Yahi-Sky

SKY'S POV

Nilingon ko si Jarred na naka titig sakin ngayon. Hindi ko maintindihan tong taong to. May pagkakataon na napaka kulit nya at may panahon naman na eto nga, naka titig sya at para akong binabasa.

"Wag ka nga tumitig." naiilang na sabi ko pero ang gago, lalong lumapit sakin at tumitig pa! "A-Ano?!" ako

"Blooming ka ngayon." nang laki yung mata ko.

"Hindi no! Bakit naman ako mag bo-bloom eh kita mo na ngang nag--" hindi ko na natuloy ang sasabihin na 'nag mo-move on palang ako'

"Nag?"

"Wala. Alis na ako. Kung aalis ka rin, pwede ba, patayin mo yung aircon ng kwarto ko! Saka yung pagkain na niluto ko, ubusin mo muna! Wag ka mag alala, wala masyadong carbs yan!" sigaw ko habang papalabas.

"Opo Nay! Uubusin ko po!" sigaw nya din at sinara ko na yung pinto.

Pag labas ko ng elevator dito sa parking lot ay didiretso na sana ako sa kotse ko ng may nag takip ng mata ko. Sa amoy palang na strawberry, di ko na kailangan huluan kung sino. Hinawakan ko yung kamay nya at tinaggal sa pagkaka takip sakin.

"Sabi na nga ba. Anong ginagawa mo dito? Nasa taas si Jarred." ako

"Pero hindi naman si Stormy ang pinuntahan ko kung di ikaw." sumeryoso ang mukha ko at tinignan si Yahiko na naka ngiti sa akin. Hanggang ngayon, naiilang ako.

"May pupuntahan ako." mag liliwaliw ako.

"Samahan na kita."

"Di na kailangan. Palagi nalang tayo mag kasama. Di ka ba nag sasawa?" ako. Ilang araw na syang naka dikit sa akin.

Alam kong nag papalipad hangin sya pero hindi. Hindi ko maramdaman sa sarili ko na magugustuhan ko sya. Umiwas na ako ng tingin at dumeretso sa kotse ko pero di ko pa man yun nabubuksan ay may dalawang braso agad ang nag kulog sa akin. Naka lapat ang kamay nya sa kotse ko habang ramdam ng likod ko ang mainit nyang dibdib.

Kilabot.

Yun ang ang lumukob sakin kaya napa harap ako. Wrong move! Ang lapit na ng mukha nya sakin, ramdam ko yung hinaga nya sa ulo ko. Nag iwas ako ng ting at pilit na sinisiksik ang sarili sa likod ko d-dahil ramdam ko na yung junior nya sa sikmura ko. HONG LOKE!! Pucha, ang laking tao naman kasi nito, mas malaki pa kay Akiko!


Nilagay ko yung kamay ko sa dibdib nya at tinulak sya pero hinawakan nya lang iyon. Puta, naiilang na ako!

"Y-Yahiko, l-lumayo ka nga. Nakaka ilang na." bulong ko dahil ayaw ko gumawa ng iskandalo dito.

"What if I said I don't what to? What are you gonna do?" mahinang tanung nya sa tenga ko na nagpa taas ng balahibo ko.

Kinuha ko na ata lahat ng lakas ko saka sya tinuak. Nag mamadali kong binuksan yung kotse ko. Pag upo ko palang ay nagulat na ako dahil mabilis syang naka kilos at naka pasok narin sa kotse ko. Naka ngiti sya ng malapad habang prenteng naka upo sa shotgun seat ng kotse ko.

"Lumabas ka." ako

"No. Sasama ako sayo. Mahirap na ang panahon ngayon. Maraming na nununggab." aka ngiti nyang sagot sakin.

"Pwede ba? Wala akong oras makipag laro sayo. Pupuntahan ko pa yung interview na papasukan kong kumpanya!" oo. Tinawgan kasi ako ang may interview daw ako sa pinag apply-an ko. Mag liliwaliw din ako pag tapos.

"Edi sasamahan na kita. Saka di naman tayo mag lalaro, mag de-date kaya tayo." naka pout na sabi nya. Napa pikit naman ako. Bakit ba kasi ang cute nya kahit malaki sya!?

"Tigilan mo nga yang kaka nguso mo. Ang laki-lake mo tapos gumaganyan ka!" saway ko sa kanya pero ngumisi lang sya sakin.

"I'm huge, I know it." naka ngisi nyang sabi sabay himas sa bandang puson nya. Di ko na napigilan ng sapakin sya at huli na bago ko pa marealize ang nagawa ko. Naka nguso na sya at naka talikod sakin habang namumula yung panga nya at kaliwang tenga na na natamaan ko. Fuck, baka patayin ako ng kakambal nya!

"Hoy." kalabit ko sa kanya.

Hindi sya kumibo.

"Yahiko." tawag ko pa sabay kalabit sa likod nya. Umiwas lang ang gago. Nag tatampo na!

"Sorry na, okay? Ang bastos mo kasi!" naiinis na sabi ko. Lumingon sya sakin ng onti. Kitang kita ko yung matulis pero mapula nyang nguso. Letche!

"Parang di ka pa nakaka kita ng putuytoy na lalake. Para lang naman iyong lollypop na may cream sa loob na pag sinubo mo mag kakatas. Dapat di ka nagagalit sakin. Si Yahiro nga kahit kailan di ako sinaktan. Tapos ikaw dahil lang malaki ang putuytoy ko, sinapak mo na ako!"

Natulala ako sa kanya.

Paano nya nasasabi iyon sa inosenteng mukha at tono habang naka nguso at namumula ang pisngi!? Napunta na ata lahat ng dugo ko sa mukha ko habang naka nganga sa kanya.

P-Putuytoy?

Di'ba pag bata lang ang sinsabihan nun dahil maliit pa? Sisiw, kung baga. Di'ba dapat pag ganyan kalaki na sa kanya ay agila na o b-b-b-AAHHHH! Osige, putuytoy nalang! Ang panget pakingang ng nasa utak ko eh!

Nabalik nalang ako sa huwisyo ko ng iangat ni Yahiko yung baba ko. Hinawi ko yung kamay nya saka tumingin sa iba. Hayup, napaka nya! Tumatawa sya kaya mas namula ako. Agad ko pina sibad yung kotse ko at dumeretso sa kumpanya na kailangan ako.

"Hintayin mo'ko--"

"Ayaw ko mag stay dito. Gusto mo ba akong mawala?" naka simangot na sabi nya.

"Ba't ka kasi sumama? Antayin mo ako, pag tumagal ako, umuwi ka na." pag tataboy ko sa kanya at saka pumasok na sa loob.

Pag dating ko duon ay sinalubong agad ako ng babae. Dinala nya ako sa isang opisina. Tahimik ako nag hintay duon hanggang sa may dumating na lalake na nasa edad fourty plus siguro? Singkit ito at halatang respetado. Hindi ako kumibo at tumayo. Nakipag kamay ako.

"Good morning sir.." di ko alam pangalan nya.

"Call me Mr. T, that's what everyone calls me. Have a seat please, Ms. Tsui." nangunot yung noo ko dahil alam nya kung sino ako. Oh well, nasa kanila nga pala yung papel ko.

"Thank you." sagot ko.

Pinag usapan lang namin ang mga bagay na gagawin ko. Ewan pero mataas agad ang binigay sa akin dahil narin sa mga records ko. Pati ang sahod ay nag usapan namin, tatawagan nalang daw ako kung kelan ako mag sisimula.

Nag paalam na ako pero di naka ligtas sa mga mata ko ang taimtim nitong pag tingin sakin. Iba ang pakiramdam ko sa lugar na iyon. Sa tingin ko dapat kong pag isipan maigi kung tutuloy ba ako sa pag pasok sa trabahong iyon.

Hinanap ko agad si Yahiko. Nakita ko naman syang naka halumbaba sa reception area. Ang dami ring naka titig sa kanya. Lumapit na ako, nakita ko yung mga kinain nya at napa iling.

"Chocolate? Di kaya sakitan ka ng ipin dyan?" ako. tumayo naman sya at yumakap sakin.

"Eh ang tagal mo kaya. Nagutom ako tapos sakto naman na binigyan ako ng mga sweets ng dumadaan dito." naka nguso nyang sabi.

"Gago ka, mamaya nilalason ka na di mo pa alam!" nang laki naman yung mata nya at namutla. Tinignan nya ako na parang di mapakali at mahawak ang bibig. "Problema mo?"

"P-Paano nga pag nalason ako? Paano pag namatay ako? Paano yung magiging babies ko? Paano na!?" tarantang sabi nya. Nangunot naman yung noo ko. Babies?


"Ang paranoid mo! Kita mong ikaw mismo nag bukas ng mga yan, malamang walang lason yan!" sigaw ko. Hinatak ko na sya papuntang kotse. At kagaya kanina, ako yung nag drive.

Nag punta kaming Jollibee dahil gutom na daw sya. Hinayaan ko na sya mag order. Nakahalumbaba ako habang naka tingin sa labas ng may makuha ng atensyon ko. Yung couple sa labas. Ganyan din kami ni Akiko. Gusto nya naka hawak sya sa bewang ko kahit saan kami mag punta.

I miss those times na wala kaming pakielam sa iba. Kung pwede lang bumalik yung dati, ginawa ko na.

I was taken aback when gossips of woman are all over the place. Nang laki ang mata ko nang mapag sino ang pinag uusapan nila. Si Yahiko na may kasama pang crew sa likod dala yung order nya. Sa sobrang dami nun, parang nalulula ako!

"Yay! Ayan, kakain na tayo kase gutom na gutom ako!" sabay palakpak nya.

"Kaya mo ubusin yan?" nakikita ko palang yung apat na sundae, at tatlong cokefloat ay nauuta na ako!

"Oo naman! Pero syempre dalawa tayo dito! Para lumaki ka. Diba? Pansin ko kasi bansot ka sa lahat ng aspeto. I mean, your breast are small. Your height is low average, hanggang dibdib lang kita! Tapos payat ka pa na parang tingting." tumaas yung kilay ko kasabay ng sulok ng labi ko. Gago to ah.

"Nilalait mo ba ako?" pekeng ngiti na tanung ko. Nag pout sya at sinawsaw yung fries sa sundae at kinain iyon. Nag simula narin ako kumain.

"Hindi ah! Sinasabi ko lang yung totoo!" naka pout na sabi nya sabay kain ng burger at inom ng COKE without FLOAT.

"Hindi ako bansot. Malaki ka lang."

"Yeah, right! Alam kong malaki  ako! Pag uusapan na naman ba natin yan?" naka ngising sagot nya. Parang namula uli ako. Gago talaga, manyakis pa sa kapatid nya!

"Busog na ako." inis na sabi ko. Tumayo na ako at aalis na pero hinatak nya ako. Pinag titinginan na kami.

"Di ka pa nga kumakain, busog agad? Kain ka muna dito, tignan mo sobrang dami kong inorder para satin." naka nguso nyang sabi. Namumula na naman yung pisngi nya at mag kasalubong ang kilay.

"Madali lang ako mabusog."

"Kahit na! Dapat samahan mo ako! May date tayo diba?!" sigaw nya at.. N-Nag simula na sya mag tantrums.

"Tigilan mo nga ako Yahiko!" saway ko. Kung dati gustong gusto ko pag nag papacute sya, ngayon pakiramdam ko hindi sya yung taong gusto ko lagi kasama.

"Pero.. P-Pero hinantay kita.. Mahigit isang oras ka kaya duon.. Tapos kakain lang tayo ayaw mo pa." bulong nya at naka yuko. Nang silipin ko sya ay sunod-sunod na yung luha sa mata nya. Pinunasan nya iyon pero di huminto.

Pinag titinginan na kami at may nag bubulungan narin. Agad ko pinunasan yung luha nya saka sya yinakap. Hindi sya kumibo pero panay ang punas nya sa luha nya.

"Nakakainis.. Ayaw tumigil ng luha k-ko." bulong nya.

"Wag mo ako isumbong sa kapatid mo." bulong ko din.

"Ewan ko sayo." nararamdaman kong naka nguso sya.

"Ilang taon ka na ba at para kang bata kumilos."

"Twenty five palang ako. Bata pa ako no." sabay singhot nya.

"Bata para sa trenta anyos na nasa paligid natin. Umayos ka na nga, kala ko ba may date tayo?" ako.

Agad naman sya lumayo sakin. Nag niningning yung mata nya habang naka tingin. Mabilis syang tumango. Wala pa atang fifteen minutes ay tapos na syang kumain. Pag labas namin ay ang aliwalas ng mukha nya.

Yumakap agad sya sa braso ko kaya di na ako kumibo. Minsan tinutulak ko sya pero bumabalik sakin. Iniwan ko muna yung kotse ko sa Jollibee para tipid sa gas.

"San tayo pupunta? Bili tayo ng payong at sunblock, baka mangitim ako." naka ngusong sabi nya. Napa irap ako.

"Ang arte mo naman. Si Akiko, kahit tirik ang araw nag lalakad." huli na para mabawi ko yung sinabi ko. Ng tignan ko sya ay seryoso na syang naka tingin sakin. "S-Sorry."

Nag patiuna na akong mag lakad pero pag lingon ko ay naka tayo lang sya duon. Malalim ang iniisip. Balaka ko sana balikan sya pero may nag salita.

"Don't you dare, angel."

Bulong ng pamilyar na boses. Daling nanlamig ang katawan ko at nilingon kung saan galing iyon pero wala naman tao. Pakiramdam ko, nasa paligid lang si Akiko. Alam ko iyon dahil ramdam ko. Bumilis yung tibok ng puso ko.

Lumapit na ako kay Yahiko pero balisa parin ako. Ramdam ko rin na may nakatingin lang sakin. Seryoso parin ang mukha ni Yahiko. Ng tignan nya ako ay ngumiti lang sya ng tipid saka tinulak ako.

"Mauna ka na umuwi. May puputahan pala ako." mahinang sabi nya at saka tumalikod na, nasa bandang iskinita na sya pero hinawakan ko sya sa braso. Malungkot sya alam ko.

"I'm sorry.." bulong ko.

"Don't be. Ako lang naman ang may gusto na ipag sisikan ang sarili sayo. I know my brother has your heart. Just.. Just be careful." naramdam ko ang pag halik nya sa gilid ng labi ko.

Hindi ako naka galaw. Kusang pumikit ang mata ko ng kumilos ang labi nya. Naramdaman ko ang init ng labi nya sakin. I felt his lips deepen against mine as his hand arms wrapped around my waist and the other one at the back of my neck. He nibble it and too late for me when he bit it and I gasp.

His tongue seek for entrance and it did well. Naramdaman ko nalang yung pader sa likod ko. I groan when he pinned me against it kaya napa tingkayad na ako habang naka ipit sa katawan nya at sa pader.

My mind is saying it shouldn't be happening but my body wants it! It longed for body warmth.

"Sky.." he said between our kisses. I open my eyes but hie eyes are close. Unti-unti iyong bumakas. Nakita ko agad ang brown nyang mata.

Then Akiko's face pop inside my mind. Naitulak ko sya ng wala sa oras at napa hawak sa labi ko. Agad nag init ang mata ko at nag tuluan ang luha duon. Mali ang g-ginawa namin. Hindi dapat ako nag padala sa sitwasyon.. Pakiramdam ko nag tataksil ako.

"What happened?" he said with a husky low voice. He wipe my tears but I shurg.

"I-I'm sorry.. This is not right." basag ang boses na sabi ko.

"Nothing is wrong.. Because we meant to do this. Matagal na dapat natin to ginawa." naguguluhang tinignan ko sya.

"W-What do you mean?" ako

"I'm supposed to be your fiance. And your husband at this time pero nag step back ako. Dapat kasal na tayo ngayon at may pamilya, Sky, and your brother knew about it all along.. Pero mahal ka ng kapatid ko, mahal ka nya at.. mahal mo sya. S-So yeah.. It is wrong." sabay hilamos nya sa mukha nya ng palad nya.

Natitigilan naman akong tinignan sya. So Akiko has nothing to do with everything?

"Everything is wrong.." bulong ko. Mali ako. Mali lahat ng ginawa ko.

"But Sky I like you. Let me help you forget about him."

"But I don't. Let's stop this.. I can't love anyone else. Si Akiko lang ang mahal ko.. I'm sorry, I have to go."

Umalis na agad ako. Parang nang lamig ang buong paligid. Nag unahan tumulo ang luha ko. Pinag akusahan ko si Akiko. Pero bakit di nya sinabi sakin lahat? Bakit? Paano na kami, ano nang mangyayari samin? Sakin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top