hinalikan ang aking noo.
“Hubby, hindi pa ito ang oras para mag-kaanak. Tatapusin ko muna ang pag-aaral bago iyan,” sagot ko sa kanya. Hinaplos naman nito ang aking buhok.
“I understand, wife. Hihintayin ko na maging handa ka sa lahat. I love you, my wife!” malumanay nitong sabi sa akin at hinalikan ang aking noo ng paulit-ulit.
Binigyan ko siya ng smack kiss sa labi at natuod naman ito. Natulog na lang ako at isinisiksik ang mukha ko sa kanyang dibdib. Bahala siya kung ano ang kanyang reaksyon. Basta ako inaantok na.
“I love you, my wife. Sweet dreams.” Huli kong narinig bago ako tuluyan nilamon ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top