Chapter 17: Visit My Bestfriend
CLEAH JEAN POV
Nasa likod ako ng skwelahan at nakaupo sa isang upuan habang nagbabasa ng libro.
Gusto ko munang mapag-isa since it was my vacant time. Hindi ko rin kasama si Dianne. Sabi raw nila eh hindi daw pumapasok.
I want to visit in her house this afternoon. Para malaman ko kung okay lang ba siya. Baka kasi nilagnat ang babaitang ‘yun.
Hindi rin umuwi si Dark kagabi kasi ang sabi ni nanay Nora sa akin ay may mahalaga siyang lakad.
Hindi ko alam pero parang nag-aalala ako para sa kanya. For now siguro dapat ko siyang tratuhin bilang asawa.
Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa mga ginagawa at nasabi ko sa kanya.
Hindi ko man gusto pero sa mata ng maykapal ay asawa ko siya. Siguro makakahanap pa na man si dada na may magmamahal sa kanya ng totoo at hindi ako ang babae para sa kanya kasi may asawa na ako at kailangan ko iyun tanggapin.
Matagal na ng panahon na hindi kami magkasama ni dada kaya siguro nawala na ng tuluyan ang pagmamahal ko para sa kanya. At ang tingin ko ngayon sa kanya ay isang kaibigan na lang.
Iba na ngayon ang tinitibok ng puso ko. Gusto ko munang alamin at siguraduhin kung siya ba talaga ang taong gusto ko at minamahal. Napatingin naman ako bigla sa langit at ngumiti.
Pinapakiramdaman ko muna ang buong paligid bago ko ulit itinuon ang pansin sa aking binabasang libro.
Tulad nga sa linya ng binabasa ko na libro, "Huwag mong sayangin ang pagkakataon na may totoong nagmamahal sayo. Dapat mo itong pahalagahan dahil kapag sa oras na binaliwa at hinayaan mo ay magsisisi ka."
This book is right. Hindi ko nga talaga pinapahalagahan ang isang tao na nagmamahal sa akin ng totoo. Sinasayang ko lang ang effort niya para sa akin.
Siguro pagtutuonan ko na ng pansin at pahalagahan ang asawa ko.
“Hi, darling!” biglaang sabi ni dada at tumabi sa gilid ko. Hindi ko alam pero bakit siya nandito at isa pa hindi niya kabisado itong lugar.
“Hello!” walang ganang sagot ko sa kanya.
“Are you okay?” tanong nito sa akin.
“Yeah! Pero paano mo nalaman na nandito ako? At isa pa hindi mo pa alam ang lugar na ito hindi ba?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Nakita ko na parang ngumisi siya ng palihim.
“Hindi ko rin alam, Cleah. Napadpad lang naman ako rito at hindi ko akalain na nandito ka rin pala,” sagot nito sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita at itinuon na lamang ang aking atensyon sa pagbabasa ng libro.
“Cleah, can you love me back the way I love you?” napatingin ako bigla sa kanya ng magtanong ito sa akin.
“Anong klasing tanong ba ‘yan, dada?” imbis na sagutin ang kanyang tanong ay tinanong ko rin siya.
“Mahal mo rin ba ako, Cleah? Meron pa bang chance?” tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko.
“Oo, mahal kita,” sagot ko.
“Talaga ba, Cleah?” tanong nito sa akin habang hindi makapaniwala.
“Oo, mahal kita dada pero bilang isang kaibigan!” sagot ko sa kanya.
Mahal ko nga siya pero bilang isang kaibigan na lang. Dati mahal ko siya pero naglaho na lang bigla ang pagmamahal ko para sa kanya.
“Pero— diba sabi mo sa akin ako lang ang mahal mo hindi ba?” tanong nito sa akin.
“Sorry dada, pero hindi na ngayon. Makakahanap ka pa naman ng magagandang babae dyan diba? At saka may magmamahal pa naman sayo,” sabi ko sa kanya.
“Is he the reason why you can't love me now, am I right?” tanong nito sa akin.
“No! Meron talagang mga bagay na hindi pwedi maipaliwanag, dada!” sagot ko sa kanya.
“It's okay, Cleah!” sabi nito sa akin at tumayo na at umalis ng hindi nagpapaalam sa akin.
Hindi ko alam pero bakit parang nag-iba na siya? Hindi naman si Dark ang rason kung hindi ko na siya mahal diba? Gusto ko lang muna eh confirm itong nararamdaman ko.
Talagang kaibigan lang ang turing ko ngayon para kay dada. Hindi ko siya gustong saktan pero ‘yun talaga ang nararapat dahil ayaw ko siyang umasa sa wala o ano man dyan.
---
“Yaya, nandyan po ba si Dianne?” tanong ko sa yaya ni Dianne.
Kakapasok ko lang dito sa bahay nila Dianne at mabuti na lang at nakita ko si yaya Julie.
“Oo Ijah, nasa kwarto si Dianne at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Kahapon pa siyang hindi lumalabas at hindi pa kumakain. Kinakatok ko nga rin ang pinto niya at tinatawag na lumabas muna siya para kumain pero sinasabi niya sa akin na ayaw nito kumain. Ikaw na muna ang bahala sa alaga ko, ijah,” sabi ni yaya Julie sa akin.
“May susi po ba kayo, yaya Julie?” tanong ko sa kanya.
“Mayroon akong susi ng kwarto niya, ijah. Teka lang at kukunin ko lang,” sabi ni yaya Julie at umalis muna at maya-maya pa ay bumalik na siya bitbit ang susi ng kwarto ni Dianne.
“Salamat po, yaya Julie!” pagpapasalamat ko sa kanya at kinuha ang susi at tinungo ko na ang kwarto niya sa taas.
“Best!” tawag ko sa labas ng kanyang kwarto habang kinakatok ang pinto. Pero ni isang sagot ay wala akong narinig mula sa kanya.
Kaya binuksan ko na lang ang pinto gamit ang susi na ibinigay ni yaya Julie. Bumukas naman kaya pumasok na kaagad ako sa loob ng kwarto niya.
Nakita kong nakahiga ito sa kama niya at nakapikit ang mga mata. Kaya pinuntahan ko siya sa kanyang direction at umupo sa kanyang tabi.
“Best!” tawag ko sa kanya.
“Best!” tawag ko ulit pero hindi ito sumasagot at nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
Kaya inilagay ko ang aking kamay sa kanyang noo at bigla ko na lang inalis dahil sobrang mainit ang kanyang noo at ang buong katawan nito.
“Ang init mo best! Teka lang at tatawagin ko lang si yaya Julie!” sabi ko at umalis para tawagin ang kanyang yaya.
Inaasikaso siya namin ni yaya Julie hanggang sa bumaba na ang temperatura ng kanyang lagnat.
“Best!” pagtawag ko sa kanyang pangalan.
Medyo nagkamalay na siya dahil nakamulat na ang kanyang mga mata at nakatingin na sa akin.
“Best, salamat pala dahil inasikaso mo ako,” sabi nito sa akin.
“Ano ka ba best! Nagpunta nga ako rito para malaman ang kalagayan mo. Sabi ng mga kaklasi natin ay absent ka raw ng ilang araw. Kaya dinalaw na kita rito sa inyo,” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Ewan ko nga dahil kahapon parang ang bigat ng katawan ko at parang wala ako sa sarili,” sabi nito sa akin.
“Kukuhanan lang kita ng lugaw sa kusina ninyo. Sabi kasi ni yaya Julie ay ayaw mo rin kumain kahapon?” tanong ko.
“Wala kasi akong gana kumain,” sagot nito sa akin.
“Sige, hintayin mo lang ako rito para makakain kana,” sabi ko sa kanya at umalis muna para kuhanan siya ng lugaw.
---
“Best!” tawag nito sa akin.
“Ano ‘yun best?” tanong ko sa kanya.
“Kaano-ano mo yung lalaki na ‘yun?” tanong nito.
“Yung nakabanggaan ko?” sagot ko.
“Oo, yung lalaki na ‘yun.”
“He's my childhood friend. Siya yung dating kaibigan na mahal na mahal ko,” sagot ko sa kanya.
“Mahal mo pa rin ba siya ganon? Paano na yung asawa mong si Dark?” tanong nito sa akin.
“Mahal ko siya bilang isang kaibigan na lang dahil na realized ko na mayroon akong isang asawa na nagmamahal sa akin. Gusto kong humingi ng tawad sa asawa ko,” sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kisame.
“Your both perfect couple, best. Don't ever leave him or make him suffer. He's a good man. Everything will be fine soon,” nakangiti nitong sabi sa akin.
“Yeah! Thank you so much, best. Oh! it's already 6:00 PM. Kailangan ko ng umuwi, best. Baka pagalitan ako ni kuya,” sabi ko sa kanya at niligpit na ang aking mga gamit.
“Keep safe, best. Salamat at dumating ka kanina upang asikasuhin ako at kung hindi, siguro nakaratay pa rin ako sa aking kama at pagnagkataon hindi pa ako gumagaling!” sabi nito sa akin.
“Always welcome best, dahil kaibigan kita at para na kitang tunay na kapatid. Paano ba ‘yan mauna na ako. Text mo ako bukas kapag magaling ka na!” sabi ko at ngumiti sa kanya.
“Bye best! Mag-iingat ka sa daan,” sabi nito at kumaway sa akin.
Ngumiti at kumaway ako pabalik sa kanya bago lumabas ng kanyang kwarto.
Nakasalubong ko naman si yaya Julie habang pababa ako sa hagdan.
“Uuwi ka na ba, ijah?”
“Opo yaya Julie, baka gabihin ako sa daan eh,” sagot ko sa kanya.
“Ihahatid na lang kita hanggang sa labasan,” sabi nito sa akin.
“Sige po, yaya Julie!” sagot ko sa kanya at ngumiti.
Hinatid ako ni yaya Julie hanggang sa makasakay ako sa aking kotse.
Kumaway muna ako sa kanya bago umalis ng bahay nila Dianne.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top