The Tsui II
Pag dating sa ospital ay agad dinala yung babaeng kasama ko sa emergency room. Hindi ako mapakali. Tinignan ko yung gamit ng babae at gusto ko mag alangan. Ang mamahalin ng gamit nya!
Saglit lang din ay lumabas na yung doctor. Tumayo agad ako at saka sinalubong iyon.
"Are you with the patient?" tanong pa nito. Tumango naman ako. "You can take a deep breathe now, hija, she's fine. Sobrang stress lang nya kaya sya nawalan ng malay. Makapag pahinga lang sya ay pwede na syang lumabas mamaya."
"Salamat po." yun lang ang sinabi ko.
Pinuntahan ko na yung babae. Namumutla pa sya. Halata naman na ina na sya dahil sa edad nya. Mamahalin din yung mga gamit nya. Mabuti nalang walang na namantala sa kanya. Pero bakit ba naruon sya? Ang ibig ko sabihin, madalang may pumunta duon at naruon sya. Wala manlang syang kasama?
Lumabas muna ako at saka bumili ng pagkain. Bumalik din naman agad ako pero ng pag dating ko ay gising na yung babae. Ngumiti ako dito at lumapait agad. Kita ko namang nagulat sya kaya napa kamot ako sa pisngi ko.
"Ah.. Kamusta na po yung pakiramdam nyo? Naabutan ko po kayo na walang malay sa public cr malapit sa highway." ako. Naka titig lang sya sakin. "Bumili ako ng pagkain, kumain po muna kayo. Mamaya aayusin ko yung papel para sa bill tapos pwede na daw po kayo maka labas."
Naka yuko lang ako at nilabas na yung pagkain na binili ko. Naiilang akong tignan sya. Pakiramdam ko gusto ko na lumabas ng kwarto nya dahil sa sobrang ilang.
"Are you the one who brought me here?" wow, english speaking.
"O-Opo.."
"I see. Salamat sa tulong. Nakita mo ba yung gamit ko?" wow, marunong sya mag tagalog! Mukha kasi syang foreigner. I mean, a japanese one.
"Ah opo, dala ko po." kinuha ko agad yung bag nya saka inabot ito. Naka tayo lang ako sa harapan nya at tinititigan sya. Ang ganda nya kahit may edad na sya. ng lingunin nya ako ay ngumiti ako. Ganun din sya.
"Anong pangalan mo? I'm Yumeko, just call me Tita Yume." naka ngiti parin sabi nya. Nilahad nya yung braso nya, meaning lumapit ako kaya yun ang ginawa ko. "Ang tangkad mo naman, model ka ba?" sya
"H-Hindi po ako model. At Sky po ang pangalan ko." ako.
"Oh, ang unique ng pangalan mo! Sky.." lumapit agad ako sa kanya ng parang nahilo sya. Inalalayan ko syang maka higa ng maayos.
"Ayos lang po ba kayo? Ah.. Eh.. Tawagin ko lang po yung doctor, dito lang po kayo ha?" tumango naman si Ma'am Yumeko.
Lumabas agad ako ng room. Nalipat narin pala sya kanina nung bumili ako eh. Kanina pa ako paikot ikot dito pero di ko makita yung doctor na naka assign sa kanya. Pumunta ako ng nurse station at sinabing papuntahin agad duon yung doctor pero bago pa man iyon mag agree ay nasa likod ko na pala kaya tumuloy na kami.
Pag dating namin sa room ay nagulat pa ako. Ang daming PSG sa labas ng kwarto. Nag tataka man pero pumasok na kami. May naka talikod na lalake sa amin. Nang tignan ko ay napunta sa akin yung atensyon ni Ma'am Yumeko. Kumaway agad sya sakin kaya napa lingon rin yung lalake.
Hala?
"Sir T?" ako. Sya yung boss ko! Yung papasukan ko next week sa bago kong trabaho!
"Oh, kilala mo pala ang asawa ko? Honey, sya yung batang tumulong sa akin. Ang ganda nya di'ba? Sky, hija come here, ipapakilala kita."
"Po, hindi na po. Ah, yung doctor po kasama ko na." ako
Saglit syang tinignan ng doctor. Hindi ko na nga narinig yung sinsabi dahil ang bigat ng pakiramdam ko sa kwartong to. Pakiramdam ko gusto ko na umalsi sa lugar na ito kung di lang dahil kay Ma'am Yumeko na ang ganda ng ngiti, nakak wala ng kaba.
Wala naman na akong kinalaman sa kalusugan nya kaya sinagot ko na yung nag aalburto kong cellphone. Naka upo lang ako sa maliit na sofa habang yung mag asawa at yung doctor eh nag uusap. Hindi naman ako maingay kaya di na ako lumabas.
"Hello?"
[Where are you? My meeting is done, gala na tayo?] Jarred
"Nasa ospital ako--"
[What are you doing in there? Saan ospital yan, pupuntahan kita!]
"Hindi naman ako yung--"
[Just tell me exactly where you are!]
"St. Jude Hospital. Nasa third floor ako, room 207." sagot ko.
Namatay na yung tawag dahil malapit lang daw ito sa meeting place nila. Ako naman naka masid lang sa mag asawa. Napa ngiti ako. Sana kami ni Akiko, tumagal din ng kagaya ng sa kanila. Umalis na yung doctor pero naka agapay parin si Mr T kay Ma'am Yumeko.
Umalis saglit si Mr T kaya lumapit ako kay Ma'am Yumeko at kinamusta sya.
"I'm fine now hija. High blood kasi ako kaya ganito. You know what, you resemble me of someone I know but lets forget about it. I don't even know where that person is right now." Is it me o talagang malamig si Ma'am Yumeko.. Pero halata naman sa mata nya ang lungkot.
Hindi ako nag salita. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. "Oh alam mo ba, may anak akong lalake? Siguro mas matanda lang sya ng konti sayo! Yun nga lang hindi ko alam kung pupuntahan nya ako once he learn na narito ako." malungkot na sabi nya.
"He will po. Nasa ospital kayo at may sakit. Siguro po mahal na mahal nyo sya." naka ngiting sabi ko habang naka upo sa gilid nya.
"Sobrang mahal na mahal. Nag iisa lang syang anak ko na lalake. My husband and I love him so much. Though he hates us.."
"Po?" ako
"He hates us.. Dahil may ginawa kaming hindi dapat."
"For sure po mapapatawad nya kayo. You're still his parents at the end of the day. Dapat nga mag pasalamat pa sya dahil nariyan kayo Ma'am Yumeko. Ang ganda nyo po kaya at ang bait." natatawang sabi ko.
"Sana nga hija. I love my son so much. Bagay nga yung pangalan nyo eh. You're Sky and he's---"
Bigang bumukas ng malakas yung pinto at niliwal nun ang natatarantang si Jarred.
"Sky!" sigaw nya.
"Storm?"
Napa tingin ako kay Ma'am Yumeko at kay Jarred na namumutla ngayon. Tapos duon naman sa kay Mr T na kakapasok lang ng pinto. Nakita ko yung pag papalit palit ng tingin ni Jarred sa akin. At sa kamay ni Ma'am Yumeko na naka hawak sa braso ko.
"Jarred, bakit nag dadabog ka?" natatawang sabi ko para maalis yung katahimikan.
"Sky.. Kanina ka pa dito? With her?" sya na parang bangag ngayon.
"Oo?" ako
"Storm, mag kakilala kayo ni Sky?" naguguluhan ako kay Ma'am Yumeko pero naka tingin lang ako sa kanila.
"You're here.. Kelan pa kayo na-ospital?" lumapit na ako kay Jarred. Nilingon ko si Mr T, pero nag iwas din ako ng tingin ng makitang naka tingin din sya sakin.
"Storm." tawag ni Mr. T
"We're going. Sky, tara na."
Sumunod lang ako kay Jarred pero ang totoo naguguluhan ako. Kilala siya nung mag asawa. Nilagpasan lang namin si Mr. T. Ang akala ko makaka labas na kami pero huminto si Jarred. Nilingon ko sya. Hindi naman sya galit pero malamig ang ekpresyon ng mga mata nya.
"Get well soon, mom."
Yun lang ang sinabi nya pero para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad ang pag lingon ko kay Ma'am Yumeko na naka titig saming dalawa. Pakiramdam ko nahirapan akong huminga. Jarred just call her 'mom'. So does that mean..
"Storm, saglit lang. Hindi ka ba mag tatagal dito?" Ma'am Yumeko.
"Why would I stay here? For sure, your husband doesn't want us to stay at the first place."
With that hinatak nya na ako palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top