Twins or Triplets
Nasa harapan ako ngayon ng gate ni Yuki. Tinamad ako pumasok kaya eto, ibibigay ko yung files. Letche, sana natutulog ako ngayon, di'ba? Pag pindot ko sa doorbell bigla'ng may nag salita sa gilid. Bwisit, ano yun, multo!? Okay, tama na. Mahirap mag panggap na maang ako. Meron nyan sa bahay ko.
[Sino po ito~?] t-teka? B-Bata ba yun? Hindi! Malaki na yung boses!
"A-Ah.. Andyan po ba si Prof Yuk-- Este si Sir Akiko?" Narinig ko'ng may mga nalaglag na bagay duon saka bumukas yung gate.
[Sige, pasok ka na! Ay! Teka, wait mo ko dyan kasi malayo pa yung gate sa house~!]
Hindi ko alam. Nalaglag ata yung panga ko ng may makita'ng nag ba-bike na lalaki at.. Teka.. May wheel supporter yung bike nya! Teka, ang laki nya na hindi pa rin marunong mag bike!? Tinitignan ko sya. May helmet din sya at gear na suot katulad ng mga skaters.. Yung t-shirt nya ay may printed na bear na naka baseball cap. Naka cargo shorts din sya at naka rubber.
Ano sya, may pagka Budoy?
Matamis ang ngiti'ng ibinigay nya sakin at ganun din ako. Tinignan ko sya saka yung.. yung bike nya at nginitian nya ko. Ang gwapo nya.. oo na.. gwapo na talaga sya.. nakaka tunaw ng plastic yung ngiti nya.. pero mas gwapo si Yuk-- hindi..
"Hi! Ikaw yung nitawag kanina? Ako yung kausap mo eh." feeling ko may flowers sa paligid nya. Blooming ba sya?
"A-Ah opo. Andyan po ba si Sir Aki?" ako
Hindi sya sumagot pero hinatak nya ako't pinaupo sa likod nya. May angkasan? Nag simula sya'ng mag pidal pero naka tingin lang ako sa kanya. Tinignan nya ako at kumunot ang noo. Ayoko isipin na si Yuki to.. Pero xerox ang mukha nila.
"Hey. Kapit ka sakin kasi mahuhulog ka!" ako naman, kumapit. Sabi nya eh. Amputek, ang bango nya, amoy baby! Naka johnson baby cologne sya!
Pag pasok namin sa bahay ni Yuki ay iikot sana ako pabalik ng hatakin uli ako ng lalaki. Hindi ko napigilang mapa kunot-noo dahil may naririnig ako'ng nag tatalo sa isa'ng kwarto. Kahit di ko lapitan, naririnig ko ang pag sigaw ni Yuki. So hindi talaga si Yuki to'ng kamasa ko?
[Ugh! umayos ka kasi!] Y-Yuki?
(Teka lang! Ang laki ko, hindi ako makapasok!) Lalaki.. teka..?
[Shit! Yahiro, umayos ka! Ba't kasi dinamay mo'ko!? Nasan na ba si Yahiko!?]
(Psh! Just be thankf-- Ah I can't enter you! Make my path wider, Akiko!)
[Tss!]
Daig ko pa yung binuhusan ng kumukulo'ng tubig. Ang init ng buo'ng mukha ko. Takte, anu'ng ginagawa nila sa loob! So ito yung issue nya kaya di sya pumasok!? Nag abala pa ako tapos kabalbalan lang ang madadatnan ko!? Kung nag practice nalang ako para sa pageant o natulog!?
Nahalata ng lalaki yung pamumula ko kaya tumawa sya. Wala na yung gear at helmet nya. Nakita ko si Kuya Donald at halatang nagulat sya pero ngumiti. Hinawakan nung lalaki yung kamay ko saka dumeretso dun sa kwarto. Ayoko pumunta pero ang lakas nya at nahatak ako.
Ang alam ko na lang ay humahagalpak ako ng tawa. Tawa na sya'ng nakapag pahinto sa ginagawa nila'ng dalawa.
"SHIT! ANGEL!?" Yuki
"Oh.. Hi there, Angel!" sabi ng lalaki
Natulala uli ako. Iisa lang yung mukha nila'ng tatlo. Nag palipat lipat yung tingin ko sa kanila. Mag kakamukha sila pero mas malaki lang yung dalawa kesa kay Yuki. Matapos yun ay napa tingin ako sa lapag at humagalpak uli.
Namumula na si Yuki!
Nag lalaro sila ng color game. Yung bawat color na ma-assign sa kanila ay dapat nila'ng mahawakan. Yun ang nilalaro nila'ng dalawa. Ang akala ko ay kung anu na! Tumalikod ako at humagalpak pa ng tawa habang kumukuha ng balanse sa frame ng pinto.
Naka upo na kami dito sa veranda. Ang sama ng tingin ni Yuki sakin pero nginitian ko lang sya. Tinignan ko yung dalawa pa'ng lalaki na naka tingin sakin. Ang gwapo nila! Dapat sila'ng mapuri!
"Ang gwapo nyo. Iisa yung mukha nyo pero iba yung dating ng bawat isa." seryoso. Gwapo sila!
"You make me flattered naman. I'm Yahiko, brother ako ni Akiko-chan namin!" sabay kiss nya sa pisngi ko. Shit, nag blush ako. Sya yung naka bike. Ang bango, men!
"Hoy Yahiko, akin yan!" Yuki. Sinimangutan ko sya. Pampam.
"Aki, I told you to call us 'Nii-san'. Anyway Angel, I'm Yahiro, their brother." sabi nya saka halik sa kabilang pisngi ko.
"Psh! Her name is Sky. What are you doing in a place like this?" sya.
Bakit ba blangko yung mukha nya? Kahit mainit ulo nya, blangko pa rin ang ekspresyon nya. Inabot ko yung files sa kanya saka tumayo na. Nawalan tuloy ako ng gana. Pasalamat sya, kahit pogi nasa paligid ko, sa kanya naka tuon ang tingin ko.
Tinignan nya lang iyon saka tumingin sakin. Binigyan ko din sya ng blangko'ng tingin saka humikab. Nakita ko'ng nagulat yung dalawa kaya nag lakad na ako paalis. Huminto din ako saka tumingin sa kanya. Ang sama ng tingin nya sakin.
"Prof Yuki. Inform ko lang. Mananalo kami sa pageant. And if that happened. Date with me." flat tone na sabi ko.
Ewan, resulta ng hindi ko pag tulog kaya ganyan ang lumabas sa bibig ko. Wala naman ako'ng pinag sisisihan. Bukod lang sa ekspresyon nya na kulay pula at saka ngumiti ng nakakaloko. Tuluyan na ako'ng umalis at dumeretso sa school. Yayain ko si Isma na mag praktis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top