Chapter 10: Searched
CLEAH JEAN POV
Nakatayo lang ako rito sa kanilang likuran at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.
“Hi!” sabi ko pero parang wala silang narinig at hindi rin nila ako nakita kasi nakatalikod sila sa akin habang nag-uusap.
Eh sino pa nga ba ang pinag-uusapan eh ako lang naman.
“Alam mo besh, ang swerte siguro ng asawa ni Mr. Ford noh?” tanong ng isang babae sa kasama niya.
Sana all ang daldal nilang dalawa. Parang wala silang pakialam at hindi pa naririnig ang mga sinasabi ko dito sa likuran nila.
At ano raw? Ako maswerte sa hinayupak na iyon? Eh parang bipolar nga yun huh at wala pang manners sa mga paligid niya.
At hello nandito po ako na kanina pa nakatayo.
“Siguro besh! Sana makilala na natin ang asawa ni Mr. Ford noh?” saad naman ng isang babae.
“Oo, besh. Sana mameet na natin siya.”
Tingnan ninyo kaya sa likuran para makita na ninyo ako, haler!
Kaya mas lumapit pa ako ng kaunti sa pwesto nila.
“Hi!” sabi ko. Medyo nilakasan ko na ang sinabi ko para naman marinig nila na may tao pala sa likod nila noh!
Parang effective naman kasi naagaw ko ang attention nilang dalawa at lumingon pa ng sabay.
“Hala besh may dyosa bang bumaba sa langit?” tanong ng isang mistisang babae na ngayon ay nakatulalang tumingin sa akin.
Kaya siniko siya ng kasama niyang babae.
“Umayos ka besh! Hindi siya dyosa na bumaba galing sa langit kasi tao siya! Kaya umayos ka!” singhal nito sa kaibigan niya kaya napatawa ako sa kanilang dalawa.
“Ay sorry po miss. Napagkamalan pa kitang dyosa na bumaba galing sa langit, hehehe!” hinging paumanhin na sabi nito sa akin.
“Ayos lang po,” sagot ko sa kanya.
“Ay teka miss, baguhan ka ba na empleyado rito? Kasi ngayon lang kita nakita?” tanong nito sa akin.
Ang daldal nga nilang dalawa parang si ako hahaha.
“Ah—eh ano kasi,” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may mga taong naka men in black ang suot at nag hiwa-hiwalay na parang may hinahanap.
“Dalian ninyo! Hanapin na ang asawa ni boss kung hindi natin siya mahanap baka tayong lahat ang malilintikan!”
Mga tinig na nagmumula sa likuran namin.
Nako po! Pinahahanap na niya ako?
“Ano kasi— may CR ba dito?” tanong ko habang hindi lumilingon sa likuran.
“Ay pasensya na miss, pero walang CR dito eh,” sagot nito sa akin. Kaya napaabante ako ng lakad at dumistansya ng bahagya mula sa kanila.
“Ah ganun ba?”
“Excuse me miss, nakita ninyo ba ang asawa ni Mr. Ford?” sulpot ng isang lalaki sa pwesto ng dalawang babae. Kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
“Hindi po namin alam kung sino po ang asawa ni Mr. Ford.”
Narinig ko ang sinabi ng isa since hindi ko pa alam kung ano ang kanilang pangalan. Pero base sa narinig ko ay tinig iyun ng mistisang babae kanina.
“Ito po ang asawa ni Mr. Ford,” sabi ng lalaki sabay pakita ng larawan ko.
“At kung nakita ninyo po siya pweding sabihin o hindi kaya ay tawagan ninyo itong numero?” pagpapatuloy nitong sabi sa kanila.
Naku po! Sana huwag naman nila akong ituro dito para malibre ko sila kahit ano basta huwag lang ako nilang ituro. Huwag please gusto ko pa ditong gumala.
“Ah ito pala ang asawa ni Mr. Ford, kuya,” sagot niya.
“Oo miss. If possible na makita ninyo siya ay agad ninyo na pong tawagan ang numero na iyan,” sabi ng lalaki sa kanila.
Nakita kong tumigin ito sa gawi ko ang mistisang babae at ang kaibigan nito.
Kaya bigla naman napatingin sa gawi ko ang lalaki pero agad ko naman naiyuko ang ulo ko at hinalungkat ang sling bag kong dala na parang may hinahanap kahit wala naman.
Mabuti na lang dahil natabunan ng buhok ko ang mukha ko kaya hindi nito nakita at mabuti na lang na hindi ko naipusod ang buhok ko. Kung nagkataon siguro ay mahuhuli na ako nitong lalaki. Wala talagang hiyang hinayupak na iyon!
Ano akala niya sa akin lalabas na lang basta-basta? Nandito lang naman ako sa company niya at gumagala ng mag-isa ah!
Akala niya naman sa akin biglaan na lang mawawala, tsk! Gusto ko lang naman gumala sa kabuuan nito.
“Sige po Mr., kung makita po namin siya ng mga kaibigan ko ay agad namin tatawagan ang number na ito o hindi kaya ay ipaalam namin sa mga kasamahan mo,” sagot ni mistisang babae sa lalaki.
“Sige miss, aalis na po ako at para mahanap na namin siya kaagad,” pagpaalam na sabi ng lalaki sa kanila. Pero bago siya umalis ay tumingin pa ito sa gawi ko pero patuloy ko lang hinahalungkat ang sling bag ko at nakayuko pa rin. Pero nagpanggap lang ako na may hinahanap sa sling bag kahit wala naman.
Narinig ko pa na tinawag niya ang kanyang mga kasamahan at nilisan na ang lugar na ito.
Nakahinga naman ako ng maluwag at mabuti na lang na hindi nila ako itinuro sa pwesto ko.
“Ah miss, wala na po ang naghahanap sa iyo kaya safe ka na po,” sagot ng kaibigan ng mistisang babae sa akin.
“Salamat sa inyong dalawa at hindi ninyo ako itinuro sa mga tauhan ng asawa kong hinayupak!” pagpapasalamat ko sa kanilang dalawa at ngumiti.
“Wala po iyon miss, dahil handa po kaming tumulong sa taong nangangailangan din ng tulong, pero sorry pala sa inasal naming dalawa ng kaibigan ko,” sagot niya sa akin.
“Okay lang po iyun pero gusto ko sanang elibre ko kayong dalawa bilang pasasalamat sa tulong ninyo ngayon sa akin,” sabi ko sa kanilang dalawa.
“Ay huwag na po miss, asawa ka po ng boss namin at baka po mawalan kami ng trabaho pagnagkataon,” sagot ng mistisang babae sa akin.
“No, hindi naman kayo mawawalan ng trabaho kasi wala naman kayong ginawang kasalanan sa akin, besides tinulungan ninyo pa nga ako sa mga tauhan niya,” nakangiting sagot ko sa kanila.
“Sige na besh, huwag na nating tanggihan ang grasya. Saka libre niya naman eh at saka gutom na ako!” maktol ng kaibigan niya.
“Ikaw talaga besh, kahit kani-kanina lang tayo kumain eh gutom ka na naman!” singhal ng mistisang babae sa kaibigan niya kaya napatawa ako sa mga inasal nila.
“Eh kanina pa kaya ‘yun! Saka meron isang anghel na bumaba sa langit upang elibre tayo ngayon kaya please besh huwag na nating tanggihan! Saka asawa ng boss natin ito kaya dali na!” sagot nito.
“Tama na ‘yan baka mag-aaway pa kayong dalawa. At isa pa gusto kong makilala ko kayo at malaman yung mga pangalan ninyo dahil kanina pa ako naguguluhan sa inyong dalawa,” sabi ko sa kanila.
Kaya napatahimik silang dalawa at tumingin sa isa't-isa at tumawa agad.
“Ikaw kasi ayaw pa makinig sa akin!”
“Tsk! Magpakilala na nga tayong dalawa dahil naghihintay na ang asawa ni Mr. Ford,” sagot nito.
“By the way miss, my name is Natasha Marie Sandoval,” pagpapakilala ng mistisang babae sa akin.
“At ako naman si Leah Gonzalez,” pagpapakilala din ng isang ito.
Hala! Sayang naman at Leah ang name niya kung nagkataon magkapareho siguro kami ng name.
“Hello to the both of you, I'm Cleah Jean Villa Ford, nice meeting you two!” nakangiti kong pagpapakilala sa kanilang dalawa.
“Nice meeting you too Ms. Cleah Jean!” sabay-sabay nilang pagbati sa akin.
“Tara na at eh treat ko kayong dalawa,” sabi ko. “At isa pa pala, saan ninyo gusto kumain?” tanong ko.
“Kahit saan na lang po Ms. Cleah!” sabi ni Natasha.
“Okay, Libre ko kayo sa jollibee! Ano payag kayong dalawa?” tanong ko sa kanila. Ngumiti sila at napatango.
“Sige Ms. Cleah,” sagot ni Leah sa akin.
*fast-forward*
Nandito na kami ngayon sa jollibee at ang nag order ng makakain namin ngayon ay syempre ako!
“What is your order Ms.?” tanong ng isang babae sa akin.
“Uhm, 3 spaghetti with hamburger and fries. Samahan mo na din ng 3 coke at 3 sundaes,” sagot ko at ibinigay ang credit card ko para makabayad na.
“Ok Ms. just wait for 15 minutes,” sabi nito at may ibinigay na number sa akin at isinauli na rin nito ang credit card ko.
Kaya lumakad na ako at tinungo na ang pwesto nila Natasha at leah na naghihintay sa akin habang ito'y walang imik.
“Ms. Cleah, Ilan taon ka na po?” tanong agad ni Leah sa akin pagka-upo ko.
“19 years old,” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Ang bata mo pa pala miss Cleah,” sabay na sabi nilang dalawa na hindi makapaniwala.
“Alam mo miss Cleah, ang ganda-ganda mo po. Parang isang dyosa na bumaba sa lupa, hehehe!” parang batang sabi ni Natasha sa akin habang pumalakpak.
“Hoy Natasha! Mahiya ka naman oh kahit ngayon lang dahil kaharap natin ang asawa ni boss at saka tigilan mo nga ang pagka childish mode mo para kang batang nagpaparty. Siguro mas mabuti pa na ipadala kita sa mental!” sermon ni Leah kay Natasha na ngayon ay nakanguso na sa kanya.
How cute she is pero mas cute pa rin ako.
“Oo na! Ikaw na Leah, kahit kailan talaga grabe ka magsermon sa akin. Parang wala ng bukas ang pagbunganga mo,” nakapuot na sabi ni Natasha sa kanya.
Kaya napa-iling na lang ang ulo ko dahil sa bangayan nilang dalawa.
Ang sarap din pala nilang kasama parang si Dianne lang din dahil ang ingay din niya kapag siya ang kasama ko.
But speaking of Dianne, sigurado akong bungangaan niya talaga ako nito. Grabe rin kasi ‘yun manermon sa akin.
Bahala na si batman o si superman sa sasabihin ko sa kanya.
Narinig ko naman na tinawag na ang number ng na order ko, kaya tumayo ako at tinungo agad ang order kong pagkain. Pagkatapos kong makuha ay bumalik na rin ako sa pwesto nila at binigay ang pagkain sa kanilang dalawa.
Sumasabay din ako minsan sa asaran nilang dalawa dahil pinagkaisahan namin si Natasha.
Hanggang sa natapos na kami kumain ay bumalik na rin kami kaagad sa company. Sigurado akong hinahanap na ako ng asawa ko. Bahala na kung mapagalitan man ako pero hindi ako papayag. Sayang naman yung oras at araw ko kung hindi ko man lang malibot ang company niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top