Chapter 12: Punched
STEPHEN POV
Bwesit ang sakit ng mata ko. Walang hiyang babae na yun!
Hindi ko naman sinasadya na mahalikan siya. At isa pa kasalanan ng walang hiya kong kaibigan ang pumatid sa akin!
Pati kalukuhan niya dinamay pa ako at ako pa ngayon ang may kasalanan sa ginawa ko kay Dianne!
Nandito kami ngayon sa bahay na mala palasyo ng kaibigan namin slash boss namin!
Apat kaming magkakaibigan ang pumunta dito kasama na ang mga kuya ni ma'am Cleah.
Kahapon lang sila dumating. Hindi nga namin na expect na tatawag silang dalawa na magpapasundo sa amin sa airport.
At kanina lang ako nagkablack eye dahil sa tarantado kong kaibigan.
At ang worst kaibigan pa ni ma'am Cleah ang nahalikan ko.
"Masarap ba ang labi ni Dianne, bro?" natatawang tanong ni Ryle sa akin.
"Matamis ba?" gatong naman ni Skyler na tumatawa rin.
"Hahaha, ng dahil sa halik mo na 'yan nakatikim ka ng isang suntok at ngayon nagiging ube na iyang kanang mata mo," natatawang sabi ng walang hiya kong kaibigan at may pahawak pa sa tiyan niya!
"Tumigil nga kayong tatlo! Nabebwesit na ako sa inyo kanina pa!" napipikon kong sigaw sa kanilang tatlo.
Wala pa dito sila boss at ma'am Cleah dahil ang sabi ni nanay Nora ay pumunta sila sa company na pag-aari ni boss.
"Napipikon na po ang ating kaibigan. Alam natin na kahit hindi siya aamin, masarap pa rin ang labi ni Dianne!" sigaw ni Bryle at ang dalawa naman ay tumatawa na walang bukas.
Kahit kailan talaga ay bwesit na bwesit ako sa kanya.
"Tumigil kang baliw ka! Dahil sayo kaya ako nagkablack eye!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit ako ang tinuturo mo? Hindi naman kita inaano kanina huh!" sabi nito sa akin habang natatawa.
"Anong wala? Baliw ka talaga dahil sa pagpatid mo sa akin kaya ko nahalikan si Dianne at ako ang nasuntok niya! Bwesit ka!" sigaw ko sa kanya.
"Kasalanan mo pala, Bryle eh!" sabi ni Ryle.
"Pasalamat nga siya dahil hindi tae yung nalandingan niya. Mabuti pa nga nalandingan niya yung labi ni Dianne kaya hindi rin siya lugi!" sagot ni Bryle kaya napatawa na rin ang dalawa.
"Bwesit ka talaga! Makikita mo rin kapag ako nakapaghiganti sayo at sa mismong tae kita pa lalandingin! Na bebwesit na talaga ako sayo!" sigaw ko sa kanya.
"Hahahah! Malabong mangyayari sa akin 'yan!" natatawang sagot nito sa akin.
"Sige tumawa ka lang dahil mangyayari talaga yan sayo!" singhal ko.
"Hahaha! Kapag ikaw bro ang lumanding sa mismong tae siguradong magpaparty ako!" nata-tawang sabi ni Skyler at sabay turo kay Bryle.
"Ako naman, I will announce to the whole world na ang isang Bryle Lee ay lumanding at nahalikan ang tae! Hahaha," saad ni Ryle at tumawa ng malakas.
"What are you all doing here in my place, morons?" isang nakakatakot na sigaw ang biglang bumulaga sa amin.
Nandito na pala si boss at ang mga kasama ko naman ay biglang napatahimik at napaupo.
"Hey Bro! Long time no see!" sabi ni Ryle at tumayo at nagtungo sa pwesto niya.
"Yeah! Why are you here?" malamig nitong tanong sa kay Ryle.
"Bakit masama na bang bisitahin ang kaibigan naming malamig pa sa yelo? At isa pa nandito ako para kamustahin ang lagay ng kapatid ko," wika ni Ryle sa kay boss.
"Tsk!" tanging tugon nito at umalis na sa pwesto niya at nagtungo dito sa sofa.
Nagulat siya ng makita ang kalagayan ko.
"What happen to your eyes?" tanong ni boss sa akin.
Hindi ako sumagot dahil hanggang ngayon parang nabebwesit pa rin ako sa kanilang tatlo. Himala rin at tinanong ako ni boss kung ano ang nangyari sa akin.
"Hinalikan niya lang naman si Dianne, boss, kaya iyan ang napala niya," sagot ni Bryle at tumawa.
"Ayan kasi sinira mo ang araw ni Dianne kaya iyan ang napala mo, hahaha!"
"Iyan ang inabot mo sa kanya, dude?"
"Isang black eye ang natamo mo kay Dianne? Ang hina-hina naman nun sana dinalawa niya para timbang, hahaha!"
"Tumigil nga kayong tatlo! Hindi ko naman sinadya na mahalikan yun! Aksidente lang yun dahil nadulas ako!" bulyaw ko dahil parang hindi sila maka move on dahil sa nangyari sa akin kanina sa school.
Nagulat kaming lahat nang may pabagsak na isinara ang pinto kaya lumingon kaming lahat at doon ko nakita si ma'am Cleah na nakatayo malapit sa pinto habang naka-cross arms at ako naman ay iniwas ko ang aking paningin at baka pati si ma'am Cleah ay pagtatawanan pa ako lalo't kaibigan nito ang sumuntok sa kanang mata ko.
Gusto ba ninyong malaman? Sige mag flashback tayo.
*flashback*
Kasalukuyan kaming lumalakad ni Bryle sa hallway at walang mga estudyante ang nasa labas kasi nga class hours na at kami lang dalawa ang nandito.
Papasok naman kami sa klase eh kapag hindi lagot kaming dalawa sa boss namin.
Takot kami kay boss lalo na kapag hindi namin sinunod ang sinasabi at ang iniuutos niya sa amin.
Nakita namin na sarado ang pinto, siguro nandyan na si prof.
Kaya binuksan ko ang pinto ng room at walang prof ang nandito. Akala ko naman nasa loob na si prof pero wala pa pala. Mga kaklasi ko na nagchi-chikahan at ang iba naman panay ang cellphone at makeup sa kanilang sarili ang nakikita ko.
Kaya lumakad na ako para pumunta sa upuan ko. Pero sa kasamaang palad ang kaibigan kong walang hiya ay pinatid ako kaya bumagsak akong nakapikit pero may isa akong tao na kinapitan. Hindi ko alam kung sino.
Ang nabagsakan ko'y parang malambot na bagay kaya minulat ko ang aking mata at ganoon na lang ang gulat ko dahil sa isang malakas na suntok ang bumungad sa akin.
"Hayop kang animal ka! Pati first kiss ko ninakaw mo pa! Napaka walang hiya mo! Umalis ka sa harapan ko at baka masuntok ko iyan ulit!" malakas na sigaw ni Dianne sa akin kaya naagaw nito ang atensyon ng lahat. Si Dianne pala ang nahalikan ko!
Sh!t ang sakit ng suntok ng babaeng to sa akin!
"Hindi ako hayop, babae! Sorry naman kung nakuha ko iyang first kiss mo dahil hindi ko naman sinasadya na mahalikan ka! At sa tingin mo papayag din ako na makuha mo ang first kiss ko?" singhal ko rin sa kanya habang hinawakan ko ang mata kong sinuntok ng babaeng to at siguradong naging kulay ube na ang mata ko. Sobrang sakit talaga ng pagkakasuntok nito sa akin.
*end of flashback*
Diba ang saklap ng natamo ko? Makakagante rin ako sa kanya.
Nabigla ako ng may malamig na bagay ang dumampi sa kanang mata ko.
Kaya bigla akong napatingin at doon ko nakita si ma'am Cleah na hawak ang cold compressed sa kaliwang kamay nito.
"Ma'am Cleah, ako na po ang gagamot sa aking sarili at baka malilintikan pa ako kay boss niyan," agad kong kinuha ang cold compressed sa kamay ni ma'am Cleah.
Napatingin ako sa gawi nila at nagulat ako na ang sama-sama ng tingin ni boss sa akin at ang mga loko naman ay napangisi lang sa akin.
"Huh? Bakit naman aber?" nakapamewang na sabi ni ma'am Cleah sa akin.
"Kasi po-" binulong ko na lang ang sasabihin ko at baka maaga pa akong mamamatay.
Ok lang na may black eye ako sa mata pero yung makikita mo ang boss mo na parang papatay na ng tao siguraduhin mong huwag kang magpapakita sa kanya at baka sa hukay na ang bagsak mo at sumakabilang buhay ka na.
"Anong ngini-ngisi ninyong tatlo dyan?" singhal ni ma'am Cleah sa kanila except sa kay boss na parang matutunaw na ako sa sobrang sama ng tingin nito sa akin. Natakot naman ako baka hindi na ako makakalabas ng buhay dito.
"Nothing princess!" sagot ni Skyler sa kay ma'am Cleah.
"We're just enjoying the view miss cleah!" sagot ng walang hiya kong kaibigan.
"Mukhang may maagang mamaalam sa ating apat, hahaha!" wika ni Ryle.
"Ikaw na hinayupak ka!" sigaw ni ma'am Cleah sa kay boss sabay turo sa kanya.
"Kung ano man iyang binabalak mo kay Stephen huwag mo ng itutuloy at baka ang dalawang kamao ko ang tatama sa mata mo!" mahabang sabi ni ma'am Cleah sa kay boss na ngayon ay umamo ang mukha.
"Wife, I didn't do anything to him!" maamong sabi nito sa kay ma'am Cleah. Grabe naman si boss naging masunurin sa kay ma'am Cleah. Na under pala eh haha.
"Ang isang boss ko ay under pala ng kapatid namin?" sabi ni Ryle sabay tawa.
"Why are you all laughing at me, morons?"
"Ay bahala nga kayo dyan. Aalis na ako dito! Palibhasa gulo yung iniintindi ninyo!" sigaw ni ma'am Cleah at lumabas na.
"Wife, wait for me!" sigaw ni boss at saka sinundan si ma'am Cleah na lumabas.
"Hahaha! May muntik ng mamatay!" natatawang sigaw ni Skyler.
"Muntik ng may mamatay pero sino naman yung under?" sigaw ni Bryle.
"Tsk! Lalayas na nga ako dito. Mga walang hiya kayo!" sigaw ko at lumabas na rin sa palasyo ni boss.
Makakaganti din ako sa inyo. Kasama ka na doon Dianne! Ang sakit sakit talaga ng suntok niya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top